"Ano?" nagtatakang sinabi ni Professor Boyle habang nakatitig kay Gerald. “Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? May tuberculosis lang ang lolo ko! Bumabalik lang ito kapag pagod na siya, kaya huwag na kaming takutin! Umalis ka na lang!" naiinis na sinabi ng babae. "Tumigil ka, Harmoni!" sabi ni Professor Boyle habang dahan-dahang bumangon bago siya tumingin kay Gerald nang may pagtataka. “...Napakdali mong nakita ang kalagayan ng katawan ko, Mr. Crawford... at napaka-detailed pa nito...! Isa kang hidden master!" sabi ng propesor, na naging dahilan para mapatulala si Harmoni. Bago siya makapagsalita pa ay biglang nagsalita ang propesor, "Tama ka, nagsimula akong matuto ng mga breathing techniques noong nasa forties ako, at lalo akong lumakas nang mangyari iyon. Sa isa sa aking mga explorations, pumunta ako sa isang primitive forest upang maghanap ng mga kakaibang halaman... Pero nagkaroon ako ng mga seryosong injuries dahil nakatagpo ko ng isang malaking python! Kahit pa nabali a
“…A-Ano…” gulat na sinabi ni Professor Boyle. Ngumiti naman sa kanya si Gerald saka siya sumagot, “Dalhin mo ako sa iyong garden para makita ko ng maayos ang formation mo, professor…” Pumunta silang lahat sa backyard kasunod nito, at pagkatapos ay huminga ng malalim si Aiden. Ilang sandali lang ay nabuhayan siya ng loob nang sabihin niya, “Jusko! Doble ang cultivation sa lugar na ito!" "Sang-ayon ako sa sinabi mo. Pero gusto kong linawin na mayroong maraming uri ng mga formation, at pwede itong gamitin ng mga cultivators upang mapahusay ang kanilang cultivation o para mapangalagaan ang kanilang mga katawan. Bilang isang magandang halimbawa, kung gusto mong doblehin ang mga resulta ng cultivation ng iyong inner-strength, kailangan mo lang mag-cultivate sa loob ng condensation formation, "sagot ni Gerald. "Hindi ko akalain na magiging marami kang kaalaman sa mga arcane formations, Mr. Crawford!" sabi ng humahangang professor. Sa kabila nito, si Harmoni naman ay galit na sumagot
“Pero… ang mga holy stones ay nasa kamay pa rin ng pamilyang Morningstar... Sa tingin ko ay itinago nila ang lahat ng mga bato sa loob ng bansa! Naalala ko pa nga na ang mga miyembro ng kanilang pamilya na gumagamit ng mas advanced na breathing techniques kumpara sa aking tatay... Iyon ba ang dahilan kung bakit kailangan nila ang lahat ng mga batong iyon?” tanong ni Fayvel. “Sa tingin ko hindi iyon ang rason. Hindi nila kakailanganin ang napakaraming stones para lang mag-cultivate. Ngayong alam ko na ang sukat ng kanilang iniimbak, naniniwala ako na malamang inihahanda nila ang mga ito para sa grupo sa sumusuporta sa kanila! Bukod dito, hindi mo kailangang mag-alala. Ang kailangan mo lang gawin pagkatapos nito ay sundan si Aiden sa kanilang manor at ipakita sa kanila kung ano ang ibibigay ko sayo. Malamang magiging mas masunurin sila at ibibigay nila ang divine stones sayo. Malamang kakailanganin rin ni Aiden ng mga bato para sa kanyang cultivation,” sagot ni Gerald. “Magandang pla
“…Sinasabi mo bang… sundin namin ang iyong naunang plano…?” tanong ni Grand Elder habang ang lahat ay nag-aalalang nagtinginan sa bawat isa. "Tama. Ang pagpipilian natin ay si Gerald o tayo! Palayain natin siya!" sagot ni Third Elder. Matapos ang isang maikling pause, maya-maya pa ay inihampas ni Jaxen ang kanyang mga kamay sa mesa bago sumigaw, “...Sige! Kung may nangyaring hindi inaasahan, papasanin na lang natin ang kahihinatnan! Ituloy natin ang plano!" "…Sang-ayon ako!" dagdag ni Grand Elder sabay tango. Ito ay isang life and death situation. Pagkatapos ng mahabang pag-uusap, ang grupo ng mga lalaki ay kumuha ng susi at nagtungo sa Morningstar manor's dungeon... Mayroong eighteen na pinto patungo sa kulungan at ang bawat isa ay may mga patibong at ang ilan ay sealed ng formation. Nandito ang mga ito para maiwasan ang unauthorized entrance at para din maging mahirap para sa mga trespassers na makatakas. Pagkatapos na dumaan sa mga pintuan na iyon, napahinto ang grupo sa isa
Hindi siya tatanggi sa pagkakataon na makalaya, pero may ibang bagay na bumabagabag sa kanyang isip. Una sa lahat, ang pitong mortal na ito ay bumaba dito nang walang pahintulot—mula sa Thunder Sword Sect—at kapag nalaman nila ito ay kailangan silang parusahan sa kamatayan. Kung handa silang ipagsapalaran ang kanilang buhay para lamang mapalaya siya, ang ibig sabihin nito ay napakalakas ng kanilang kaaway! “…Napakalakas ba talaga niya?” tanong ng matanda. "Oo, at kahit na napakabata pa niya, malamang mas malakas siya kaysa sa tatlong elder ng Thunder Sword Sect! Alam namin ito dahil kahit na matapos ang napakaraming taon ng cultivation, kaming pito ay hindi man lang napigilan kahit isang atake mula sa kanya!” sagot ni Jaxen habang sinisimulan niyang ipaliwanag ang tungkol sa pagkamatay ni Gerald at ng kanyang mga anak... Nagulat ang matandang lalaki habang iniisip niya, '...Hindi ko inaasahan na ang mundo ay nagkaroon ng malaking pagbabago matapos makulong dito sa loob lamang ng
“Matagal na mula nang ako, si Lyndon Moldell, ay naging makapangyarihan! Lumapit kayo dito!" sabi Lyndon habang lumilingon sa pitong lalaki. “…B-bakit, senior…?” tanong ng mga lalaki habang maingat na lumapit sa kanya. “Ibigay mo sa akin ang address niya para makausap ko siya. At saka, kakailanganin kong gawin mo ang isang bagay para sa akin bilang kapalit. Kung hindi, hindi ako makakatulong sa problema mo!" sabi ni Lyndon sabay ngisi. Nagulat sila sa sinabi nito, ngunit pagkatapos mag-isip tungkol dito ng ilang sandali, tumango si Jaxon bago siya sumagot, "Sige, senior! Sabihin mo sa akin ang iyong kahilingan!" “Alam kong inutusan kang bantayan ako, kaya hindi umaasa na palalayain niyo ako ng tuluyan. Sa kabaligtaran, naniniwala ako na simple lang para gawin niyo. Habang nagsasanay ako noong kabataan ko, nagkaroon ako ng anak sa sekular na mundo, at nang tumagal ay sinimulan nila ang pamilyang Moldell na magsanay ng secret techniques. Naniniwala ako na ang kaalaman ay naipasa
“Hah! Anong gagawin mo sa akin? Ang arogante mo na kahit na hindi mo pa nasisimulan ang cultivation ng iyong inner strength! Totoo na napakahusay ng iyong mga techniques, pero wala lang para sa akin ang mga Zeman techniques!" mapanuyang sinabi ni Lyndon habang tumatawa ng mapait at umiiling. "Maghanda ka nang mamatay!" sabay na sumigaw sila Aiden at Leo habang sumusugod sa kanya! Sa kanilang pagkabigla, ikinaway ni Lyndon ang kanyang kamay... at nagpadala ito ng malakas na alon ng essential qi! Ang dalawang ito ay hindi magiging match para sa kanya! Pinanood lamang sila ni Lyndon na tumalsik sa hangin bago bumagsak sa lupa at umubo sila ng dugo, “Tumigil na kayo. Maswerte ka na hindi ako pumapatay ng mga inosente. Kung hindi, patay ka na sana ngayon!" Bago pa makasagot ang dalawa, silang tatlo ay biglang nakarinig ng boses na nagsasabing, “Oh, nandito pala kayong dalawa? Kung wala kayong ginagawa, kumuha kayo ng tubig para sa akin! Gusto kong diligan ang mga halaman!" Hindi m
Siniguro ni Lyndon na hindi niya gagamitin ang kanyang Thunderous Immobilite sa pagkakataong ito. Kung tutuusin, alam niya kung gaano kalakas ang bata, kaya gusto niyang iwan na nakabukas ang kanyang backdoor. Ang kanyang palad ay nababalot pa rin ng napakalaking essential qi—na sapat ang lakas para patayin ang pinakadakilang mga dragon at tigre—habang sumusugod siya...! Si Gerald ay nagpatuloy pa rin sa pagtatanim ng mga seeds habang nakatalikod siya kay Lyndon mula pa kanina...! Napagtanto ni Lyndon na isang aroganteng lalaki si Gerald, kaya nang mahawakan niya ang likod ni Gerald… lahat ng kanyang kapangyarihan ay tuluyang nawala! Sa isang paraan, parang sumugod siya kay Gerald gamit ang isang lobo, at ang lobo ngayon ay tumalbog! "…Ano?" nakasimangot na sinabi ni Lyndon sa kanyang sarili habang hindi makapaniwalang nakatingin sa palad niya. “Alam mo, ang iyong atake ay tulad ng secret technique ng isang pamilya na nagtangkang pumatay sa akin sa Yanam ilang taon na ang nakak