Ang biyahe papuntang Grubb manor ay tumagal ng tatlong oras sa karaniwan, ngunit nauwi ito ay umabot ng limang oras dahil sa malakas na ulan. Dahil dito ay malapit nang tanghali nang makarating sila sa manor... Pagkatapos iparada ang sasakyan, tiningnan ni Gerald ang kanyang cellphone at nakita niya na nag-message sa kanya si Master Ghost. Natuwa siya na ibinahagi ni Master Ghost ang balita sa ibang miyembro ng grupo, lalabas na sana si Gerald ng sasakyan nang bigla niyang napansin ang isang katulong na tumatakbo papunta sa kanya na may dalang payong. Iniunat nito ang kanyang kamay na nakahawak sa isang folding umbrella, pagkatapos ay nagtanong ang katulong, “Goodmorning, sir. Pwede ko bang malaman kung bakit ka nandito?" "Hinahanap ko si Mr. Grubb," sagot ni Gerald habang kinukuha ang payong bago niya ito binuksan. Nang makarating si Aiden sa ilalim ng payong ni Gerald, ngumiti ang katulong sa kanya bago nagtanong, "Excuse me pero sinong Mr. Grubb ang tinutukoy mo?" Bukod sa
Sa katunayan, kahit isang beses ay hindi pa tiningnan ni Gerald ang Devotion Mirror si Gerald mula noong nakuha niya ito. Siya ay masyadong naging abala kaya hindi niya nagawang lutasin ang misteryo sa likod nito. Ang nasabing salamin ay hindi precious na tulad ng pinapaniwalaan ni Lucian, ngunit alam ni Gerald na hindi niya pwedeng sabihin iyon. Kung tutuusin, ang galit na galit na si Lucian ay magdudulot lamang ng mas maraming problema para sa kanya... “Oh please, masyadong mahusay ang iyong talent! Ikaw ang unang taong nakakuha ng salamin mula sa kuweba! Dahil nakakuha ka ng recognition sa aking mga ninuno, may dahilan ako para maniwala na sandali na lang bago mo matuklasan ang mga misteryo nito," sabi ni Lucian habang umiiling, malinaw na pinagkakatiwalaan niya ang choice ng Devotion Mirror. “Huwag kang mag-alala, sasabihin ko agad sayo kung nagawa kong i-crack ang code,” sagot ni Gerald sabay tawa. "Kung magawa mo man ito, magiging isang mahusay kang benefactor sa aking pami
“Sabihin mo lang,” sagot ni Gerald habang saglit na nakatingin sa malakas na ulan sa labas... “Sigurado ako na kilala mo ang adopted son ko na si Frey, di ba? Medyo matagal na mula noong huli ko siyang nakita... Parang nawala na lang siya bigla sa hangin! Hindi rin ito nakatulong na wala siyang anumang sama ng loob sa iba ko pang kapamilya. Dahil dito ay nagtataka ako kung nakasalubong o nakita mo siya…” sabi ni Lucian habang nakasimangot. Sa kanyang paghahanap kay Frey, naghanap si Lucian sa bawat sulok ng manor, ngunit pinuntahan pa niya ang lahat ng lugar na karaniwang pinupuntahan ni Frey. Bukod sa pakikipagkita sa mga kaibigan ni Frey, ginamit din niya ang lahat ng kanyang koneksyon upang mahanap ang kanyang anak ngunit hindi siya nagtagumpay kahit na matapos ang dalawang buong buwan... “Si Frey?” mahinang tinanong ni Gerald, pero sa totoo lang ay hindi niya maiwasang malungkot para kay Lucian. Kung tutuusin ay pinatay niya si Frey sa kwebang iyon, at sigurado si Gerald na k
“...Nakikita ko... Simulan natin ang imbestigasyon ngayong gabi. Kahit na hindi ito alam ni Lucian, ang iba pang mga miyembro ng pamilya ay masyadong naghihinala. Kung hindi tayo kumikilos, mas mataas ang tsansa na mapunta sa panganib si Miss Lawrence…!” sabi ni Aiden na hindi na nag-abalang bumulong. Kahit na tinakpan ng malakas na ulan ang kanyang boses, hindi nito binago ang katotohanan ang tono ng kanyang pananalita ay nagsa-suggest na libutin ang buong asyenda para makita kung naroroon si Lindsay... Biglang kumunot ang noo ni Gerald saka siya sumagot, “Pakalmahin mo ang sarili mo.” “Hindi ko gagawin ‘yan! Kung sakaling makasalubong muli ni Miss Lawrence ang isang tulad ni Frey, paniguradong mapapahamak siya!" bulong ni Aiden sabay buntong hininga. "At iyon mismo ang dahilan kung bakit kailangan mong manatiling kalmado. Paano mo siya ililigtas kung hindi malinaw ang iyong pag-iisip?" sagot ni Gerald, malinaw sa kanya ang nararamdaman ni Aiden. Kung tutuusin, mas stressed si
Ang malakas na ulan ay hindi huminto makalipas ang maraming oras... "Dapat ba nating tanungin ang mga miyembro ng pamilyang Grubb tungkol dito?" tanong ni Aiden habang inilalabas ang kanyang cellphone, handa na siyang makipag-ugnayan sa kanyang superior. “Magsagawa muna tayo ng masusing imbestigasyon. Kung wala siya sa manor, malamang ay mas komplikado ang sitwasyon kaysa sa una nating inaakala... Maaaring natakot ang mga Grubb sa kabilang grupo—dahilan kung bakit sila nanatiling tahimik tungkol dito—, o kaya'y may iba pang dahilan na hindi pa natin nakikita," sagot ni Gerald habang nakapatong ang mga kamay sa windowsill nang nakatingin sa labas... “Ang pamilyang Grubb ay isang kawili-wiling grupo... Si Lindsay ay nawala pero ayaw pa rin nilang sabihin ito! Makukuntento lang ba sila kapag may nangyari nang masama?" sabi ni Aiden habang inihampas ang kanyang kamao sa isang mesa, iniisip niya kung ano na kayang nangyayari kay Lindsay ngayon. Kung siya ay nadungisan ng isang tao na
"Wala bang mga clues na naiwan...?" tanong ni Gerald na halos sigurado na si Lucian ay walang kinalaman sa pagkawala ni Lindsay. Pagkatapos ng lahat, walang kakaibang emosyon sa kanyang mukha sa kanilang buong pag-uusap. “Kung mayroon man, matagal na naming natagpuan ang mga ito... Masyadong malaking tragedy ito... Hindi ko lang alam kung patay na ba o buhay ang anak ko, pero hindi ko pa rin mahanap ang bangkay niya kung patay man siya! Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari…” sabi ni Lucian habang umiiling. “Napag-isipan mo na bang tanungin ang mga tauhan ni Frey? Sila ang pinaka-close sa kanya kaya baka may idea sila kung anong nangyari sa kanya,” sagot ni Gerald habang napakamot siya sa kanyang baba. "Walang pinagkaiba nag sagot nila kahit ilang beses akong nagtanong. Sinabi nilang lahat na nang umalis si Frey isang hapon, hindi na niya nakontak ang sinuman sa kanila. Iyon siguro ang araw na nawala siya," sabi ni Lucian na inisip ang lahat ng sinabi ni Gerald, nagpatuna
"Oo naman! Magtanong ka lang!" sagot ni Lucian sabay tango. "Si Miss Lindsay... Hindi na siya bumalik simula noong umalis siya, tama ba?" medyo nakasimangot na tinanong ni Gerald, malakas ang kutob niya na walang kaalaman si Lucian tungkol dito pagkatapos niya itong makausap ng dalawang bese tungkol dito. Dahil masayang binanggit ni Licuan si Lindsay, mahirap isipin na si Lucian ang kidnapper niya... “…Ano ang ibig mong sabihin sa ‘bumalik’? Hindi ba kasama niyo siya ni Aiden?" sagot ni Lucian na halatang nagulat sa kanyang narinig. Umiling si Gerald bago siya sumagot, "Hindi, ang ibig kong sabihin pagkatapos noon..." "Mula nang umalis kayo nang magkasama, hindi na siya bumalik dito... At saka, hindi binanggit ni Mr. Lawrence ang anumang bagay tungkol sa pagbabalik ng kanyang pamangkin..." sabi ni Lucian bilang tugon. "Ganun ba…" "Bakit mo naman ito natanong? May nangyari ba kay Lindsay...?" seryosong tinanong ni Lucian. Hindi siya maituturing na patriarch kung mahina ang k
"Iyon nga sana ang kaso, pero..." sabi ni Gerald habang nakataas ang isang kilay. “…May itinatago ka pa ba sa akin, mister…?” tanong ni Lucian, bigla siyang naging curious sa sagot ni Gerald. "Ang totoo, sinubukan noon ni Frey na i-harass si Miss Lindsay, pero mabuti na lang at napigilan ko siya," sagot ni Gerald habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Lucian. “G*gong bata talaga ‘yon!” sigaw ni Lucian. “…Hmm? Hindi ka ba naghihinala sa akin na baka ako ay naninirang-puri...?" sagot ni Gerald na hindi maiwasang mapangiti. “Maraming magagandang qualities si Frey, pero ang isang bagay na hindi niya kaya ay ang pagpipigil sa kanyang sarili... Hindi ko na mabilang kung ilang babae ang nasaktan niya, at sa huli ay binabayaran ko ang katahimikan nila... Pero hindi ko inasahan na si Lindsay ang magiging target niya sa pagkakataong ito... Nawawalan na talaga ng konsensya ang batang iyon! Kung magtagumpay man siya sa binabalak niya, sa palagay ko ay hindi ko na mahaharap si Mr. Law