Nakita ng guard na masyadong maraming tao na ang nakatipon doon, kaya sinabi niya, “Kayong lahat! Sinabi ng dalawang ito na kilala nila ang chairman ng ating consortium! Hindi lang iyon, tinawagan pa nila ang chairman at sinabi raw nito na pababa na ang chairman! Hintayin natin kung darating talaga siya! Kung hindi darating ang chairman... Tulungan niyo akong paalisin sila!" "Ano raw? Hoy, alam ba ninyong dalawa kung gaano ka sikat ang ating chairman? Paano magiging karapat-dapat kayong dalawa para makita ang isang high-status na taong tulad niya?” “Oo nga! Palayasin mo na lang sila habang kaya mo pa! Sinong nakakaalam kung saan nanggaling ang mga baliw na ito!" mapangutya na sinabi ng mga taong nakapaligid sa kanila, sila ay mga trabahador sa Fareast Consortium. Tama lang na magduda sila. Kahit pa napakatagal na nilang nagtatrabaho dito, sila mismo ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na makita ang chairman sa kadahilanan na ang chairman ay nasa ibang bansa para gumawa ng mas maram
Pagkatapos nito, pinangunahan ni Derrick ang grupo ng tatlo—habang nakapalibot ang mga bodyguards— papasok sa building, naiwan ang mga kaninang empleyado na nakatitig sa kanilang mga likuran habang sila ay nakatulala. Sa loob ng maraming taon nilang pagtatrabaho dito, ngayon lang nila nakita na malapit sa ibang tao ang kanilang chairman, hindi rin naman sila nagkaroon ng maraming pagkakataon na makita siya sa unang lugar... Kasunod nito, agad na sumakay ang tatlo sa elevator at pumunta sila sa pinakamataas na palapag... Ang buong floor ay opisina ni Derrick, at nang bumukas ang mga pinto ng elevator, sinalubong sina Gerald at Aiden halos isang dosenang mga empleyado. Base sa paraan ng pananamit nila, mukhang mga secretary sila ni Derrick... "Dito ang daanan!" sabi ni Derrick habang sinesenyasan si Gerald at Aiden na sumunod sa kanya, hindi pinapansin ang magulong eksena sa kanilang harapan. Nang makarating sila sa kanyang mesa, hinubad ni Derrick ang kanyang coat bago siya gumawa
“Nandito ako ngayon para pag-usapan ang problema sa pamilyang iyon,” sagot ni Gerald habang nagsisindi ng sigarilyo. “…Oh? May koneksyon ka ba sa ibang pamilya dito?" tanong ni Derrick na inakala na siya lang ang kilala ni Gerald sa buong Japan. "Ang buong kwento ay masyadong komplikado para ipaliwanag sa isang upuan lamang, pero nandito ako para magtanong kung handa kang tulungan ang mga Futaba para malampasan nila ang kanilang kasalukuyang krisis," sagot ni Gerald. "Walang problema! Tutulungan ko sila!" sagot ni Derrick ng hindi man lang nag-dalawang isip. “Ganito lang? Hindi ka ba nag-aalala na gagamitin ko ito laban sayo?" sabi ni Gerald sabay tawa. “Huwag kang magbiro, niligtas mo ang buhay ko noon! Paano kung susubukan mo akong kalabanin? Walang problema sa akin na ibigay sayo ang aking posisyon! Sabihan mo ang pamilyang Futaba na pumunta dito. Nagkataon lang na mayroon akong ilang angkop na kontrata para sa kanila. Inisip ko noong una ay ibigay ito sa bagong acquired n
Nakikinig si Gerald habang ibinahagi ni Derrick ang nakaraang kwento na iyon, kaya hindi napigilan ng lalaki na mapailing habang nakangiti. Pagkatapos ng lahat, si Gerald ay gumawa na ng maraming mga bagay para sa iba, kaya hindi niya tinuring na espesyal ang pagligtas kay Derrick. Makalipas ang halos isang oras at kalahati nang matapos na sila sa kanilang pagkain. Sa oras na iyon, nainom na ni Derrick ang halos lahat ng puting alak, at ang kanyang namumulang pisngi ay nakadikit na sa hita ni Gerald habang patuloy siyang bumubulong tungkol sa pangyayari noong taong iyon... Sa kabila nito, hindi nainis si Gerald sa mga ikinikilos ni Derrick. Sa halip, patuloy siyang sumagot sa mga salita ni Derrick na lalong nagiging hindi magkatugma... Mabuti na lang at may pumasok na secretary. Nang makita siya, sinenyasan siya ni Gerald na lumapit bago niya sinabing, “Kumuha ka ng mga tao para tulungan ang chairman na tumayo. Kailangan na niyang magpahinga." Tumango ang secretary, saka siya u
“Hayaan mo siyang magpahinga,” sagot ni Gerald sabay kaway ng kanyang kamay. “...Okay. Maghihintay ako sa labas kung may kailangan kayo...” sagot ng secretary na gumaan ang pakiramdam na hindi siya pwedeng sisihin dahil sinabihan na siya ni Gerald na huwag gisingin si Derrick. Nang makaalis ang secretary, naudyukan si Takuya na magtanong, “...Kilala mo ba si Chairman Derrick…?” "Nandito ako para hingin ang tulong niya," sagot ni Gerald sabay tango. "…Ganun ba... Pero… bakit ako nandito...? Kailangan mo rin ba ng tulong ko sa isang bagay...?" tanong ni Takuya habang nahihirapan siyang maintindihan ang buong sitwasyon. “Negative. Nandito ka dahil sinabihan ko si Derrick na bigyan kayo ng kontrata na kailangan niyong pirmahan. Pagkatapos nito, ang pamilya mo ay kailangang makabalik sa dati nitong glory sa anumang oras. Huwag kang mag-alala, sisiguraduihin ko na itatrato ka ng maayos ni Derrick,” paliwanag ni Gerald na may banayad na ngiti sa kanyang labi. “…A-ano?!” sigaw ni T
"Tama iyan! Hindi ko inakala na napakabilis lumipas ng mga taon... Pagkatapos ng ating collaboration, nagsimulang humina ang pamilya ko…” sagot ni Takuya bago siya tumango. Sa totoo lang, ang pakikipagtulungan ng kanyang pamilya sa Fareast Consortium ay ang highest point ng kanilang pamilya. “Nakikita ko… mukhang nagdala ng malas ang kumpanya ko sa inyong pamilya!” biro ni Derrick. “Please ‘wag mong sabihin yan! Nangyari lang iyon sa pamilya ko dahil sa ilang internal issues. Wala kang kinalaman sa pagbagsak ng pamilya ko…!” sigaw ni Takuya na masyadong sineryoso ang biro ni Derrick. "Uy! Joke lang ‘yun... Hindi pa ba nakaka-recover ang pamilya mo simula noon?" tanong ni Derrick. “Minalas kami dahil hindi naka-recover ang pamilya namin hanggang ngayon... Sa totoo lang, ang lahat ng ito ay nangyayari lamang dahil ang 'ilang mga indibidwal' ay ginamit sa mali ang kanilang posisyon, ibinulsa nila ang mga kita para sa kanilang sarili hanggang sa maubos ang lahat ng yaman ng pamilya
“Magtiwala ka sa akin, patriarch, malapit ko nang kailanganin ang tulong mo,” pabulong na sinabi ni Gerald. "Sabihin mo lang at tutulungan kita! Hindi ako mag-aatubili na ibigay sayo ang posisyon ko bilang patriarch!" deklara ni Takuya habang tinatapik ang kanyang dibdib, alam niya na masisira ang kanyang pamilya kung hindi dahil sa tulong ni Gerald. Malamang patay na si Fujiko kung hindi pumasok si Gerald para iligtas siya noon...! Makalipas ang ilang sandali, nakarating ang apat sa private room sa top floor… Nang makaupo na sila, si Derrick ay biglang tumahimik bago niya sinabing, “Um... Pasensya na at pinahintay ko kayo ng matagal... Kapag nakabalik ako sa opisina, kakausapin ko ng mtagal ang secretary ko kung bakit hindi niya ako ginising kanina!" “Huwag mo nang pagalitan ang kawawang secretary,” nakangiting sinabi ni Gerald. "…Sigurado ka ba…?" tanong ni Derrick. “Sinubukan niyang gisingin ka, pero pinigilan ko siya. Alam ko na ikaw pa rin ang isang chairman ng isang n
Ang rason kung bakit mainit ang kanyang ulo ay dahil hindi pa siya masyadong sober. Sa oras na ito, tinapik ni Derrick ang kanyang dibdib–para ipakita ang kanyang reliability kay Gerald— bago niya sinabi, “Huwag kang mag-alala, brother Gerald! Medyo marami kilala ko mula sa militar hanggang sa punto na ang kanilang leader ay gumagalang sa akin! Wala sa akin na si Chef Yamamota ang mag-serve sa atin!" “Ganoon ba…” sagot ni Gerald sabay tango. Alam ni Gerald na ang Japan ay isang bansa kung saan pinahahalagahan ang yaman. Kahit pa nagkaroon ng kaunting division sa pagitan ng mga Japanese at ng mga mula sa Western Union, hindi pa rin nagbago ang kalakaran ng dalawang bansa. Hangga't may pera at kapangyarihan ang isang tao, sila ay magiging malakas sa kanilang mga bansa… Hindi nagtagal ay bumalik ang waiter para ipaalam sa kanila na pumayag si Chef Yamamoto na unahin ang paghahanda ng kanilang mga pagkain. Sinabi rin niya sa kanila na in-estimate ng chef na handa na ang pagkain sa loob