Sa totoo lang ay hindi makapaniwala si Carter na ang naglalakad na bangungot ay bumalik sa Yanam sa lalong madaling panahon! Hindi niya pa nga maenjoy ang kanyang posisyon bilang head ng military! At saka, natatakot siya na baka mangyari sa kanya ang nangyari kay Godwin. Pagkatapos maghanap ng isang buong buwan, kalaunan ay nahanap nila siya... Gayunpaman, mukha na siyang isang savage sa panahon na iyon. Kung hindi lang nakilala ng investigation team ang kanyang damit, malamang babarilin nila siya sa sandaling sumugod ang mala-hayop niyang itsura! Sa oras na iyon, siniguro ni Carter na itatago niya nang mabuti ang nakaraang insidente. Pagkatapos ng lahat, ayaw niyang magkaroon ng hindi kinakailangang gulo dahil maaaring makaapekto iyon sa kanyang posisyon bilang leader. Dahil dito, itinago ni Carter si Godwin sa isang malayong mountain village, siniguro niya na may mga tauhan siya na nagbabantay sa kanya sa lahat ng pagkakataon... agkatapos makita kung ano ang nangyari kay Godwin
“…P-pero leader! Dapat alam mo kung gaano kalupit si Gerald...! Hindi lamang niya pinatay ang ating dating leader, pero pinatay rin niya ang tatlong matataas na pamilya ng ating bansa…! Sa dami ng kaguluhan na naidulot niya dito, kaya dapat lang na pabagsakin natin siya sa sandaling makahanp tayo ng tsansa!" sagot ng takot na takot na lalaki. “Ako na ngayon ang leader. Kung hindi ako gagawa ng desisyon, anong karapatan ko para panghawakan ang posisyon na ito?" mahinahong sinabi ni Carter habang nakaturo sa kanyang upuan. Sa totoo lang, takot na takot si Carter sa sandaling ito. Pero alam din niya na hindi pa niya naa-offend si Gerald. Kung tutuusin ay naibigay na niya kay Gerald ang kanyang silent approval na umalis sa Yanam noon, at sigurado siyang maaalala iyon ni Gerald. Gusto ni Carter na makipagkita kay Gerald para magtanong kung bakit siya pumunta sa Yanam sa pagkakataong ito. Anuman—o sinuman—ang hinahanap ni Gerald dito, paniguradong makukuha at maibibigay ito ni Carter k
Nagtitiwala ang apat na alam ni Gerald ang kanyang ginagawa, kaya sumunod sila sa lalaking in-charge sa karagatan ng Yanam... Nang makaalis na sila, ibinaba ng isa sa mga sundalo ang kanyang baril bago niya sinabing, "Please, sumama ka sa amin, sir." Tumango si Gerald saka niya sinimulang sundan ang sundalo habang kaswal na nagtatanong, "So, paano niyo nalaman na pupunta ako?" "Ako ay isang ordinaryong sundalo lamang kaya hindi ko masasagot ang katanungan mo," sagot ng sundalo nang walang pag-aalinlangan, makikita na sumailalim siya sa matinding pagsasanay para patatagin ang kanyang isip. "Nakikita ko," sagot ni Gerald, alam niya na hindi siya makakakuha ng maraming impormasyon mula sa taong ito. Dahil doon, naglakad ang grupo sa loob ng halos sampung minuto pa bago nakarating sa opisina ng Yanam's maritime forces kung saan nakatayo si Carter na naghihintay sa kanila... Nang makita siya ay biglang napangiti si Gerald. Kung tutuusin, alam ni Gerald na isang duwag si Carter n
“Okay, pumunta akong Yanam para hanapin ang isang bagay, kaya hindi ako gagawa ng anumang gulo,” sagot ni Gerald bago muling humarap sa pinto. "A-Ako" bago pa man matapos ni Carter ang kanyang pangungusap, biglang nag-walk out si Gerald. Gayunpaman, biglang gumaan ang pakiramdam ni Carter dahil nilinaw ni Gerald na hindi siya naririto para manggulo. Hangga't hindi siya gagawa ng hakbang para kalabanin sila, hindi magiging problema si Gerald para sa Yanam... Hindi nagtagal ay nakarating si Gerald sa mga guest room—na hindi kalayuan sa opisina ni Carter—kung saan naroon na ang iba. Kahit na ginamit ang term na 'guest room', ang totoo, nag-book si Carter ng isa sa mga luxurious hotel sa Yanam para sa kanila. Ang lugar ay karaniwang nakalaan para sa mahahalagang tao mula sa ibang bansa, kaya kung ang isang tao ay walang tamang koneksyon, hindi sila maaaring manatili doon, kahit na mayroon pa silang pera. Kasalukuyang kumakain ang kanyang grupo nang pumasok si Gerald sa kwarto. Nan
Nagpakita si Daryl sa kanyang panaginip kagabi, at ang matanda ay pinag-uusapan ang tungkol sa childhood ni Gerald hanggang sa nagising si Gerald mula sa bangungot na ito. Habang hirap na hirap siyang huminga pag-gising niya, bigla niya namang sinuri ang kanyang paligid. Parang totoo ang kanyang panaginip… Nang kumalma siya ng kaunti, nakita niya na four o’clock pa lang ng umaga. Tumingin siya sa labas ng bintana at napagtanto na malakas pa rin ang buhos ng ulan. Alam niyang hindi na siya makakatulog pa ng mas matagal sa gabing iyon, kaya gumulong pababa ng kama si Gerald bago siya tulalang tumingin sa labas ng bintana…Sa isang sandali, maririnig ang mga katok mula sa kanyang pintuan. Itinaas niya ang isang kilay, bago siya tumingin sa peephole at nakita niya na si Aiden iyon. Binuksan niya nag pinto nang nakangiti habang sinasabi, “Ang aga mo naman magising…” “Tungkol diyan… Nakatanggap kasi ako ng urgent message mula sa superior ko, pero bago iyon, natatandaan mo pa ba si Miss
“Ah… Hindi ko alam…” sabi ni Aiden, masyado pa siyang naguguluhan sa kanyang nararamdaman. Bagama't hindi siya sigurado kung talagang gusto niya ang babaeng iyon, nakaramdam siya ng matinding pagkabalisa nang sabihin sa kanya ng kanyang superior na nawala si Lindsay. Kung tutuusin, ang una niyang reaksyon ay ang i-update si Gerald tungkol dito ng alas kwatro ng umaga! "Kung ‘yan ang nararamdaman mo, kailangan mong paalalahanan ang iyong mga higher-ups na kasalukuyan kang nasa leave at sabihin sa kanila na magpadala ng ibang tao para iligtas siya. Kung hindi ka seryoso sa kanya, manatili ka sa akin. Kakailanganin ko ang lahat ng tulong na makukuha ko para gawin ang misyon na ito,” sagot ni Gerald habang nakatingin sa labas ng bintana. "Pero... baka nasa panganib ang buhay ni Miss Lawrence..." sabi ni Aiden. Mandalas niyang inuuna si Gerald, ngunit nag-aalangan siya nang isipin niyang ikinulong ng Grubb family si Lindsay. Gayunpaman, nag-aalala rin si Aiden na kung magmadali siya, ba
Kahit na matagal nang umuulan, parang mas lumakas ang ulan nang sumakay ang dalawa sa kanilang sasakyan. Dahil nagpapatrolya pa ang mga Yanam soldiers sa lugar, sa oras na nakita nilang umalis sina Gerald at Aiden, isa sa kanila ay agad na nagsumbong sa kanilang superior… Samantala, mahimbing na natutulog si Carter sa loob ng leader’s lounge. Pagkatapos niyang malaman na hindi pumunta dito si Gerald para gumawa ng kaguluhan, biglang gumaan ang loob ni Carter na nag-imbita siya ng ilang executive na makipag-inuman sa kanya noong nakaraang gabi, dahilan kung bakit komportable siyang natutulog sa oras na ito. Gayunpaman, ang humihilik na lalaki ay biglang nagising nang nagmamadaling pumasok sa kanyang pintuan ang kanyang butler, maingat na niyugyog ang natutulog na katawan ni Carter habang siya ay sumisigaw, "May m-masamang balita, captain...!" Sumigaw si Carter dahil bigla siyang nagising, "Umalis ka dito!" “Captain! Kalalabas lang ni Gerald at ng special forces agent mula sa W
Ang biyahe papuntang Grubb manor ay tumagal ng tatlong oras sa karaniwan, ngunit nauwi ito ay umabot ng limang oras dahil sa malakas na ulan. Dahil dito ay malapit nang tanghali nang makarating sila sa manor... Pagkatapos iparada ang sasakyan, tiningnan ni Gerald ang kanyang cellphone at nakita niya na nag-message sa kanya si Master Ghost. Natuwa siya na ibinahagi ni Master Ghost ang balita sa ibang miyembro ng grupo, lalabas na sana si Gerald ng sasakyan nang bigla niyang napansin ang isang katulong na tumatakbo papunta sa kanya na may dalang payong. Iniunat nito ang kanyang kamay na nakahawak sa isang folding umbrella, pagkatapos ay nagtanong ang katulong, “Goodmorning, sir. Pwede ko bang malaman kung bakit ka nandito?" "Hinahanap ko si Mr. Grubb," sagot ni Gerald habang kinukuha ang payong bago niya ito binuksan. Nang makarating si Aiden sa ilalim ng payong ni Gerald, ngumiti ang katulong sa kanya bago nagtanong, "Excuse me pero sinong Mr. Grubb ang tinutukoy mo?" Bukod sa