Biglang may pumasok na ideya sa kanyang isipan nang sabihin niya iyon."Ikaw! Pumasok ka!" Medyo naging relaxed agad ang mukha ni Kai.“Young Master.” Mabilis na pumasok ang katulong at maingat na naglakad papunta kay Kai. Nilayo niya ang kanyang leeg sa takot na saktan siya ni Kai."Anong sinabi mo kanina? Ulitin mo sa akin ang sinabi mo." Nilagay ni Kai ang kamay niya sa balikat ng katulong at inipit siya sa upuan sa tabi niya."Wala akong sinabi kanina!" Takot na takot nagsalita ang kanyang katulong. Nanginginig ang mga paa niya nang umupo siya."Sabihin mo!" Tiningnan siya ng masama ni Kai, at lumakas ang boses niya.Natakot ang katulong at wala siyang ibang magawa kundi ulitin ito nang may mapait na mukha. "Sinabi ko na kung masama ang loob mo, pwede kang pumunta sa Fame Academic College para maghanap ng dalawang babae na mapaglalaruan mo, baka lang mas gumaan ang pakiramdam mo pagkatapos nito."“Haha, tama ka! Gagawin ko na ito!" tumawa ng malakas si Kai nang marinig niya
"Si Gerald ba ito?" Maririnig ang boses ni Kai mula sa kabilang dulo. “Young Master Kai Kanagawa. Ano ang maitutulong ko sayo?” naaliw si Gerald nang marinig niya ang boses ni Kai sa kabilang dulo. Kaya pagkatapos nito ay nag cross legs siya at nagtanong. "Paano ako maitatawag bilang isang young master sa harapan mo?" Maririnig ang malamig na tawa ni Kai mula sa kabilang dulo. “Sabihin mo na lang sa akin ang gusto mong sabihin. Kung hindi, ibababa ko na ang tawag." hindi interesado si Gerald na mag-aksaya ng oras kay Kai. At saka, alam niyang may masamang binabalak si Kai sa pagtawag nito sa kanya. “Huwag.” Biglang kinabahan si Kai. “Alam kong marami akong nagawang pagkakamali dati. Ikaw ay mapagpatawad, at hindi mo ito isinasapuso. Pwede kitang ilibre ng pagkain bilang isang paraan ng kabayaran at paghingi ng tawad para sayo. Malay mo ay pwede pa tayong maging magkaibigan sa future.” “Oo naman. Walang problema. Anong oras tayo magkikita?" pinigilan ni Gerald ang kanyang pagt
Makalipas ang ilang araw na nagtatrabaho siya para kay Kai, napagtanto niya na hindi na siya pwedeng manatili sa kanyang tabi ng matagal pa. Malamang ay may mangyayaring masama sa kanya kung may masabi siyang mali. Kahit pa tumayo lamang siya doon, siya ang magiging target ni Kai sa tuwing nagagalit ito.Mabilis na lumipas ang isang buong hapon hanggang sa ilang sandali lang ay sumapit na ang gabi. Nagmaneho si Gerald papunta sa lokasyon ng hotel base sa location na binigay sa kanya ni Kai. Sinabi lang ni Gerald sa iba na aayusin niya lang ang maliit na isyu, kaya wala siyang ibang dinala. Kung tutuusin, si Kai ay isang masamang tao at malamang ay may mga kampon siyang nakapalibot sa kanyang paligid, ayaw niyang iperwisyo ang buhay ng iba. Nang mai-park niya ang kanyang kotse ay may isang waiter na lumapit sa kanya."Pwede ko bang malaman kung ikaw si Mr. Gerald Crawford?" Yumuko at nagtanong ang waiter bago pa maibaba ni Gerald ng buo ang bintana."Oo ako iyon." Sabi ni Ger
Wala itong masyadong epekto sa kanya, pero nagpanggap pa rin siya na parang hindi siya magaling uminom. Walang tigil siyang kumuha ng malamig na hangin. “Gerald, parang hindi ka masyadong marunong uminom.” naging confident si Kai nang makita niya ang mukha ni Gerald. "Tama iyan. Mahina akong uminom. Madalas na nalalasing ako pagkatapos ng dalawa hanggang tatlong baso ng alak." agad namang sinabi ni Gerald. Hindi talaga siya naapektuhan ng ganoong klase ng alak. Sa dami ng nainom niya, mas kailangan niyang umihi at hindi siya masyadong nalalasing. Pwede pa niyang gamitin ang kanyang Herculean Primordial Spirit para i-evaporate ang ihi sa kanyang katawan. “Pareho tayo. Kumain muna tayo!" Hindi na pinilit ni Kai si Gerald na uminom pa ng alak. Baka maramdaman ni Gerald na may mali kung ipagpapatuloy niya pa ito. At saka, hindi na masyadong nabalisa si Kai pagkatapos niyang malaman kung gaano karami ang nainom ni Gerald. Pagkatapos kumain, kailangan ng isang tao na uminom ng apat h
Nagkaroon ng ganoong karanasan si Kai mula sa kanyang pagkahilig sa alak noong nakaraan. “Ano na ang gagawin natin ngayon?” tanong ng confident nang lumapit ito sa kanya. “Ano pa ba ang gagawin natin? Papuntahin mo dito ang waiter at buhatin si Gerald sa kwarto sa ibaba. Handa na ba ang camera?" Gustong-gusto ni Kai na diretsong patayin si Gerald sa sandaling iyon, pero alam niyang hindi niya pa pwedeng magawa iyon. Kahit pa mataas ang katayuan ng kanyang pamilya sa Japan, ang pamilyang Futaba ay hindi rin isang madaling laro. Kung ang pamilyang Futaba ay nakakuha ng isang impormasyon laban sa kanya, buong buhay niya ang tuluyang masisira. Maya-maya pa ay dumating na ang waiter, at binuhat niya si Gerald palabas ng private room. Kanina pa naghihintay ang dalawang university student, at ang mga camera ay naka-set up sa kwarto, naghihintay na dalhin si Gerald doon at mahulog sa bitag ni Kai. “Maging gentle ka lang. Huwag mo siyang gisingin!" agad na nagalit si Kai nang makita
Umupo silang dalawa palapit kay Gerald. Pagkatapos nito ay sinimulan nilang maghubad ng kanilang mga damit. “Teka. Anong ginagawa niyo?" Napakunot noo si Gerald. Hindi nagtagal ay naintindihan na niya ang binabalak ni Kai pagkatapos niyang makita ang kanilang mga aksyon. Mukhang gusto siyang lasingin ni Kai hanggang sa punta na mawawalan na siya ng malay. Nag-set up si Kai ng isang engrandeng piyesta para gawan ng masama si Gerald at gusto niyang kunan ng malaswang video si Gerald gamit ang mga surveillance camera.“Malamang gusto ka naming pagsilbihan. Inutusan kami ni Mr. Kanagawa na gawin ito. Ikaw ang kanyang distinguished guest, kaya sinabi niya sa amin na dapat ka naming paglingkuran ng mabuti. Kung hindi, hindi kami makakakuha ng kahit anong pera." Sagot ng isa sa mga university students. Habang nagsasalita siya y hinubad niya ang kanyang coat. "Wag mo munang hubarin ang damit mo." Pinisil ni Gerald ang kamay ng babae bago niya ito binitawan agad. "Wala kang makukuhang pera
Kung gustong makipaglaro ni Kai, iyon rin ang makukuha niya. Habang nagbabalik-tanaw si Gerald, naisip niya na mawawalan ng sense kung papatayin niya agad si Kai. Dahil dito ay bumalik si Gerald sa kanyang kwarto at patuloy na humiga para makapagpahinga…Makalipas ang ilang sandali, bumukas ang mga mata ni Kai habang basang-basa siya ng pawis; pagkatapos nito ay sumigaw siya ng malakas. Napanaginipan niya na dinala siya ni Gerald sa isang bundok bago nito hinila ang kanyang ulo hanggang sa mapugutan siya…! Napagtanto ni Kai na nakahiga pa rin siya sa kama, kaya kumuha siya ng isang glass ng tubig–na nasa tabi ng kanyang kama—bago niya ito inubos sa isang lagok… Nang kumalma siya ng kaunti, pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo bago niya sinabi, “P*tang-ina… muntikan na akong mamatay sa takot…!”Umiling si Kai bago niya tiningnan ang oras. Halos apat na oras na ang lumipas, kaya naisip ni Kai na nahulog na si Gerald sa kanyang patibong.Dahil plinano na ni Kai ang lahat ng dapat
Alam ng subordinate na wala na siyang ibang mapagpipilian, kaya binuksan niya ang computer... at sa ilang sandali lang ay makikita na normal na gumagana ang surveillance system... Gayunpaman, wala nang tao sa loob ng kwarto...! "Hindi ba sinabi mo na may problema sa computer...?!" sabi ni Kai habang hinahampas ang likod ng ulo ng kanyang subordinate. Hindi lang sinuway ng kanyang subordinate ang kanyang mga utos, ngunit sinubukan pa nitong lokohin si Kai! Kung wala lang sila sa isang high-end na lugar, binugbog na sana siya ni Kai hanggang sa mamatay siya...! Agad na lumuhod ang subordinate at sinimulang umiyak habang hawak ang likod ng kanyang ulo, “P-Pasensya na, young master…! Hindi ko alam kung anong nangyari...! Maayos naman ang lahat noong huli ko itong tiningnan…!” Pinigilan ni Kai ang kanyang galit, dahil alam niyang kailangan niyang ituon ang kanyang atensyon kay Gerald, bago niya sinabi, "Saan ka ba pumunta...?!" Hindi alam ni Kai kung matino pa ang isip ni Gerald sa