Dahil naantala ng ma-pride at mapanuksong pananalita ni Yalinda ang kanyang sinasabi, hindi na pwedeng tumanggi si Gerald sa kanya ngayon. Kung gusto niya ng away, iyon ang makukuha niya at sisiguraduhin niyang hindi na siya nito hahamunin pa muli! “Fine, tinatanggap ko ang challenge mo! Pero mayroon akong isang kondisyon!" sagot ni Gerald. "Sabihin mo sa akin kung ano iyon!" “Pag nanalo ulit ako, ang itatawag mo sa akin ay kuya Gerald at hindi ka na rin magiging masungit sa akin! Seryoso... kailangan mo ba akong tingnan ng masama na parang utang ko sayo ang buong mundo?" deklara ni Gerald. Dahil sa malalang ugali ni Yalinda, alam ni Gerald na kailangan niyang mag-set ng malinaw na mga rules dahil kung hindi, hahamunin muli siya ni Yalinda sa susunod. Pagkatapos nito ay agad na sumagot si Yalinda, "Deal!" “Masaya akong marinig ito! Hindi ba malinaw mong narinig ang lahat ng pinag-usapan namin, Captain Juan?" sabi ni Gerald habang nakatingin kay Tanner. Ang kanyang tatay na
Umiling-iling si Tanner habang pinagmamasdan ang kanyang anak na lumalayo, awkward na napangiti na lamang siya habang humaharap kay Gerald bago niya sinabing, “…Huwag mong pansinin ang pagiging childish niya, Gerald!” Hindi rin naman papansinin ni Gerald ang kanyang pagiging childish. Kung talagang gusto niyang makipag-away sa kanya kanina, hindi niya papadaliin ang kanilang laban kanina. Sabi nga, ‘ang true gentlemen ay hindi nakikipag-away sa babae,’ at sang-ayon si Gerald sa mga salitang iyon. Ayaw na niyang mag-abala pa na makipagtalo kay Yalinda. Nang matapos iyon, binigyan ni Tanner sina Gerald at Yale ng isang medyo maluwag na kwarto para doon sila mananatili... Kinagabihan nang umupo si Yale sa kanyang kama, bigla siyang kumindat at sinabi, "Anong masasabi mo kay Miss Juans, kuya Gerald?" Lumingon si Gerald nang nakataas ang kanyang kilay para tingnan si Yale, “Ano? May crush ka ba sa kanya? Gawin mo ang gusto mo at ligawan mo siya nang hindi ako sinasali!" “H-Huh!
Nakita ni Yalinda ang pag-aalangan ni Gerald bago siya nag-propose, “…Kung kailangan kong patunayan ang pagiging seryoso ko tungkol dito, payagan mo akong ilibre kayong dalawa ng almusal! May isang bakery sa Shontell na gumagawa ng pinakamasarap na tinapay sa planeta! Ililibre kita ng pagkain doon, at pagkatapos nito, kukunin mo na ako bilang disciple! Ano sa tingin mo?” Bago pa man makasagot si Gerald, tuwang-tuwang tumango si Yale mula sa may pintuan bago niya sinabing, “Sang-ayon ako sa kanya, kuya Gerald! Tutal, hindi pa tayo nag-aalmusal!” Nakataas ang isang kilay ni Gerald bago siya huminto ng sandali at nag-aatubiling sinabi, “...Okay, sige! Hindi ko pwedeng itanggi na medyo gutom ako! Pag-uusapan pa natin ito kapag tapos na tayo sa almusal!" Pagkatapos nito, dumiretso ang tatlo sa bakery na tinutukoy ni Yalinda... Pagdating nila doon, napagtanto agad nina Gerald at Yale na hindi nag-overreact si Yalinda. Punong-puno ng mga tao ang buong lugar! Napansin ng may-ari ng ba
Para kay Yalinda, hangga't papayag si Gerald na maging master niya, magiging patas ang anumang kundisyon na sasabihin niya. Pagkatapos ng lahat, wala pa siyang nakilalang mas makapangyarihang tao sa Shontell maliban kay Gerald. Sa tulong niya, paniguradong magkakaroon siya ng mas magandang pagkakataon na magawa ang kanyang tunay na layunin... At ang layuning iyon ay lumahok sa kompetisyon sa pagitan ng mga cultivators! Gamit ang mga turo ni Gerald, paniguradong magkakaroon siya ng mas malaking pagkakataong manalo sa kompetisyon... Saka naman sinabi ni Gerald, “Una sa lahat, hindi mo sasabihin sa iba na ako ang master mo! Pangalawa, wala kang ibang master maliban sa akin! Kaya mo bang gawin ang mga iyon?" “Oo naman!” walang dalawang isip na sinabi ni Yalinda. "Magaling! Simula ngayon, magiging mga alagad ko na kayo!" sabi ni Gerald na kuntentong tango. Naintindihan ni Gerald na hindi isang ordinaryong tao sa Shontell si Yalinda. Bukod sa hawak niya ang Juans Delivery House, si
Alam ni Yalinda na magagalit si Gerald sa kanya dahil sa pagsisinungaling sa kanya, kaya mabilis siyang yumuko bago niya sinabing, "Pasensya na dahil tinago ko ito sayo, master!" "Yalinda, naiintindihan ko kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito, pero medyo dissappointed lang ako na nagplano kang sumali sa kompetisyong iyon nang hindi mo ito pinapaalam sa akin! Hindi mo ito kailangang itago sa akin! Tutulungan pa rin naman kita kahit pa alam ko ito!" sagot ni Gerald habang umiiling. “Naiintindihan ko master! Pasensya na talaga at hindi ko sinabi sayo ang tungkol dito! Isinusumpa ko sa buhay ko na sasabihin ko sayo ang lahat mula ngayon, master!" sabi ni Yalinda sabay tango. "Iyan ang gusto kong marinig! Dahil kasali ka sa competition na iyon, sisiguraduhin ko na ikaw ang makakakuha ng first price!" sagot ni Gerald, wala siyang makitang dahilan para magalit sa kanya. “Ta-talaga? Maganda ‘yan!” excited na sumigaw si Yalinda. “Oo nga. Tapos na ba ang registration time para sa co
Hindi naiwasan ni Gerald na matulala sa kagandahan ng babae. Hindi niya inasahan na may nakakaakit pala na nilalang sa balat ng Autremonde Realm... At kahit sino rin ay makakapagsabi na siya ay isang napakapambihirang babae... Nang makarating ang lahat ng mga main representative ng pangunahing sect, isang simpleng opening ceremony ang ginawa bago sila pinayagang bumalik sa kani-kanilang mga kwarto upang magpahinga... Si Gerald ay nasa isang kwarto na kasama si Yalinda dahil pareho silang representatives ng Juans Delivery House... Pagsapit ng gabi, makikita ang ilang itim na figure na tumalon sa mga rooftop ng Gardale City... Ang mga ito ay mukhang papunta sa kwarto ni Yudell. Bago pa sila makalapit sa kanya, napansin na agad sila ni Gerald. Dahil pasikreto silang pumunta papunta sa direksyon ng kwarto ni Yudell, nagkaroon agad ng kutob si Gerald na masasamang tao ito. Malakas ang kutob ni Gerald na nasa peligro ang buhay ni Yudell, kaya dali-dali siyang umalis sa kanyang kwar
Matindi ang titig sa kanya ni Gerald kaya hindi napigilan ni Yudell na mamula ng kaunti nang itinaas niya ang kanyang longsword, sabay turo kay Gerald habang sinasabing, “Bakit ganyan ka makatingin sa akin? At saka, bakit hindi mo sinasagot ang mga tanong ko?" Bumalik si Gerald sa katinuan at mabilis siyang sumagot, “…Ang pangalan ko ay Gerald Crawford at ako ay isang representative ng Juans Delivery House sa cultivator competition! Kanina kasi namamasyal ako at habang naglalakad, napansin ko ang mga black figures mula sa labas na tumakbo papunta sa kwarto mo, kaya sinundan ko lang sila dito!" Hindi masyadong kumbinsido si Yudell sa kanyang paliwanag, kaya itinago niya ang kanyang espada bago niya sinabing, "...Ah, okay. Pwede ka nang umalis ngayon. Dahil wala kang kinalaman sa mga nangyari kanina, wala kang nakita ngayong gabi! Naiintindihan mo?” Natulala si Gerald nang marinig niya iyon. 'Hindi mo ba alam na niligtas kita? Mahirap ba sayo na magpakita ng kaunting pasasalamat?
Nang magsimula ang labanan, nagkusa si Yudell na ilabas ang kanyang espada at tumakbo siya patungo kay Watts! Hindi madaling kalaban si Watts lalo na’t siya ang first disciple ng Sect of Steel. Ang ibig sabihin lamang nito ay mas marami siyang karanasan kaysa kay Yudell. Dahil doon, hindi siya takot kay Yudell at pasimple siyang bumunot ng espada nang makita niyang tumatakbo ito palapit sa kanya... bago isinagawa ang aurablade attack sa kanya! Mabilis na lumipat si Yudell sa gilid para maiwasan ang atake bago niya inilunsad ang kanyang aurablade attack laban sa kanya! Nang magkasalubong ay narinig ang malakas na putok mula sa kanilang mga aurablade. Dahil sa malakas na pagsabog ay parehong kinailangan ni Yudell at Watts na umatras ng ilang hakbang para patatagin ang kanilang pagkakatayo. Ang dalawang ito ay match sa bawat isa... Habang pinapanood ni Yalinda ang buong eksena, hindi niya napigilang bumulong, "Mukhang pareho ang lakas nina Yalinda at Watts!" "Hindi masyado. Hi