Napansin ni Gerald na natulala si Fujiko, kaya ikinaway niya ang kamay sa harap niya habang nagtatanong, "Anong nasa isip mo?" Napabuntong-hininga si Fujiko, pagkatapos nito ay huminga siya ng malalim bago siya pagod na ngumiti habang sinasabi, “Iniisip ko lang kung ano ang susunod nating gagawin… Kung tutuusin, papagalitan ako ng tatay ko kung babalik ako ng ganito. Hindi rin ako hahayaan ng pamilyang Kanagawa na makatakas ng madali... Inaasahan kong maghahanap sila ng gulo sa atin sa isang araw o dalawa…” “Huwag kang masyadong mag-alala tungkol diyan. Kung malakas ang loob kong makatakas sa pamilyang Kanagawa, paniguradong handa ako para sa aftermath para sayo…” nakangiting sinabi ni Gerald. Pagkaraan ng ilang sandali na tinitigan ni Fujiko si Gerald bago niya sinabi, “…Ihinto ang sasakyan.” “…Huh?” gulat na sinabi ni Gerald. “Sabi ko ihinto mo ang sasakyan...” sabi ni Fujiko habang nakaturo sa manibela. Medyo malayo na sila ngayon sa Kanagawa manor kaya ang ibig sabihin
“At saka, sinong nagsabi sa inyo na pwede kayong matulog sa kama ko? Ang lakas ng loob niyo…! Gusto niya ba talaga mamatay?!" sigaw ni Kai habang sinisipa sila mula sa kama! “B-Brother Kai! P-please, ‘wag...! Maawa ka…! Maging maingat ka naman sa amin…!” “Oo nga, brother Kai…!” sigaw ng dalawang lalaki habang nakayuko sa sahig. “…Maging maingat? Anong sinasabi niyo…” tanong ni Kai bago humina ang boses niya. Doon niya ginawan ng koneksyon ang nangyari at napagtanto niya ngayon kung ano ang maaaring ginawa niya habang drugged siya... Hindi, hindi pwedeng may mangyari...! Habang nandidiri siya, biglang tumayo ang isa sa kanyang mga tauhan. Napakunok sila at pareho silang nagpalitan ng tingin bago nila maamong sinabi, "U-um... Kuya Kai... Niligtas ni Gerald si Miss Fujiko kagabi... at um, pareho silang nakatakas...!" Sumigaw ng malakas si Kai nang marinig niya ito, “P*tang-in*…!” Habang patuloy siyang nakasimangot, ang kanyang maulap na alaala ay nagsimulang lumiwanag ng kaunt
Nagkasundo sina Kai at Ryugu na magkita sa isa sa mga cafe ng pamilyang Kanagawa pagsapit ng gabi... Pagpasok ni Kai sa loob, agad na isinara ng manager ang café para bigyan si Kai ng tahimik at isang hindi distracting na paligid... Maya-maya pa, pumasok na rin si Ryugu sa cafe at agad niyang tinawag si Kai nang makita niyang nakaupo ito sa isa sa mga tatami mats, "Brother Kai!" Si Ryugu ay hindi isang lineal descendant ng Hanyus, pero isa pa rin siya sa mga main disciples ng pamilyang iyon. Sa madaling salita, medyo mataas ang kanyang katayuan sa pamilyang Hanyu. Dito masasabi na pareho ang katayuan nina Kai at Ryugu kung ikukumpara sila sa isa't isa... Ipinakita ni Ryugu ang kanyang magandang ngiti pero halatang pinipilit niya ito. Mula nang mabigo si Saburo na patayin si Fujiko, patuloy na sinusuri ni Ryugu ang Westoner sa ilalim ng utos ni Suijin. Sa kasamaang palad, hindi man lang niya nalaman kung ano ang pangalan ng Westoner kahit na masugid niya itong inimbestigahan...
Nang marinig iyon, doon napansin ni Ryugu na ang bagay ay hindi kasing simple na tulad ng iniisip niya. Dahil doon, nagsindi siya ng sigarilyo at nag-isip sandali. Di-nagtagal, nagpasya si Ryugu na subukan si Kai sa pamamagitan ng pagsasabi, “...Kung magiging totoo lang ako, kailangan ko munang pag-isipan ito. Pagkatapos ng lahat, ang pamilyang Hanyu ay bihirang gumawa ng isang hakbang laban sa mga tao sa ibang bansa, kahit na kilala kami bilang isang pamilyang assassin. Sigurado akong alam mo rin na ang pamilyang Futaba ay hindi isang maliit na pamilya. Dahil dito, kung papatayin natin ang kanilang bisita, panigurado na tayo ang susunod nilang target!" “Hindi mo kailangang mag-alala tungkol diyan. Basta’t patayin mo si Gerald, ako nang bahala sa mga kahihinatnan. Huwag mo rin kami maliitin. Naniniwala ako sa mga kakayahan ng mga assassin ng aming pamilya. Paniguradong mapapatay mo siya nang hindi natutuklasan! Ito ang ten billion yen. Kapag namatay na siya, babayaran kita ng doble
"Ganoon ba…? Kailangan na nating tapusin ang imbestigasyon sa loob ng kalahating buwan. Kung mabigo ka, well... Sabihin na lang natin na 'kusang-loob' kang bababa sa iyong posisyon bilang head ng assassination department, kung naiintindihan mo ang sinusubukan kong sabihin. Kung tutuusin, bakit kailangang pakainin ng pamilyang Hanyus ang isang walang kwentang tao?" sabi ni Suijin habang nakaturo kay Ryugu. Alam ni Suijin na magiging mahirap ang imbestigasyon sa Westoner lalo na't kakaunti lang ang impormasyong makukuha nila, ngunit si Ryugu pa rin ang may hawak ng posisyon na ito. Kung hindi niya gagawin ang trabaho, sino pa ba ang papalit sa kanya? Si Suijin? Pinunasan ni Ryugu ang pawis sa kanyang mukha bago niya sinabi, "Na-Naiintindihan ko..." “Good. Pinapayagan kitang tanggapin ang kahilingan ni Kai na ipapatay sayo ang isang tao. Madaling patayin ang isang hamak na bisita lamang, pero siguraduhin mong hindi ka mapapansin ng sinuman. Hindi ko na kailangang banggitin pa muli n
“Hindi iyon ang inaalala ko…” sabi ni Gerald habang umiiling. Masasabi na isang perfect na babae si Fujiko mula sa kanyang personalidad hanggang sa kanyang hitsura. Gayunpaman, kasama na niya ngayon si Mila. Pagkatapos siyang kidnapin ng mga miyembro ng Sun League, wala pa siyang nahanap na anumang pahiwatig kung nasaan siya... Paniguradong tutulungan niya si Fujiko kung wala siyang asawa, ngunit meron na siyang Mila ngayon at ayaw niyang makipaglaro sa ibang babae. Habang papalapit si Fujiko kay Gerald, naamoy niya ang faint na halimuyak mula kay Gerald at doon siya naudyukang magtanong, “…Meron ka na bang…?” Huminto ng sandali si Gerald bago niya sinabi, “Wala…” Kapag nailigtas na niya si Mila, hindi niya sasabihin kahit kanino ang tungkol sa kanya. Ito ang isa sa mga paraan para maprotektahan siya... "Decided na! Sundin mo muna ang pinapagawa ko, at kapag nawala na si Kai, magpapasalamat ako sayo ng maayos!" sagot ni Fujiko habang kaswal na nakatingin sa kanya. Ginagawa ni
Si Gerald ay awkward na nakangiti kay Takuya habang nilalampasan siya ng dalawa... Maya-maya pa, umupo si Takuya sa host seat habang nakatitig kina Gerald at Fujiko na magkahawak-kamay pa rin habang nakaupo sila sa mga guest seat... Nahulaan ni Takuya kung ano ang dahilan ng kanilang gesture at doon naudyukan si Takuya na sabihin, "Kailan pa nagsimula ang ganitong relasyon?" Kung magiging totoo lang si Takuya, masasabi niya na overwhelming ito dahil ito ay isang biglaang pangyayari... Sa kabila nito, binitawan ni Fujiko ang kamay ni Gerald at tumayo bago niya sinabing, “Papa, hindi ko gustong isakripisyo ang kaligayahan ko para kay Kai! Ikaw mismo ang dapat makaalam na masisira ang buhay ko kapag nagpatuloy ako sa pagpapakasal sa kanya!” "...Naiintindihan ko kung anong sinusubukan mong sabihin... Pero..." sabi ni Takuya habang nakatitig sa kanyang anak. “Pa, please. Gusto ko lang makasama si Gerald... Sana ibigay mo sa amin ang iyong blessing!” sagot ni Fujiko habang nakaup
"Naninigarilyo ka ba?" Pagkatapos kumuha ng dalawang puff mula sa sigarilyo, inihagis ni Takuya ang box ng sigarilyo kay Gerald.Sinalo ito ni Gerald, kumuha siya ng isa at sinindihan ito.“Ito ay isang act lang pala. Gusto mong pilitin akong kanselahin ang marriage contract sa Kanagawa family sa pamamagitan ng pagpapanggap na kayo ay isang couple?" Pagkatapos humithit ng dalawang beses, nilibot ni Takuya ang kanyang mga mata at tumingin kay Gerald. Ang pagiging head ng pamilya ay sapat na upang patunayan ang kanyang kakayahan para obserbahan ang emosyon at salita ng mga tao."Hindi, mahal talaga namin ang isa't isa!" Mabilis na sinabi ni Fujiko."Wala akong pakialam kung mahal niyo ang isa’t isa o kung sinusubukan mong gumawa ng isang bagay sa harap ko, pero ayokong magkaroon ka ng anumang koneksyon sa bunsong anak ng pamilyang Kanagawa. Gagawin ko ang lahat para mahikayat ang mga miyembro ng pamilya na kanselahin ang marriage contract. Para naman sa pamilyang Kanagawa, gagawa ako