“Mula kami sa Yearning Island, pero kakaiba talaga ang paraan namin pabalik doon. Kailangan naming mag-report kay Will nang maaga at maglakbay base sa direksyon na binigay niya at ang mga direksyon ay palaging nag-iiba. Pagkatapos naming mag-report sa kanya, makikita na namin ang outline ng Yearning Island at doon lang kami pwedeng pumasok sa isla.”"Pero kung hindi kami nag-report, hindi namin mahahanap ang Yearning Island kahit na libutin pa namin ang buong dagat." Umiling si Arnold."Totoo ba yan?" Napawi ang ngisi ni Gerald."Sinabi na namin sayo ang tungkol kay Will, kaya bakit hindi namin sasabihin sayo ang eksaktong address ng Yearning Island kung alam namin ito?!" Natakot si Arnold na hindi maniwala si Gerald sa kanila at patuloy niyang pahihirapan si Sawyer, kaya talagang nababalisa siya."Mukhang tulad ito ng theory natin, Master Ghost. Ang Yearning Island ay isang isla na lumulutang sa paligid ng dagat. Maliban sa espesyal na daan papunta doon, hinding-hindi natin ito ma
“Mukhang hindi mahina si Gerald. Siya ang dahilan kung bakit ka gumawa ng isang mabigat na sakripisyo. Pero hindi na siya magiging banta sa akin dahil sugatan na siya, sayang nga lang dahil hindi siya namatay."“Kuya Will, hindi namin nasaktan si Gerald Crawford. Masyado siyang malakas para talunin namin,” mabilis na pinutol ni Arnold ang sinasabi ni Will. "Kung hindi namin ginamit ang lahat ng aming lakas upang makatakas mula sa Gong Island, malamang ay pinatay na niya kami.""Hindi niyo nalabanan si Gerald?!" Dahil sa mga salitang iyon ay nawala ang ngiti sa mukha ni Will at sa sobrang galit niya ay mahigpit niyang diniinan ang hawak niya.Bang!Pagkaraan ng ilang sandali, ang baso na hawak niya kanina ay nagkapira-piraso sa buong sahig.“Hindi namin alam na magiging ganoon kalakas si Gerald. Masyadong malaki ang pagkakaiba ng lakas namin kumpara sa kanya,” nanginginig sa takot si Arnold pero nagpatuloy pa rin siya sa pagpapaliwanag."Umalis kayo sa harapan ko," huminga ng mala
"Tinatanong kita kung nasaan si Gerald Crawford at ang kanyang mga tauhan?!" ipinakita ni Will ang kanyang nakakatakot na itsura. Palihim siyang lumabas ng isla dahil intensyon niyang patayin si Gerald para matapos na ang lahat ng kanyang paghihirap. Malaking problema kung malalaman ito ni Daryl Crawford.“Gerald? Nakatira sila sa two-story wooden house na hindi kalayuan dito." Kilala ng clansman si Will at hindi siya nangahas na magsalita ng hindi ito pinag-iisipan.Binitawan ni Will ang clansman at nagsalita siya nang maglakad si Will papunta sa wooden house, "Pero umalis na sila kaninang umaga."“Umalis na sila?” Napatulala si Will at nagdilim ang kanyang itsura."Oo. Umalis silang lahat kaninang umaga." Ang clansman ay natakot hanggang sa hindi na siya nakagalaw, ngunit sinabi pa rin niya ang katotohanan."Nahuli pa ako!" pabulong na sinabi ni Will bago niya ihampas ang sarili niyang hita.Kung hindi lang umalis si Gerald, naniniwala siyang na sapat ang kanyang lakas at kapan
Pagkatapos kumain, bumalik si Gerald sa kanyang kwarto para magpahinga habang si Master Ghost ay nanatili lamang sa sala.Buong gabi na inisip ni Gerald ang tungkol sa Seadom Tribe at sumagi rin sa isip niya ang pangalang 'Will Crawford'. Hindi siya interesado sa batang inampon ng kanyang lolo at ayaw niya rin maging susunod na head ng pamilyang Crawford.Gayunpaman, malinaw sa kanya na tinuring siya ni Will bilang isang kalaban.Dahil dito ay napa-iling na lamang si Gerald at tumawa.“Kuya Gerald, nasa Japan ka ba?” kasalukuyan niyang katawagan si Aiden.“Ngayon lang din kami nakabalik. Hinatid mo na pauwi si Ms. Lindsay?" Huminga ng malalim si Gerald. Ayaw niyang ipasa ang negatibong emosyon ngayong nakabalik na si Aiden sa Weston.“Hehe, buksan mo ang mga kurtina mo at tumingin ka sa ibaba, Kuya Gerald!” Tumawa si Aiden mula sa kabilang dulo.“Kurtina?” sumimangot si Gerald at bumangon sa kama para buksan ang mga kurtina ng hotel room. Isang pamilyar na tao ang makikitang nak
"…Ano? Nakarating na sa Japan si Gerald?" sagot ni Will habang nakakunot ang kanyang noo. “Oo. Nakita ko siyang dumating sa dock kasama ang dalawa pang tao! Sila ay kasalukuyang nasa isang hotel sa isa sa mga coastal city ng Japan!" sabi ng kanyang tauhan sa kabilang dulo ng linya. “…Kakaiba ito… Bakit bigla siyang nagpasya na pumunta doon…?” sabi ni Will habang iniisip ang sitwasyon. "Hindi kaya pumunta siya sa Weston para kumuha ng maraming tauhan...?" sagot ng tao sa kabilang linya. "Posible ito, pero baka mali rin ang hula mo. Kailangan niyo siyang bantayan at huwag niyong hayaan na malaman niyang sinusundan siya. Gusto kong malaman ang bawat galaw niya, kaya huwag niyo siyang tatanggalin sa paningin niyo dahil paparusahan ko kayo!" ganti ni Will bago niya ibinaba ang tawag. Habang nakaupo siya sa sala, lalong nagtaka si Will kung bakit pumunta si Gerald sa Japan. Kung tutuusin, base sa impormasyon na nakuha niya mula sa kanyang mga tauhan, ang lahat ng main connection
Huminto ng sandali si Will bago niya sinabi, “…Gusto mo ba talaga siyang makita, sir…?” “Para patayin siya, oo. Paulit-ulit kong sinabi sayo na ikaw lang ang tagapagmana ng pamilya Crawford, hindi ba? Kung ayaw mo pa ring maniwala, pwede ka nang umalis!" sabi ni Daryl habang namumuo ang simangot sa kanyang mukha. “So-Sorry sa pagdududa ko sayo! Naniniwala ako sayo! Naniniwala talaga ako…!” sagot ni Will habang nanginginig sa takot. "Kung naniniwala ka sa akin, bakit sinikreto mo sa akin ang pagpatay kay Gerald?" sagot ni Daryl sa kanyang namamaos na boses habang pinapatay ang kanyang sigarilyo bago niya malakas na tinapik ang kanyang tungkod sa sahig. “…Ah, kasi…” sabi ni Will habang nalilito siya sa kanyang sasabihin. Inisip ni Will na hindi siya magkakamali sa kanyang mga plano. Hindi niya akalain na sa kabila ng lahat ng pagsisikap niyang itago ito kay Daryl, nalaman pa rin ito ng matanda...! "Muntikan mo nang sirain ang lahat ng plano ko!" nakangusong sinabi ni Daryl.
Matapos marinig ang sinabi ni Gerald, biglang tumigas ang mukha ni Aiden bago siya sumagot, “…Hindi namin alam kung saan banda sila sa Japan! Hindi ba parang hinahabol lang natin ang sarili nating buntot?" “…Mukhang ganoon na nga,” sagot ni Gerald sabay buntong-hininga. “Hindi natin kailangang magmadali. Sigurado akong mahahanap natin ang Seadom Tribe sa lalong madaling panahon," sabi ni Master Ghost. “Tama. Oo nga pala , anong meron sa special forces competition sa sasalihan mo? Simulan natin ang ating investigation mula doon. Mas maganda na iyon kaysa manatili sa kwarto na ito,” tanong ni Gerald habang nakatingin kay Aiden. “Base sa leader ng aming force, ito ay isang ordinaryong competition sa pagitan ng mga malalakas na special forces sa Japan. Hindi ito isang standard na competition, pero ang totoo niyan ay wala masyadong karangalan ang makukuha sa pagsali dito. Ito pa rin ay isang international competition, kaya kailangan pa rin itong pahalagahan,” paliwanag ni Aiden. "
Ang maps ay mukhang scrap paper kaya hindi sana maniniwala si Gerald na complex ang mapa kung hindi niya nakita ito mismo sa sarili niyang mga mata.Sa oras na ito ay biglang pumasok si Master Ghost at nagtanong, “May nagbago ba sa mapa?”“Wala naman. Hindi ko rin alam kung kelan lalabas ulit ang Yearning Island. Mukhang unresolved mystery talaga ang mapa ng dagat na ito… Hindi sana ako umalis agad sa ancient ruins kung alam ko lang ito… Nakatulong sana ang matandang iyon para malaman natin kung bakit ganito ang mapa!” sabi ni Gerald habang umiiling siya bago mapa-buntong hininga.Kung alam niya lang ang lahat ng misteryong ito noon, malamang ay mananatili talaga siya sa ancient ruins ng mapa ng dagat, kahit pa matagalan siya. “Oo nga… Sa tingin mo ba ay kailangan nating bumalik sa ancient ruins?” tanong ni Master Ghost.“Hindi na… Ano naman kung malaman natin ang sikreto ng mapa? Ang malalaman lang natin ay kung saan matatagpuan ang Yearning Island. Sa huli, kailangan pa rin nat