"Sino nga ba talaga ang babaeng ito?" Tiningnan ng captain ang payat na babae sa kulungan at nagtanong.Maraming tao ang nakakulong sa sikretong kulungan na ito, pero walang sinuman sa mga nakakulong ay trinato nang seryoso hanggang sa punto na kailangan nilang maglagay ng mga patibong sa labas."Alam mo naman na bagay na hindi mo dapat itanong, hindi ba?" tiningnan siya ng masama ng middle-aged na lalaki at sinaway siya sa mahinang boses.Kinilabutan ang captain at hindi na naglakas-loob na magsalita pa.“Miss Lawrence, magkikita muli tayo, ngunit hindi na sa lugar na ito." Napatingin ang middle-aged na lalaki kay Lindsay. Pagkasabi niya nito ay tumalikod na siya at umalis.Nakatayo si Lindsay sa kulungan at iniisip niya ang kanyang sitwasyon. Malamang siya ay isang pain para akitin ang target niya, at malamang si Gerald iyon, na gumawa ng gulo sa war department ng Yanam noon.Maliban pa doon, wala talagang maisip si Lindsay na dahilan para dukutin siya ng war department ng Yana
“Maddox Chabert? Hindi ba siya ang in-charge sa karagatan ng Yanam? Paano siya naging related sa isyu na ito?" Nataranta ang butler.“Nang bumalik si Gerald sa Yanam, alam na agad ito ng war department. Binalak ni Maddox na patayin si Gerald sa dagat, pero mahigpit itong tinanggihan ni Carter. Kung totoo na may kinalaman sa kanya ang pagkawala ni Lindsay, malamang ay pinaplano niya itong gamitin para pagbantaan si Gerald."“Hindi dapat malaman ni Brother Lawrence ang tungkol dito. Kung may alam man siya na kaunti, malamang na hindi niya ito direktang sasabihin. Ang krimen na ito ay pananagutan ng war department. Kung ire-report niya ito, malamang baka maging malala ang sitwasyon."Hinithit ni Lucian ang kanyang sigarilyo habang sinusuri niya ang mga bagay.“Hindi tayo pwedeng tumayo lang dito at manood. Master, sa palagay ko ay dapat kong ipaalala sayo ito. Kahit na mataas ang posisyon ng pamilya natin sa Yanam, hindi tayo pwedeng makipaglaban sa war department dahil kay Lindsay.
“Hanapin mo ‘yan ng mag-isa. Matanda na ako. Matagal nang nabawasan ang aking physical strength.” Umiling ang matanda at nagsindi ng sigarilyo.“Sinong maniniwala sa sinabi mo?” iritable na sinabi ni Gerald."Hindi kita matutulungan na hanapin ito, pero kung interesado ka, pwede kitang turuan kung paano mag-resonate sa paligid ng natural energy ang iyong essential qi." patuloy na umiling ang matanda."Talaga?" biglang nagningning ang mga mata ni Gerald nang marinig iyon. Makalipas ang ilang sandali, umiling siya at tumanggi. “Huwag na lang. Ipagpapatuloy ko lang ang paghahanap ng kailangan ko."“Oh? Hindi ka ba interesado?” Hindi inaasahan ng matanda na sasabihin iyon ni Gerald."Totoo na interesado ako dito." Umiling muli si Gerald."Piliin mo na maging apprentice ko, at pwede kitang turuan." seryosong sinabi ng matanda nang itapon niya ang kanyang sigarilyo.“Papayag agad ako kung ibang pagkakataon ito. Pero ngayon, marami pa akong dapat ayusin. Bukod pa doon, ang pagkontrol s
Huminga ng malalim si Gerald, saka niya dahan-dahang sinimulan ang pagbuklat ng mga pages, siniguro niya na maging gentle sa takot na ang maging alikabok ang thousand year old book na ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi niya maintindihan kung ano ang nakasulat dito! Base sa ilang mga bagay na naintindihan niya—batay sa mga sketch sa ilan sa mga pages— ang aklat ay nagdedetalye ng isang uri ng sacrificial ritual, hindi katulad ng nakita niya sa mapa ng dagat noon. Maingat—at medyo nasasabik—na dinadala ang libro sa matanda bago siya nagtanong sa matanda, "Kaya mo ba itong basahin, senior?" Nakataas ang isang kilay ng matanda, bago niya tiningnan ang libro at tuluyang umiling habang sinasabing, “Hindi ko ito kayang basahin. Pero base sa sketch, sa tingin ko ay sinusubukan nilang ipatawag ang ulan." "Ano? Hindi ba ito isang sacrificial ritual?" sagot ni Gerald. “Hindi mahalaga kung ano man iyon. Kahit na nahanap mo na sa wakas ang libro na kailangan mo, hindi mo pa rin ito maint
Binilisan ni Gerald ang kanyang pagmamaneho, pero inabot pa rin si Gerald ng apat na buong oras upang makarating mula sa kagubatan patungo sa Grubb manor. Pagdating ni Gerald sa manor bandang nine ng gabi, pinaalam agad kay Lucian ang kanyang pagbalik at nang malaman iyon—mabilis niyang sinabihan si Aiden na pumunta sa reception room. Si Lucian ay mabilis na nag-jogging palabas ng manor—kasama ang kanyang butler—para batiin si Gerald... Tumango si Gerald nang makita sila, bago siya nagtanong, “Good evening, Mr. Grubb. Dumating na ba ang mga kaibigan ko?" “…Mga kaibigan?” nalilitong sinabi ni Lucian habang inaakay si Gerald sa reception room. “Mukhang wala pa sila. Maghanda ka ng tatlong guest room para sa kanila dahil mukhang kakailanganin nilang manatili dito ng matagal. Huwag kang mag-alala, aalis kami kapag nailigtas na namin si Miss Lawrence,” sabi ni Gerald habang tinatantya kung gaano katagal bago dumating si Master Ghost at ang iba pa. Nang maisip ni Gerald na makakarati
“…Sinasabi mo ba na ang mga aksyon ni Maddox ay sumabay sa iyong pagbabalik? Na dinakip niya si Lindsay para akitin ka pabalik para harapin ka niya, pero hindi niya alam na binalak mo nang bumalik sa Yanam sa parehong oras…?” sabi ni Lucian habang tinatapik ang desk niya. "Ito ay isang posibilidad," sagot ni Gerald. “Sinabi ko na sa kaibigan ko na bantayan si Maddox. Paniguradong aabisuhan niya ako kapag may ginawang kakaiba si Maddox. Kung maging swerte man tayo, malapit na tayong makakuha ng pagkakataon na sundan si Maddox at sana ay maililigtas natin si Lindsay sa oras na iyon. Ano sa tingin mo, Gerald? May mas magandang suggestions kaba?" tanong ni Lucian. "Wala. Okay na ako sa plano na ‘yan,” sagot ni Gerald sabay tango, alam niyang ang pagsama sa plano ni Lucian ay ang pinakamahusay nilang choice para iligtas si Lindsay. Nang matapos ang kanyang pangungusap, pumasok sa kwarto ang isa sa mga katulong ni Lucian—na may payong na tumutulo sa kanyang mga kamay ang tubig ulan—b
"Meron akong nakuhang impormasyon," sagot ni Gerald bago siya tumango habang inilalagay ang ancient book—na maingat niyang binantayan hanggang ngayon—sa mesa. Kumunot ang noo ni Jobson nang marinig iyon, “…At ano ito?” Habang nilalapit niya ang libro sa lahat, maingat itong binuksan ni Gerald bago niya itinuro ang mga malalabong salita sa loob nito, habang sinasabi, “Nahanap ko ito sa ancient ruins, at naniniwala ako na naglalaman ito ng kaalaman tungkol sa Seadom Tribe, at kung paano makapunta sa Yearning Island." "Ito ay mula sa aking pamilya...?" sabi ni Fujiko habang curious na nakatingin dito. "Tama. Hindi ko mabasa ang mga salitang ito, pero ang itsura ng mga salita ay pareho sa mga libro sa secret room niyo sa Futaba manor,” sagot ni Gerald sabay tango. "Tama ang kutob mo!" sabi ni Master Ghost matapos tingnan ng mabuti ang libro. Tumawa si Gerald bago niya mapaglarong tinusok ang braso ni Master Ghost bago siya sumagot, “Alam kong mababasa mo ito! Bilisan mo at ting
“…A-Ano ulit…? Sigurado ka bang hindi ka nagkamali sa iyong translation...?" sagot ni Gerald habang naninigas ang emosyon sa kanyang mukha. "May posibilidad na mali ng kaunti ang translation ko, pero duda ako na mali ang isang buong seksyon..." bulong ni Master Ghost habang bumubuntong-hininga, alam na ang kanyang translation ay tumpak.. Nang marinig iyon, sumalampak si Gerald sa kanyang upuan at nakaramdam siya ng matinding pagod... “G-Gerald?!” sabi ni Aiden habang sumusugod sa tabi ni Gerald. “Okay lang ako, kailangan ko lang ng ilang segundo...” sabi ni Gerald habang winawagayway ang kanyang kamay. Sobra na ito, kahit para sa kanya... Kung tutuusin, ang bawat bakas na clue na nakuha niya ay lalo lang nagbibigay sa kanya ng mas maraming problema. Noong una ay naisip niya na makakarating siya sa isla sa pamamagitan ng paghahanap sa Seadom Tribe, na humantong sa paghahanap niya sa ancient ruins sa Yanam para makuha ang kanyang sagot. Sa kabila ng lahat ng kanyang pagsisikap