Hindi man lang hinintay na sumagot si Ziane, mabilis na nagsalita ang isa pang disciple, “Nakalimutan mo na ba ang mga rules ng sect? Paulit-ulit na sinabi sa atin ni Master na hindi tayo pwedeng magdala ng mga otsuder sa abbey, lalo na ang mga lalaki! Isang paglabag sa rules ang kasalukuyan mong ginagawa, ate! Siguradong mapaparusahan ka kapag dinala mo siya!" Bilang head disciple ng Purplefog Abbey, medyo mataas ang reputasyon ni Zianne sa sect. Idol rin siya ng marami sa mga disciple ng sect. Dahil doon, ang dalawang babae ay lumapit dahil sa pag-aalala. Naintindihan naman ni Zianne na mabuti lang ang ibig nilang sabihin, kaya mahinahon siyang nagpaliwanag, “Hindi siya isang outsider... Siya ang nagligtas sa akin! Para sa kaalaman ninyong dalawa, paniguradong patay na ako kung hindi niya ako tinulungan!" Nang marinig iyon, ang dalawang babae ay nasa gitna ng isang problema... Nang makita iyon ay idinagdag ni Zianne, “Huwag kayong mag-alala! Ipapaliwanag ko ang lahat ng ito s
“Bullsh*t! Ang mga lalaki ay hindi mapagkakatiwalaan at silang lahat ay dapat lang mamatay! At saka, sa tingin mo ba pwede kang umalis at bumalik kahit kailan mo gusto?" sabi ni Yoona habang nakatitig sa kanya at inilalabas ang kanyang blade! Tumalon siya ng napakabilis at pagkatapos ay itinutok ni Yoona ang kanyang talim sa dibdib ni Gerald! Agad na itinulak ni Zianne si Gerald nang makita niya iyon habang sumisigaw ng, “Umiwas ka!” Madaling naiwasan ni Gerald ang atake ni Yoona dahil hindi naman siya kasing-lakas ni Gerald. Ang nakita niya na lamang ay ang paglabas ni Zianne ng sarili niyang espada at binangga ito sa espada ng kanyang junior! Kasunod nito ay nagsimula ang isang swordfight sa pagitan ng dalawang babae... Gayunpaman, nahulog sa lupa si Zianne nang sipain siya ni Yoona sa tiyan! Tinakpan ni Zianne ang kanyang tiyan sa sobrang sakit at dito sinamantala ni Yoona ang pagkakataong ngumisi, “Hah! Kailan ka naging mahina, ate? Siguro nawala ka na sa sarili ngayong m
Napahinto si Fayth sa kanyang narinig bago niya sinabing, “...Elaborate.” “Habang papunta siya sa Heavenstar Town para kumuha ng mga halamang gamot, siya ay sinugod ng ilang mga lalaki mula sa Whitehaar Abbey! Kung hindi ako sumugod para iligtas siya, matatanggap ng iyong sect ang balita tungkol sa inyong namatay sa head disciple!" paliwanag ni Gerald. Nanlaki ang mga mata ni Fayth nang lumingon siya para tingnan si Zianne bago nagtanong, "Nagsasabi ba siya ng totoo?" “Oo, totoo ang sinasabi niya! Ang mga salarin ay si Johnny at apat sa kanyang mga kaibigan sa Whitehaar Abbey! Kung kailangan mo ng ebidensya, tingnan mo lang ang mga sugat na ginawa nila sa akin! Ako ang nag-imbita kay Warrior Crawford na pumunta dito upang ipakita ang aking pagpapahalaga sa kanyang pagligtas sa akin! Alam kong mali ang ginawa ko, kaya parusahan mo ako kung kailangan mo!" sagot ni Zianne. Kumalma si Fayth nang marinig niya iyon bago siya lumapit kay Zianne at tinulungan itong tumayo... Tumaliko
“…Ah… Sinabi sa akin ng aking master na huwag ibunyag ang kanyang tunay na pagkatao sa sinuman… Dahil doon, pasensya na pero hindi ko maibubunyag sayo ang kanyang pangalan!” sagot ni Gerald habang nag-iisip ng dahilan on the spot. Kung tutuusin, hindi naman niya pwedeng sabihin na mula siya sa ibang mundo, hindi ba? At kahit pa sabihin niya ito, malamang na hindi siya maniniwala sa kanya ... “Naiintindihan ko... Zianne! Dalhin mo si Warrior na si Crawford sa isa sa ating mga kwarto para makapagpahinga siya…” sabi ni Fayth nang hindi na sinusubukang mag-isip pa. Mabilis na tumango si Zianne nang marinig niya iyon bago inakay si Gerald palabas ng malaking hall... Maya-maya pa, dumating ang dalawa sa isang maliit na bahay at dito muna tutuloy si Gerald. Ito ang unang pagkakataon na pinahintulutan ang isang lalaki na manatili ng isang gabi sa abbey, kaya talagang nagulat ang mga disciple ng Purplefog sa desisyon ng kanilang master. Gayunpaman, hindi nila pwedeng pagdudahan ang de
Nang wala na ang tatlo, lumapit si Gerald sa payat na lalaki at tinulungan siyang tumayo. “S-salamat sa pagligtas mo sa akin...! Ako, si Yale Zachrey, malaki ang utang na loob ko sayo!” sabi ng lalaki. “Huwag mo itong alalahanin. Nakita ko lang na binubully ka habang dumadaan ako at hindi pwede na hindi ako tumulong! Kung sa tingin mo ay may utang na loob ka sa akin, bakit hindi mo na lang ako ilibre ng almusal?” nakangiting sinabi ni Gerald habang tinatapik ang likod ni Yale. Nagulat ng sandali si Yale bago siya natauhan ng tuluyan at sinabi, "Sige ba! Ano palang pangalan mo kuya?” "Tawagin mo na lang akong Gerald!" "Okay! Kuya Gerald ang itatawag ko sayo! At saka... Parang hindi ka isang lokal... Saan ka ba galing, kuya Gerald...?" tanong ni Yale nang mapansin niya na hindi ordinaryong tao si Gerald. Naiiba ang itsura niya sa mga lokal dito at dagdag pa dito ang kanyang pambihirang lakas. Tumawa ng sandali si Gerald bago siya sumagot, “Oo! Sabihin na nating traveller ako
Hindi nagtagal ay nakarating ang dalawa sa napakasikip na casino... Lumalabas na inaabangan ng marami ang pagsusugal, kahit saang mundo pa sila galing... Matapos gumamit ng kaunting pagsisikap na sumiksik napakaraming tao, ang dalawa ay tuluyang nakarating sa isa sa mga gambling table. Pagkatapos nito ay sinimulan ni Gerald na obserbahan kung paano nilalaro ang laro na ito... Nagulat siya makalipas ang ilang sandali na kapareho ito ng laro sa lupa! Dahil doon, alam na ni Gerald na pwede na siyang magsimulang maglaro. Inilagay ang nag-iisang divine stone na mayroon siya sa mesa at tahimik na tumango sa may-ari ng casino, na nag-udyok sa may-ari na simulan ang pag-alog ng dice sa kanyang mga kamay... Para mapanalunan ang laro, kailangang pumili si Gerald sa pagitan ng high o low slot... Mayroon lamang siyang isang pagkakataon na gawin ito, kaya paniguradong mananalo siya ng malaki kung pipiliin niya ang tama. Pagkatapos tumigil sa pag-alog ng dice, inilagay ng dealer ang mga it
Nang marinig iyon, sinenyasan ng lalaking may scar sa mukha ang kanyang mga tauhan na hawakan ang dalawa. Pero bago pa man sila makalapit sa kanya, kusang umatake sa kanila si Gerald! Sa loob ng ilang segundo, silang lahat ay nakahandusay sa lupa at hindi na nila kayang makabangon! Nabigla ang lalaking may scar nang makita niya na napakalakas ni Gerald! Kasunod nito, tiningnan ng masama ni Gerald ang lalaking may peklat at sa sobrang takot nito ay pumunta ito sa isang gilid. Hindi niya sila pipigilang umalis pagkatapos nilang masaksihan ang lahat ng iyon! Sa pamamagitan nito, matagumpay silang umalis sa casino… Maya-maya ay huminto sila sa tabing-ilog at si Gerald ay kumuha ng isang dakot ng mga divine stones bago niya ito binigay kay Yale. “Tulad ng pinangako ko sayo, ibinabalik ko ang divine stones na hiniram ko! Ituring mong pasasalamat ko sayo ang mga ibang bato na binigay ko!” sabi ni Gerald. Nakatitig ngayon si Yale sa lahat ng mga batong ibinibigay sa kanya ni Gera
“Walang problema sa akin, kuya Gerald! Kung tutuusin, wala na akong pamilyang babalikan at palagi akong nag-iisa... Matagal na akong nabubuhay nang walang patutunguhan, pero binigyan mo ngayon ng pag-asa ang aking buhay! Sana ay hayaan mo akong sumunod sayo…!” pakiusap ni Yale. Dahil nakakaantig talaga ang itsura ni Yale, hindi maiwasan ni Gerald na maawa sa kanya... Matapos mag-isip ng ilang sandali, bumuntong-hininga si Gerald bago niya sinabing, “...Sige na! Pwede kang sumama sa isang kondisyon! Kailangan mong maging mas matapang! Hindi ko kayang buhatin ang isang duwag! Nililinaw ko ba ang sarili ko?" “…Masusunod, kuya Gerald!” sigaw ni Yale sa sobrang tuwa na nagbago ang isip ni Gerald. Para kay Yale, walang kwenta sa kanya ang pagbabago sa kanyang sarili kung pwede naman siyang maging tagasunod ni Gerald... "Final na ang desisyon na ito! Kung wala nang iba, humanap muna tayo ng matutuluyan at kumain habang nandito pa tayo!" sabi ni Gerald, at ito ang nag-udyok sa dalawa