Hindi nagtagal ay nahanap na ng lalaking may scar ang inn na tinutuluyan nina Gerald at Yale. Sa kabutihang palad, lumabas si Yale sa bintana ng kanilang kwarto nang marinig niya ang kaguluhan sa labas... at agad niyang nakilala ang lalaking may scar! Namumutla na ang mukha niya sa takot na naramdaman niya at mabilis na nilingon ni Yale si Gerald—na nakahiga sa kama—bago siya bumulong, “Ku-kuya Gerald...! Nandito ang gang mula sa casino...! Nandito sila hinahanap tayo...! Anong dapat nating gawin...?!” Dumiretso si Gerald sa bintana para tingnan ito... at sakto namang nakita niya ang lalaking may scar na nagmamadaling pumasok sa inn kasama ang kanyang mga tauhan! Kumunot ang noo ni Gerald nang lumingon siya kay Yale habang nag-uutos, “Halika dali!” Nanlaki ang mga mata ni Yale nang makita niyang umakyat si Gerald sa bintana! Napakadali para kay Gerald na tumalon mula sa windowsill, ngunit mas mahina si Yale kaysa sa kanya. Nakarating si Yale sa windowsill, ngunit hindi siya
Pagkaraan ng ilang sandali ay sinabi ni Gerald, “…Huwag kang mag-alala, aalis tayo sa umaga!” Pumayag agad si Yale nang marinig niya iyon. Mababakuti para sa kanila kung maaga silang aalis… Pagsapit ng gabi, walang lakas ng loob na matulog sina Gerald at Yale dahil alam nilang may pagkakataon ang kalaban na umatake sa gabi. Gayunpaman, naramdaman ni Gerald na ito ay isang sinaunang lugar. Sa sandaling sumapit ang gabi, wala nang kahit sino ang makikita sa mga lansangan. Ang mga lokal sa Autremonde Realm ay wala talagang nightlife at talagang kakaiba ang gabi dito... Umalis agad silang dalawa ng madaling araw. Kapag maaga silang aalis, mas maliit ang tsansa na makasalubong nila ang lalaking may scar... Sa kabutihang palad, halos isang oras lang ang inabot para matagumpay na umalis sina Gerald at Yale sa bayan na iyon... Ngayong nakalabas na sila nang ligtas, nagtanong naman si Yale kay Gerald, "Saan tayo pupunta ngayon, kuya Gerald...?" Curious si Yale na malaman dahil sin
Hindi gumalaw si Gerald at uminom lamang siya ng tsaa. Masyado nang normal para sa kanya ang mga ganitong eksena…Nasa harapan na nila ngayon ang halos isang dosenang kalalakihang may suot na itim na damit at ang mga bodyguards ay mukhang handang umatake sa kanila. Na-obserbahan ni Gerald na ang mga kalalakihang ito ay mukhang malalakas at skilled pagdating sa pakikipaglaban. Dahil doon ay nangangamba siya na kaya silang patumbahin ng mga bodyguards…. at makalipas ang ilang segundo, nagkatotoo ang hinala ni Gerald. Marami sa mga bodyguards ay nasa lapag na at malapit nang mamatay, at isa sa mga middle-aged na bodyguard ang tumingin sa mga lalaking naka-itim at sinabi, “Sino ba kayo?! Dapat niyong malaman na ako si Tanner Junas! Ako ang head ng Juans’ Bodyguard Institute sa Shontel! Gusto niyo bang mamatay matapos niyong patayin ang mga bodyguards ng Shontell?!”“Manahimik ka! Ibigay mo sa amin ang mga bato kung gusto mo pang mabuhay!” sabi ng mukhang leader ng grupo.Sumimangot
Tumawa si Gerald bago niya sinabi, “Hindi mo kailangang maging mabait, captain Juans! Kailangan mong gamutin ang mga sugat mo!" Nang marinig iyon, napagtanto ni Tanner na sugatan pa rin pala siya. Pagkatapos nito ay umupo siya at sinimulang gamutin ang kanyang mga sugat... Maya-maya pa, dumating ang isang grupo ng horseback soldiers sa inn. Mukhang sila ang mga Armored guards ng Shontell na binanggit noon ni Tanner... Agad na tumayo si Tanner nang makita sila at binati ang isa sa mga lalaking may armour, "General Lucarl!" Si General Lucarl ang commander ng Shontell's Armored guards at namangha siya nang makita ang mga sugat ni Tanner, “Captain Juans! Ang lala ng mga sugat mo!" "Gasgas lang ito!" nakangiting sinabi ni Tanner. Sa halip na tumawa, bumaba lang si Kay sa kanyang kabayo at tiningnan ang lahat ng mga bangkay sa lupa... Sigurado siyang may matinding labanan dito ngunit napansin rin niya ang lahat ng patay na mga kalaban. Dahil diyan, si Kay ay naudyukan na magta
Gayunpaman, base sa pananalita pa lang ni Gerald, alam ni Kay na hindi niya dapat pagdudahan ang taong ito. Nakita ni Tanner na isasama sila ni Kay pabalik sa Shontell, para masiguro na hindi mananakaw ng ibang tao ang divine stones, si Tanner naman ay nakipagsapalaran na lumapit kay Gerald at sinabing, “Hindi ba pupunta ka sa Shontell, Mr. Crawford?” “Papunta nga kami doon!” sagot ni Gerald sabay tango. "Bakit hindi ka sumama sa amin? Kung tutuusin, kailangan ko pang magpasalamat ng maayos sa pagligtas mo sa amin!” taos-pusong sinabi ni Tanner. Tumawa naman si Gerald bago niya sinabi, “Masyado ka nang mabait, Captain Juans! Ayoko namang makahadlang sa iyong trabaho! Huwag kang mag-alala sa amin, mag-isa kaming pupunta doon!" “Sige, pero kung kailangan mo ng anuman o nangangailangan ng anumang tulong sa Shontell, alam mo kung sino ang hahanapin mo!” sagot ni Tanner na may pagkadismaya ang kanyang boses. Gayunpaman, hindi niya pipilitin si Gerald na sumabay sa kanyang plano.
Napabuntong-hininga na lamang si Gerald nang makita niya ang disappointment sa mukha ni Yale, napaisip siya ng saglot bago siya sumagot, “...Okay! Sasali ako!” Agad na napangiti si Yale nang marinig niya iyon. Pagkatapos nito ay dumiretso ang dalawa sa arena kung saan ginaganap ang martial arts competition... Pagdating nila doon, nagulat sila nang makitang masikip ito. Nakita nila ang isang babae at lalaki ang nakikipaglaban sa isa't isa, at sa bawat galaw nila ay nakakuha ng malakas na cheers mula sa mga manonood. Di-nagtagal, sinipa ng babae ang dibdib ng lalaki at ito ang nagpalipad sa kanya palabas ng arena! Kasunod ng mas malakas na palakpakan, tumayo ang mga judges bago nila sinabi, “Nanalo muli si Yalinda Juans! May iba pa bang gustong hamunin siya? Kapag nanalo ka, ang premyo ay one thousand divine stones!" Kahit pa maraming divine stones ang pinangako sa mananalo, agad na tumahimik ang karamihan sa kanila. Kung tutuusin, nakita nilang lahat kung gaano kalakas si Ya
Ayaw ni Gerald na natatalo siya at malinaw naman na natalo si Yalinda sa laban. Hindi rin nakatulong kay Yalinda na walang dumepensa sa kanya mula sa crowd. Pagkatapos ng lahat, makikita ng sinuman na may common sense ang napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng kanilang kapangyarihan. Nang marinig ni Yalinda na dinedepensahan si Gerald ng maraming tao, doon lang niya napagtanto niya na siya ay nagkamali. Dahil doon ay pinadyak niya ang kanyang paa bago umiling habang sinasabi, "Ikaw...! Oo na! Ikaw na ang nanalo! Big deal! Maghintay ka lang at tingnan mo ang mangyayari…!” Kasunod ntio ay napatingin ang lahat sa babae habang mabilis siyang umalis... Sa halip na i-cheer si Gerald, lalo lang nag-aalala para kay Gerald ang mga manonood. Kung tutuusin, alam nilang lahat na sa Shontell, hindi si Yalinda ang tipo ng tao na pwedeng saktan... Ang judge ay mabilis na lumapit kay Gerald at iniabot sa kanya ang mga divine stones bago umiling. Bumuntong hininga ang lalaki at sinabi, "Kuni
“…Wala na akong magagawa. Ang taong iyon ay nanalo nang patas, at kailangan lang nating tanggapin iyon!” sagot ni Tanner habang kino-comfort niya ang kanyang anak. Malinaw sa kanya na sa mundo ng martial arts competition, walang sinuman ang pwedeng manatili sa tuktok magpakailanman... Gusto sanang lumaban pa ni Yalinda sa sinabi ng kanyang ama, pero napagtanto niya na may isang kakila-kilabot na peklat sa braso ni Tanner! Dahil dito ay mabilis siyang nagtanong, “Huh? Kailan ka pa nagkaroon ng sugat, dad? Anong nangyari?" Tumawa lang si Tanner na parang hindi ito importante habang winawagayway ang kanyang magandang kamay at sinabing, “Scratch lang ‘yan! May mga nakalaban lang akong bandits mula sa Mount Tygress habang pabalik ako!" “Mga bandits? Parati talaga silang nanggugulo! Sana mabigyan ka ng mas maraming soldiers na kasama sa iyong mga misyon! Kung hindi ka kukuha ng maraming kalalakihan, nangangako ako na sisimulan kong sumama sayo bilang added protection!" sabi ni Yalinda