"Magandang maging confident, pero ang pagmamayabang mo ang magpapabagsak sayo!" sabi ni Gerald. “Manahimik ka at tapusin na lang natin to!” galit na sinabi ni Clyde bago siya galit na sumugod kay Gerald! Ngunit tulad ng sinabi ni Yalinda kanina, kasing lakas niya lamang si Clyde. Doon pa lamang ay imposible nang mapatumba niya si Gerald! Bago pa man makalapit si Clyde kay Gerald, sinipa na agad siya ni Gerald sa may dibdib at doon tumalsik palabas ng arena ang lalaki! Tuluyan nang nawalan ng malay si Clyde nang bumagsak siya lapag... at pagkatapos magulat ng mga manonood, ang mga audience members ay agad na tumayo at dilat na nakatitig kay Gerald! Pinatumba niya si Clyde gamit ang isang move lamang! Sinong mag-aakalang ganito kalakas si Gerald...! Maging si Yudell ay nabigla sa mga pangyayaring ito. Masyadong mabilis ang galaw ni Gerald kaya ang huling nalaman niya ay lumilipad na si Clyde palabas ng arena! Hindi makatao ang bilis ng lalaking iyon! Nalaglag naman ang panga
Tumawa lang si Gerald nang marinig niya iyon. Gayunpaman, may pakiramdam siya na kailangan niyang gawing madali ang laban nila ni Yudell kapag nagkaharap sila... Pinag-isipan ito ng sandali ni Gerald bago siya nagtanong, "May advantage ba kung manalo ng first place?" “Meron! Una, makukuha mo ang honorable title ng 'national scholar' sa Shontell! Ang champion ay bibigyan din ng pagkakataon na pumili at makakuha ng isa sa mga mahalagang treasures mula sa ating national treasury!” medyo excited na pinaliwanag ni Yalinda. “Oh? Marami ba ang mga kayamanan sa national treasury?" curious na tinanong ni Gerald. "Oo naman!" sigaw ni Yalinda, kumikinang ang kanyang mga mata sa sobrang excitement habang tumatango. "Ganoon ba! Mukhang kailangan kong manalo ng first place!" sagot ni Gerald ngayong mas interesado na siya. "Masaya akong marinig iyon, master! Hindi ako magkakaroon ng pagkakataong makakuha ng first place, pero alam ko na hindi ito magiging problema sayo, master! Kapag nana
“…Sige. Pero may utang ka sa akin kung gagawin ko ito at iyon ay pwede akong manghingi ng tulong sayo kung kinakailangan! Deal?” sagot ni Gerald. Nagulat si Yudell nang marinig niya ito, pero ang alam niya ngayon ay ayos na ang lahat ngayong nakipag-deal na siya kay Gerald. Huminto siya ng sandali bago sinabi ni Yudell, "...Deal!" Dahil opisyal na ang kasunduan, lumabas na si Yudell sa kwarto ni Gerald... Pagsapit ng umaga, bumalik sina Yalinda at Gerald sa arena. Walang pinagbago ang mga representative ng mga sect, ngunit isang matandang lalaki na ngayon ang representative ng Thundering Cloud Sect. Ito na ang oras para pumasok si Yalinda sa ring... Bago ang competition na ito, maliliit na events lamang ang mga sinasalihan niya. Sa madaling salita, ito ang kanyang unang pagkakataon na sumali sa isang malaking competition at iyon ang dahilan kung bakit siya kinakabahan ngayon… Hindi nagtagal, pumasok na sa arena si Zenon Lightning bago niya ipinahayag, “Magandang araw sa ati
Sa kabila ng counterattack ni Levi, kahit papaano ay expert pa rin si Yalinda sa kanyang latigo. Dahil dito ay binago niya ang kanyang attack style at patuloy niyang ibinibigay ang napakaraming atake sa kanyang latigo na pumipigil sa kanya na lumapit masyado sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Gerald habang tinitingnan ang buong eksena. Kung tutuusin, ngayon lang niya nakitang gumamit ng latigo si Yalinda. Base sa skills niya sa armas na iyon, naramdaman ni Gerald na matagal nang nagsasanay si Yalinda para sa kompetisyon. Mahusay talaga si Yalinda sa latigo, pero alam ni Gerald na hindi siya match ni Levi. Napansin niya na masyadong dinadalian ni Levi ang kanyang moves laban kay Yalinda. Kung magse-seryoso si Levi, walang tsansa si Yalinda na manalo... Hindi sa sinusubukan niyang maliitin ang kanyang disciple, pero ito lang ang katotohanan ng sitwasyon... Hindi nagtagal bago sinimulang ipakita ni Levi ang kanyang tunay na kakayahan. Binalot ang ng shadowy aura ang espada at sini
“May kasikatan sila! Hindi lamang sila ang isa sa mga aristocrat family sa Shontell, pero kilala rin sila sa mga espada na ginagawa nila pati na rin sa kanilang swordsmanship! Sila lang ang mga taong nakakaalam kung paano gamitin ang Homewood Sword Technique!" paliwanag ni Yalinda. “Ganoon ba... Pwede mo bang ipakilala sa akin si Levi? Gusto ko siyang makilala!" sagot ni Gerald. “…Oh? Bakit bigla mo siyang gustong makilala, master?" medyo curious na tanong ni Yalinda. “Walang masama kung mas kilalanin pa ang isang tao. At saka, feeling ko mabait na tao si Levi!” paliwanag ni Gerald kasama ang kanyang banayad na ngiti. “Sige! Ihahatid na kita sa kanya kapag tapos na ako mamaya!" sagot ni Yalinda. Wala naman siyang dahilan para tumanggi sa suggestion ng kanyang master. Ang morning session ng laban ay natapos ng tanghali at doon dinala ni Yalinda si Gerald papunta kay Levi. Natagpuan nila si Levi nang magsisimula na siyang umalis papunta sa Gardale City. Sumigaw ng malakas si
“…Mukhang nakilala na ni Gerald sina Yalinda at Levi, young master!” sabi ng isa sa mga lalaki na nakasuot ng magagarang damit sa lalaking nakatayo sa tabi niya. Ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Clyde! Matinding kahihiyan ang naramdaman niya mula nang pabagsakin siya ni Gerald gamit ang isang move at ang sama ng loob niya kay Gerald ay walang hangganan! Ngayon lang siya nakaranas ng matinding kahihiyan kaya tuturuan niya ng leksyon si Gerald kahit ano pa ang mangyari! “Wala akong pakialam! Ihanda mo ang four great envoys! Gusto kong mamatay si Gerald! Hindi na siya makakasali sa susunod na competition kapag nangyari iyon!" galit na galit na sinabi ni Clyde at makikita ang masamang ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa tabi niya. "Masusunod, young master!" sagot ng lalaki sabay tango bago siya mabilis na umalis sa eksena... Hindi alam nila Gerald at Yalinda kung ano ang mga panganib na malapit na nilang harapin... Makalipas ang ilang sandali a
Naudyukan na magsalita si Gerald nang marinig niya ito, “Salamat, Young Master Homewood!” Inakala ni Gerald na medyo magdadalawang isip si Levi. Kung tutuusin, ito ang una nilang pagkikita. Pero sa katunayan, si Levi ay isang mapagbigay na tao! “Masyado kang magalang, kuya Crawford! Bilang kapalit, may isang maliit na kahilingan sana ako para sayo!” sagot ni Levi. “Sige, Young Master Homewood!” "Gusto ko sana na hindi mo gagawing madali ang magiging duel nating dalawa sa competition!" “Deal!” sagot ni Gerald na ganoon ang kanyang plano sa umpisa pa lang. Kung tutuusin, gusto niyang matikman kung gaano talaga kalakas ang Homewood Sword Technique. Dahil si Levi na mismo ang nanghigi nito, alam ni Gerald na hindi na niya kailangang pigilan pa ang kanyang sarili... Ito ay magiging isang win-win situation iyon. Silang tatlo ay nagpatuloy sa kanilang masayang pag-uusap hanggang sa matapos ang kanilang pagkain. Gaya ng ipinangako ni Levi, dinala niya ang dalawa sa smithery ng ka
Dahil sa mapagbigay na ngiti ni Levi habang nakaturo sa mga espada, walang nakitang dahilan si Gerald para hindi sumunod. Ngunit nadismaya si Gerald dahil ang mga espada ay hindi kasing ganda ng inilarawan ni Levi. Totoo na silang lahat ay maganda, ngunit malamang ay perpekto lamang sila sa paningin ng mga karaniwang tao. Sa madaling salita, wala sa kanila ang sapat para sa mga standard ni Gerald. Gayunpaman, hindi niya pwedeng tanggihan ang alok pagkatapos niyang pagdaanan ang lahat ng ito. Dahil doon, sinimulan niyang maingat na pagmasdan ang mga espada... Pagkalipas ng ilang minuto, sa wakas ay nakahanap siya ng isang medyo mas mahusay na espada kumpara sa ibang espada sa pile. At least, magagamit niya ito bilang pansamantalang sandata... Pagkatapos nito ay itinaas niya ang espada bago niya ito ipinakita kina Levi at Yalinda at sinabing, "Ito ang pipiliin ko!" “Napakaganda ng choice mo, kuya Gerald! Sana ay gamitin mo ang mismong espadang iyon sa araw ng ating laban!" sagot