Si Gerald ay awkward na nakangiti kay Takuya habang nilalampasan siya ng dalawa... Maya-maya pa, umupo si Takuya sa host seat habang nakatitig kina Gerald at Fujiko na magkahawak-kamay pa rin habang nakaupo sila sa mga guest seat... Nahulaan ni Takuya kung ano ang dahilan ng kanilang gesture at doon naudyukan si Takuya na sabihin, "Kailan pa nagsimula ang ganitong relasyon?" Kung magiging totoo lang si Takuya, masasabi niya na overwhelming ito dahil ito ay isang biglaang pangyayari... Sa kabila nito, binitawan ni Fujiko ang kamay ni Gerald at tumayo bago niya sinabing, “Papa, hindi ko gustong isakripisyo ang kaligayahan ko para kay Kai! Ikaw mismo ang dapat makaalam na masisira ang buhay ko kapag nagpatuloy ako sa pagpapakasal sa kanya!” "...Naiintindihan ko kung anong sinusubukan mong sabihin... Pero..." sabi ni Takuya habang nakatitig sa kanyang anak. “Pa, please. Gusto ko lang makasama si Gerald... Sana ibigay mo sa amin ang iyong blessing!” sagot ni Fujiko habang nakaup
"Naninigarilyo ka ba?" Pagkatapos kumuha ng dalawang puff mula sa sigarilyo, inihagis ni Takuya ang box ng sigarilyo kay Gerald.Sinalo ito ni Gerald, kumuha siya ng isa at sinindihan ito.“Ito ay isang act lang pala. Gusto mong pilitin akong kanselahin ang marriage contract sa Kanagawa family sa pamamagitan ng pagpapanggap na kayo ay isang couple?" Pagkatapos humithit ng dalawang beses, nilibot ni Takuya ang kanyang mga mata at tumingin kay Gerald. Ang pagiging head ng pamilya ay sapat na upang patunayan ang kanyang kakayahan para obserbahan ang emosyon at salita ng mga tao."Hindi, mahal talaga namin ang isa't isa!" Mabilis na sinabi ni Fujiko."Wala akong pakialam kung mahal niyo ang isa’t isa o kung sinusubukan mong gumawa ng isang bagay sa harap ko, pero ayokong magkaroon ka ng anumang koneksyon sa bunsong anak ng pamilyang Kanagawa. Gagawin ko ang lahat para mahikayat ang mga miyembro ng pamilya na kanselahin ang marriage contract. Para naman sa pamilyang Kanagawa, gagawa ako
"Huwag muna nating pag-usapan ang pamilyang Hanyu sa ngayon. Ang priority natin ngayon ay ang lutasin ang kausapin ang pamilyang Kanagawa. Pwede akong pumayag na i-cancel ito, pero baka hindi pumayag ang ibang family members. Bakit hindi na lang ganito? Magpahinga ka muna, at isasama kita sa kanila para mapag-usapan ang buong pangyayari."Wala muna ang atensyon ni Takuya sa pamilyang Hanyu sa ngayon. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay ang kanyang anak na babae. Kung hinayaan niyang pakasalan ng kanyang anak si Kanagawa Kai, mabubuhay siya ng may panghihinayang at pagsisisi sa natitirang bahagi ng kanyang buhay.“Tara na. Magpahinga na muna tayo." hinawakan ni Fujiko ang kamay ni Gerald habang sinasabi niya ito."Umuwi na tayo." mariin na tumango si Gerald.Tumingin si Takuya sa likuran ng kanyang anak at ni Gerald, bago siya tahimik na napabuntong-hininga. Kung hindi naranasan ng pamilya ang mga pagbabagong ito, gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan para pumayag na makipag-da
Hanggang ngayon, malinaw niyang naaalala ang sitwasyon kung saan ginawa ni Gerald ang kanyang move. Gamit ang isang move, tumalsik ng halos isang metro ang mga assassins sa loob lamang ng ilang segundo. Hindi pa siya nakakita ng ganoong klase ng lakas, kahit mula sa Japanese military.“Haha! Sasabihin ko sayo kapag may pagkakataon ako.” natatawang sumagot si Gerald nang mapagtanto niyang hindi niya ito maitatago kay Fujiko.Kinagabihan, pumunta sa manor ang lahat ng elder members ng pamilyang Futaba.Originally, sila ay nakatira sa manor upang i-manage ang lahat ng mga ari-arian at negosyo, ngunit mula nang mag-regress ang pamilya dalawang taon na ang nakalipas, minority na lamang ang humahawak sa kanilang dating trabaho habang ang karamihan ay umalis sa pamilya at tumira na lamang sa labas.Sa isang banda, ginamit nila ang kanilang identity bilang isang miyembro ng pamilyang Futaba para kumita ng pera. Sa kabilang banda, ayaw nilang manatili sa pamilya dahil natatakot sila na maap
Makalipas ang halos kalahating oras, pumasok si Fujiko sa meeting room habang tahimik na nasasabik ang lahat. Gayunpaman, ang ikinagulat ng mga tao ay hawak ni Fujiko ang braso ng isang lalaki na ngayon lamang nila nakita.Sikat na sikat si Kanagawa Kai sa Japan dahil siya ang youngest master ng Kanagawa family at kilala siya ng lahat sa kwartong ito.Hindi sila tututol kung ang lalaking ito ay mas may kakayahan tao kaysa Kanagawa Kai. Ngunit kung siya ay isang ordinaryong binata lamang, ang lahat ng kanilang mga plano ay magiging walang kabuluhan."Sino ka?" hindi nagdalawang isip si Suke na tumayo at magtanong. Nanatili siyang nakatingin kay Gerald habang nagsasalita siya, sinubukan niyang kilalanin ang lalaking ito sa ugali at pananamit.“Ito ang gusto kong pag-usapan sa inyo. Nag-desisyon ako na kanselahin ang marriage contract dahil sa dalawang dahilan. Una, hindi mabuting tao si Kanagawa Kai. Tanungin niyo ang kahit sino kung anong klaseng tao ang Kai na iyon. Pangalawa, dahi
Si Suke ang naunang nagbahagi ng kanyang saloobin."May sarili akong pamamaraan." Pinagkrus ni Takuya ang kanyang mga braso sa harapan ng kanyang dibdib. Kung kakaunti lang siguro ang mga tao dito, sinampal na niya sa mukha si Suke. Kahit anong mangyari ay tito niya si Takuya, ngunit si Suke ay lumalaban sa kanya sa harap ng napakaraming tao, hindi tumitinag sa pambabastos na ito.“May sarili kang pamamaraan? Ano pa ba ang magagawa mo? Kung may kakayahan ka talaga, hindi mo hahayaang bumalik sa paghihirap ang pamilya natin. Wala pang twenty years ang pagiging patriarch mo at ang dating maluwalhating pamilya ay unti-unting naghirap sa iyong mga kamay. Sa tingin ko oras na para pumili tayo ng mas mahusay na patriarch para kunin ang place mo!”Sa pagkakataong ito, isang matanda na maputi ang buhok, payat, at kuba ang katawan ang biglang nagsalita.Siya ay may mataas na status sa pamilyang Futaba at siya ang uncle ni Takuya. Isa rin siya sa mga malakas na competitors sa pagiging patri
Wala silang matatanggap na kahit anumang benefits ngayon at baka madawit pa sila sa kaguluhan na ito.Ang lahat ng mga miyembro ay nag-iisip ng mga paraan para putulin ang relasyon sa pamilya upang hindi sila maapektuhan kapag tuluyan nang nasira ang kanilang pamilya kapag dumating na ang pamilyang Kanagawa para maghiganti sa kanila.“Ito ang kasalukuyang sitwasyon ng pamilyang Futaba ngayon. Kung may dumating na panauhain na hindi tayo kilala, iisipin pa nilang third-class family tayo!" Pagkaalis nilang lahat, hinampas ni Takuya ang kanyang kamao sa mesa sa sobrang galit.Alam niyang hindi tatanggapin ng ibang miyembro ng pamilya ang kanyang desisyon, pero hindi niya inasahan na babastusin siya ng mga ito. Napakabigat ng pakiramdam na ito para sa kanya."Huwag kang magalit sa nangyari, Patriarch. Kapag kinalimutan nila ang pamilya sa sandaling bumagsak ito, hindi na sila bahagi ng pamilyang Futaba. Hindi natin kailangang magalit sa mga taong tulad nila,” Sumugod ang isa sa mga miy
"Salamat sa pagtulong sa amin sa aming problema, pero ang pamilyang Futaba ay wala talagang maiaalok sayo. Baka magkaroon ka pa ng problema at mapunta sa panganib ang buhay mo dahil sa amin." Ang mga mata ni Takuya ay namula at ang kanyang mga kamay ay hindi mapigilan ang panginginig.Nag-aalala silang lahat tungkol sa panganib na kakaharapin ng kanyang anak, ngunit ang mga salita ni Gerald ay parang gamot na may assurance sa kanya. Naniniwala rin siya na hindi magiging mahirap para kay Gerald na protektahan ang kanyang anak batay pa lamang sa kanyang kakayahan. Si Funagawa o sinumang top assassins mula sa pamilyang Hanyu ay walang magagawa na masama sa kanya.“Hindi ako natatakot doon,” kaswal na sinabi ni Gerald."Oo, pero kailangan ko pa ring magpasalamat sayo ng maayos." Tumango si Takuya sa kanya. Naisip niya na napakaswerte niya para makilala ang isang napakahusay na binata habang ang kanilang pamilya ay may kinakaharap na krisis. Ito ay isang maliit na tulong pero importante