"Kasalanan ko ito...! Pasensya na talaga, patriarch!" sabi ni Ryugu habang nakayuko. Umiling-iling si Suijin bago siya sumagot, "Hindi mo ito kasalanan. Minaliit lang natin ang kakayahan ni Gerald. Ang lalaking iyon ay isang makapangyarihang lalaki... Saan nakilala ng pamilyang Futaba ang isang napakalakas na indibidwal...? At sino nga ba siya? Ang alam lang natin ay isa siyang Westoner. Pero hindi nito pinapaliwanag kung bakit siya tumutulong sa pamilya nila…” "Hindi pa natin alam ang background niya, pero pakiramdam ko ay ginagawa lang ni Gerald ang lahat ng ito dahil meron espesyal siyang relasyon sa mga Futaba... Maliban doon, wala na talaga akong maisip na ibang rason para gawin niya ito..." sagot ni Ryugu nang biglang gumaan ang loob niya dahil hindi siya ang sinisisi ni Suijin. “…Parang mali iyon. Hindi ba pumirma ang pamilyang Futaba ng marriage contract kay Kai?" sagot ni Suijin habang nakakunot ang noo. Ang mga komplikadong relasyon ng mga taong ito ang nagpapasakit ng
“…Sinasabi mo na ang pamilyang Futaba ay matagal nang nakikipag-ugnayan sa mga Yamashita…?” sagot ni Suijin na nagulat sa balitang ito. Kahit na hindi naglalaban ang dalawang pamilya, lahat ng mga patriarch ng pamilyang Hanyu-kabilang si Sujin-ay palihim na ipinagpatuloy ang pagbabantay sa mga Futaba. Bakit hindi ito nalaman ng mga naunang mga patriarch? “…Kailangan ba nating kumilos laban sa mga Futaba…? Dahil alam na natin na maganda ang relasyon nila sa mga Yamashita, hindi na tayo pwedeng umatake ng basta-basta sa mga Futaba…” nag-aalalang sinabi ni Ryugu. Masyadong malakas ang mga Yamashita. Iniisip tuloy niya kung matatalo niya ba ang matandang iyon na humahagis ng shuriken kung sila ay nasa isang seryosong labanan... Pagkatapos itong pag-isipan ng sandali ni Suijin, sa kalaunan ay sinabi niya, "...Huwag muna tayong makipaglaban sa pamilyang Futaba." “Good! Tungkol naman kay Gerald... Pinipilit ako ni Kai na patayin siya, na sinasabing personal niyang tatawagan ka kung hi
Nakangiti si Aiden habang kinakamot ang likod ng kanyang ulo, kaya mabilis na sumagot si Aiden, "Sige, sige, titigil na ako..." Umiling si Gerald bago siya tumingin kay Master Ghost at sinabing, "Mahilig talaga akong pagtawanan ng batang ito..." Matagal nang kakilala ni Gerald si Aiden kaya hindi niya naisip na makipagbiruan sa kanya. Kahit na hinampas niya ang likod ng ulo ni Aiden, siniguro ni Gerald na hindi siya gagamit ng mas mabigat na pwersa kaysa sa kanya. "Totoo! Pinagtatawanan niya ako sa buong oras na wala ka, alam mo ba iyon?" natatawang sinabi ni Master Ghost. Sa nakalipas na sampung araw, lumalim ang pagkakakilala niya kay Aiden at nakakapag-usap na sila ng casual ngayon. Habang patuloy silang nag-uusap, may ilang mga tao na nakasuot ng Japanese army uniform ang mabilis na nagsimulang maglakad papunta kay Gerald. Nang mapansin sila, napansin ni Gerald na ang isa sa kanila ay may hawak na folder ng mga document at ang iba ay may dalang video recording equipment.
Kung tutuusin, alam naman niyang madaling mapapatumba ni Gerald ang mga taong iyon. “Kahit na sabihin mo ‘yan… ipinadala ng lahat ng mga bansa ang magagaling nilang competitors kahit na ito ay hindi isang pormal na kompetisyon. Hindi ako sigurado kung magiging mataas ba ang rank ko sa competition... Sapat na sa akin kung makakuha ako ng high average score…” sabi ni Aiden dahil alam niyang hindi siya ang pinakamalakas sa kanyang mga teammates. Nasa kanya ang title na ‘King of Soldiers’,pero nakuha lamang niya ito mula sa maraming laban na naranasan niya. Dahil kailangan niyang sumunod sa mga rules and regulations ng event, hindi siya sigurado kung gaano siya kahusay sa iba pang mga competitors... Kasalukuyan naman kay Gerald, siya ay nakaupo sa interrogation room, naka-cross ang kanyang legs at may hawak siyang sigarilyo. Makikita pa ang isang tasa ng tsaa sa harapan niya kaya aakalin ng ibang tao na si Gerald ay isang bisita kung hindi nila alam na ito ay isang interrogation room
Noong una ay umaasa siyang mabibigyan siya ni Gerald ng ilang kapaki-pakinabang na impormasyon, ngunit lumalabas na ang session na ito ay isang pag-aaksaya lamang ng oras... Bumuntong-hininga si Ichiro habang nakatayo bago niya sinabi, “…Dahil hanggang dito lang ang interrogation, pwede mo bang iwan ang iyong contact number, Mr. Crawford? Baka kailangan pa naming makipag-usap sayo sa ibang oras, sinisiguro namin sayo na hindi ka namin pahihirapan!" “Walang problema,” sagot ni Gerald habang nakangiti at humihithit ng kanyang sigarilyo. Pagkatapos nito, tumayo si Gerald para umalis sa interrogation room... Gayunpaman huminto siya ng sandali nang lumabas siya. Meron siyang naamoy na isang pamilyar na halimuyak... Alam ni Gerald kapag ang isang tao ay isang cultivator, kahit na hindi niya talaga matukoy kung kanino galing ang halimuyak na iyon... Gayunpaman, alam niya na ito ay ang amoy ng isang pamilyar na tao... Pero sino? Umiling-iling si Gerald hanggang sa huli ay pinili niya
“Nakatanggap ako ng babala mula sa aking compass na may malapit sayo. Nag-aalala ako na baka may panganib, kaya nag-fortune-telling ako para sayo. Kung hindi ako nagkakamali, mukhang may tao dito na mula sa Yearning Island, ang ibig sabihin nito ay isang miyembro ng pamilyang Crawford ang dumating." hininaan pa rin ni Master Ghost ang kanyang boses kahit walang tao sa paligid at nagsalita siya gamit ang boses na silang dalawa lang ang nakakarinig."Alam mo rin ang tungkol dito?" inangat ni Gerald ang kanyang ulo."Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tinanong ni Master Ghost.“Nang lumabas ako ng interrogation room, naramdaman ko talaga na may lumitaw na cultivator malapit sa akin. Pero habang nangyayari iyon ay hindi ko ginamit ang kapangyarihan ng aking Herculean Primordial Spirit para maramdaman ang kanyang presensya." Huminga ng malalim si Gerald.Naisip ni Gerald na nagkataon lang iyon at baka coincidence lang rin na pumunta rito ang cultivator na walang kinalaman sa kanya.
Ayaw na niyang patagalin ito dahil mataas ang kumpiyansa niya sa kanyang lakas. Kapag nahanap na niya ang lalaking hinahanap niya, papatayin niya ito gamit ang isang suntok.Gayunpaman, ang impormasyon na natanggap niya mula kay Will ay ipinakita lamang na si Gerald ay nasa Japan. Nahanap niya ang lugar na ito dahil alam niyang pumunta dito si Gerald kasama ang isa pang Westoner special forces agent para sumali sa special forces competition. Hindi niya ginamit ang kanyang essential qi para maramdaman ang lokasyon ni Gerald, sa takot na kapag na-expose siya ay mabibigo siya sa misyon na ibinigay sa kanya ni Will.Ang magagawa niya ngayon ay ang suriin lang ang lahat ng lugar na mapuntahan niya. Binigyan siya ni Daryl ng kalahating buwan para sa misyon na ito, ngunit maaari na lamang siyang manatili sa Japan ng halos isang linggo.Pagkatapos ng isang linggo, mapatay niya man si Gerald o hindi, kailangan niya pa rin bumalik sa Yearning Island. Kung nalaman ni Daryl na ginamit niya ang
“Totoo ang sinabi ni Gerald. Nagpapanggap lang kaming couple para maresolba ang mga problemang namin ngayon. Pumunta ako dito para hanapin ka, hindi mo ito kailangang ikabahala at gagawin natin itong kapani-paniwala.” Medyo nasaktan si Fujiko nang marinig niya iyon, pero nagsasabi naman ng totoo si Gerald, kaya wala siyang masyadong masabi tungkol dito at nakisama na lamang siya."Meron ka bang gustong pag-usapan lalo na’t pumunta ka dito ng ganitong oras?" Napatingin si Gerald sa kanyang sigarilyo. Hindi siya pwedeng manigarilyo sa ngayon, pero mayroon pa rin siyang gana na gawin ito.“Wala ito. Hindi kasi ako masyadong pamilyar sa mga miyembro ng team ko. At saka, ako lang ang babae sa team. Natatakot akong mag-isa." Nahihiyang sabi ni Fujiko."Pero hindi ka pwedeng mag-stay dito." Napakamot ng ulo si Gerald."Babalik ako na pala ako sa kwarto ko para matulog. Gusto ko lang talagang mag-dinner at makipag-kwentuhan sayo,” sagot ni Fujiko habang dinampot ang kanyang tasa at tumingi