Habang nagpapatuloy sila sa kanilang paglalakbay, nalaman ni Gerald mula sa pamilyang Futaba na sinusubukan ng kanilang pamilya na magkaroon ng alliance sa pamilyang Kanagawa, isang ancient Japaneses family na nagmamay-ari ng humigit-kumulang twenty percent ng mga bahagi mula sa ilang Japanese companies, isa sila sa pinakamalaking association sa bansa. Si Kanagawa Kai ang blind date ni Fujiko, at siya ang bunsong anak ng pamilyang iyon. Mula sa sinabi sa kanya ng mga Futaba, nalaman din ni Gerald mahilig abusuhin ni Kai ang mga babae gamit ang kapangyarihan ng kanyang pamilya. Mula sa mga tauhan ng mga kumpanya hanggang sa mga estudyante sa kanyang university, wala ni isa sa kanila ang nakatakas sa kanyang mga hawak na demonyo. Kahit pa alam ito ni Fujiko, wala talaga siyang ibang pagpipilian kundi ipagpatuloy ito. Kahit papaano ay umaasa siya na ito ay magiging isang nominal marriage. Kung tutuusin, ayaw niyang hawakan ang maruming katawan ni Kai. Matapos marinig ang lahat ng iy
Pagpasok nila sa parlor, nagsimulang magbuga ng sigarilyo si Gerald na ibinigay ng butler sa kanya, bago siya humigop ng tsaang inihain sa kanya. Si Fujiko naman ay mukhang hindi kinakabahan. Narinig na niya ang mga tsismis tungkol kay Kai mula sa kanyang ama at sa ilang iba pang mga tao na kakilala niya, pero ito ang unang pagkakataon na makilala niya ito. Maya-maya pa, narinig nila ang isang mayabang na boses na sinasai, “Nandito pala ang young mistress ng pamilyang Futaba! Bakit ka pumunta sa Kanagawa manor?" Paglingon sa pinanggalingan ng boses, nakita nilang dalawa ang isang payat na lalaki na may payat na mukha at goatee. Base sa itsura niya, mukhang madali siyang mapatumba ng isang ordinaryong tao gamit ang isang suntok. Masasabi na ang kanyang katawan ay masyadong na-damage ng alak at sex... Sa kasamaang palad, ito ay walang iba kundi ang young master ng pamilyang Kanagawa, siya si Kanagawa Kai… Kumunot ang noo sa sinabi ni Kai at umiling naman si Fujiko bago niya sin
Sumimangot si Fujiko saka niya sinabi, "Hindi ba parang masyadong nagmamadali?" "Fine, hindi natin ito gagawin ngayong araw. Mas maganda kung manatili ka dito sa mga susunod na araw para… mas makilala natin ang isa't isa! Isa pa, mas maganda kung mas maaga ang ating wedding ceremony! Para lang maging malinaw, magsisimula pa lang collaboration ng pamilyang Kanagawa sa mga Futaba kapag kasal na tayong dalawa. Naiintindihan mo naman iyon, Miss Fujiko, hindi ba?" sabi ni Kai, hindi niya man lang tinatago ang pagnanasa sa kanyang mga mata. Umatras si Fujiko ng ilang hakbang upang maiwasan ang pagkakahawak niya bago niya ito tinitigan ng masama at sumagot, "Pigilan mo ang iyong sarili, Mr. Kanagawa. Tandaan mo, hindi pa tayo kasal." “…Tama ka... Pasensya na sa ginawa ko. Bakit hindi ka muna magpahinga sa isa sa mga guest room? Magdi-dinner tayo pagkatapos mong magpahinga at ipapakilala kita sa aking pamilya... Doon natin pag-uusapan ang wedding details,” sabi ni Kai habang awkward niya
“Aba, nandito ako para sa dinner, siyempre! Mukhang may piyesta ka, pero nasaan ang alak? Wala bang masarap na alak ang pamilya mo?" sagot ni Gerald habang nakaupo sa hapag kainan at nagsimulang kumain bago pa man makapagsalita si Kai. Nang makita iyon, isa sa mga tauhan ni Kai ang lumapiit sa kanya bago siya bumulong, "Young master, kailangan ko bang..?" “...Ipagpatuloy mo lang kung ano man ang ginagawa mo…” sabi ni Kai habang pinipigilan ang kanyang galit. Isang masayang okasyon para sa kanya ang pagdating ni Fujiko at ayaw niyang magalit dahil sa g*go na ito. Ayaw rin niyang makita ni Fujiko ang kanyang brutal side. Malinaw na narinig ni Gerald ang kanilang pag-uusap, ngunit nagkunwari lang siyang walang narinig at ipinagpatuloy ang pagkain... Maya-maya pa ay dumating na si Fujiko kasama ang kanyang mga tauhan kanina. Natatakot siya na makasama muli si Kai, ngunit agad siyang napangiti nang makita si Gerald na nakaupo sa mesa. Dahil doon, mabilis siyang umupo sa tabi niya at
Kahit pagkatapos kumain ni Kai, ang kanyang mahalay na mga mata ay nanatiling nakadikit kay Fujiko at paminsan-minsan ay nakatingin ito ng masama kay Gerald. Sa puntong ito, napagdesisyunan niya na kahit ano pa ang tunay na pagkatao ni Gerald, hindi aalis ng buo ang lalaking iyon sa lugar na ito..! Napansin ni Gerald ang mapanlinlang na mga tingin ni Kai kay Fujiko buong hapunan, kaya inubos niya ang kanyang alak bago niya mahinahong sinabing, “Masarap ang dinner kanina! Bilang pasasalamat sa kabutihan mo, bibigyan kita ng isang magandang paalala... Iwasan mong gumawa ng mahalay na bagay ngayong gabi. Kung hindi, may isang tao na pwedeng mahirapan dito…” Ngumiti si Kai saka niya sinabi, “…Maraming salamat sa payo mo. Tapos na tayong kumain kaya magpahinga na ikaw. May mga bagay pa akong dapat pag-usapan kay Miss Fujiko tungkol sa mga kontrata ng aming mga pamilya, kaya alam mo naman na hindi ka pwedeng mangialam dito, hindi ba?" “Oo naman,” sagot ni Gerald habang nagkibit-balikat
“…Anong sinusubukan mong sabihin?” direktang tinanong ni Fujiko. Itinigil na ni Kai ang formalities at sumagot, “Ano pa ba? Sabay tayong matutulog syempre!" "Mr. Kanagawa, hindi ba mas mabuting iwasan natin gawin ang mga bagay na iyon hanggang sa maging in-laws ng aming pamilya ang pamilya mo?" sabi ni Fujiko habang pilit na pinipigilan ang kanyang pagkasuklam. Kung hindi dahil sa kapakanan ng kanyang pamilya, aalis na agad siya sa lugar na ito ngayon din... “...Wala ka bang muwang?” sabi ni Kai habang nakahawak sa braso ni Fujiko, nawala na ang kaninang ngiti sa kanyang mukha. "Aray…! Sinasaktan mo ako!" sigaw ni Fujiko habang pilit niyang pinapakawalan ang kanyang sarili sa pagkakahawak ni Kai. Gayunpaman, mas malakas siya kaysa sa inaasahan niya, at masakit pa ang kanyang mga sugat mula sa atake ng Hanyu assassin noong nakaraan. Pinagaling na siya ni Gerald noon, pero hindi pa bumabalik ang tunay niyang lakas... Hindi pinansin ni Kai ang kanyang sinabi at patuloy niyang hi
"May sinusubukan bang gawin si Gerald?" "Hindi. Nanatili siyang tahimik sa loob ng guest room simula nang pumasok siya doon,” sagot ng kanyang tauhan na kanina pa nakabantay kay Gerald habang umiiling. Agad niyang sasabihan si Kai kung may narinig siyang kakaiba, kahit pa hindi siya tanungin nito. “Good. Malakas ang kutob ko na hindi niya lang basta bastang sinasamahan si Fujiko dito. Kapag may ginawa siyang kakaiba, huwag mag-atubiling patayin siya!" sabi ni Kai habang nakapikit ang mga mata. Walang makakahadlang sa gagawin niya...! “Pero… Young Master, isa siyang Westoner at wala pa tayong masyadong alam sa background niya... Kung papatayin lang natin siya at meron pala siyang malakas na background, paniguradong magkakagulo ang buong pamilya…” nag-aalalang sinabi ng kanyag tauhan. Nagtrabaho siya para kay Kai, pero sa ilalim ng utos ng family head, inatasan silang subaybayan ang young master upang pigilan siya sa anumang bagay na magdadala ng kaguluhan sa Kanagawa family…
Kung mapunta si Fujiko sa isang mapanganib na sitwasyon, alam ni Gerald na hindi na siya makakakuha ng anumang impormasyon tungkol sa Seadom Tribe mula sa iba pang miyembro ng pamilyang Futaba. Kailangan niyang iligtas si Fujiko bago pa may mangyaring masama sa kanya! Nang mapagtanto na nabuksan na ang pinto, inilagay ng mga tauhan ang kanilang mga kamay sa likuran habang nagtatanong ang isa sa kanila, "May maitutulong ba kami, Mr. Crawford?" Ngumiti lamang si Gerald nang mapagtanto niya kung saan nakalagay ang kanilang mga kamay, bago siya sumagot, “Lalabas ako para mamasyal. Medyo boring dito, hindi ba? Hindi mo naman ako pipigilan na gawin iyon, tama ba...?" "Pasensya na pero hindi pwede. Dahil isa kang distinguished guest ng pamilyang Futaba, isa ka na ring distinguished guest ng pamilyang Kanagawa. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan mong manatili sa loob para sa iyong sariling kaligtasan. Hindi kami mananagot kung may mangyaring masama sayo,” sagot ng tauhan habang umiili