“…Anong sinusubukan mong sabihin?” direktang tinanong ni Fujiko. Itinigil na ni Kai ang formalities at sumagot, “Ano pa ba? Sabay tayong matutulog syempre!" "Mr. Kanagawa, hindi ba mas mabuting iwasan natin gawin ang mga bagay na iyon hanggang sa maging in-laws ng aming pamilya ang pamilya mo?" sabi ni Fujiko habang pilit na pinipigilan ang kanyang pagkasuklam. Kung hindi dahil sa kapakanan ng kanyang pamilya, aalis na agad siya sa lugar na ito ngayon din... “...Wala ka bang muwang?” sabi ni Kai habang nakahawak sa braso ni Fujiko, nawala na ang kaninang ngiti sa kanyang mukha. "Aray…! Sinasaktan mo ako!" sigaw ni Fujiko habang pilit niyang pinapakawalan ang kanyang sarili sa pagkakahawak ni Kai. Gayunpaman, mas malakas siya kaysa sa inaasahan niya, at masakit pa ang kanyang mga sugat mula sa atake ng Hanyu assassin noong nakaraan. Pinagaling na siya ni Gerald noon, pero hindi pa bumabalik ang tunay niyang lakas... Hindi pinansin ni Kai ang kanyang sinabi at patuloy niyang hi
"May sinusubukan bang gawin si Gerald?" "Hindi. Nanatili siyang tahimik sa loob ng guest room simula nang pumasok siya doon,” sagot ng kanyang tauhan na kanina pa nakabantay kay Gerald habang umiiling. Agad niyang sasabihan si Kai kung may narinig siyang kakaiba, kahit pa hindi siya tanungin nito. “Good. Malakas ang kutob ko na hindi niya lang basta bastang sinasamahan si Fujiko dito. Kapag may ginawa siyang kakaiba, huwag mag-atubiling patayin siya!" sabi ni Kai habang nakapikit ang mga mata. Walang makakahadlang sa gagawin niya...! “Pero… Young Master, isa siyang Westoner at wala pa tayong masyadong alam sa background niya... Kung papatayin lang natin siya at meron pala siyang malakas na background, paniguradong magkakagulo ang buong pamilya…” nag-aalalang sinabi ng kanyag tauhan. Nagtrabaho siya para kay Kai, pero sa ilalim ng utos ng family head, inatasan silang subaybayan ang young master upang pigilan siya sa anumang bagay na magdadala ng kaguluhan sa Kanagawa family…
Kung mapunta si Fujiko sa isang mapanganib na sitwasyon, alam ni Gerald na hindi na siya makakakuha ng anumang impormasyon tungkol sa Seadom Tribe mula sa iba pang miyembro ng pamilyang Futaba. Kailangan niyang iligtas si Fujiko bago pa may mangyaring masama sa kanya! Nang mapagtanto na nabuksan na ang pinto, inilagay ng mga tauhan ang kanilang mga kamay sa likuran habang nagtatanong ang isa sa kanila, "May maitutulong ba kami, Mr. Crawford?" Ngumiti lamang si Gerald nang mapagtanto niya kung saan nakalagay ang kanilang mga kamay, bago siya sumagot, “Lalabas ako para mamasyal. Medyo boring dito, hindi ba? Hindi mo naman ako pipigilan na gawin iyon, tama ba...?" "Pasensya na pero hindi pwede. Dahil isa kang distinguished guest ng pamilyang Futaba, isa ka na ring distinguished guest ng pamilyang Kanagawa. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan mong manatili sa loob para sa iyong sariling kaligtasan. Hindi kami mananagot kung may mangyaring masama sayo,” sagot ng tauhan habang umiili
Sa puntong iyon, puno na ng libog ang utak ni Kai na hindi niya namalayan na pumasok na pala si Gerald. Sumimangot si Gerald nang makita niya ang nakakasuklam na aksyon ni Kai, bago niya sinabi, "Miss Fujiko!" Hinawakan niya si Kai sa kanyang kwelyo at hinagis niya sa sahig ang lalaki naka-drugs. Naramdaman ni Kai na may mali sa oras na iyon, ngunit masyadong nilamon ng mabangis na pagnanasa ang kanyang realidad, kaya hiningal ang lalaki sa sandaling iyon... Nang mapunta sa malayo si Kai, lumapit si Gerald sa tabi ni Fujiko at nagtanong, "Okay ka lang ba, Miss Fujiko...?" “O-Okay lang ako… Salamat sa pagdating mo... Kung hindi, paniguradong…” sabi ni Fujiko habang humihina ang kanyang boses. Masyado siyang natatakot na isipin kung ano ang mangyayari sa kanya kung hindi siya nailigtas ni Gerald sa tamang panahon... “…Hindi isang trusted na pamilya ang pamilyang Kanagawa. Hayaan mo akong ihatid ka pauwi,” sagot ni Gerald habang nakatingin sa malayo at napabuntong hininga siya
Tiningnan ng masama ng tauhan si Gerald habang pinapanood nila itong lumalapit sa kanila, "Tama si Brother Kai... Ikaw ay isang problema sa pamilyang Kanagawa!" Mabilis na sumugod si Gerald at hindi pinansin ang sinabi ng tauhan! Huli na nang makaramdam ng matinding pananakit sa likod ng ulo ang tauhan... at doon siya nawalan ng malay! Nang makita iyon, agad na nalaglag ang panga ng kaninang servant habang sinusubukan nitong tumakas at alertuhan ang iba tungkol kay Gerald. Sa kasamaang palad para sa kanya, bago pa siya makaalis at naramdaman niyang may kamay na humawak sa kanyang balikat...! "At saan ka pupunta...?" nakangiting tinanong ni Gerald. “Um... kailangan kong gumamit ng banyo...?" nauutal na sinabi ng servant at makikita na nanginginig ang kanyang panga sa takot. Umiling si Gerald saka niya hinampas ang lalaki sa kanyang leeg... at nanlambot ang katawan ng lalaki. Pagkatapos nito ay sinimulan ni Gerald na kaladkarin ang mga walang malay na lalaki sa kwarto... Sa
Napansin ni Gerald na natulala si Fujiko, kaya ikinaway niya ang kamay sa harap niya habang nagtatanong, "Anong nasa isip mo?" Napabuntong-hininga si Fujiko, pagkatapos nito ay huminga siya ng malalim bago siya pagod na ngumiti habang sinasabi, “Iniisip ko lang kung ano ang susunod nating gagawin… Kung tutuusin, papagalitan ako ng tatay ko kung babalik ako ng ganito. Hindi rin ako hahayaan ng pamilyang Kanagawa na makatakas ng madali... Inaasahan kong maghahanap sila ng gulo sa atin sa isang araw o dalawa…” “Huwag kang masyadong mag-alala tungkol diyan. Kung malakas ang loob kong makatakas sa pamilyang Kanagawa, paniguradong handa ako para sa aftermath para sayo…” nakangiting sinabi ni Gerald. Pagkaraan ng ilang sandali na tinitigan ni Fujiko si Gerald bago niya sinabi, “…Ihinto ang sasakyan.” “…Huh?” gulat na sinabi ni Gerald. “Sabi ko ihinto mo ang sasakyan...” sabi ni Fujiko habang nakaturo sa manibela. Medyo malayo na sila ngayon sa Kanagawa manor kaya ang ibig sabihin
“At saka, sinong nagsabi sa inyo na pwede kayong matulog sa kama ko? Ang lakas ng loob niyo…! Gusto niya ba talaga mamatay?!" sigaw ni Kai habang sinisipa sila mula sa kama! “B-Brother Kai! P-please, ‘wag...! Maawa ka…! Maging maingat ka naman sa amin…!” “Oo nga, brother Kai…!” sigaw ng dalawang lalaki habang nakayuko sa sahig. “…Maging maingat? Anong sinasabi niyo…” tanong ni Kai bago humina ang boses niya. Doon niya ginawan ng koneksyon ang nangyari at napagtanto niya ngayon kung ano ang maaaring ginawa niya habang drugged siya... Hindi, hindi pwedeng may mangyari...! Habang nandidiri siya, biglang tumayo ang isa sa kanyang mga tauhan. Napakunok sila at pareho silang nagpalitan ng tingin bago nila maamong sinabi, "U-um... Kuya Kai... Niligtas ni Gerald si Miss Fujiko kagabi... at um, pareho silang nakatakas...!" Sumigaw ng malakas si Kai nang marinig niya ito, “P*tang-in*…!” Habang patuloy siyang nakasimangot, ang kanyang maulap na alaala ay nagsimulang lumiwanag ng kaunt
Nagkasundo sina Kai at Ryugu na magkita sa isa sa mga cafe ng pamilyang Kanagawa pagsapit ng gabi... Pagpasok ni Kai sa loob, agad na isinara ng manager ang café para bigyan si Kai ng tahimik at isang hindi distracting na paligid... Maya-maya pa, pumasok na rin si Ryugu sa cafe at agad niyang tinawag si Kai nang makita niyang nakaupo ito sa isa sa mga tatami mats, "Brother Kai!" Si Ryugu ay hindi isang lineal descendant ng Hanyus, pero isa pa rin siya sa mga main disciples ng pamilyang iyon. Sa madaling salita, medyo mataas ang kanyang katayuan sa pamilyang Hanyu. Dito masasabi na pareho ang katayuan nina Kai at Ryugu kung ikukumpara sila sa isa't isa... Ipinakita ni Ryugu ang kanyang magandang ngiti pero halatang pinipilit niya ito. Mula nang mabigo si Saburo na patayin si Fujiko, patuloy na sinusuri ni Ryugu ang Westoner sa ilalim ng utos ni Suijin. Sa kasamaang palad, hindi man lang niya nalaman kung ano ang pangalan ng Westoner kahit na masugid niya itong inimbestigahan...