Tumawa si Gerald bago niya sinabi, “Hindi mo kailangang maging mabait, captain Juans! Kailangan mong gamutin ang mga sugat mo!" Nang marinig iyon, napagtanto ni Tanner na sugatan pa rin pala siya. Pagkatapos nito ay umupo siya at sinimulang gamutin ang kanyang mga sugat... Maya-maya pa, dumating ang isang grupo ng horseback soldiers sa inn. Mukhang sila ang mga Armored guards ng Shontell na binanggit noon ni Tanner... Agad na tumayo si Tanner nang makita sila at binati ang isa sa mga lalaking may armour, "General Lucarl!" Si General Lucarl ang commander ng Shontell's Armored guards at namangha siya nang makita ang mga sugat ni Tanner, “Captain Juans! Ang lala ng mga sugat mo!" "Gasgas lang ito!" nakangiting sinabi ni Tanner. Sa halip na tumawa, bumaba lang si Kay sa kanyang kabayo at tiningnan ang lahat ng mga bangkay sa lupa... Sigurado siyang may matinding labanan dito ngunit napansin rin niya ang lahat ng patay na mga kalaban. Dahil diyan, si Kay ay naudyukan na magta
Gayunpaman, base sa pananalita pa lang ni Gerald, alam ni Kay na hindi niya dapat pagdudahan ang taong ito. Nakita ni Tanner na isasama sila ni Kay pabalik sa Shontell, para masiguro na hindi mananakaw ng ibang tao ang divine stones, si Tanner naman ay nakipagsapalaran na lumapit kay Gerald at sinabing, “Hindi ba pupunta ka sa Shontell, Mr. Crawford?” “Papunta nga kami doon!” sagot ni Gerald sabay tango. "Bakit hindi ka sumama sa amin? Kung tutuusin, kailangan ko pang magpasalamat ng maayos sa pagligtas mo sa amin!” taos-pusong sinabi ni Tanner. Tumawa naman si Gerald bago niya sinabi, “Masyado ka nang mabait, Captain Juans! Ayoko namang makahadlang sa iyong trabaho! Huwag kang mag-alala sa amin, mag-isa kaming pupunta doon!" “Sige, pero kung kailangan mo ng anuman o nangangailangan ng anumang tulong sa Shontell, alam mo kung sino ang hahanapin mo!” sagot ni Tanner na may pagkadismaya ang kanyang boses. Gayunpaman, hindi niya pipilitin si Gerald na sumabay sa kanyang plano.
Napabuntong-hininga na lamang si Gerald nang makita niya ang disappointment sa mukha ni Yale, napaisip siya ng saglot bago siya sumagot, “...Okay! Sasali ako!” Agad na napangiti si Yale nang marinig niya iyon. Pagkatapos nito ay dumiretso ang dalawa sa arena kung saan ginaganap ang martial arts competition... Pagdating nila doon, nagulat sila nang makitang masikip ito. Nakita nila ang isang babae at lalaki ang nakikipaglaban sa isa't isa, at sa bawat galaw nila ay nakakuha ng malakas na cheers mula sa mga manonood. Di-nagtagal, sinipa ng babae ang dibdib ng lalaki at ito ang nagpalipad sa kanya palabas ng arena! Kasunod ng mas malakas na palakpakan, tumayo ang mga judges bago nila sinabi, “Nanalo muli si Yalinda Juans! May iba pa bang gustong hamunin siya? Kapag nanalo ka, ang premyo ay one thousand divine stones!" Kahit pa maraming divine stones ang pinangako sa mananalo, agad na tumahimik ang karamihan sa kanila. Kung tutuusin, nakita nilang lahat kung gaano kalakas si Ya
Ayaw ni Gerald na natatalo siya at malinaw naman na natalo si Yalinda sa laban. Hindi rin nakatulong kay Yalinda na walang dumepensa sa kanya mula sa crowd. Pagkatapos ng lahat, makikita ng sinuman na may common sense ang napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng kanilang kapangyarihan. Nang marinig ni Yalinda na dinedepensahan si Gerald ng maraming tao, doon lang niya napagtanto niya na siya ay nagkamali. Dahil doon ay pinadyak niya ang kanyang paa bago umiling habang sinasabi, "Ikaw...! Oo na! Ikaw na ang nanalo! Big deal! Maghintay ka lang at tingnan mo ang mangyayari…!” Kasunod ntio ay napatingin ang lahat sa babae habang mabilis siyang umalis... Sa halip na i-cheer si Gerald, lalo lang nag-aalala para kay Gerald ang mga manonood. Kung tutuusin, alam nilang lahat na sa Shontell, hindi si Yalinda ang tipo ng tao na pwedeng saktan... Ang judge ay mabilis na lumapit kay Gerald at iniabot sa kanya ang mga divine stones bago umiling. Bumuntong hininga ang lalaki at sinabi, "Kuni
“…Wala na akong magagawa. Ang taong iyon ay nanalo nang patas, at kailangan lang nating tanggapin iyon!” sagot ni Tanner habang kino-comfort niya ang kanyang anak. Malinaw sa kanya na sa mundo ng martial arts competition, walang sinuman ang pwedeng manatili sa tuktok magpakailanman... Gusto sanang lumaban pa ni Yalinda sa sinabi ng kanyang ama, pero napagtanto niya na may isang kakila-kilabot na peklat sa braso ni Tanner! Dahil dito ay mabilis siyang nagtanong, “Huh? Kailan ka pa nagkaroon ng sugat, dad? Anong nangyari?" Tumawa lang si Tanner na parang hindi ito importante habang winawagayway ang kanyang magandang kamay at sinabing, “Scratch lang ‘yan! May mga nakalaban lang akong bandits mula sa Mount Tygress habang pabalik ako!" “Mga bandits? Parati talaga silang nanggugulo! Sana mabigyan ka ng mas maraming soldiers na kasama sa iyong mga misyon! Kung hindi ka kukuha ng maraming kalalakihan, nangangako ako na sisimulan kong sumama sayo bilang added protection!" sabi ni Yalinda
“Ah, huwag kang mag-alala diyan, Mr. Crawford! Normal lang na matalo sa isang competition!" nakangiting sinabi ni Tanner bago niyaya sina Gerald at Yale sa kanyang tahanan... Ang Martial Arts family ay pinagsama sa Juan’s Delivery House, kaya makatuwiran lamang na tumira si Tanner at ang kanyang anak na babae sa loob ng delivery house Sina Tanner at Yalinda ay parehong sikat sa Shontell. Ang Juans Delivery House ay nagbibigay ng maaasahang serbisyo at marami sa mga residente ng Shontell ang madalas na hanapin sila sa tuwing kailangan nila ng mga divine stones o iba pang mga gamit na kailangan i-deliver. Dahil sa kanilang magandang pangalan, hindi nakapagtataka na magalang ang trato ng mga taong gumagamit ng service nila kayla Tanner at Yalind. Sa katunayan, ang Juans Delivery House ay may mga grupo na sumusuporta sa kanila sa Shontell. Sa sandaling umupo sila nang magkasama sa lobby, nagsimulang magtanong sa kanila si Tanner, "Anong mga plano ngayon, Mr. Crawford?" “Okay lang
Dahil naantala ng ma-pride at mapanuksong pananalita ni Yalinda ang kanyang sinasabi, hindi na pwedeng tumanggi si Gerald sa kanya ngayon. Kung gusto niya ng away, iyon ang makukuha niya at sisiguraduhin niyang hindi na siya nito hahamunin pa muli! “Fine, tinatanggap ko ang challenge mo! Pero mayroon akong isang kondisyon!" sagot ni Gerald. "Sabihin mo sa akin kung ano iyon!" “Pag nanalo ulit ako, ang itatawag mo sa akin ay kuya Gerald at hindi ka na rin magiging masungit sa akin! Seryoso... kailangan mo ba akong tingnan ng masama na parang utang ko sayo ang buong mundo?" deklara ni Gerald. Dahil sa malalang ugali ni Yalinda, alam ni Gerald na kailangan niyang mag-set ng malinaw na mga rules dahil kung hindi, hahamunin muli siya ni Yalinda sa susunod. Pagkatapos nito ay agad na sumagot si Yalinda, "Deal!" “Masaya akong marinig ito! Hindi ba malinaw mong narinig ang lahat ng pinag-usapan namin, Captain Juan?" sabi ni Gerald habang nakatingin kay Tanner. Ang kanyang tatay na
Umiling-iling si Tanner habang pinagmamasdan ang kanyang anak na lumalayo, awkward na napangiti na lamang siya habang humaharap kay Gerald bago niya sinabing, “…Huwag mong pansinin ang pagiging childish niya, Gerald!” Hindi rin naman papansinin ni Gerald ang kanyang pagiging childish. Kung talagang gusto niyang makipag-away sa kanya kanina, hindi niya papadaliin ang kanilang laban kanina. Sabi nga, ‘ang true gentlemen ay hindi nakikipag-away sa babae,’ at sang-ayon si Gerald sa mga salitang iyon. Ayaw na niyang mag-abala pa na makipagtalo kay Yalinda. Nang matapos iyon, binigyan ni Tanner sina Gerald at Yale ng isang medyo maluwag na kwarto para doon sila mananatili... Kinagabihan nang umupo si Yale sa kanyang kama, bigla siyang kumindat at sinabi, "Anong masasabi mo kay Miss Juans, kuya Gerald?" Lumingon si Gerald nang nakataas ang kanyang kilay para tingnan si Yale, “Ano? May crush ka ba sa kanya? Gawin mo ang gusto mo at ligawan mo siya nang hindi ako sinasali!" “H-Huh!