Naramdaman ni Gerald na malinaw na may mga butas ang reasoning ng matanda at pinili niyang huwag munang magsalita. Kung maging mapanganib man ang sitwasyon, alam niyang magagawa pa rin niyang protektahan si Fujiko. “Wala akong alam sa lahat ng ito, kaya hindi ko kayang ayusin ang mga isyu niyo. Kung gusto niyong makipaglaban, gawin ito sa labas ng teritoryo ng pamilyang Yamashita. Wala akong pakialam kung wala kayo dito, pero hangga’t nandito kayo ay hindi kayo pwedeng mag-away. Nililinaw ko ba ang sarili ko?" sagot ng matanda bago niya tiningnan sina Gerald at Ryugu... “…Naiintindihan ko,” sabi ni Ryugu na alam niyang wala talaga siyang choice kundi pumayag. “Good. Kung wala nang iba, bakit hindi niyo samahan ang matandang ito na uminom ng ilang baso ng tsaa? Dahil bihira kaming umalis sa lugar na ito at halos wala kaming natatanggap na bisita, gusto ko lang talagang malaman kung ano ang nangyayari sa mundo... Wala akong problema kung aalis kayo,” sagot ng matanda habang nireref
Gayunpaman, ang matandang ito ay talagang isang Westoner! Hindi alam ni Gerald kung ano ang tumatakbo sa isip ng matanda, pero naramdaman niya na walang masamang intensyon ang matanda sa kanila... Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis sina Gerald at Fujiko sa likuran... at totoo nga na may naghihintay sa kanila. Yumuko ang lalaking naghihintay at nagsimula siyang maglakad sa may barren mountain na nag-udyok kay Gerald at Fujiko na sumunod. Hindi nagtagal ay nakasalubong ng tatlo ang isang sasakyan, gaya nga ng sinabi ng matanda. Ibinigay kay Gerald ang susi ng kotse bago magalang na sinabi ng lalaki, “Kunin mo ang kotseng ito, Mr. Crawford. Magmaneho ka ng sandali at may makikita kang main road." “Salamat,” sagot ni Gerald at wala na siyang sinabi pa. Malapit nang sumapit ang gabi at kailangan nila ng hindi bababa sa apat na oras para makarating sa competition venue. Kung pinalad man sila, ang delay ni Fujiko ay maaaring makaapekto sa kanyang mga final results… Kaya nang m
"Umalis sila sa backdoor pero hindi nila sinabi sa akin kung saan sila papunta," sagot ng matanda habang umiiling. Alam ni Ryugu na wala siyang makukuhang impormasyon kahit na magtanong pa siya ng paulit-ulit sa matandang ito, kaya agad na sinabi ni Ryugu, "Excuse me, pero aalis na ako ngayon!" Nang makalabas siya ng bahay, doon niya na-realize na sasali pa sina Gerald at Fujiko sa special forces competition. Dahil doon, ang pinakamagandang pagpipilian niya ay ang isantabi muna sila sa ngayon... Kahit na siya ang head ng assassination department, ayaw niyang manggulo sa mga gawain ng war department. Ang competition na ito ay international at ang special forces ng buong mundo ay nandoon. Kung manggulo man siya doon, paniguradong magdudulot ito ng malaking problema sa kanyang pamilya... Gayunpaman, hindi isang malaking disappointment ang trip na ito kahit na hindi niya nadakip si Gerald. Kung tutuusin, alam na niya ngayon na nasa Futaba manor sina Endo at Izumi. Dahil pinayagan n
“…Ano… Paano siya naging napakabilis…?” hindi makapaniwala si Takeshi. "Hindi ako magsisinungaling sayo tungkol sa mga ganoong bagay, captain...! Isinusumpa ko sa aking buhay na si Gerald ay talagang napakalakas…!” nangako si Kenshiro habang tinatapik ang dibdib niya. “…Naniniwala ako sayo,” sagot ni Ryugu, alam niyang walang dahilan si Kenshiro para magsinungaling. Pagkatapos makipaglaban kay Gerald kanina, masasabi na totoo ang mga sinabi niya. "...Hindi ko inaasahan na may isang taong napakalakas..." Sabi ni Takeshi habang humihinga siya ng malalim. Kayang makasira ng mundo ang ability ni Gerald... Ganito rin ang iniisip ni Ryugu, pero hindi niya ito ipinakita. Bilang lider, kailangan niyang manatiling kalmado sa harap ng kanyang mga tauhan, kaya sinabi niya, “…Isantabi muna natin ang lahat ng ito at bumalik muna tayo.” Tumango ang dalawa bago sila dumiretso pa sa mga sasakyan at nagsimulang bumalik sa Hanyu manor, iniwan na nila ang mga bangkay... Makalipas ang halos ta
“Sigurado ako, pero hindi ko pa ito nabanggit dahil marami akong nakasalubong na problema. Kapag naayos ko na ang mga problema nila, malakas ang kutob ko na hindi na nila ito itatago kapag tinanong ko,” sagot ni Gerald sabay buntong-hininga, iniisip niya kung kailan niya malulutas ang lahat ng problema ng pamilyang Futaba. Gayunpaman, alang-alang sa kanyang mga magulang na nasa Yearning Island pa rin, alam ni Gerald na hindi siya pwedeng magreklamo. “Masaya lang ako na na-confirm na. Sulit ang naging biyahe natin papuntang Japan," sabi ni Master Ghost nang bigla siyang nakahinga ng maluwag. Maya-maya pa ay nakarating na sila sa kanilang building at sinimulan na nilang maglakad sa itaas. Siniguro ni Aiden na mag-apply para makakuha ng tatalong kwarto mula sa war department at nang makapasok sila, agad niyang isinara ang pinto sa likuran nila. Makikita ang napakaraming special forces sa training ground, kaya alam ng tatlo na kailangan nilang maging maingat sa kanilang mga salita pa
"Kasalanan ko ito...! Pasensya na talaga, patriarch!" sabi ni Ryugu habang nakayuko. Umiling-iling si Suijin bago siya sumagot, "Hindi mo ito kasalanan. Minaliit lang natin ang kakayahan ni Gerald. Ang lalaking iyon ay isang makapangyarihang lalaki... Saan nakilala ng pamilyang Futaba ang isang napakalakas na indibidwal...? At sino nga ba siya? Ang alam lang natin ay isa siyang Westoner. Pero hindi nito pinapaliwanag kung bakit siya tumutulong sa pamilya nila…” "Hindi pa natin alam ang background niya, pero pakiramdam ko ay ginagawa lang ni Gerald ang lahat ng ito dahil meron espesyal siyang relasyon sa mga Futaba... Maliban doon, wala na talaga akong maisip na ibang rason para gawin niya ito..." sagot ni Ryugu nang biglang gumaan ang loob niya dahil hindi siya ang sinisisi ni Suijin. “…Parang mali iyon. Hindi ba pumirma ang pamilyang Futaba ng marriage contract kay Kai?" sagot ni Suijin habang nakakunot ang noo. Ang mga komplikadong relasyon ng mga taong ito ang nagpapasakit ng
“…Sinasabi mo na ang pamilyang Futaba ay matagal nang nakikipag-ugnayan sa mga Yamashita…?” sagot ni Suijin na nagulat sa balitang ito. Kahit na hindi naglalaban ang dalawang pamilya, lahat ng mga patriarch ng pamilyang Hanyu-kabilang si Sujin-ay palihim na ipinagpatuloy ang pagbabantay sa mga Futaba. Bakit hindi ito nalaman ng mga naunang mga patriarch? “…Kailangan ba nating kumilos laban sa mga Futaba…? Dahil alam na natin na maganda ang relasyon nila sa mga Yamashita, hindi na tayo pwedeng umatake ng basta-basta sa mga Futaba…” nag-aalalang sinabi ni Ryugu. Masyadong malakas ang mga Yamashita. Iniisip tuloy niya kung matatalo niya ba ang matandang iyon na humahagis ng shuriken kung sila ay nasa isang seryosong labanan... Pagkatapos itong pag-isipan ng sandali ni Suijin, sa kalaunan ay sinabi niya, "...Huwag muna tayong makipaglaban sa pamilyang Futaba." “Good! Tungkol naman kay Gerald... Pinipilit ako ni Kai na patayin siya, na sinasabing personal niyang tatawagan ka kung hi
Nakangiti si Aiden habang kinakamot ang likod ng kanyang ulo, kaya mabilis na sumagot si Aiden, "Sige, sige, titigil na ako..." Umiling si Gerald bago siya tumingin kay Master Ghost at sinabing, "Mahilig talaga akong pagtawanan ng batang ito..." Matagal nang kakilala ni Gerald si Aiden kaya hindi niya naisip na makipagbiruan sa kanya. Kahit na hinampas niya ang likod ng ulo ni Aiden, siniguro ni Gerald na hindi siya gagamit ng mas mabigat na pwersa kaysa sa kanya. "Totoo! Pinagtatawanan niya ako sa buong oras na wala ka, alam mo ba iyon?" natatawang sinabi ni Master Ghost. Sa nakalipas na sampung araw, lumalim ang pagkakakilala niya kay Aiden at nakakapag-usap na sila ng casual ngayon. Habang patuloy silang nag-uusap, may ilang mga tao na nakasuot ng Japanese army uniform ang mabilis na nagsimulang maglakad papunta kay Gerald. Nang mapansin sila, napansin ni Gerald na ang isa sa kanila ay may hawak na folder ng mga document at ang iba ay may dalang video recording equipment.