"Meron akong nakuhang impormasyon," sagot ni Gerald bago siya tumango habang inilalagay ang ancient book—na maingat niyang binantayan hanggang ngayon—sa mesa. Kumunot ang noo ni Jobson nang marinig iyon, “…At ano ito?” Habang nilalapit niya ang libro sa lahat, maingat itong binuksan ni Gerald bago niya itinuro ang mga malalabong salita sa loob nito, habang sinasabi, “Nahanap ko ito sa ancient ruins, at naniniwala ako na naglalaman ito ng kaalaman tungkol sa Seadom Tribe, at kung paano makapunta sa Yearning Island." "Ito ay mula sa aking pamilya...?" sabi ni Fujiko habang curious na nakatingin dito. "Tama. Hindi ko mabasa ang mga salitang ito, pero ang itsura ng mga salita ay pareho sa mga libro sa secret room niyo sa Futaba manor,” sagot ni Gerald sabay tango. "Tama ang kutob mo!" sabi ni Master Ghost matapos tingnan ng mabuti ang libro. Tumawa si Gerald bago niya mapaglarong tinusok ang braso ni Master Ghost bago siya sumagot, “Alam kong mababasa mo ito! Bilisan mo at ting
“…A-Ano ulit…? Sigurado ka bang hindi ka nagkamali sa iyong translation...?" sagot ni Gerald habang naninigas ang emosyon sa kanyang mukha. "May posibilidad na mali ng kaunti ang translation ko, pero duda ako na mali ang isang buong seksyon..." bulong ni Master Ghost habang bumubuntong-hininga, alam na ang kanyang translation ay tumpak.. Nang marinig iyon, sumalampak si Gerald sa kanyang upuan at nakaramdam siya ng matinding pagod... “G-Gerald?!” sabi ni Aiden habang sumusugod sa tabi ni Gerald. “Okay lang ako, kailangan ko lang ng ilang segundo...” sabi ni Gerald habang winawagayway ang kanyang kamay. Sobra na ito, kahit para sa kanya... Kung tutuusin, ang bawat bakas na clue na nakuha niya ay lalo lang nagbibigay sa kanya ng mas maraming problema. Noong una ay naisip niya na makakarating siya sa isla sa pamamagitan ng paghahanap sa Seadom Tribe, na humantong sa paghahanap niya sa ancient ruins sa Yanam para makuha ang kanyang sagot. Sa kabila ng lahat ng kanyang pagsisikap
"Naiintindihan," sagot ni Master Ghost kasunod ang isang tango. “Isantabi muna natin ang pangyayaring ito. Kailangan ko ng oras para makaisip ng solusyon sa ating problema,” sabi ni Gerald habang humihithit ng sigarilyo at ngayon ay mas kalmado na siya. Hindi niya maintindihan kung paano dinala ni Daryl ang buong pamilyang Crawford sa Yearning Island. Masyadong napakahirap na mahanap at makarating sa lugar na iyon! Nasa kanya na ang lahat ng kailangan niya para makarating sa islang iyon, hindi ba? Hindi kaya ginamit rin ni Daryll ang parehong paraan para mahanap ang Yearning Island noon...? Gayunpaman, malamang sasabihin sa kanya ni Takuya ang tungkol dito. Malamang nai-record ng pamilyang Futaba ang malaking insidente na tulad noon, ngunit dahil nataranta si Takuya nang banggitin ni Gerald ang paksa, sigurado si Gerald na wala silang record tungkol doon... Tumango si Master Ghost saka itinuro ang ancient book, bago sumagot, "Pwede ko bang itago iyon ng sandali lang?" “Anong
Nang marinig ito ay mabilis na sinabi ni Gerald, “Walang problema. Pupunta na lang kami doon ni Aiden para tingnan ito." “Sige!” boluntaryong sasabihin sana iyon ni Aiden kanina kahit na ayaw siyang isama ni Gerald sa simula. Nang marinig iyon ay sinabi ni Fujiko, "Sasama rin ako!" "Manatili ka lang dito. Huwag kang mag-alala, hihingin ko ang tulong mo sa susunod.” sagot ni Gerald habang umiiling. "...Pero... mas malakas ako kay Aiden!" nalilitong sinabi ni Fujiko. "Kailangan mong malaman na gagawa kami ng move pagsapit ng gabi. Dahil dito ay hindi naaangkop para sayo na makasama ang dalawang lalaki sa pagsapit ng gabi. Tsaka hindi natin malalaman kung saan pupunta si Maddox kaya mas gusto ko kung ang sasama sa akin ay si Aiden,” sagot ni Gerald. Nang marinig niya ang determinasyon sa boses ni Gerald, walang choice si Fujiko kundi sumunod. Pagkatapos ng lahat, naalala niyang nangako siya dito na makikinig siya sa lahat ng utos nito hanggang sa pumayag siyang sumama si Fujik
“Masusunod!” sabi ng butler sabay tango. Maya-maya pa ay sinimulang sumunod ng walong mas malalakas na lalaki ng pamilya kina Aiden at Gerald... Sa buong paglalakbay ng dalawa patungo sa military base ng Yanam, nanatiling nakasara ng mahigpit ang mga kamao ni Aiden, makikita na nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Lindsay... Sino nga naman ang nakakaalam kung may ginagawang masama si Maddox at ang kanyang mga tauhan kay Lindsay... Naramdaman ni Gerald ang tense na itsura ni Aiden, kaya napangiti siya bago niya sinabing, “Kumalma ka. Tandaan, ang pangunahing layunin natin ngayon ay ang maintindihan ang sitwasyon. Makakabuti sa atin kung mahana natin si Lindsay, pero hindi natin kailangang mabalisa kung hindi natin siya mahanap sa ngayon." Huminga ng malalim si Aiden nang marinig niya iyon, saka siya sumagot, "Masusunod." “Good. At saka, kung makita man natin si Lindsay, kailangan mong manatiling kalmado at makinig sa mga utos ko. Huwag mong kalimutan na ang kakaharapin natin ay
“Gumawa ka lang ng excuse. Ang walang kwentang Carter na iyon ay isang duwag lang naman... Baka natatakot lang siya na mabahiran ng mali ang kanyang reputasyon kung may nangyaring masama! Nakakalungkot para sa ating military na magkaroon ng isang leader na tulad niya!" nakangising sinabi ni Maddox. "Masusunod," sagot ng sundalo bago siya tumango. Hinagis at kinuha ni Maddox ang kanyang army dagger na may crimson blade, pagkatapos ay tumingin siya sa sundalo bago siya nagtanong, "Naihanda niyo na bang lahat ang mga bagay na kailangan niyo?" "Nakahanda na. Hinihintay lang namin ang utos mo bago kami umalis,” sagot ng sundalo. "Maghintay hanggang sa sumapit ang gabi. Tandaan, kung may magtanong pa, sabihin niyo na lang sa kanila na pinangungunahan ko ang isang regular na patrol. Huwag kang sumagot ng ibang bagay!" utos ni Maddox matapos mag-isip ng ilang sandali. Sa buong panahon, si Maddox ay gumagawa ng ilang kakaibang aktibidad bilang paghahanda para sa pagpatay niya kay Gera
“Opo. Handa na kaming umalis kapag inutusan mo kami,” sagot ng sundalo. “Umalis na tayo. Mas maaga tayong makakabalik kung mas maaga nating matatapos ang misyon. Ayokong makakuha ng hindi kinakailangang atensyon,” bulong ni Maddox na medyo kumunot ang noo nang makitang nakatingin sa kanya ang lahat ng staff. Nang makapasok si Maddox sa kotseng nangunguna, hindi nagtagal ay nagsimula na silang maglakad patungo sa isang liblib na kulungan... Samantala, si Gerald ay kasalukuyang hininto ang kanyang sasakyan sa isang tagong sulok malapit sa entrance. Kasunod nito ay nagsindi ng sigarilyo nang makita niyang papaalis na ang grupo ng mga sasakyan. Nakatitig si Aiden sa mga sasakyan bago niya sinabi, "Malamang nasa isa sa mga iyon ang lalaking iyon, tama ba..?" "Kung Maddox ang tinutukoy mo, oo, sa tingin ko nandoon siya," sagot ni Gerald habang humihithit ng sigarilyo, bago niya pinikit ang kanyang mga mata at sinimulang sundan ang mga sasakyan sa hindi kalayuan... Napagtanto ng mga
Pagkatapos nilang mag-update sa isa't isa at malaman na totoong nawala nila si Gerald, walang nagawa ang mga lalaki kundi sumama sa bawat isa bago i-report ang insidente kay Lucian... Noong panahong iyon, inaaliw ni Lucian si Jobson at ang iba pa habang nagtitimpla sila ng tsaa. Tulad ng inaasahan, nawala ang ngiti niya nang sagutin niya ang tawag. Nakasimangot na ngayon si Lucian habang sinasabi niya, "Bumalik na kayo dito...!" Malinaw na narinig ni Jobson ang balisang boses ni Lucian, kaya nagtanong siya pagkatapos niyang kainin ang kanyang dessert, "May problema ba...?" "Ang mga lalaking pinadala ko para tulungan sila Gerald at Aiden ay hindi na alam kung nasaan ang dalawa, Senior Jobson!" sabi ni Lucian sabay buntong hininga. Nagalit siya dahil sila ay nagkamali sa kalagitnaan ng isang kritikal na sandali habang sila ang key personnel ng kanilang pamilya… Tumawa si Jobson nang marinig ito, saka niya sinabi, "Akala ko pa naman seryoso ang dahilan kung bakit ka nakasimangot!"