Alam ni Yalinda na magagalit si Gerald sa kanya dahil sa pagsisinungaling sa kanya, kaya mabilis siyang yumuko bago niya sinabing, "Pasensya na dahil tinago ko ito sayo, master!" "Yalinda, naiintindihan ko kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito, pero medyo dissappointed lang ako na nagplano kang sumali sa kompetisyong iyon nang hindi mo ito pinapaalam sa akin! Hindi mo ito kailangang itago sa akin! Tutulungan pa rin naman kita kahit pa alam ko ito!" sagot ni Gerald habang umiiling. “Naiintindihan ko master! Pasensya na talaga at hindi ko sinabi sayo ang tungkol dito! Isinusumpa ko sa buhay ko na sasabihin ko sayo ang lahat mula ngayon, master!" sabi ni Yalinda sabay tango. "Iyan ang gusto kong marinig! Dahil kasali ka sa competition na iyon, sisiguraduhin ko na ikaw ang makakakuha ng first price!" sagot ni Gerald, wala siyang makitang dahilan para magalit sa kanya. “Ta-talaga? Maganda ‘yan!” excited na sumigaw si Yalinda. “Oo nga. Tapos na ba ang registration time para sa co
Hindi naiwasan ni Gerald na matulala sa kagandahan ng babae. Hindi niya inasahan na may nakakaakit pala na nilalang sa balat ng Autremonde Realm... At kahit sino rin ay makakapagsabi na siya ay isang napakapambihirang babae... Nang makarating ang lahat ng mga main representative ng pangunahing sect, isang simpleng opening ceremony ang ginawa bago sila pinayagang bumalik sa kani-kanilang mga kwarto upang magpahinga... Si Gerald ay nasa isang kwarto na kasama si Yalinda dahil pareho silang representatives ng Juans Delivery House... Pagsapit ng gabi, makikita ang ilang itim na figure na tumalon sa mga rooftop ng Gardale City... Ang mga ito ay mukhang papunta sa kwarto ni Yudell. Bago pa sila makalapit sa kanya, napansin na agad sila ni Gerald. Dahil pasikreto silang pumunta papunta sa direksyon ng kwarto ni Yudell, nagkaroon agad ng kutob si Gerald na masasamang tao ito. Malakas ang kutob ni Gerald na nasa peligro ang buhay ni Yudell, kaya dali-dali siyang umalis sa kanyang kwar
Matindi ang titig sa kanya ni Gerald kaya hindi napigilan ni Yudell na mamula ng kaunti nang itinaas niya ang kanyang longsword, sabay turo kay Gerald habang sinasabing, “Bakit ganyan ka makatingin sa akin? At saka, bakit hindi mo sinasagot ang mga tanong ko?" Bumalik si Gerald sa katinuan at mabilis siyang sumagot, “…Ang pangalan ko ay Gerald Crawford at ako ay isang representative ng Juans Delivery House sa cultivator competition! Kanina kasi namamasyal ako at habang naglalakad, napansin ko ang mga black figures mula sa labas na tumakbo papunta sa kwarto mo, kaya sinundan ko lang sila dito!" Hindi masyadong kumbinsido si Yudell sa kanyang paliwanag, kaya itinago niya ang kanyang espada bago niya sinabing, "...Ah, okay. Pwede ka nang umalis ngayon. Dahil wala kang kinalaman sa mga nangyari kanina, wala kang nakita ngayong gabi! Naiintindihan mo?” Natulala si Gerald nang marinig niya iyon. 'Hindi mo ba alam na niligtas kita? Mahirap ba sayo na magpakita ng kaunting pasasalamat?
Nang magsimula ang labanan, nagkusa si Yudell na ilabas ang kanyang espada at tumakbo siya patungo kay Watts! Hindi madaling kalaban si Watts lalo na’t siya ang first disciple ng Sect of Steel. Ang ibig sabihin lamang nito ay mas marami siyang karanasan kaysa kay Yudell. Dahil doon, hindi siya takot kay Yudell at pasimple siyang bumunot ng espada nang makita niyang tumatakbo ito palapit sa kanya... bago isinagawa ang aurablade attack sa kanya! Mabilis na lumipat si Yudell sa gilid para maiwasan ang atake bago niya inilunsad ang kanyang aurablade attack laban sa kanya! Nang magkasalubong ay narinig ang malakas na putok mula sa kanilang mga aurablade. Dahil sa malakas na pagsabog ay parehong kinailangan ni Yudell at Watts na umatras ng ilang hakbang para patatagin ang kanilang pagkakatayo. Ang dalawang ito ay match sa bawat isa... Habang pinapanood ni Yalinda ang buong eksena, hindi niya napigilang bumulong, "Mukhang pareho ang lakas nina Yalinda at Watts!" "Hindi masyado. Hi
“Grabe! Ang lakas ng atake na iyon!” sigaw ni Yalinda, naisip niya kung kaya niyang matalo si Yudell kung binigyan siya ng pagkakataon na kalabanin siya…“Malakas nga ito… pero meron pa rin itong flaws. Sayang dahil hindi ginamit ni Watts ang tamang paraan para lumaban dito!” kaswal na sinabi ni Gerald.Hindi tulad ng ibang tao, ang mga mata ni Gerald ay madaling makita kung paano magsagawa ng counter attack.“...Huh? Nakaisip ka na agad ng counter attack, master?” hindi makapaniwalang sinabi ni Yalinda.“Oo naman!” confident na sinabi ni Gerald.Dahil natalo na si Watts, lumapit na si General Lucarl bago siya nag-anunsyo, “Ang panalo sa round na ito ay si… Yudell! Ang representative ng Thundering Cloud Sect!”Isinara ni Yudell ang kanyang espada nang marinig niya iyon… Dahil ito ay isang competition, hindi niya kailangang i-overdo ang lahat ng bagay. Kung gusto niyang patayin si Watts, hindi niya kailangang pigilan ang lahat ng lakas na meron siya…Nadismaya naman si Watts sa m
"Magandang maging confident, pero ang pagmamayabang mo ang magpapabagsak sayo!" sabi ni Gerald. “Manahimik ka at tapusin na lang natin to!” galit na sinabi ni Clyde bago siya galit na sumugod kay Gerald! Ngunit tulad ng sinabi ni Yalinda kanina, kasing lakas niya lamang si Clyde. Doon pa lamang ay imposible nang mapatumba niya si Gerald! Bago pa man makalapit si Clyde kay Gerald, sinipa na agad siya ni Gerald sa may dibdib at doon tumalsik palabas ng arena ang lalaki! Tuluyan nang nawalan ng malay si Clyde nang bumagsak siya lapag... at pagkatapos magulat ng mga manonood, ang mga audience members ay agad na tumayo at dilat na nakatitig kay Gerald! Pinatumba niya si Clyde gamit ang isang move lamang! Sinong mag-aakalang ganito kalakas si Gerald...! Maging si Yudell ay nabigla sa mga pangyayaring ito. Masyadong mabilis ang galaw ni Gerald kaya ang huling nalaman niya ay lumilipad na si Clyde palabas ng arena! Hindi makatao ang bilis ng lalaking iyon! Nalaglag naman ang panga
Tumawa lang si Gerald nang marinig niya iyon. Gayunpaman, may pakiramdam siya na kailangan niyang gawing madali ang laban nila ni Yudell kapag nagkaharap sila... Pinag-isipan ito ng sandali ni Gerald bago siya nagtanong, "May advantage ba kung manalo ng first place?" “Meron! Una, makukuha mo ang honorable title ng 'national scholar' sa Shontell! Ang champion ay bibigyan din ng pagkakataon na pumili at makakuha ng isa sa mga mahalagang treasures mula sa ating national treasury!” medyo excited na pinaliwanag ni Yalinda. “Oh? Marami ba ang mga kayamanan sa national treasury?" curious na tinanong ni Gerald. "Oo naman!" sigaw ni Yalinda, kumikinang ang kanyang mga mata sa sobrang excitement habang tumatango. "Ganoon ba! Mukhang kailangan kong manalo ng first place!" sagot ni Gerald ngayong mas interesado na siya. "Masaya akong marinig iyon, master! Hindi ako magkakaroon ng pagkakataong makakuha ng first place, pero alam ko na hindi ito magiging problema sayo, master! Kapag nana
“…Sige. Pero may utang ka sa akin kung gagawin ko ito at iyon ay pwede akong manghingi ng tulong sayo kung kinakailangan! Deal?” sagot ni Gerald. Nagulat si Yudell nang marinig niya ito, pero ang alam niya ngayon ay ayos na ang lahat ngayong nakipag-deal na siya kay Gerald. Huminto siya ng sandali bago sinabi ni Yudell, "...Deal!" Dahil opisyal na ang kasunduan, lumabas na si Yudell sa kwarto ni Gerald... Pagsapit ng umaga, bumalik sina Yalinda at Gerald sa arena. Walang pinagbago ang mga representative ng mga sect, ngunit isang matandang lalaki na ngayon ang representative ng Thundering Cloud Sect. Ito na ang oras para pumasok si Yalinda sa ring... Bago ang competition na ito, maliliit na events lamang ang mga sinasalihan niya. Sa madaling salita, ito ang kanyang unang pagkakataon na sumali sa isang malaking competition at iyon ang dahilan kung bakit siya kinakabahan ngayon… Hindi nagtagal, pumasok na sa arena si Zenon Lightning bago niya ipinahayag, “Magandang araw sa ati