Pagkatapos ng isang nakakatakot na dagundong, ang gagamba ay nagsimulang gumapang na parang baliw patungo kay Walter! Maliwanag na sa puntong ito na ang gagamba ay hindi isang ordinaryong hayop. Kung tutuusin, alam ng halimaw kung sino ang threatening sa kanilang lahat... Kaya naman sina Gerald at Walter ang pangunahing target nito! “T*ng-ina naman!” galit na galit na sumigaw si Walter habang naglalabas siya ng surge ng essential qi! Kasunod nito, nakalaya si Walter mula sa gutay-gutay na sapot, habang makikita sa isang kamay niya ang isang gintong mahabang espada na kumikinang nang nakakatakot. Ang aura ng espada ay sapat para mapaatras ang gagamba sa sobrang takot...! Ang espada ay isa sa mga ancient magic artifact ng pamilyang Zeman, at ang pangalan nito ay Demondie. Ginawa ito sa pamamagitan ng masculine at straight aura mula sa langit at lupa, hindi nakapagtataka kung bakit naging alerto ang gagamba dito. Dahil ayaw na niyang mag-aksaya pa ng oras, ang galit na galit na
Ang kapangyarihan ng Demondie ay hindi maikakaila, at kasama ng kapangyarihan ni Gerald, ang espada ay nakatusok na sa tiyan ng gagamba...! Kasunod ng isang nakakatakot na ungol mula sa halimaw, ang gagamba ay nagsimulang mamula habang ang isang makapal na purple fog ay lumabas mula sa sugat nito...! Ito siguro ang spiritual essence nito! Masyadong nahirapan ang gagamba sa mga huling hininga iya, ngunit ang tanging magagawa ng gagamba ay titigan si Gerald nang may sama ng loob. Hindi nagtagal bago nagsimulang magkaroon ng mga bitak sa buong katawan ng gagamba... at ilang sandali lang ay sumabog ito sa ulap ng umiikot na alikabok...! Nang makita iyon, dahan-dahang tumayo si Walter—na nakahawak pa rin ang kanyang kamay sa kanyang dibdib—habang sinabi niya, “...Alam mo, binanggit ang nilalang na ito sa mapa na iniwan ako ng mga ninuno ko... Hindi naging madali na hanapin ito dahil parati itong nakatago sa kadiliman. Ang mga nakakaalam sa mga halimaw na ito ay hindi pa nakita ito ng pe
Nang mapansin ni Walter ang tinitingnan ni Gerald, bigla siyang nag-aalalang nakipag-usap sa kanya, “Hindi mabilang na mga cultivators ang sumubok na pumasok sa Fyre Cave sa nakalipas na libong taon. Sa kasamaang-palad, kahit ang pinakamakapangyarihan sa kanila ay napunta sa isang maze na kwebang ito... Iilan lamang sa mga hindi pangkaraniwang matalinong tao ang nakarating sa Red River, iyon ang huling checkpoint sa Fyre Cave! Nakikita mo ba ang mga kalansay na ito? Sila ang mas masuwerteng mga indibidwal. Ang ibig sabihin nito ay natural ang kanilang pagkamatay. Ang ibang mga cultivators ay malamang na namatay dahil sa pagkalamon o pagkahulog sa ilog…” "...Sa tingin ko ang ilang halimaw na nakasalubong natin sa daan ang pumatay sa ibang cultivator," sagot ni Gerald sabay tango. “Tama ka. Kasalukuyan tayong naglalakad sa isang landas na sementado ng laman at dugo ng ating mga seniors. Kung maging swerte tayo na makalabas ng buhay, paniguradong kailangan nating ilabas ang mga kalans
“K-Kahit na napaka-delikado ng byahe natin, talagang nakarating pa rin tayo dito...! Congratulations sa inyo, Patriarch! Mr. Gerald!” sigaw ng ilan sa tuwang-tuwa na mga miyembro ng pamilyang Zeman. Pagkatapos ng lahat, malapit na silang maging bahagi ilang mga tao na nakapasok sa Fyre Cave at natagpuan ang saintly ruins! “Tama! Kung makatawid tayo sa Red River, tayo ang unang makakamit ng tagumpay na iyon!" sabi ni Walter habang nanginginig sa tuwa. “Hah! Madaling sabihin kaysa gawin iyon!" sabi ng isang pamilyar na boses out of the blue! Nang lumingon ang lahat—kabilang sina Walter at Gerald—biglang lumaki ang kanilang mga mata sa gulat habang pinagmamasdan ang isang matandang tumalon mula sa dingding bago kaswal na lumapag… “…R-Ryder…?! Hindi pa ba sapat ang mga injuries ko sayo?! Bakit ka pumasok sa Fyre Cave?!” sabi ni Walter, kumikislap ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan si Ryder na nakakrus ang paa sa harap ng ilog. “Heh. Aaminin ko na ang iyong Lonsdaleite Exte
“Heh. Napansin mo pala? Matalino ka!” sagot ni Ryder sabay tango. “Imposible ito…! Alam ko na hindi ka pwedeng patayin ng aking Lonsdaleite Extermination Formation, pero alam ko na ang pinsalang natamo mo ay nangangailangan ng hindi bababa sa isang buong linggo bago ka gumaling! Hindi mo dapat magagamit ang iyong essential qi...!" sigaw ni Walter, makikita sa mukha niya na hindi talaga siya makapaniwala. “Hah! Mamamatay naman na kayong lahat, kaya pwede ko nang sabihin sa inyo ang totoo! Ang aking essential qi ilang dekada na ang nakalipas ay halos hindi sapat para labanan ang aking mga seniors! Sa kabila nito, silang lahat ay mga duwag pa rin! Sinabi ko sa kanila kung paano hanapin ang heavenly technique sa Fyre Cave. Gayunpaman, silang lahat ay masyadong natatakot na hindi sumunod sa ninuno ng Thunder Sword Sect! Sa totoo lang, nahihiya ako na kasama ko sila sa iisang sect!" "Pagkatapos nilang tanggihan ang aking suggestion, ginawa ko ang lahat para palihim na hanapin ang Fyre
“Hah! Hindi mo magamit ang Lonsdaleite Extermination Formation dito, hindi ba? Sa tingin mo ba ay matatalo mo ako gamit ang mga lambat na ito?!” nakangising sinabi ni Ryder nang nakatingin ng masama sa kanila bago naghanda sa isang attack stance at sumigaw, "Thunder Strike!" Kasunod nito, isang makapangyarihang ginintuang aurablade ang lumabas bago umaksyon patungo sa grupo ng mga disciples! Ang ilang mga miyembro ng pamilyang Zeman na madaanan ng aurablade ay nahiwa ang kanilang mga dibdib, na dahilan para tumalsik ang mga dugo sa buong lugar...! Kahit ang Ultimate Immobilizing Net ay nasira na! Kasing bilis ng kidlat sina Gerald at Walter kaya naiwasan nila ang nakamamatay na suntok sa tamang oras. Gayunpaman, nabigla sila dahil walo na lamang sa mga miyembro ng pamilyang Zeman ang nanatiling nakatayo. Ang mga natira ay mabilis na namatay sa isang atake lamang...! "Siya... siya ay masyadong malakas...!" sabi ni Walter habang nakahawak sa kanyang duguang palad. Kahit na mabilis
Alam ni Gerald na ito na ang kanyang katapusan, kaya hinanda niya ang kanyang sarili para sa impact...! Gayunpaman, ilang sandali bago makarating sa kanya ang mga aurablade, isang gintong liwanag ang biglang lumabas sa kanyang dibdib! Maya-maya pa, isang shield of light ang bumalot sa katawan ni Gerald na pumigil sa aurablade na tumama sa kanya! Nang makita iyon, nanlaki ang mga mata ni Ryder habang nauutal na sinabi, "...A-Ano… Ikaw... Nasa iyo ang Herculean Primordial Spirit?!" Ang Herculean Primordial Spirit ay mas mahalaga pa kaysa sa martial art techniques na nakatago sa kuwebang ito! Kung nakuha niya ang primordial spirit mula kay Gerald, pwede niyang malampasan ang cultivation realm at maging bahagi ng isang mas na existence...! Dahil doon, puno ng kasamaan ang tawa ni Ryder nang tumingala siya at ibinuka ang kanyang mga braso habang sumisigaw, “Ako na siguro ang pinaka-maswerteng tao sa buhay ngayon! Kapag pinatay kita, makukuha ko na rin ang Herculean Primordial Spirit
Makalipas ang ilang segundo, isang malakas na pagsabog ang narinig at nagsimulang manginig ang lupa! “Mukhang hindi ito maganda…!” Napalunok si Ryder nang maramdaman niyang bumibilis ang tibok ng puso niya. Kasabay ng pagwagayway ng kanyang mga kamay, siya ay naging berdeng usok bago siya naglaho sa hangin! Maraming mga stalactites ang nagsisimula nang mahulog mula sa kisame, ang kuweba ay mukhang hindi ito magtatagal ng mas matagal! Sa oras na natapos na ang lahat, ang kweba ang nasira ng tuluyan habang ang Red River ay patuloy na dumadaloy... Tumalon si Gerald papunta sa ilog at agad siyang nawalan ng malay. Inasahan niyang mamamatay na siya doon, at ang huling bagay sa kanyang isip—bago mahimatay—ay ang Herculean Primordial Spirit ay lulubog sa ilog kasama ang kanyang bangkay... Gayunpaman, ang sinumang makakakita sa ilog ay paniguradong magugulat kapag nalaman nilang buo pa rin ang kanyang katawan! Sa katunayan, umiilaw pa rin ito sa isang gintong liwanag! Lumalabas na pino