Nang marinig ang boses ni Will, biglang kinilabutan si Amare nang bigla siyang lumingon at sumagot, "...Master Will." "Pumasok ka dito...! Bilisan mo…!” reklamo ni Will habang patuloy na lumilingon sa maraming kaliwa’t kanan, natuwa siya na walang mga cultivator ni Daryl ang nasa paligid. Pinanood niya si Will na sumenyas sa kanya na magmadali, kaya alam ni Amare na wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sumunod sa kanya. Kahit pa sinusubukang iwasan ni Amare si Will mula nang bumalik siya, mukhang wala na siyang kawala dito... Nang makapasok si Amare, mabilis na naglabas ng dalawang tasa ng tsaa si Will bago siya nagtanong, "Gusto mo ng tsaa?" “Ah… Hindi, okay lang ako. May... may magagawa ba ako para sayo, Master Will...?" tanong ng hindi mapakali na si Amare sabay lunok. Nakataas ang isang kilay ni Will saka siya sumagot, “Ano na? Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari…!” “A-anong nangyari saan, Master Will…?” nauutal na sinabi ni Amare, hirap siyang magsinungaling.
Sandaling nanigas sa takot si Amare nang marinig ito at bigla siyang napalunok, habang dahan-dahang humarap muli kay Will. Nang makita iyon, tumahimik si Will—na nagpanggap siyang seryoso—habang sinasabi niya, “...Ituring mo akong isang ordinaryong miyembro ng pamilya. Dahil dito ay huwag mo akong tawagin na ‘future patriarch’ dahil si Darryl pa rin ang nasa kontrol." “…Masusunod,” sagot ni Amare habang tumango bago siya mabilis na umalis… Pagkaalis niya, mabilis na isinara ni Will ang pinto ng kwarto niya bago siya naglakad pabalik-balik sa taas at baba, ang mga kamay niya ay nasa likod—habang bumubulong siya, “Kakaiba ito... Bukod sa napabagsak niya sina Wolf at Luc, natakasan pa rin ni Gerald si Amare! Anong uri ng cultivation level ang meron si Gerald? Ang kanyang mga talents ay higit pa sa mga ordinaryong tao…?” Kahit na maraming katanungan sa kanyang isipan, nagdesisyon si Will na isantabi muna ang lahat. Hindi pa rin masaya si Daryl sa kanya nang ipinadala niya ang iba
Sa totoo lang ay hindi makapaniwala si Carter na ang naglalakad na bangungot ay bumalik sa Yanam sa lalong madaling panahon! Hindi niya pa nga maenjoy ang kanyang posisyon bilang head ng military! At saka, natatakot siya na baka mangyari sa kanya ang nangyari kay Godwin. Pagkatapos maghanap ng isang buong buwan, kalaunan ay nahanap nila siya... Gayunpaman, mukha na siyang isang savage sa panahon na iyon. Kung hindi lang nakilala ng investigation team ang kanyang damit, malamang babarilin nila siya sa sandaling sumugod ang mala-hayop niyang itsura! Sa oras na iyon, siniguro ni Carter na itatago niya nang mabuti ang nakaraang insidente. Pagkatapos ng lahat, ayaw niyang magkaroon ng hindi kinakailangang gulo dahil maaaring makaapekto iyon sa kanyang posisyon bilang leader. Dahil dito, itinago ni Carter si Godwin sa isang malayong mountain village, siniguro niya na may mga tauhan siya na nagbabantay sa kanya sa lahat ng pagkakataon... agkatapos makita kung ano ang nangyari kay Godwin
“…P-pero leader! Dapat alam mo kung gaano kalupit si Gerald...! Hindi lamang niya pinatay ang ating dating leader, pero pinatay rin niya ang tatlong matataas na pamilya ng ating bansa…! Sa dami ng kaguluhan na naidulot niya dito, kaya dapat lang na pabagsakin natin siya sa sandaling makahanp tayo ng tsansa!" sagot ng takot na takot na lalaki. “Ako na ngayon ang leader. Kung hindi ako gagawa ng desisyon, anong karapatan ko para panghawakan ang posisyon na ito?" mahinahong sinabi ni Carter habang nakaturo sa kanyang upuan. Sa totoo lang, takot na takot si Carter sa sandaling ito. Pero alam din niya na hindi pa niya naa-offend si Gerald. Kung tutuusin ay naibigay na niya kay Gerald ang kanyang silent approval na umalis sa Yanam noon, at sigurado siyang maaalala iyon ni Gerald. Gusto ni Carter na makipagkita kay Gerald para magtanong kung bakit siya pumunta sa Yanam sa pagkakataong ito. Anuman—o sinuman—ang hinahanap ni Gerald dito, paniguradong makukuha at maibibigay ito ni Carter k
Nagtitiwala ang apat na alam ni Gerald ang kanyang ginagawa, kaya sumunod sila sa lalaking in-charge sa karagatan ng Yanam... Nang makaalis na sila, ibinaba ng isa sa mga sundalo ang kanyang baril bago niya sinabing, "Please, sumama ka sa amin, sir." Tumango si Gerald saka niya sinimulang sundan ang sundalo habang kaswal na nagtatanong, "So, paano niyo nalaman na pupunta ako?" "Ako ay isang ordinaryong sundalo lamang kaya hindi ko masasagot ang katanungan mo," sagot ng sundalo nang walang pag-aalinlangan, makikita na sumailalim siya sa matinding pagsasanay para patatagin ang kanyang isip. "Nakikita ko," sagot ni Gerald, alam niya na hindi siya makakakuha ng maraming impormasyon mula sa taong ito. Dahil doon, naglakad ang grupo sa loob ng halos sampung minuto pa bago nakarating sa opisina ng Yanam's maritime forces kung saan nakatayo si Carter na naghihintay sa kanila... Nang makita siya ay biglang napangiti si Gerald. Kung tutuusin, alam ni Gerald na isang duwag si Carter n
“Okay, pumunta akong Yanam para hanapin ang isang bagay, kaya hindi ako gagawa ng anumang gulo,” sagot ni Gerald bago muling humarap sa pinto. "A-Ako" bago pa man matapos ni Carter ang kanyang pangungusap, biglang nag-walk out si Gerald. Gayunpaman, biglang gumaan ang pakiramdam ni Carter dahil nilinaw ni Gerald na hindi siya naririto para manggulo. Hangga't hindi siya gagawa ng hakbang para kalabanin sila, hindi magiging problema si Gerald para sa Yanam... Hindi nagtagal ay nakarating si Gerald sa mga guest room—na hindi kalayuan sa opisina ni Carter—kung saan naroon na ang iba. Kahit na ginamit ang term na 'guest room', ang totoo, nag-book si Carter ng isa sa mga luxurious hotel sa Yanam para sa kanila. Ang lugar ay karaniwang nakalaan para sa mahahalagang tao mula sa ibang bansa, kaya kung ang isang tao ay walang tamang koneksyon, hindi sila maaaring manatili doon, kahit na mayroon pa silang pera. Kasalukuyang kumakain ang kanyang grupo nang pumasok si Gerald sa kwarto. Nan
Nagpakita si Daryl sa kanyang panaginip kagabi, at ang matanda ay pinag-uusapan ang tungkol sa childhood ni Gerald hanggang sa nagising si Gerald mula sa bangungot na ito. Habang hirap na hirap siyang huminga pag-gising niya, bigla niya namang sinuri ang kanyang paligid. Parang totoo ang kanyang panaginip… Nang kumalma siya ng kaunti, nakita niya na four o’clock pa lang ng umaga. Tumingin siya sa labas ng bintana at napagtanto na malakas pa rin ang buhos ng ulan. Alam niyang hindi na siya makakatulog pa ng mas matagal sa gabing iyon, kaya gumulong pababa ng kama si Gerald bago siya tulalang tumingin sa labas ng bintana…Sa isang sandali, maririnig ang mga katok mula sa kanyang pintuan. Itinaas niya ang isang kilay, bago siya tumingin sa peephole at nakita niya na si Aiden iyon. Binuksan niya nag pinto nang nakangiti habang sinasabi, “Ang aga mo naman magising…” “Tungkol diyan… Nakatanggap kasi ako ng urgent message mula sa superior ko, pero bago iyon, natatandaan mo pa ba si Miss
“Ah… Hindi ko alam…” sabi ni Aiden, masyado pa siyang naguguluhan sa kanyang nararamdaman. Bagama't hindi siya sigurado kung talagang gusto niya ang babaeng iyon, nakaramdam siya ng matinding pagkabalisa nang sabihin sa kanya ng kanyang superior na nawala si Lindsay. Kung tutuusin, ang una niyang reaksyon ay ang i-update si Gerald tungkol dito ng alas kwatro ng umaga! "Kung ‘yan ang nararamdaman mo, kailangan mong paalalahanan ang iyong mga higher-ups na kasalukuyan kang nasa leave at sabihin sa kanila na magpadala ng ibang tao para iligtas siya. Kung hindi ka seryoso sa kanya, manatili ka sa akin. Kakailanganin ko ang lahat ng tulong na makukuha ko para gawin ang misyon na ito,” sagot ni Gerald habang nakatingin sa labas ng bintana. "Pero... baka nasa panganib ang buhay ni Miss Lawrence..." sabi ni Aiden. Mandalas niyang inuuna si Gerald, ngunit nag-aalangan siya nang isipin niyang ikinulong ng Grubb family si Lindsay. Gayunpaman, nag-aalala rin si Aiden na kung magmadali siya, ba