“Ito ay isang hula lamang. May posibilidad na ang totoong lokasyon ng Yearning Island ay nakatago at hindi matatagpuan sa pamamagitan lamang ng mapa ng dagat. Pero hindi ibig sabihin nito ay mali ang aking theory," sagot ni Master Ghost habang umiiling. "May katuturan ang sinasabi mo..." ungol ni Aiden. “Tama ka. Kung ang mga islang ito ang Yearning Island, ang kailangan lang nating gawin ngayon ay alamin kung saang isla naroroon ang main Crawford family... At least, alam nating wala sila dito,” sagot ni Gerald habang nakasimangot siya. “Medyo nalilito pa ako sa lahat ng sinabi mo…” sabi ni Aiden habang napakamot siya sa likod ng ulo. “Kung hindi mo maintindihan ang isang simpleng concept, protektahan mo na lang si Lindsay,” sagot ni Gerald habang nakahawak sa balikat ni Aiden. "Hindi, siyempre naiintindihan ko ang theory ni Master Ghost! Kaya lang... hindi mo ba nararamdaman na parang kakaiba ito? Ang lahat ng mga isla ay napakalapit sa isa't isa, bakit hindi nagpadala ang m
"Ang Seadom Tribe?"Nang makita ito ay sumigaw si Master Ghost."Ano ang Seadom Tribe?" Lalong naguluhan si Gerald. Hindi niya inaasahan na pwede palang magbago ang mapa ng dagat. “Naalala ko na ngayon, Gerald. Alam ko kung paano hanapin ang lokasyon ng Yearning Island!” Hinampas ni Master Ghost ang kanyang hita at may ngiti sa kanyang mukha.“Sabihin mo sa akin kung paano. Huwag mo nang ibitin ang nalalaman mo.” Kumunot ang noo ni Gerald.“Ang Seadom ay isang sinaunang tribo. Nakatira sila sa Yearning Island. Pagkatapos nito, dumating si Daryl at sinakop ang buong isla." Excited na sinabi ni Master Ghost.“Hindi ko masyadong maintindihan. Hindi ba isa sa mga islang ito ang Yearning Island?" Nagsindi ng sigarilyo si Gerald at talagang hindi niya maintindihan ang sinabi ni Master Ghost.“Kasalanan ko ito. Masyadong misteryoso ang Yearning Island. Narinig ko lang ito sa master ko. Kung hindi dahil sa pagbabago sa mapa, hindi ko na maaalala iyon."“Wala sa mga islang ito ang Year
Gayunpaman, hindi guaranteed na makakakuha sila ng impormasyon tungkol lsa Yearning Island, o malaman ang tungkol sa gagawin ni Daryl kung sakaling makita siya.Kung umalis sila at pumunta sa Japan, hindi sila sigurado kung mahahanap nila ang Seadom tribe. Kahit na natagpuan nila ang mga ito, baka magkatotoo ang sinabi ni Master Ghost. Baka nakalimutan na ng Seadom Tribe descendant ang tungkol sa Yearning Island, at ang kanilang mga pagsisikap ay magiging walang kabuluhan kung aaksayahin nila ang kanilang oras.Nasa mahirap na sitwasyon si Gerald.Umupo si Master Ghost sa tabi niya, hindi siya nito minamadali at hindi rin siya nagsasalita.Makalipas ang halos kalahating oras, tumahimik si Gerald at tumayo. Pabalik-balik siyang naglakad sa sala at huminto sa harap ni Master Ghost.Inangat ni Master Ghost ang kanyang ulo at tumingin kay Gerald."Pumunta tayo sa Japan." mahinahong sinabi pagkatapos niyang mag-isip ng sandali."Paano na lang ang sitwasyon dito?" Tanong ni Master Gho
Gayunpaman, napakadilim lamang sa labas at parang walang kakaibang nangyayari.Pero naramdaman talaga ni Gerald na may mali. Kinuha niya ang kanyang jacket, itinulak ang pinto, at lumabas sa dulo ng corridor. Pagkatapos nito ay dumaan siya sa bintana at umakyat sa bubong.Ang dalawang lalaki ang nakayuko sa rooftop."Anong tinitingnan niyo?" ngumiti si Gerald at nagtanong nang makita sila.Alam na agad ni Gerald na ang mga taong ito ay ipinadala ni Daryl, at mas malakas sila kaysa sa naunang apat.“Move!” hinugot ni Arnold ang kutsilyo sa kanyang baywang nang marinig nila ito. Naglabas ng malamig na aura ang kutsilyo sa ilalim ng liwanag ng buwan.Tumalon siya pasulong na parang itim na panter at sumugod papunta kay Gerald.Hindi nag-atubili si Sawyer na nasa tabi niya, at siya ay dumiretso mula sa kabilang direksyon. Tumakbo siya papunta kay Gerald sa gilid. Kapag ginamit ng dalawa ang attack formation na ito, sinumang malakas kaysa sa kanila ay walang tsansa na makalaban."Hi
Sumugod si Arnold nang marinig niya ang sigaw ni Sawyer.Snap!Pinikit ni Gerald ang kanyang mga mata. Pagkatapos ng labanan ngayon, alam na niya na hindi pumunta ang mga disciple na ito para subukin ang kanyang lakas. Sa halip, gusto nilang patayin siya, kaya wala siyang magagawa kung hindi patayin sila.Sa sobrang lakas, pinisil ni Gerald ang kamay ng lalaki. Maririnig ang malakas na pagbitak ng mga buto at ang pulso ni Sawyer ay agad na nabali, kaya ang kanyang braso at palad ay nakabaluktot na parang arko."Ang kamay ko!" nagbago ang itsura ni Sawyer nang makaranas siya ng matinding sakit. Nagpumiglas siya, natisod paatras, at bumagsak sa lupa.“Gerald, bakit ka pumunta sa Yearning Island?! Huwag mong isipin na makakaalis ka sa lugar na ito nang buhay!" nagalit si Arnold nang makita niyang sinaktan ni Gerald ang kapatid niya at muli niyang sinugod si Gerald na may hawak na kutsilyo sa kanyang kamay.Alam niya na mas malakas sa kanya si Gerald matapos niyang makita ang one-on-
Hindi niya inaasahan na ganun pala kalakas si Gerald. Inakala niya noong una na ang isang clansman na lumaki sa labas ng pamilya ay dapat lamang maging isang entry-level cultivator. Kahit na ang apo ng kanilang master ay malakas, dapat ay may pagkakataon pa rin sila na patumbahin siya.Gayunpaman, habang nag-aaway sila kanina, doon nila napagtanto na lagpas sa inaasahan nila ang lakas ng lalaking ito.Kahit siguro ang mga advanced disciples nila ay baka hindi masaktan si Gerald, dahil silang mga intermediate disciples ay wala nang tsansa laban sa kanya.“Mukhang hindi talaga kayo magsasalita.” itinaas ni Gerald ang kanyang kilay at hindi man lang nagulat sa sinabi nila.“Gerald, kung matino ka, umalis ka na sa lugar na ito. Kahit na sabihin namin sayo kung sino ang nag-utos sa amin na pumunta sa Gong Island, mahahanap mo ba talaga ang Yearning Island?" Tinakpan ni Sawyer ang kanyang pulso at hirap na hirap na nagsalita."Ang lugar na ito ay tinatawag pala na Gong Island." Nagsindi
Habang naghahanda hinahanda ni Gerald na lakasan ang kanyang pagkakahawak, bigla namang nagsalita si Arnold.“Teka lang!”Nagkaroon ng panandaliang pagtatalo sa isip si Arnold, ngunit sa huli ay nagpasya pa rin siya na pigilan si Gerald. Siya at si Sawyer ay totoong magkapatid, at magkasama silang nagsasanay mula noong bata pa sila. Hindi niya kayang tiisin na makitang pinipisil ni Gerald ang magkabilang braso ng kanyang kapatid. Kapag nangyari ito ay hindi na siya magiging miyembro ng cultivation sects at tuluyan na rin siyang magkakaroon ng kapansanan sa buong buhay niya.“Oh?” Tumigil si Gerald para tignan siya."Arnold, mayayari tayo kung sasabihin mo!" Pinigilan ni Sawyer ang sakit na nararamdaman niya. Masasabi na malapit sila kay Will Crawford dahil sumunod sila sa kanya sa loob ng maraming taon, pero alam nila kung gaano kalupit si Will."Hindi ko kayang tumayo lang at panoorin kang mabalian ng buto ng ganoon na lang!" Sabi ni Arnold na pilit na pinipigilan ang kanyang gal
“Mula kami sa Yearning Island, pero kakaiba talaga ang paraan namin pabalik doon. Kailangan naming mag-report kay Will nang maaga at maglakbay base sa direksyon na binigay niya at ang mga direksyon ay palaging nag-iiba. Pagkatapos naming mag-report sa kanya, makikita na namin ang outline ng Yearning Island at doon lang kami pwedeng pumasok sa isla.”"Pero kung hindi kami nag-report, hindi namin mahahanap ang Yearning Island kahit na libutin pa namin ang buong dagat." Umiling si Arnold."Totoo ba yan?" Napawi ang ngisi ni Gerald."Sinabi na namin sayo ang tungkol kay Will, kaya bakit hindi namin sasabihin sayo ang eksaktong address ng Yearning Island kung alam namin ito?!" Natakot si Arnold na hindi maniwala si Gerald sa kanila at patuloy niyang pahihirapan si Sawyer, kaya talagang nababalisa siya."Mukhang tulad ito ng theory natin, Master Ghost. Ang Yearning Island ay isang isla na lumulutang sa paligid ng dagat. Maliban sa espesyal na daan papunta doon, hinding-hindi natin ito ma