"A-anong punto kung sasabihin ko pa ang lahat ng ito ngayon... Hindi mo pa ba napapatay si Vulture?" sabi ni Kai na siguradong natalo na si Vulture dahil kaswal na nakaupo dito si Gerald. "Pinatay ko na siya. Regardless, sabihin mo sa akin ang ibang bagay na ginawa mo,” sabi ni Gerald, natuwa siya dahil sa wakas ay nagsalita na si Kai. “…Ah… bago si Vulture, kinuha ko rin si Ryugu para patayin ka, at sa tingin ko pinapunta niya sila Endo at Izumi para gawin ang mga misyon na iyon… Nakakulong pa rin sila dito, tama ba…?” sabi ni Kai habang nakatingin kay Gerald. Dahil nabanggit na niya si Vulture, wala nang saysay na itago pa ang iba pa niyang ginawa. Sana maging swerte siya na hindi siya mamamatay sa lugar na ito sa murang edad... “…Oh? Ikaw ang nagpadala sa kanila?" sagot ni Gerald na medyo nagulat sa rebelasyon na ito. Lumalabas na si Kai ay nagtatrabaho kasama ang pamilyang Hanyu mula pa noong una nang hindi niya nalalaman. "Pagkatapos mong dakipin sina Endo at Izumi, sinabi
"Binalaan ko na siya kaya hindi siya dapat maglalakas-loob na gumawa ng isa pang hakbang. Isa pa, kailangan mong tandaan na siya pa rin ang bunsong anak ng pamilyang Kanagawa. Hindi natin pwedeng patayin ng basta-basta ang isang lalaki na may mataas na status,” sagot ni Gerald habang hinihimas ang kanyang sigarilyo. “…Pero bakit sinabi mo na papatayin mo ang dalawang Japanese families na iyon? Pero sa huli, hinayaan mong makatakas ang pamilyang Hanyu at Kanagawa!" Buntong-hininga si Aiden nang sabihin niya iyon, inaasahan niya na makikipaglaban niya ang mga taong ito. “Papatayin natin sila, pero hindi pa ngayon. Huwag kang mag-alala, pagdating ng panahon, isasama kita sa misyon na iyon,” sagot ni Gerald na kilalang-kilala ang pagkatao ni Aiden. “…Promise?” sabi ni Aiden habang nagiging maayos ang kanyang mood. “Nagsinungaling ba ako sayo noon pa man? Bumalik muna tayo para makapagpahinga. May ibang importanteng bagay pa tayong gagawin bukas,” sagot ni Gerald habang tinatapon an
“Nakakainis kamo kayong lahat. Bago sabihin ni Gerald ang kanyang relasyon sa pamilyang Yamashita, gusto niyong tanggalin siya para makuha niyo ang benepisyo mula sa pamilya sa lalong madaling panahon. Seryoso ba na sumisipsip kayo sa kanya pagkatapos ng lahat ng ginawa niyo? Kahit na ang isang tanga ay masasabi kung ano ang sinusubukan niyong makuha!" mapanuyang sinabi ni Aiden habang naglalakad sa hallway. Lumapit siya kay Gerald, at nang mapagtanto niya kung ano ang nangyayari, hindi niya maiwasang awayin ang mga taong iyon. "…Ano?! Sino ka?!" "Malamang bagong servant siya!" sigaw ng ilan sa mga Futaba, nagalit sila sa biglaang pangingialam ni Aiden. Kung tutuusin, alam nila na ang mga salitang sinabi niya ay totoo. Lalong nainis si Gerald nang makita niyang nakikipag-away sila kay Aiden, kaya huminga ng malalim si Gerald bago niya sinabing, “Aiden, halika rito.” Nahulog ang mga panga ng miyembro ng pamilyang Futaba nang mapagtanto nila na si Aiden ay kaibigan ni Gerald! Nga
Pagkatapos bumuntong-hininga, huminto ng sandali si Gerald bago siya tumingin kay Aiden habang nagtatanong, “…Teka lang, anong ginagawa mo dito" “…Huh? Hindi ba sinabi mo na may gagawin tayo? Nandito ako para tanungin ka kung ano iyon!" sagot ni Aiden habang hinihimas ang kanyang noo. Nakalimutan na ni Gerald ang dahilan kung anong gagawin nila ngayong araw! “…Ah, wala naman. Gusto ko lang na sumama ka sa akin sa isang lugar.” paliwanag ni Gerald nang tumayo siya. Pinanood ni Aiden na tumayo si Gerald at kinuha ang kanyang coat, kaya si Aiden ay mabilis ding bumangon bago siya nagtanong, “Saan tayo pupunta?” “Sa Fareast Consortium. Tinulungan ko sila noon, kaya may utang na loob sa akin ang chairman nila. Dahil nangangailangan ng tulong ngayon ang pamilyang Futaba, pwede ko ring gamitin ang pagkakataong ito para makuha ang pabor na iyon," sagot ni Gerald. Nang lumabas sila Gerald at Aiden, ang kaninang mga pinalayas na miyembro ng pamilyang Futaba ay mabilis na pinalibutan an
Bago pa man sila makalabas sa sasakyan, nakita na nila ang isang security guard na tumatakbo papunta sa kanila. Sinukat ng guard si Gerald mula ulo hanggang paa bago niya sinabi, “Sorry pero bawal kayong mag-park dito nang walang permission! Ang parking area na ito ay kabilang sa consortium! Umalis ka na!" Sumimangot si Gerald nang marinig iyon. Alam niya na ang guard na ito ay kumikilos lamang ayon sa protocol, pero nakakainis pa rin ang tono ng pananalita nito sa kanya. Dahil dito ay simple lamang ang naging sagot ni Gerald, “Nandito ako para puntahan si Derrick Zima. Kung nandiyan siya, sabihin mo lang na hinahanap siya ni Gerald." “Si Derrick Zima? Alam mo ba na siya ang chairman ng Fareast Consortium? Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo pwede mo siyang makita kahit kailan mo gusto? Umalis na kayo bago pa ako tumawag ng mas maraming guard para palayasin ka!" mapanuyang sinabi ng guard matapos tumawa ng malakas. Nang marinig ni Aiden ang pangalang iyon, hindi niya napigilan
Nakita ng guard na masyadong maraming tao na ang nakatipon doon, kaya sinabi niya, “Kayong lahat! Sinabi ng dalawang ito na kilala nila ang chairman ng ating consortium! Hindi lang iyon, tinawagan pa nila ang chairman at sinabi raw nito na pababa na ang chairman! Hintayin natin kung darating talaga siya! Kung hindi darating ang chairman... Tulungan niyo akong paalisin sila!" "Ano raw? Hoy, alam ba ninyong dalawa kung gaano ka sikat ang ating chairman? Paano magiging karapat-dapat kayong dalawa para makita ang isang high-status na taong tulad niya?” “Oo nga! Palayasin mo na lang sila habang kaya mo pa! Sinong nakakaalam kung saan nanggaling ang mga baliw na ito!" mapangutya na sinabi ng mga taong nakapaligid sa kanila, sila ay mga trabahador sa Fareast Consortium. Tama lang na magduda sila. Kahit pa napakatagal na nilang nagtatrabaho dito, sila mismo ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na makita ang chairman sa kadahilanan na ang chairman ay nasa ibang bansa para gumawa ng mas maram
Pagkatapos nito, pinangunahan ni Derrick ang grupo ng tatlo—habang nakapalibot ang mga bodyguards— papasok sa building, naiwan ang mga kaninang empleyado na nakatitig sa kanilang mga likuran habang sila ay nakatulala. Sa loob ng maraming taon nilang pagtatrabaho dito, ngayon lang nila nakita na malapit sa ibang tao ang kanilang chairman, hindi rin naman sila nagkaroon ng maraming pagkakataon na makita siya sa unang lugar... Kasunod nito, agad na sumakay ang tatlo sa elevator at pumunta sila sa pinakamataas na palapag... Ang buong floor ay opisina ni Derrick, at nang bumukas ang mga pinto ng elevator, sinalubong sina Gerald at Aiden halos isang dosenang mga empleyado. Base sa paraan ng pananamit nila, mukhang mga secretary sila ni Derrick... "Dito ang daanan!" sabi ni Derrick habang sinesenyasan si Gerald at Aiden na sumunod sa kanya, hindi pinapansin ang magulong eksena sa kanilang harapan. Nang makarating sila sa kanyang mesa, hinubad ni Derrick ang kanyang coat bago siya gumawa
“Nandito ako ngayon para pag-usapan ang problema sa pamilyang iyon,” sagot ni Gerald habang nagsisindi ng sigarilyo. “…Oh? May koneksyon ka ba sa ibang pamilya dito?" tanong ni Derrick na inakala na siya lang ang kilala ni Gerald sa buong Japan. "Ang buong kwento ay masyadong komplikado para ipaliwanag sa isang upuan lamang, pero nandito ako para magtanong kung handa kang tulungan ang mga Futaba para malampasan nila ang kanilang kasalukuyang krisis," sagot ni Gerald. "Walang problema! Tutulungan ko sila!" sagot ni Derrick ng hindi man lang nag-dalawang isip. “Ganito lang? Hindi ka ba nag-aalala na gagamitin ko ito laban sayo?" sabi ni Gerald sabay tawa. “Huwag kang magbiro, niligtas mo ang buhay ko noon! Paano kung susubukan mo akong kalabanin? Walang problema sa akin na ibigay sayo ang aking posisyon! Sabihan mo ang pamilyang Futaba na pumunta dito. Nagkataon lang na mayroon akong ilang angkop na kontrata para sa kanila. Inisip ko noong una ay ibigay ito sa bagong acquired n