Habang pinapanood ni Ryugu ang dalawang grupo ng assassin na patuloy na hinahabol sina Gerald at Fujiko mula sa screen, hindi maiwasang magtaka ni Ryugu kung bakit lumihis ang dalawa sa highway. Pagkatapos mag-research ng pamilyang Hanyu habang pinaplano nila ang naunang assassination ni Fujiko, alam ni Ryugu na pupunta dapat si Fujiko sa lokasyon kung saan gaganapin ang special forces competition. Saan pa ba sila pupunta maliban doon? Pero bakit bigla silang lumihis...? Habang nakaupo sa likod si Takeshi, bigla niyang naramdaman na kakaiba ito dahil di-nagtagal, nagtanong ang isa sa mga nasasakupan na kasalukuyang naka-loudspeaker—, “Hindi kaya nagkamali tayo ng hula kung saan sila papunta?” Huminto ng sandali si Ryugu bago siya tumawa ng malamig at sumagot, “Wala na akong pakialam! Sundan niyo sila kahit pa papunta sila sa dulo ng impyerno!” Ano naman kung gagala pa sila, didiretso sa special forces competition o magbibigay galang sa kanilang mga ancestors? Hindi ang mahalaga
“Wala akong binanggit na pangalan, just to be clear,” sagot ni Gerald habang umiiling. Alam niya na hindi niya pwedeng ituro ang kanyang mga daliri sa kahit sinong miyembro ng pamilyang Futaba. Gayunpaman, mula sa kanyang mga nakaraang karanasan, mataas ang posibilidad na tama ang hula ni Fujiko. “…Hindi ko talaga kayang isipin na may ganitong pangyayari sa pamilya ko…” sabi ni Fujiko habang nagdidilim ang kanyang itsura. Kahit noong bata pa siya, inaalagaang mabuti ng mga miyembro ng pamilya si Fujiko. Iyon ang dahilan na naging mahirap para sa kanya na isiping gagawa ng masamang bagay na tulad nito ang mabubuting mga miyembro ng kanyang pamilya. Si Gerald ay nanatiling tahimik pagkatapos marinig iyon at naka-concentrate lamang siya sa pagmamaneho, binabantayan niya ng maigi ang dalawang sasakyan sa kanyang rear-view mirror sa likod... Wala pang twenty minutes bago sila napalapit sa kanilang destination. Sa puntong ito, wala na sila sa village. Kahit mga asong gala ay wala dit
Masaya pa ang tono ni Fujiko habang nagsasalita siya, ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pangungusap, na-realize niya na may sinabi siyang hindi niya dapat sabihin kaya nanahimik siya.Naghinala si Gerald nang makita niya iyon, pero nanatili siyang kalmado habang nagtatanong, “Anong meron sa pamilya mo?” “Ah... siyempre alam ng pamilya ko ang mga ganyang bagay. Isang makapangyarihang pamilya ang pamilyang Futaba kung tutuusin,” sagot ni Fujiko bago niya isinara ang kanyang bibig. “Sabagay,” sabi ni Gerald habang sumasabay siya sa kanyang aksyon. Gayunpaman, sa lahat ng panahong ginugol nila ang kanilang oras na magkasama, naramdaman ni Gerald na hindi sinasadyang nakumpirma ni Fujiko na ang kanyang pamilya ay bahagi ng Seadom Tribe. Nakahinga ng maluwag si Fujiko dahil hindi siya pinilit ni Gerald na sabihin pa ang kahit ano, “…Kahit na alam kong may mga ninja sa pamilyang iyon, hindi ko pa rin sila nakikilala. Ang ibang mga makapangyarihang pamilya ay walang dahilan para makipag
"Ilabas niyo ang physical map!" bago niya ibinaba ang tawag. Agad na ginawa ni Takeshi ang utos sa kanya ni Ryugu, kaya kinuha niya ang mapa at inilabas ito sa kanyang harapan... Salit-salit niyang tiningnan ang screen ng navigation ng kotse at ang physical map, doon hinanap ni Ryugu ang rutang tinahak ni Gerald... bago sila humijto sa isang bare mountain. Ayon sa GPS, ang dalawang sasakyan ay nakapasok na sa teritoryo ng pamilyang Yamashita! “P*ta! Anong ginagawa ni Gerald sa teritoryo ng pamilyang Yamashita?! Ano ang relasyon niya sa pamilyang ito?!” reklamo ni Ryugu habang nakasubsob ang kanyang kamao sa upuan. "...Leader... Sa tingin mo... ang lalaking pumigil sa assassination attempt ni Saburo ay isang ninja mula sa pamilya Yamashita...?" naisip ni Takeshi. “…May posibilidad talaga… pero hindi ko pa nakikilala ang alinman sa mga ninja mula sa pamilyang iyon… Hindi ko rin narinig na may anumang koneksyon sa pagitan ng pamilyang Futaba at ng mga Yamashita!” sagot ni Ryugu
Kahit na narinig nila ang tanong ni Gerald, walang sumagot sa kanila. Nawalan na ng pasensya si Gerald nang makita niyang hindi nagsasalita ang mga lalaking ito, kusa na lamang siyang gumawa ng kanyang move, “Dahil ayaw niyong magsalita, mauuna na ako sa inyo. Sisiguraduhin kong hindi na kayo makakapagsalita pa pagkatapos nito!" Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap ni Gerald ang mga ganitong klaseng tao. Ang magagawa niya lamang ngayon ay gamitin ang kanyang lakas para makapag-usap sila! Karamihan sa mga tao ay karaniwang handang makipag-usap kapag sila ay nasa bingit na ng kamatayan. Dahil doon ay sumugod na si Gerald sa kanila! Bago pa man mamalayan ng mga tauhan ni Ryugu, nalampasan na sila ni Gerald at nagsagawa siya ng karate chop sa kanilang mga leeg! Wala pang ilang segundo, isa lang sa kanila ang nanatiling buhay at nanatiling matibay na nakatayo...! Takot na takot ang lalaki habang tinitingnan niya ang kanyang mga kasamahan na namatay matapos mabali ang kanilan
Napansin ni Gerald na medyo malakas si Ryugu kaysa sa duo na nakaharap niya kagabi... Pagkatapos nito ay sumagot si Fujiko, “Tulad ito ng nahulaan ko... Hindi ako masyadong sigurado kung ang pamilyang Hanyu ba talaga ang may pananagutan sa lahat ng ito. Habang iniisip ko ito, dapat alam ko na ito base sa lakas nila Endo at Izumi. Dahil ang dalawa ay malinaw na mas malakas kaysa sa mga lalaking pinatay mo, sa tingin ko ay sila ang mga team leader ng mga minor assassination teams." “Sa tingin ko ay kailangan natin ng karagdagang interrogation. Tatapusin ko lang ang mga taong ito sa ngayon. Malamang mag-lay low na ang pamilyang Hanyu ngayong wala na ang dalawang team leaders nila,” sagot ni Gerald habang kumukuha siya ng panibagong sigarilyo… at doon lamang niya nalaman na wala nang laman ang kahion.Sumimangot si Fujiko habang pinapanood niya si Gerald na inihagis ang walang laman na kahon ng sigarilyo sa gilid, “... Maapektuhan ang kalusugan mo kung ipapagpatuloy mo pa ang paniniga
Tumigil ng sandali si Ryugu nang marinig niya iyon bago siya tumahimik at sinabing, "...Tama ka." Katulad nga ng sinabi ni Takeshi, madaling napatay ni Gerald ang napakaraming miyembro ng pamilyang Hanyu sa loob ng maikling oras. Napakahirap gawin iyon na kahit si Ryugu ay hindi sigurado kung magagawa niya rin iyon. Makikita rin na walang kahit isang gasgas si Gerald sa kanya. Sa madaling salita, ang laban kanina ay one-sided. Pinagpawisan ang noo ni Ryugu sa kaba nang mapagtanto niya iyon... Noong una ay hindi siya naniniwala na sila Endo at Izumi ay mapapatumba ng kahit sinong tao sa Futaba manor, pero alam na niya ngayon na maling-mali siya. Mapahamak na ngumiti si Gerald nang makita niyang biglang naging impulsive si Ryugu, “Hmm? Anong nangyari sa katapangan mo kanina?" Huminga ng malalim si Ryugu nang marinig niya iyon habang iniisip kung paano sila magpapatuloy. Sa huli, naisip niya na mas mabuting huwag na munang galitin si Gerald sa ngayon. Dahil doon ay sinabi ni Ryu
Pagkatapos niyang magsalita, ang galit na galit na si Ryugu ay biglang nanggigil kay Gerald! Habang tumatakbo si Ryugu, bigla niyang naisip ang nangyari kayla Endo at Izumi. Galit na galit siya habang iniisip niya na patay na ang kanyang dalawang top assassins, ang gusto niyang gawin ngayon ay ang patayin lang si Gerald. Kahit anong mangyari, siya pa rin ang leader ng assassination department ng pamilyang Hanyu! Kung hindi man lang niya mapatumba si Gerald, hindi ba maituturing siyang isang disappointment?! Sa ilang segundo ay ilang inches na lang ang layo niya kay Gerald! Doon niya inilabas ang dagger na kanina pang nakatago sa kanyang manggas at ang mga mata ni Ryugu ay nanlilisik na sa sobrang galit, “Mamamatay ka na ngayon din, Gerald...! Magdusa ka sa buhay mo sa impyerno…!” Ang dagger mismo ay nagpapalabas ng madilim na glow at napakunot si Gerald nang makita niya iyon. Doon niya napagtanto na may lason na nakalagay sa mismong blade. Posibleng mamatay ang isang tao kapag du