Nang marinig ito ay mabilis na sinabi ni Gerald, “Walang problema. Pupunta na lang kami doon ni Aiden para tingnan ito." “Sige!” boluntaryong sasabihin sana iyon ni Aiden kanina kahit na ayaw siyang isama ni Gerald sa simula. Nang marinig iyon ay sinabi ni Fujiko, "Sasama rin ako!" "Manatili ka lang dito. Huwag kang mag-alala, hihingin ko ang tulong mo sa susunod.” sagot ni Gerald habang umiiling. "...Pero... mas malakas ako kay Aiden!" nalilitong sinabi ni Fujiko. "Kailangan mong malaman na gagawa kami ng move pagsapit ng gabi. Dahil dito ay hindi naaangkop para sayo na makasama ang dalawang lalaki sa pagsapit ng gabi. Tsaka hindi natin malalaman kung saan pupunta si Maddox kaya mas gusto ko kung ang sasama sa akin ay si Aiden,” sagot ni Gerald. Nang marinig niya ang determinasyon sa boses ni Gerald, walang choice si Fujiko kundi sumunod. Pagkatapos ng lahat, naalala niyang nangako siya dito na makikinig siya sa lahat ng utos nito hanggang sa pumayag siyang sumama si Fujik
“Masusunod!” sabi ng butler sabay tango. Maya-maya pa ay sinimulang sumunod ng walong mas malalakas na lalaki ng pamilya kina Aiden at Gerald... Sa buong paglalakbay ng dalawa patungo sa military base ng Yanam, nanatiling nakasara ng mahigpit ang mga kamao ni Aiden, makikita na nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Lindsay... Sino nga naman ang nakakaalam kung may ginagawang masama si Maddox at ang kanyang mga tauhan kay Lindsay... Naramdaman ni Gerald ang tense na itsura ni Aiden, kaya napangiti siya bago niya sinabing, “Kumalma ka. Tandaan, ang pangunahing layunin natin ngayon ay ang maintindihan ang sitwasyon. Makakabuti sa atin kung mahana natin si Lindsay, pero hindi natin kailangang mabalisa kung hindi natin siya mahanap sa ngayon." Huminga ng malalim si Aiden nang marinig niya iyon, saka siya sumagot, "Masusunod." “Good. At saka, kung makita man natin si Lindsay, kailangan mong manatiling kalmado at makinig sa mga utos ko. Huwag mong kalimutan na ang kakaharapin natin ay
“Gumawa ka lang ng excuse. Ang walang kwentang Carter na iyon ay isang duwag lang naman... Baka natatakot lang siya na mabahiran ng mali ang kanyang reputasyon kung may nangyaring masama! Nakakalungkot para sa ating military na magkaroon ng isang leader na tulad niya!" nakangising sinabi ni Maddox. "Masusunod," sagot ng sundalo bago siya tumango. Hinagis at kinuha ni Maddox ang kanyang army dagger na may crimson blade, pagkatapos ay tumingin siya sa sundalo bago siya nagtanong, "Naihanda niyo na bang lahat ang mga bagay na kailangan niyo?" "Nakahanda na. Hinihintay lang namin ang utos mo bago kami umalis,” sagot ng sundalo. "Maghintay hanggang sa sumapit ang gabi. Tandaan, kung may magtanong pa, sabihin niyo na lang sa kanila na pinangungunahan ko ang isang regular na patrol. Huwag kang sumagot ng ibang bagay!" utos ni Maddox matapos mag-isip ng ilang sandali. Sa buong panahon, si Maddox ay gumagawa ng ilang kakaibang aktibidad bilang paghahanda para sa pagpatay niya kay Gera
“Opo. Handa na kaming umalis kapag inutusan mo kami,” sagot ng sundalo. “Umalis na tayo. Mas maaga tayong makakabalik kung mas maaga nating matatapos ang misyon. Ayokong makakuha ng hindi kinakailangang atensyon,” bulong ni Maddox na medyo kumunot ang noo nang makitang nakatingin sa kanya ang lahat ng staff. Nang makapasok si Maddox sa kotseng nangunguna, hindi nagtagal ay nagsimula na silang maglakad patungo sa isang liblib na kulungan... Samantala, si Gerald ay kasalukuyang hininto ang kanyang sasakyan sa isang tagong sulok malapit sa entrance. Kasunod nito ay nagsindi ng sigarilyo nang makita niyang papaalis na ang grupo ng mga sasakyan. Nakatitig si Aiden sa mga sasakyan bago niya sinabi, "Malamang nasa isa sa mga iyon ang lalaking iyon, tama ba..?" "Kung Maddox ang tinutukoy mo, oo, sa tingin ko nandoon siya," sagot ni Gerald habang humihithit ng sigarilyo, bago niya pinikit ang kanyang mga mata at sinimulang sundan ang mga sasakyan sa hindi kalayuan... Napagtanto ng mga
Pagkatapos nilang mag-update sa isa't isa at malaman na totoong nawala nila si Gerald, walang nagawa ang mga lalaki kundi sumama sa bawat isa bago i-report ang insidente kay Lucian... Noong panahong iyon, inaaliw ni Lucian si Jobson at ang iba pa habang nagtitimpla sila ng tsaa. Tulad ng inaasahan, nawala ang ngiti niya nang sagutin niya ang tawag. Nakasimangot na ngayon si Lucian habang sinasabi niya, "Bumalik na kayo dito...!" Malinaw na narinig ni Jobson ang balisang boses ni Lucian, kaya nagtanong siya pagkatapos niyang kainin ang kanyang dessert, "May problema ba...?" "Ang mga lalaking pinadala ko para tulungan sila Gerald at Aiden ay hindi na alam kung nasaan ang dalawa, Senior Jobson!" sabi ni Lucian sabay buntong hininga. Nagalit siya dahil sila ay nagkamali sa kalagitnaan ng isang kritikal na sandali habang sila ang key personnel ng kanilang pamilya… Tumawa si Jobson nang marinig ito, saka niya sinabi, "Akala ko pa naman seryoso ang dahilan kung bakit ka nakasimangot!"
"Pwede na ang kahit ano sa dalawa. Minamaliit niyo talaga si Gerald... Ang batang iyon ay mas malakas kaysa sa sinuman sa inyo..." sabi ni Jobson habang walang pakialam na kinakaway ang kanyang kamay. "…Kasama ako sa mga taong iyon?" tanong ni Fujiko habang tinuturo ang kanyang sarili. Alam niya sa kanyang sarili na kilala niya ng husto si Gerald. Kahit na hindi niya alam kung bakit ito malakas, pero pagkatapos gumugol ng maraming oras sa kanya, sigurado siyang alam niya ang lawak ng kanyang mga kakayahan. “Oo naman, kahit ang batang iyon ay hindi alam kung gaano siya kalakas,” kumibit balikat si Jobson bago siya tumawa ng malakas. Lumalabas na siya ang mas nakakakilala kay Gerald sa iba pa nilang kasama doon. Ilang sandali pa ay dumating ang tsaa ni Jobson at masaya itong ininom ng matanda... Kasalukuyan naman kay Gerald, siya ay nanatili sa isang ligtas na distansya mula sa mga sasakyan ng militar mula pa kanina. Medyo naiinip si Aiden dahil gusto niyang malaman ang kalagayan
Kahit ang mga nagbabantay sa lugar ay hindi alam kung sino talaga si Lindsay, kaya sigurado si Maddox na walang makakapag-expose sa insidente hanggang sa mailabas ang balita tungkol sa pagdakip sa kanya. Ang lahat ng nangyayari ay naaayon sa plano! Pagkatapos niyang bumaba sa kotse, sinimulan ni Maddox na maglakad sa kailaliman ng kagubatan, siniguro niyang iwasan ang lahat ng mga patibong nainilagay niya. Ipinaalam na sa mga team leaders na naatasang bantayan ang lugar na darating si Maddox, kaya hinintay siya ng mga ito sa sandaling makarating siya. Sila ay mabilis na tumakbo para salubungin siya, at nang makalapit sila ay tinanong ni Maddox, “Kumusta ang sitwasyon?”“Walang sinuman ang pumupunta sa mga ganitong klase ng lugar… Kalimutan mo na ang mga tao, kahit kailan ay hindi kami nakakita ng mga ibon dito!” umiling ang leader habang sinasabi niya ito. "Ganyan ka ba dapat makipag-usap sa isang superior...?!" sabi ni Maddox. “H-hindi po, sir! Walang nangyari!" sagot ng tako
"Hindi ko alam kung bakit..." sabi ng leader habang umiiling. "Ito ay dahil mas matalino ka kaysa sa iba, at plano kong i-train ka kapag naging mahusay ka. Huwag palampasin ang pagkakataong ito,” mapanuyang sinabi ni Maddox. “S-salamat, deputy captain…! Hindi kita pababayaan!" sabi ng leader na may malawak na ngiti sa kanyang mukha, habang mabilis niyang sinimulan ang pagmamasahe sa mga balikat ni Maddox... Samantala, binabantayan pa rin nina Gerald at Aiden ang mga kasalukuyang pangyayari mula sa kagubatan. Siniguro ni Gerald na lumayo sa kanila dahil hindi siya sigurado kung nag-install sila ng anumang surveillance camera sa malapit na lugar. Pagkatapos niyang suriin ang kanyang paligid sa loob ng ilang sandali, si Aiden ay naudyukan na sabihin, "...May isang bahay doon sa tingin ko..." Nakita lang ni Aiden ang outline ng isang gusali, at iyon ang dahilan kung bakit hindi siya sigurado sa kanyang pahayag. Nang marinig iyon, sumagot sa kanya si Gerald na kanina pa nakaupo do