“Will Crawford? Hindi ko siya kilala,” nakangiting sinabi ni Gerald. "Hindi mo na kailangang malaman ang tungkol sa kanya. Ang kailangan mo lang malaman ay luluhod ka at manghihingi ng tawad sa ginawa mo sa lalong madaling panahon," sagot ng leader habang magkatabi ang apat na lalaki bago nila inilabas ang kanilang malalakas na aura... Ang mga miyembro ng side family ay nagtago sa malalaking mga puno at bato, dahil alam nila na ito ay isang matinding laban sa pagitan ng makapangyarihang mga cultivators. Si Master Ghost ay kasalukuyang nakatayo sa balkonahe ng isang wooden house habang hawak niya ang isang compass at si Aiden ay kinakabahan na tumabi sa kanya... Pawis na pawis si Aiden at hindi niya napigilang magtanong, "...Sa tingin mo ba ay magiging okay lang si Gerald, Master Ghost...?" Tama lang na mag-alala si Aiden dahil ito ang unang pagkakataon na nakita niya si Gerald na nakita niyang makakalaban ni Gerald ang isang makapangyarihang tao. “Magiging okay lang siya. P
Nililinang naman nila ang kanilang mga combat skills sa pakikipaglaban sa pamilyang Crawford noong una pa lamang. Dahil doon ay malakas ang loob nilang i-represent ang pamilyang Crawford sa darating na cultivation competition. Sinong nakakaalam kung sila ay magiging disciple ng master kapag ginalingan nila sa competition! Kapag nangyari iyon, sila ay magiging mga bituin ng pamilyang Crawford at kung lumago man ang kanilang skills, pwede pa silang maging isa sa mga exchange candidates sa mata ng pinuno! Matanda na si Daryl kahit na isa siyang cultivator. Sa ay nasa kanyang eighties na, kaya sa malamang ay mamamatay siya sa sa loob ng twenty to thirty years... “Arm Boxing?” sagot ni Gerald habang nakapikit. Naalala niya na binanggit ng tatay sa kanya na ang unang leader ng pamilyang Crawford ay nakabuo ng isang malakas na boxing technique na kilala bilang Arm Boxing. Napakalakas ng technique na ito dahil ito ay isang kumbinasyon ng apat na magkakahiwalay na mga boxing techniques..
Gayunpaman, habang iniisip nila iyon, ang masakit na sigaw ng kanilang kasamahan ay umalingawngaw sa hangin at natakot ang lahat nang marinig iyon... Habang patuloy na naririnig ang hiyawan, napaatras lang si Gerald, ipinatong ang kabilang braso sa likod niya habang walang gana niyang sinabi, “Ito ba talaga ang Arm Boxing technique ng pamilyang Crawford? O baka hindi mo lang alam kung paano ito gamitin ng maayos?" Naunang hinampas ni Gerald ang mga braso ng lalaki bago pa man siya magkaroon ng pagkakataon na umatake. Dahil sa sobrang lakas ng kanyang atake, nabali agad ang magkabilang braso ng lalaki! Hindi na niya kayang gamitin muli ang Arm Boxing technique dahil hindi na niya magagamit ang kanyang mga braso! Nang tumigil sa pagsigaw ang lalaki, agad niyang tiningnan ng masama si Gerald. Hindi niya maintindihan kung paano na-counter ni Gerald ang Arm Boxing technique niya na perpekto niyang isinagawa? Hindi rin nagamit ni Gerald ang kahit katiting na essential qi nang mag-cou
“…Huh? Pero bakit? Hindi ba pumunta tayo sa Yanam para lang mahanap kung nasaan ang Yearning Island?" nagtatakang tinanong ni Aiden. Bago pa man makasagot si Gerald, lumapit na si Master Ghost at sumagot, "Hindi natin sila pwedeng sundan." Humarap si Aiden kay Master Ghost at sinabi, “…Bakit?” “Alam ni Daryl na andito tayo sa islang ito, kaya malamang ay alam niyang susundan din natin sila pabalik. Kaya malalagay sa panganib ang buhay natin kung susundan natin sila, malamang hindi rin tayo magkakaroon ng pagkakataon na iligtas ang ating mga sarili. Alam mo na hawak niya pa rin ang mga magulang ni Gerald. Handa tayong isakripisyo ang ating mga buhay, pero hindi natin pwede ipagsapalaran ang buhay ng kanyang mga magulang,” paliwanag ni Master Ghost habang nakakunot ang noo. “…’Yan rin ang iniisip ko, Master Ghost…” sagot ni Gerald habang umiiling na may nakakalokong ngiti sa kanyang mukha. “…Pero… ito ang perpektong pagkakataon upang mahanap ang isla…!” sabi ni Aiden na nakasar
May mga dahilan si Will kung bakit siya nag-aalala. Kahit na kinidnap ni Daryl ang mga magulang at kapatid ni Gerald, alam niyang hindi niya pinahirapan ang mga ito. Sa kabaligtaran, siniguro niyang alagaan sila ng mabuti! Hindi talaga siya mapalagay sa katotohanan na iyon. Totoo na nangako sa kanya si Daryl na siya ang gagawing successor ng pamilyang Crawford, pero sa huli, isa lang siyang adopted child. Si Gerald naman ay isang totoong Crawford. Kung hindi niya papatayin agad si Gerald, malaki ang posibilidad na mapalitan siya sa kanyang pwesto...! Ipinikit niya ang kanyang mga mata para isipin ang kanyang susunod na hakbang, hanggang sa kalaunan ay naglakad si Will patungo sa pintuan at tinawag ang kanyang dalawang pinakatapat na followers, “Pumasok kayong dalawa.” Pagpasok, isinara ng dalawa ang pinto sa likod nila bago sila sumagot, "Brother Will." Tumango si Will saka nagsindi ng sigarilyo para sa kanilang dalawa—at pati na rin sa sarili niya—bago siya umupo sa isang up
Pagkatapos nito, ang mga disciple ng Sacrasolis Palace ay lumabas nang dalawahan upang simulan ang pagbabantay sa mga corners ng isla. Pagkatapos ng mga kaganapan kahapon, naramdaman ni Gerald na hindi na siya hahamunin pa ni Daryl. Sa hula ni Gerald, mas maraming miyembro ng pamilya ng Crawford ang maghahanap ng gulo sa kanya... Hindi natatakot si Gerald sa kanila, pero nag-aalala siyang baka makagawa sila ng masama sa mga taong nakapaligid sa kanya, tulad noong hinuli ni Terenzio si Lindsay noon. Ayaw na ni Gerald na mangyari muli ang bagay na iyon… Sa sandaling iyon, biglang nagtanong sa kanya si Aiden, "Ano nga ba ang ginagawa ng main Crawford family...? Kung talagang gusto ka nilang i-welcome bilang apo ni Daryl, dapat lang na imbitahan ka nilang bumalik! Sa kabaligtaran, kung gusto ka nilang umalis dito, sana naman ay pinalayas ka lang nila! Bakit pa nila pinapagod ang kanilang sarili para lang i-test ang iyong lakas…?" “Ewan ko...” sagot ni Gerald habang umiiling na may pi
“Ito ay isang hula lamang. May posibilidad na ang totoong lokasyon ng Yearning Island ay nakatago at hindi matatagpuan sa pamamagitan lamang ng mapa ng dagat. Pero hindi ibig sabihin nito ay mali ang aking theory," sagot ni Master Ghost habang umiiling. "May katuturan ang sinasabi mo..." ungol ni Aiden. “Tama ka. Kung ang mga islang ito ang Yearning Island, ang kailangan lang nating gawin ngayon ay alamin kung saang isla naroroon ang main Crawford family... At least, alam nating wala sila dito,” sagot ni Gerald habang nakasimangot siya. “Medyo nalilito pa ako sa lahat ng sinabi mo…” sabi ni Aiden habang napakamot siya sa likod ng ulo. “Kung hindi mo maintindihan ang isang simpleng concept, protektahan mo na lang si Lindsay,” sagot ni Gerald habang nakahawak sa balikat ni Aiden. "Hindi, siyempre naiintindihan ko ang theory ni Master Ghost! Kaya lang... hindi mo ba nararamdaman na parang kakaiba ito? Ang lahat ng mga isla ay napakalapit sa isa't isa, bakit hindi nagpadala ang m
"Ang Seadom Tribe?"Nang makita ito ay sumigaw si Master Ghost."Ano ang Seadom Tribe?" Lalong naguluhan si Gerald. Hindi niya inaasahan na pwede palang magbago ang mapa ng dagat. “Naalala ko na ngayon, Gerald. Alam ko kung paano hanapin ang lokasyon ng Yearning Island!” Hinampas ni Master Ghost ang kanyang hita at may ngiti sa kanyang mukha.“Sabihin mo sa akin kung paano. Huwag mo nang ibitin ang nalalaman mo.” Kumunot ang noo ni Gerald.“Ang Seadom ay isang sinaunang tribo. Nakatira sila sa Yearning Island. Pagkatapos nito, dumating si Daryl at sinakop ang buong isla." Excited na sinabi ni Master Ghost.“Hindi ko masyadong maintindihan. Hindi ba isa sa mga islang ito ang Yearning Island?" Nagsindi ng sigarilyo si Gerald at talagang hindi niya maintindihan ang sinabi ni Master Ghost.“Kasalanan ko ito. Masyadong misteryoso ang Yearning Island. Narinig ko lang ito sa master ko. Kung hindi dahil sa pagbabago sa mapa, hindi ko na maaalala iyon."“Wala sa mga islang ito ang Year