"Salamat sa pagtulong sa amin sa aming problema, pero ang pamilyang Futaba ay wala talagang maiaalok sayo. Baka magkaroon ka pa ng problema at mapunta sa panganib ang buhay mo dahil sa amin." Ang mga mata ni Takuya ay namula at ang kanyang mga kamay ay hindi mapigilan ang panginginig.Nag-aalala silang lahat tungkol sa panganib na kakaharapin ng kanyang anak, ngunit ang mga salita ni Gerald ay parang gamot na may assurance sa kanya. Naniniwala rin siya na hindi magiging mahirap para kay Gerald na protektahan ang kanyang anak batay pa lamang sa kanyang kakayahan. Si Funagawa o sinumang top assassins mula sa pamilyang Hanyu ay walang magagawa na masama sa kanya.“Hindi ako natatakot doon,” kaswal na sinabi ni Gerald."Oo, pero kailangan ko pa ring magpasalamat sayo ng maayos." Tumango si Takuya sa kanya. Naisip niya na napakaswerte niya para makilala ang isang napakahusay na binata habang ang kanilang pamilya ay may kinakaharap na krisis. Ito ay isang maliit na tulong pero importante
Habang sinusuri niya ang dalawang points na ito, talagang kakaiba na alam ni Suke ang tungkol sa pagsugod ng mga assassins ng pamilyang Hanyu kay Fujiko. Mukhang may karagdagan pa ang storya na ito."Anong kinalaman nito sayo?!" namula ang mukha ni Suke nang mapagtanto niyang mali ang kanyang sinabi, ngunit mabilis niya itong binawi at sinigawan si Gerald habang tinuturo ang lalaki, “Binabalaan ulit kita, ang lahat ng ito ay walang kinalaman sayo! Umalis ka na dito sa lalong madaling panahon, kung hindi, magkakaroon ka ng masakit na kamatayan!"“Tinatakot mo ba ako?” napangiti si Gerald habang nagtatanong.“Hindi ito isang banta! Ito na lang ang huling exemption na ibinigay sayo.” Ang kawalang-interes ni Gerald ay nag-trigger pa sa galit ni Suke at papatayin niya ang lalaking ito kung wala lang sila sa Futaba manor.“Sige, naiintindihan ko. Kung wala nang iba, umalis na kayo bago pa kayo palayasin ni Patriarch Takuya,” iniwan sa kanila ni Gerald ang ilang sarkastikong salita habang
Kakagising pa lang ni Gerald nang may narinig siyang kumakatok sa kanyang pintuan."Anong problema?" nang buksan niya ang pinto, nakita ni Gerald ang mga underling ni Takuya na nakatayo sa may pintuan.“Pinapatawag ka ng Patriarch dahil may dumating mula sa pamilyang Funagawa na nagtatanong kung bakit mo inuwi si Ms. Fujiko pagkatapos ng ilang araw na pananatili sa kanilang pamilya. Gusto ka talaga niyang makita. Hindi siya pinigilan ng aming patriarch kaya pinatawag ka na lamang niya," sabi ni underling nang makita niya si Gerald.“Dalhin mo ako sa kanila,” sabi ni Gerald habang kinukuha niya ang isang coat at isinuot iyon."Gusto ni Patriarch na sabihin mo sa kanya kung ano ang totoong nangyari, at ipaalam sa mga tauhan ng pamilyang Funagawa kung ano ang ginagawa ni Kanagawa Kai pagkatapos ng pangyayaring ito." sinundan ng lalaki si Gerald sa likuran.Pumunta sila sa sala, katulad ng ginawa nila noong nakaraang gabi.Ang tanging bagay na nagbago ay ang mga nakaupo doon ay mga t
"Kung hindi ako nagkakamali, ito ay itinuturing na isang seryosong bagay sa batas ng Japan. Pwedeng makaharap ni Kai ng hanggang sampung taon sa kulungan at kailangan pa niyang magsuot ng special ankle tracker pagkalabas ng kulungan. Paniguradong magdudulot ito ng kahihiyan hindi lamang kay Kai kundi pati na rin sa pamilyang Funagawa, hindi ba?"Tinanggap ni Gerald ang tubig na binigay ni Takuya at hinigop ito bago magsalita."Mr. Gerald, sa tingin mo ba hindi namin maaayos ang maliit na bagay na ito?" tumawa si Ryuka nang marinig ang sinabi ni Gerald. “Hayaan mong sabihin ko sayo ang totoo. Kahit na rape ito o pagpatay, kaya itong ayusin ng aking pamilya ng napakadali. Sa tingin ko nasabi na ito sayo ni Patriarch Futaba, di ba?”Naging madilim ang mukha ni Takuya nang marinig ito. Hindi nagkakamali si Ryuka. Batay sa katayuan at kapangyarihan ng pamilyang Funagawa sa Japan, maliit na bagay lamang sa kanila ang pag-aayos ng isang rape crime. Bukod pa dito, ang mga pulis at mga korte
Nagbigay lamang ng malabong detalye si Gerald nang hindi niya alam kung paano simulang sabihin ang kanyang ginawa. Naintindihan ni Takuya na ayaw na itong pag-usapan ni Gerald, kaya sinabi niya, “...Kung ano man ang ginawa mo sa kanya, sana huwag sumugod dito si Kai na naghahanap ng gulo." “Gusto kong magtanong tungkol kay Suke... Ano nga ba ang relasyon niya sa pamilyang Futaba? At gaano na ba katagal mula nang bumalik siya sa pamilyang ito?" tanong ni Gerald habang inaalala ang pangyayari kagabi. “…Hmm? Bakit mo naman ito natanong? Naghanap ba siya ng gulo sayo kahapon?" tanong ni Takuya habang nakataas ang isang kilay. Kahit na hindi siya kasing lakas ng pamilyang Kanagawa, siya pa rin ang head ng pamilyang Futaba. Responsibilidad niyang harapan ang mga nanggugulo sa kanyang pamilya. “Wala akong sama ng loob kay Suke. Medyo curious lang talaga ako sa kanya,” sagot ni Gerald. Hindi sasabihin ni Gerald ang kanyang mga haka-haka hangga’t hindi siya nakakuha ng sapat na ebidensy
“Understood…!” sagot ni Ryuuka habang tumatango sa takot na baka magalit si Kai kapag hindi siya pumayag. Malinaw kay Ryuuka na ang family head ang may huling desisyon sa family affairs, pero alam din niya na mahal na mahal ng patriarch si Kai. Kung pipiliin niyang suwayin si Kai, alam ni Ryuuka na hindi siya suportahan ng patriarch. Alam rin ni Ryuuka na palalayasin siya ng family head para lang mapasaya si Kai! “Natutuwa ako na naiintindihan mo ito. Umalis ka na at ipagpatuloy ang trabaho. Huwag mong kalimutan na sabihin sa akin kung may updates ka," naiinip na sinabi ni Kai habang sinesenyasan si Ryuuka na umalis. Hindi mahina ang utak ni Kai kaya hindi siya gagawa ng move hangga’t buhay pa si Gerald. Kung tutuusin, madaling ibubunyag ng b*stard na iyon ang lahat ng nangyari noong gabing iyon! Gusto niyang kunin si Fujiko mula sa pamilyang Futaba, ngunit naunawaan ni Kai na ang kanyang pinakamahusay na move sa ngayon ay ang papatayin muna ng mga Hanyu assassin si Gerald. Sa sa
Nang marinig ang lahat ng ingay na iyon, mabilis na sumulpot sa pintuan ang mga tauhan ni Ryugu habang nagtatanong, “Anong problema, Team Leader?!” “… Walang nangyari. Tawagin niyo ang lahat ng mga heads ng secondary assassination teams. May mahalagang bagay akong gustong pag-usapan sa kanila. Sabihin niyo sa kanila na sabihin ang anumang clues na nakita nila tungkol sa pamilyang Futaba!" utos ni Ryugu habang hinihingal. Hindi niya sisirain ang kanyang imahe sa pamamagitan ng pagbabahagi ng problema niya sa kanyang mga tauhan. Ito ang dahilan kung bakit siniguro niyang ipakita ang kanyang leader front sa kanyang mga tauhan. Pagkatapos magpalitan ng tingin sa isa't isa ng kanyang mga tauhan, ang mga ito ay tumango bago sila sumigaw, "Masusunod!" Makalipas ang halos ten minutes nang makitang may walong bagong mukha ang nagtipon sa kwarto ni Ryugu. Ang mga lalaking ito ay ang mga leaders ng second assassination team at sila ay sumusunod sa utos ni Ryugu. Matapos silang tingnan n
“May kinalaman ba si Kai sa desisyon mo, team leader…?” tanong ng ilang mga tauhan nang magkaroon sila ng kakaibang kutob.“...Walang punto kung pag-uusapan lamang natin ito. Pinapunta ko kayo dito dahil kailangan nating pag-usapan kung paano natin haharapin si Gerald. Natandaan ko na sinabi ng ilan sa inyo na meron kayong clues na may kinalaman sa pamilyang Futaba. Dala niyo ba ang mga ito?” sabi ni Ryugu habang nakatingin sa kanila.“Ito ang mga clues!” sabi ng isa sa mga lalaki habang kinukuha niya ang hard disk mula sa kanyang bulsa sa harapan ni Ryugu.Pagkatapos nito ay kinonekta ito ng isang subordinate sa isang computer at kasunod nito… lumabas ang maraming impormasyon sa screen. Ito ay compilation na natutunan ng pamilyang Hanyu tungkol sa pamilyang Futaba sa loob ng dalawang taon. Makikita sa impormasyon ang personal at business relationships ng pamilyang Futaba at gayundin ang ilang detalye tungkol kay Takuya.Sinuri ni Ryugu ang lahat ng impormasyon at binuksan niya ang