Nabigla si Ryder sa kapangyarihang ipinakita ni Gerald, kaya gulat na gulat siya habang nakatingin sa kanya, “…Jusko! Isang batang tulad mo ang may kakayahang ilihis ang aking Thunder Strike! Mukhang hindi ko pwedeng husgahan ang isang tao base sa itsura nito! Anong uri ng cultivation techniques ang ginagawa mo? At saan ka galing? Kakaunting kabataan lang ang may kakayahan na makamit ang mataas na cultivation level!" "Nakakapagtaka..." sabi ni Gerald... “Hah! Nananahimik ka talaga? Para sa kaalaman mo, lagi kong nakukuha ang gusto ko! Dahil nagmamatigas ka, papatayin ko na lang kayong dalawa! Pababagsakin ko ang pamilyang Zeman ngayong gabi kung ito na ang huling bagay na gagawin ko!" sigaw ng mukhang baliw na si Ryder habang itinutok ang kanyang espada sa langit bago siya sumigaw ng, "Blood Shower!" Natakot si Walter habang pinapanood iya ang umiikot na vortex sa taas ng blade, at mabilis siyang sumigaw, "Gerald! Takbo! Hindi tayo makakatakas sa atakeng iyon…!” Sa kasamaang pa
Di-nagtagal, biglang nagsimulang manginig ang lupa nang umalingawngaw ang malalakas na roar mula sa lupa! Kasunod nito, isang napakalaking dragon ang biglang lumabas sa hangin at nagsimulang sumugod patungo kay Ryder! “Thunder Strike!” sigaw ni Ryder habang naglulunsad siy ang atake, umaasang maiiwasan niya ang umaatakeng dragon! Nang tumama ang atake ng dalawa, napuno ng nakakabinging pagsabog ang lugar! Dahil sa malakas na pagsabog ay nawala ang dragon, pero maging si Ryder ay umubo ng maraming dugo habang siya ay tumalsik paatras...! Sa oras na pinatatag niya ang kanyang sarili, baluktot na ang katawan ni Ryder nang siya ay tumingala sa langit bago tumawa na parang isang baliw. “Iyon ang Lonsdaleite Extermination Formation? Napakagandang formation na iniwan ng iyong mga ninuno!” ngumisi si Ryder bago niya i-swing ang kanyang mga braso... at biglang binago niya ang kanyang sarili sa isang makapal na ulap! Habang tinatangay siya ng makapal na ulap, maririnig ang boses ni Ryd
Habang dahan-dahang tumayo si Walter, si Gerald ay naudyukan na magsalita, “...Tulad nga ng sinabi mo, sa tingin ko ay hindi na natin dapat ipagpaliban pa ito. Simulan na natin ang paglalakbay!” Excited si Gerald na makita ang maze para sa kanyang sarili ... Bago umalis, siniguro ni Gerald na i-update si Aiden sa sitwasyon. Nang marinig ito ni Aiden, hindi niya napigilan ang kanyang sarili na mag-alala, "Aalis ka na kaagad?" “Oo. Habang wala ako, kailangan kong bumalik ka sa Weston sa lalong madaling panahon para gawin ang ilang bagay. Hindi ligtas ang lugar na ito kung magtatagal pa ako dito," sagot ni Gerald habang sinisimulan niyang ipaliwanag ang kanyang paghahanap sa Divine Fruit tree... Dahil si Gerald ay maraming mga pag-aari-sa mga industriya-sa loob ng Weston, ang kanyang mga resources ay halos hindi mauubos. Nagbigay ito sa kanya ng isang napakalaking kalamangan sa kanyang paghahanap para sa Divine Fruit Tree. Pagkatapos marinig ang plano ni Gerald, nag-isip ng sand
Isa sa mga Zeman ang biglang nagsalita nang may pagtataka, “...Anong ginagawa ng matandang ito sa lugar na ito, Patriarch…?” “...Hindi ‘yan isang matandang babae… Kung hindi nagkakamali ang mga mata ko, sa tingin ko ‘yan ay isang Corpse Demon Spider…!” takot na sinabi ni Walter.Nang matapos ang pangungusap ni Walter, maririnig ang rhythmic sounds na unti-unting bumibilis… at sa ilang sandali, tumalikod ang matanda at mabilis na sumugod sa kanila! Nanlaki ang mga mata ng lahat nang maglabas ang ‘matanda’ ng green flame na naging isang fiery blade! Habang pinapanood ni Walter ang nakakatakot at bloodthirsty blade na sumusugod papunta sa kanila, agad na tinulak ni Walter si Gerald sa isang gilid habang sumisigaw siya, “Huwag mong hayaan na mahawakan mo ang apoy!”Naiwasan ni Walter at Gerald ang atake gamit ang kanilang lightness skills, ngunit ang tatlong miyembro ng pamilyang Zeman ay hindi pinalad.Sumigaw sila sa sobrang sakit nang tumusok ang fiery blade sa kanila, at ang kan
Pagkatapos ng isang nakakatakot na dagundong, ang gagamba ay nagsimulang gumapang na parang baliw patungo kay Walter! Maliwanag na sa puntong ito na ang gagamba ay hindi isang ordinaryong hayop. Kung tutuusin, alam ng halimaw kung sino ang threatening sa kanilang lahat... Kaya naman sina Gerald at Walter ang pangunahing target nito! “T*ng-ina naman!” galit na galit na sumigaw si Walter habang naglalabas siya ng surge ng essential qi! Kasunod nito, nakalaya si Walter mula sa gutay-gutay na sapot, habang makikita sa isang kamay niya ang isang gintong mahabang espada na kumikinang nang nakakatakot. Ang aura ng espada ay sapat para mapaatras ang gagamba sa sobrang takot...! Ang espada ay isa sa mga ancient magic artifact ng pamilyang Zeman, at ang pangalan nito ay Demondie. Ginawa ito sa pamamagitan ng masculine at straight aura mula sa langit at lupa, hindi nakapagtataka kung bakit naging alerto ang gagamba dito. Dahil ayaw na niyang mag-aksaya pa ng oras, ang galit na galit na
Ang kapangyarihan ng Demondie ay hindi maikakaila, at kasama ng kapangyarihan ni Gerald, ang espada ay nakatusok na sa tiyan ng gagamba...! Kasunod ng isang nakakatakot na ungol mula sa halimaw, ang gagamba ay nagsimulang mamula habang ang isang makapal na purple fog ay lumabas mula sa sugat nito...! Ito siguro ang spiritual essence nito! Masyadong nahirapan ang gagamba sa mga huling hininga iya, ngunit ang tanging magagawa ng gagamba ay titigan si Gerald nang may sama ng loob. Hindi nagtagal bago nagsimulang magkaroon ng mga bitak sa buong katawan ng gagamba... at ilang sandali lang ay sumabog ito sa ulap ng umiikot na alikabok...! Nang makita iyon, dahan-dahang tumayo si Walter—na nakahawak pa rin ang kanyang kamay sa kanyang dibdib—habang sinabi niya, “...Alam mo, binanggit ang nilalang na ito sa mapa na iniwan ako ng mga ninuno ko... Hindi naging madali na hanapin ito dahil parati itong nakatago sa kadiliman. Ang mga nakakaalam sa mga halimaw na ito ay hindi pa nakita ito ng pe
Nang mapansin ni Walter ang tinitingnan ni Gerald, bigla siyang nag-aalalang nakipag-usap sa kanya, “Hindi mabilang na mga cultivators ang sumubok na pumasok sa Fyre Cave sa nakalipas na libong taon. Sa kasamaang-palad, kahit ang pinakamakapangyarihan sa kanila ay napunta sa isang maze na kwebang ito... Iilan lamang sa mga hindi pangkaraniwang matalinong tao ang nakarating sa Red River, iyon ang huling checkpoint sa Fyre Cave! Nakikita mo ba ang mga kalansay na ito? Sila ang mas masuwerteng mga indibidwal. Ang ibig sabihin nito ay natural ang kanilang pagkamatay. Ang ibang mga cultivators ay malamang na namatay dahil sa pagkalamon o pagkahulog sa ilog…” "...Sa tingin ko ang ilang halimaw na nakasalubong natin sa daan ang pumatay sa ibang cultivator," sagot ni Gerald sabay tango. “Tama ka. Kasalukuyan tayong naglalakad sa isang landas na sementado ng laman at dugo ng ating mga seniors. Kung maging swerte tayo na makalabas ng buhay, paniguradong kailangan nating ilabas ang mga kalans
“K-Kahit na napaka-delikado ng byahe natin, talagang nakarating pa rin tayo dito...! Congratulations sa inyo, Patriarch! Mr. Gerald!” sigaw ng ilan sa tuwang-tuwa na mga miyembro ng pamilyang Zeman. Pagkatapos ng lahat, malapit na silang maging bahagi ilang mga tao na nakapasok sa Fyre Cave at natagpuan ang saintly ruins! “Tama! Kung makatawid tayo sa Red River, tayo ang unang makakamit ng tagumpay na iyon!" sabi ni Walter habang nanginginig sa tuwa. “Hah! Madaling sabihin kaysa gawin iyon!" sabi ng isang pamilyar na boses out of the blue! Nang lumingon ang lahat—kabilang sina Walter at Gerald—biglang lumaki ang kanilang mga mata sa gulat habang pinagmamasdan ang isang matandang tumalon mula sa dingding bago kaswal na lumapag… “…R-Ryder…?! Hindi pa ba sapat ang mga injuries ko sayo?! Bakit ka pumasok sa Fyre Cave?!” sabi ni Walter, kumikislap ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan si Ryder na nakakrus ang paa sa harap ng ilog. “Heh. Aaminin ko na ang iyong Lonsdaleite Exte