"Ilabas niyo ang physical map!" bago niya ibinaba ang tawag. Agad na ginawa ni Takeshi ang utos sa kanya ni Ryugu, kaya kinuha niya ang mapa at inilabas ito sa kanyang harapan... Salit-salit niyang tiningnan ang screen ng navigation ng kotse at ang physical map, doon hinanap ni Ryugu ang rutang tinahak ni Gerald... bago sila humijto sa isang bare mountain. Ayon sa GPS, ang dalawang sasakyan ay nakapasok na sa teritoryo ng pamilyang Yamashita! “P*ta! Anong ginagawa ni Gerald sa teritoryo ng pamilyang Yamashita?! Ano ang relasyon niya sa pamilyang ito?!” reklamo ni Ryugu habang nakasubsob ang kanyang kamao sa upuan. "...Leader... Sa tingin mo... ang lalaking pumigil sa assassination attempt ni Saburo ay isang ninja mula sa pamilya Yamashita...?" naisip ni Takeshi. “…May posibilidad talaga… pero hindi ko pa nakikilala ang alinman sa mga ninja mula sa pamilyang iyon… Hindi ko rin narinig na may anumang koneksyon sa pagitan ng pamilyang Futaba at ng mga Yamashita!” sagot ni Ryugu
Kahit na narinig nila ang tanong ni Gerald, walang sumagot sa kanila. Nawalan na ng pasensya si Gerald nang makita niyang hindi nagsasalita ang mga lalaking ito, kusa na lamang siyang gumawa ng kanyang move, “Dahil ayaw niyong magsalita, mauuna na ako sa inyo. Sisiguraduhin kong hindi na kayo makakapagsalita pa pagkatapos nito!" Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap ni Gerald ang mga ganitong klaseng tao. Ang magagawa niya lamang ngayon ay gamitin ang kanyang lakas para makapag-usap sila! Karamihan sa mga tao ay karaniwang handang makipag-usap kapag sila ay nasa bingit na ng kamatayan. Dahil doon ay sumugod na si Gerald sa kanila! Bago pa man mamalayan ng mga tauhan ni Ryugu, nalampasan na sila ni Gerald at nagsagawa siya ng karate chop sa kanilang mga leeg! Wala pang ilang segundo, isa lang sa kanila ang nanatiling buhay at nanatiling matibay na nakatayo...! Takot na takot ang lalaki habang tinitingnan niya ang kanyang mga kasamahan na namatay matapos mabali ang kanilan
Napansin ni Gerald na medyo malakas si Ryugu kaysa sa duo na nakaharap niya kagabi... Pagkatapos nito ay sumagot si Fujiko, “Tulad ito ng nahulaan ko... Hindi ako masyadong sigurado kung ang pamilyang Hanyu ba talaga ang may pananagutan sa lahat ng ito. Habang iniisip ko ito, dapat alam ko na ito base sa lakas nila Endo at Izumi. Dahil ang dalawa ay malinaw na mas malakas kaysa sa mga lalaking pinatay mo, sa tingin ko ay sila ang mga team leader ng mga minor assassination teams." “Sa tingin ko ay kailangan natin ng karagdagang interrogation. Tatapusin ko lang ang mga taong ito sa ngayon. Malamang mag-lay low na ang pamilyang Hanyu ngayong wala na ang dalawang team leaders nila,” sagot ni Gerald habang kumukuha siya ng panibagong sigarilyo… at doon lamang niya nalaman na wala nang laman ang kahion.Sumimangot si Fujiko habang pinapanood niya si Gerald na inihagis ang walang laman na kahon ng sigarilyo sa gilid, “... Maapektuhan ang kalusugan mo kung ipapagpatuloy mo pa ang paniniga
Tumigil ng sandali si Ryugu nang marinig niya iyon bago siya tumahimik at sinabing, "...Tama ka." Katulad nga ng sinabi ni Takeshi, madaling napatay ni Gerald ang napakaraming miyembro ng pamilyang Hanyu sa loob ng maikling oras. Napakahirap gawin iyon na kahit si Ryugu ay hindi sigurado kung magagawa niya rin iyon. Makikita rin na walang kahit isang gasgas si Gerald sa kanya. Sa madaling salita, ang laban kanina ay one-sided. Pinagpawisan ang noo ni Ryugu sa kaba nang mapagtanto niya iyon... Noong una ay hindi siya naniniwala na sila Endo at Izumi ay mapapatumba ng kahit sinong tao sa Futaba manor, pero alam na niya ngayon na maling-mali siya. Mapahamak na ngumiti si Gerald nang makita niyang biglang naging impulsive si Ryugu, “Hmm? Anong nangyari sa katapangan mo kanina?" Huminga ng malalim si Ryugu nang marinig niya iyon habang iniisip kung paano sila magpapatuloy. Sa huli, naisip niya na mas mabuting huwag na munang galitin si Gerald sa ngayon. Dahil doon ay sinabi ni Ryu
Pagkatapos niyang magsalita, ang galit na galit na si Ryugu ay biglang nanggigil kay Gerald! Habang tumatakbo si Ryugu, bigla niyang naisip ang nangyari kayla Endo at Izumi. Galit na galit siya habang iniisip niya na patay na ang kanyang dalawang top assassins, ang gusto niyang gawin ngayon ay ang patayin lang si Gerald. Kahit anong mangyari, siya pa rin ang leader ng assassination department ng pamilyang Hanyu! Kung hindi man lang niya mapatumba si Gerald, hindi ba maituturing siyang isang disappointment?! Sa ilang segundo ay ilang inches na lang ang layo niya kay Gerald! Doon niya inilabas ang dagger na kanina pang nakatago sa kanyang manggas at ang mga mata ni Ryugu ay nanlilisik na sa sobrang galit, “Mamamatay ka na ngayon din, Gerald...! Magdusa ka sa buhay mo sa impyerno…!” Ang dagger mismo ay nagpapalabas ng madilim na glow at napakunot si Gerald nang makita niya iyon. Doon niya napagtanto na may lason na nakalagay sa mismong blade. Posibleng mamatay ang isang tao kapag du
Nagulat si Ryugu na halos matumba siya sa tabi mismo ni Gerald, ngunit mabuti na lang at nabalanse niya ang kanyang sarili sa tamang oras. Sa sandaling iyon, ang dagger na nasa kamay niya kanina ay tumalsik sa ere... at hindi nagtagal, ito ay dumiretso sa lupa... Nanlaki ang mga mata ni Ryugu habang iniisip kung ano ang humarang sa kanyang pag-atake... at maya-maya lang ay nakita niya kung ano iyon. Ito ay isang shuriken! Ito ang nagsira ng kanyang pagkakataong patayin si Gerald kaya galit na sumigaw si Ryugu, "Sinong gumawa niyan!" Pagkatapos magsalita ni Ryugu, isang paos na boses ang maririnig na nagsasabing, "Masyado kang matapang para lumaban sa teritoryo ng pamilyang Yamashita." Kasalukuyang lumabas ang isang kubang lalaki na siyang rin nagsasalita at nagulat ang lahat nang makita siya! Paano niya itinago ang kanyang sarili...? Isinantabi ni Gerald ang kanyang pagkagulat habang bumubulong, "Malamang elder iyon ng pamilyang Yamashita..." Hindi niya masyadong alam ang t
Dahil dito ay lumingon ulit si Ryugu kay Gerald. Kasalukuyan siyang nababalisa hanggang sa puntong hindi siya makahinga dahil wala pa rin siyang ideya kung nasaan sina Endo at Izumi. Ang alam lang ni Ryugu na ang tanging lunas sa kanyang pagkabalisa ay sa pamamagitan ng pagliligtas sa kanyang dalawang tauhan at ang pagpatay kay Gerald... Tinanggap ni Ryugu ang imbitasyon ng matanda sa isang kadahilanan. Habang nagmamaneho sila kanina, iniisip niya ang pagkabigo ni Saburo na patayin si Fujiko. Ang mga Yamashita ba talaga ang humarang sa assassination attempt ni Saburo noong isang araw? Bakit naman biglang magdesisyon sina Gerald at Fujiko na pumunta dito? Kung ang mga Yamashita ang tunay na may pakana sa likod ng lahat ng ito, ito ang magpapaliwanag kung bakit hindi niya nahanap ang umatake kay Saburo kahit na nagpadala ng napakaraming lalaki upang imbestigahan ito... Dahil inimbita sila ng matanda, ito ay isang pinakamagandang pagkakataon para sa kanya na makakuha ng mas maraming
Si Ryugu ay nanatiling tahimik habang nakikinig siya sa buong usapan at mas sigurado siya ngayon na ang nagligtas kay Fujiko noong isang araw ay isang Yamashita ninja... Hindi nagtagal ay umupo na silang apat sa paligid ng isang mesa. Habang hinahain ng matanda ang kanilang tsaa, si Ryugu—na nakaupo sa tapat nina Gerald at Fujiko—ay napatingin sa relaxed na dalawang ito. Sabagay, madali niyang mapapatay si Gerald dahil napakalapit na nito sa kanya! Gayunpaman, dahil may kasamang Yamashita, hindi pwedeng kumilos nang walang ingat si Ryugu... Nang maihain na ang lahat ng tsaa, ang matanda ay nakaupo nang naka-dekwatro at humigop ng tsaa bago siya nagtanong, "Ngayon... Anong klaseng sama ng loob ang meron sa pamilya niyo para humantong sa patayan...?" Mabilis na sumagot si Ryugu nang marinig niya iyon, "Dalawa sa mga leader ng mga maliit na grupo ng aking pamilya ang nawala at alam ko na nakakulong sila sa Futaba manor! Dahil doon sa isip, hinabol ko sila hanggang dito para makahi