Dahan-dahan niyang hinila ang kanyang goatee bago sinabi ni Endo, “…Sa palagay ko ay hindi magiging madali kung susubukan natin siyang patayin sa labas ng manor. Dahil alam na ni Takuya na sinubukan nating patayin ang kanyang anak, paniguradong nakabantay si Gerald sa paligid sa lahat ng pagkakataon, lalo na kapag umalis siya ng bahay. Siya nga naman ang distinguished ng kanilang pamilya.” Lumingon si Ryugu para tingnan ang ibang lalaki bago siya nagtanong, "Ano naman ang masasabi mo Izumi?" Ibinuga ni Izumi ang usok mula sa kanyang bibig bago niya sinabi, “Pareho kami ng iniisip ni Endo. Kung talagang plano nating patayin siya sa labas, malamang ay may witnesses na kapag pinatumba natin ang mga bodyguard ng pamilyang Futaba. Dahil kilala ang pamilya natin, madaling masabi na makikilala agad nila ang ilan sa mga miyembro ng ating pamilya. Kung mangyari iyon, kakalat na parang apoy ang balita tungkol sa pagpatay natin sa kapwa Japanese.” “Iyan rin ang iniisip ko. Masyadong mapanga
Kung hindi niya ginawa iyon, sana ang kanyang focus ngayon ay nasa sa pag-iimbestiga sa taong humarang sa assassination attempt ni Saburo! Sana hindi ganon kabigat ang pasanin niya ngayon…! Malamang alam ni Suijin kung gaano kahirap ang kanyang posisyon para bigyan lamang siya ng kalahating buwan para mag-imbestiga... Kung hindi lang niya ginawa ang misyon ni Kai, magkakaroon siya ng mas maraming oras para imbestigahan ang taong iyon at mababawasan pa ang kanyang pagkakataong maparusahan! Ngunit ngayon, mas mahalaga na ngayon ang pagpatay kay Gerald kaysa sa paghahanap sa umatake kay Saburo... Si Endo ay talagang confidence sa kanyang lakas kaya tumango siya bago niya sinabing, “Huwag kang mag-alala! Kaming dalawa ang inatasan mo para dito kaya paniguradong magiging matagumpay ang misyon! Kung kakampi magiging swerte man kami, baka sabihin namin sayo ang magandang balita bukas ng umaga!” Napakalakas na tao ni Endo kaya madali niyang makakalaban ang sampung miyembro ng Japanese S
May rason kung bakit nahihiya si Takuya. Simula nang magpakita si Gerald, palagi niyang pinoprotektahan si Fujiko. Sa kabila ng napakaraming tulong ni Gerald pagkatapos niyang iligtas ang kanyang anak sa attempted rape, hindi lang nabigo si Takuya na suklian ang kabaitan ni Gerald, ngunit patuloy pa niyang ginugulo si Gerald para matulungan sila… Gayunpaman, walang ibang kilala si Takuya na sapat na maaasahan upang protektahan ang kanyang anak sa panahon ng special forces competition... Bago pa makapagsalita si Takuya, nagwave lang ng kamay si Gerald bago siya sumagot, “Huwag mo ito masyadong isipin. Kahit na hindi mo ito hiniling sa akin, gagawin ko pa rin ito." Alam ni Gerald na habang nagiging malapit siya pamilyang Futaba, mas mataas ang pagkakataon niyang malaman ang tungkol sa Yearning Island... Namula si Fujiko nang marinig niya iyon. Napaka-casual lamang para kay Gerald na tanggapin ang misyon na ito at napansin rin ni Takuya na namumula ang mukha ng kanyang anak, kay
“Medyo malayo tayo sa kwarto ng tatay mo. Dahil doon ay malaki ang posibilidad na atakihin tayo habang nasa daan. Para sa iyong kaalaman, ang mga taong ito ay mas malakas kaysa sa taong umatake sayo noong gabing iyon. At saka, kung sasabihan mo ang iyong tatay tungkol dito, paniguradong magkakagulo ang buong manor. Masyadong mahirap ang kondisyon ng iyong pamilya, kaya malamang ay magiging malala ito kung malaman ito ng iba,” paliwanag ni Gerald. “…Kaya mo ba silang kalabanin ng mag-isa…?” tanong ni Fujiko. “Oo naman, hindi sila mahirap patumbahin, kaya mas gusto ko kung nakatuon ka sa pagtatanggol sa sarili mo. At saka, kapag kinalaban ko sila, malalaman ko kung sila ay mula sa pamilyang Kanagawa o Hanyu,” nakangiting sinabi ni Gerald habang inaangat niya ang kanyang manggas. Pagkatapos nito ay tuluyan na siyang tumahimik. Medyo relaxed ang itsura niya ngayon, pero kanina niya pa pinagmamasdan ang kanilang paligid. Kahit na si Fujiko ay may tiwala sa kanyang lakas, malaki ang po
Bago sila na-promote bilang mga team leaders, ang dalawang lalaki ay magkasamang nagtrabaho sa loob ng pinakamahabang panahon. Dahil doon, ang kanilang kooperasyon ay hindi pa kailanman nabigo, pero paano naharangan ni Gerald ang kanilang atake?! Nagpalitan ng tingin ang dalawang lalaki habang si Gerald ay napangiti habang hawak ang kanyang sanga, “Pareho kayong malakas.” Ang kanilang pinagsamang lakas ay hindi masyadong malayo sa inaasahan niya, kaya ang ibig sabihin nito ay hindi sila malalaking threats sa kanya. Nang marinig iyon, ipinakita ni Endo ang isang nakakatakot na ngiti habang sinasabi, "Masyado kang bastos para sa isang tao na malapit nang mamatay!" Pagkatapos nito ay itinaas niya ang kanyang dagger at agad na sinubukang saksakin ang kili-kili ni Gerald! Base sa komplikadong anggulo, paniguradong hindi maiiwasan ng mga normal na tao ang atake. Sa kasamaang palad para sa kanya, nahulaan agad ni Gerald ang atake na iyon kaya nagkaroon siya ng mas maraming oras para
“Maniwala ka sa kasinungalingan mo. Hindi ito mahalaga. Kahit na tumanggi kang sabihin sa akin, papatunayan ko ang aking hula sa lalong madaling panahon. Binibigyan lang kita ng pagkakataon na mabuhay pa,” sagot ni Gerald na hindi umaasang sasabihin ng taong ito ang totoo sa kanya noong una pa lamang. Sa paglipas ng mga taon, wala pang one third ng mga taong na-interrogate ni Gerald ay sinabi ang kanilang totoong pagkatao. Para kay Gerald, ang mga madaling sumuko ay mga duwag lang sa kamatayan. Mas maraming tao ang mananatiling manahimik at mamatay ng tapat sa kanilang mga pamilya o sa nag-hire sa kanila, kahit na hindi iyon isang magandang bagay. Sumagot si Izumi nang marinig niya iyon, "Medyo masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, Gerald...!" Alam ni Izumi na wala siyang pagkakataong talunin si Gerald, ngunit hindi niya hahayaan na si Gerald ang may halakhak sa pangyayaring ito...! Mamatay man siya ngayon, sisiguraduhin niya na masasaktan niya si Gerald...! Sa puntong
Sa puntong iyon, kahit si Endo at Izumi ay handa nang mamatay, hindi nila maiwasang makahinga ng maluwag habang ang mga butil ng malamig na pawis ay tumutulo sa kanilang mga noo, pagkatapos nilang ma-realize na ilang pulgada lang ang layo nila mula sa kamatayan. Tumakbo si Takuya papunta kay Gerald at guminhawa ang loob niya nang makitang buhay pa ang dalawa. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagsalita si Takuya, "Pwede pa rin natin silang magamit, Mr. Crawford... Hayaan na muna natin silang mabuhay sa ngayon..." Tumango si Gerald saka niya ipinikit ang kanyang mga mata ng saglit... at hindi nagtagal, ang kanyang matinding hangarin na pumatay ay mabilis na nawala. Ngayong kalmado na siya, sinenyasan si Gerald na magtanong, “Tama ka, pero… mo nalaman ang lahat ng ito?" “Sa sobrang ingay ninyong lahat, paanong hindi ko nalaman? Nang malaman ko ang nangyari, agad akong sumugod para makita kung ano ang nangyari!” sagot ni Takuya habang tinatapik ang kanyang dibdib habang umiiling, makiki
Matapos marinig ang sagot ni Gerald, saglit na nawalan ng masabi si Takuya. Kung tutuusin, hindi niya isinaalang-alang ang katotohanan na si Gerald ang totoong target dito. Habang pinag-iisipan niya ito, hindi napigilan ni Takuya ang pag-ungol, "Pumunta sila para patayin ka..." “Hula lang ito,” sagot ni Gerald habang umiiling. Kung tutuusin, dahil bihira siyang pumunta sa Japan, halos wala siyang alitan sa mga pwersa at pamilya dito. Ipinapalagay lamang niya na hinahabol siya ng dalawa dahil siya ang una nilang target nang magpakilala. “Kahit na sinusubukan nilang patayin ka, hindi mo na kailangang mag-alala pa dahil ang dalawang hamak na iyon ay nakakulong na. Makatitiyak ka, tiyak na makakakuha ako ng higit pang impormasyon mula sa kanila sa madaling araw! Gayundin, kung nag-aalala ka na maapektuhan ang aking pamilya dahil ikaw ay tinatarget, huwag. May utang sa iyo ang mga Futabas at palagi kaming nasa tabi mo! Bagama't totoo na ang aking pamilya ay hindi na kasing dakila gaya n