Nang marinig iyon, ang isa sa mga disciple ni Walter ay mabilis na lumapit. Biglang naramdaman ni Finch na seryoso ang mga taong ito nang sabihin ni Walter na papatayin siya, kaya agad siyang nagpaliwanag, “T-teka…!” Sinenyasan ni Walter ang kanyang alagad na huminto, bago siya tumingin ng diretso sa mga mata ni Finch at mahinahon, ngunit mabagsik, niyang sinabi, “Tatanungin ulit kita. Sino ka, at sino ang kakampi mo ? Bakit hindi ka na lang umuwi pagkatapos ng auction? Para lang sa kaalaman mo, kami ang pamilya ng organizer!" Napalunok si Finch saka niya tiningnan si Gerald bago siya bumuntong-hininga. Wala siyang choice kundi sabihin ang totoo... Umiling si Finch bago siya nagpaliwanag, "Ako... Ako ay mula sa pamilyang Crawford... Ako ay pumunta rito para sundan si Gerald..." “…Oh? Ikaw ay isang Crawford? Kilala mo ba siya, Gerald?" tanong ni Walter habang nakatingin sa bata. Mahigpit na nakasara ang mga kamao ni Gerald nang marinig iyon, nakatingin siya ng masama kay Finch
Maya-maya pa ay makikita na si Will na akyat-baba sa kanyang sala, ang kanyang mga kamay sa kanyang likod. Saan pumunta si Finch? Sigurado siyang inutusan lang niya si Finch na sundan si Gerald. Kung tutuusin, kayang patayin ni Finch si Gerald! Pero bakit napakatagal bago siya makauwi…? Talagang hindi na mapakali si Will, pero alam niya talaga na hindi niya ito teritoryo, kaya hindi siya pwedeng lumabas para lang hanapin si Finch dahil delikado na magmukhang kahina-hinala. Sa kalaunan, sumuko siya at nagpasya na tumingin na lang sa paligid... Hindi nagtagal ay nagtaka si Will, bigla niyang binuksan ang pinto at nakita ang ilang tao na nakatayo roon, parang hinihintay siya ng mga ito. Naramdaman niya pa na ang lahat ng ito ay mga advanced cultivator...! Huminto siya ng sandali bago siya nagsalita ng malamig, “…Sino kayong lahat?” “Hah! Dapat kami ang nagtatanong sayo, Mr. Will Crawford. Hindi ang kabaligtaran,” mapanuyang sinabi ng leader ng grupo. “…P-paano mo nalaman kung si
Si Finch, na kanina pa sa tabi ni Will, ay nawalan na ng malay kanina pa. Ang ibig sabihin nito ay kahit ang isang god ay walang laban sa Ultimate Immobilizing Net… Sa kabila nito, nanatiling tahimik pa rin ang dalawa! Totoo kaya na hindi nila alam kung nasaan ang isla…? Hindi ito makabuluhan, pero ito lang ang rason na may katuturan. Dahil dito, ikinaway ni Walter ang kanyang kamay at kinuha niya ang Ultimate Immobilizing net. Nang matanggal ang net, bigla nilang nakita na karamihan sa balat ni Will ay natanggal na at makikita dito ay tumitibok niyang kalamnan… Ilang sandali lang ay nahulog sa lapag si Will, at tinanong siya ni Walter, "Mula ka sa Yearning Island, hindi ba? Bakit hindi mo alam kung paano makarating doon?" "T-totoo na mula kami sa Yearning Island… pero hindi namin alam kung saan ito….! Mula pa noong bata ako, lumalabas at pumapasok kami sa isla gamit ang isang magic artifact…! Ang ibig sabihin nito ay hindi namin masyadong sinuri ng maayos ang paligid ng isla…!"
"Dahil sa lahat ng impormasyong ito, sa palagay ko ay kaya nating mahanap ang pugad ni Daryl!" masayang idineklara ni Walter. “…Anong ibig mong sabihin, Uncle Zeman?” tanong ni Gerald habang nakataas ang kanyang kilay. “Ang mga witches ay may espesyal na paraan para aralin ang witchcraft. Ibang-iba ito pagdating sa cultivation. Pagkatapos ng lahat, sa tuwing ginagamit natin ang cultivating power, umaasa tayo sa divine spirit para ihanay ang mga meridian sa ating mga katawan at i-condense ang ating essential qi. Ang mga witches, sa kabilang banda, ay umaasa sa external things upang gawin ang kanilang witchcraft, tulad ng mga insekto, herbal medicine, at maging ang dugo ng tao!” “Mula sa nabasa ko sa ilang ancient books, ang mga mangkukulam noon ay pumapatay ng maliliit na bata para manatili ang balanse ng kanilang lakas ng kanilang feminine at masculine energy! Nagalit ang publiko nang malaman nila ito, na humantong sa kanilang pakikipagtulungan sa mga forces mula sa ancient culti
“Kapag nakahanap na tayo ng Divine Fruit tree, dapat ay mahahanap na natin ang ancient witch descendants kung buhay pa rin sila, tama ba? Kasunod nito, dapat ay madali nating mahanap ang Yearning Island! Tama ba ang pagkakaintindi ko?" sagot ni Gerald sabay tango. "Iyan ang pinakamagandang senaryo, oo, pero tandaan mo na pinatay na ang mga witches... Kung tutuusin, wala akong narinig na anumang bagong impormasyon tungkol sa kanila sa labas ng aking mga ancient books!" sabi ni Walter sabay buntong hininga. “Okay na sa akin basta meron akong tsansa,” nakangiting sinabi ni Gerald. Tumango si Walter saka siya napabuntong-hininga muli habang sinasabi, “...Alam kong babalik ka sa Weston sa lalong madaling panahon, pero iniisip ko kung naisip mo ang sitwasyon ng aking anak... Posible na makahanap ako ng ibang paraan, at kung nangyari iyon ay hindi na kita pipilitin na gawin ang ayaw mo!" “…Huh? Ano ulit? May ibang paraan ba?" sagot ng nagulat na si Gerald. “Oo, pero kung gagawin ko
"Masaya akong marinig iyan! Pero alam mo ba kung nasaan ang dragon sa kasalukuyan...?" tanong ni Gerald. “Oo naman! Gaya ng sinabi ko, sinubukan ng ilan sa aking mga ninuno na pabagsakin ang Redflame Dragon. Sa kasamaang palad, silang lahat ay napilitang umatras bago pa man sila makalayo sa Fyre Cave... Ako ang nagmana ng mapa, pati na rin ang isang detalyadong plano. Gamit ang mapa at ang ating pinagsamang kapangyarihan, naniniwala ako na kaya pa rin nating gawin ito! Kahit na napilitan tayong umatras, dapat tumakas tayo nang sabay-sabay sa tulong ng bawat isa!" sagot ni Walter. “Good!” sabi ni Gerald. “Decided na ito. Mag-iipon ako ng ilan sa aking mga tauhan ngayong gabi, at pagdating ng madaling araw, sabay-sabay tayong pupunta sa Fyre cave! Okay ka lang bang manatili sa lugar ko ngayong gabi?" "Walang problema!" sabi ni Gerald bago sumunod kay Walter pabalik sa bahay ng pamilyang Zeman... Gabi na nang humiga si Gerald sa kwarto na ibinigay ni Walter sa kanya. Hindi siya
Nabigla si Ryder sa kapangyarihang ipinakita ni Gerald, kaya gulat na gulat siya habang nakatingin sa kanya, “…Jusko! Isang batang tulad mo ang may kakayahang ilihis ang aking Thunder Strike! Mukhang hindi ko pwedeng husgahan ang isang tao base sa itsura nito! Anong uri ng cultivation techniques ang ginagawa mo? At saan ka galing? Kakaunting kabataan lang ang may kakayahan na makamit ang mataas na cultivation level!" "Nakakapagtaka..." sabi ni Gerald... “Hah! Nananahimik ka talaga? Para sa kaalaman mo, lagi kong nakukuha ang gusto ko! Dahil nagmamatigas ka, papatayin ko na lang kayong dalawa! Pababagsakin ko ang pamilyang Zeman ngayong gabi kung ito na ang huling bagay na gagawin ko!" sigaw ng mukhang baliw na si Ryder habang itinutok ang kanyang espada sa langit bago siya sumigaw ng, "Blood Shower!" Natakot si Walter habang pinapanood iya ang umiikot na vortex sa taas ng blade, at mabilis siyang sumigaw, "Gerald! Takbo! Hindi tayo makakatakas sa atakeng iyon…!” Sa kasamaang pa
Di-nagtagal, biglang nagsimulang manginig ang lupa nang umalingawngaw ang malalakas na roar mula sa lupa! Kasunod nito, isang napakalaking dragon ang biglang lumabas sa hangin at nagsimulang sumugod patungo kay Ryder! “Thunder Strike!” sigaw ni Ryder habang naglulunsad siy ang atake, umaasang maiiwasan niya ang umaatakeng dragon! Nang tumama ang atake ng dalawa, napuno ng nakakabinging pagsabog ang lugar! Dahil sa malakas na pagsabog ay nawala ang dragon, pero maging si Ryder ay umubo ng maraming dugo habang siya ay tumalsik paatras...! Sa oras na pinatatag niya ang kanyang sarili, baluktot na ang katawan ni Ryder nang siya ay tumingala sa langit bago tumawa na parang isang baliw. “Iyon ang Lonsdaleite Extermination Formation? Napakagandang formation na iniwan ng iyong mga ninuno!” ngumisi si Ryder bago niya i-swing ang kanyang mga braso... at biglang binago niya ang kanyang sarili sa isang makapal na ulap! Habang tinatangay siya ng makapal na ulap, maririnig ang boses ni Ryd