Tumango habang nakatingin siya kay Gerald at nagsimulang maglakad si Christos papunta sa stone monument bago niya ipinatong ang kanyang kamay dito... Habang sinisimulan niyang banggitin ang isang spell, ang stone monument ay mabilis na nagsimulang magbuga ng liwanag... Gayunpaman, habang patuloy niyang kina-cast ang spell, mas lumiliwanag ang ilaw mula dito, hanggang sa kalaunan, ang buong tuktok ng bundok ay kasing liwanag ng isang beacon! Nakita ni Gerald ang isang portal na nagsisimulang mabuo at nagulat siya nang marinig niyang sumigaw si Christos, "Lahat ng mangyayari mula sa puntong ito ay nasa mga kamay mo n, bata! Dito na matatapos ang tulong ko, naiintindihan mo ba?!” Magalang na tumango si Gerald bago siya sumagot, “Naiintindihan ko! Salamat sa lahat ng tulong mo, senior Christos!” Pagkatapos nito ay tumakbo si Gerald sa portal... at nang makalagpas siya dito, nawala ang portal sa hangin! Siniguro muna ni Christos na ligtas na nakapasok si Gerald sa portal bago siya
Hindi niya abot akalain na ang Autremonde Realm ay isang napakagandang lugar na may nakakahangang itsura ng kalikasan... Gusto sana ni Gerald na mag-enjoy ng kaunti sa napakagandang view, pero alam ni Gerald na mayroon siyang mas mahahalagang bagay na dapat gawin. Dahil doon ay umalis siya sa stream at nagsimulang maglakad hanggang sa natagpuan niya ang isang bayan… Habang papasok siya sa bayan, nahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na kislap ng isang blade. Doon niya napagtanto na matatagpuan ito sa kalapit na gubat, kaya itinaas ni Gerald ang kanyang kilay bago palihim na nag-imbestiga... Maya-maya pa, sinalubong siya ng isang babae na nakasuot ng purple na damit, at siya ay sinusugod ng mga lalaking nakasuot ng puti. Talagang nagalit si Gerald nang makita niya iyon. Kung tutuusin, paano naman makakalaban ang isang babae sa napakaraming lalaki! Wala ba silang dignidad?! Masyadong marami ang kalaban ng babaeng ito at mahirap isipin na mananalo siya laban sa kanila, p
Dahil sa kanyang napakagandang mukha at mabangis na katawan, karamihan sa mga lalaki ay nagnanasa kapag nakikita siya… Habang palapit sa kanya ang apat na lalaki, biglang umungal si Zianne, "Kung may lakas ng loob kang lapitan ako, paniguradong sisirain ng aking master ang Whitehaar Abbey, b*stard ka!" “Hah! Hindi ako natatakot sa kanya! Alam kong wala siyang lakas ng loob na sirain ang abbey!" mapanuyang sinabi ni Johnny, hindi siya natatakot sa pagbabanta na ito. Palapit na sana si Johnny para hawakan ang kanyang katawan... Nang bigla na lang, isang blade ang lumipad mula sa mga bushes at tumagos sa kanyang pulso! Sumigaw sa sobrang sakit si Johnny hanggang sa tumulo ang kanyang dugo sa kanyang sariwang sugat... Bago pa man mainitindihan ng sinuman ang nangyayari, lumabas si Gerald mula sa mga bushes na nanlilisik ang kanyang mga mata sa kanila habang sinasabi, "Limang lalaki laban sa isang babaeng... May karapatan pa ba kayong tawagin ang inyong mga sarili na lalaki?!" “
Namutla ang mukha ni Johnny nang makita iyon. Talagang napakalakas pala ni Gerald... Hindi niya ito inaasahan! "…Sino ka?! Sabihin mo ang iyong pangalan!" sai ni Johnny habang tinitingnan ng masama si Gerald. "Wala kang karapatan na malaman ang pangalan ko!" sabi ni Gerald na may pilyong ngiti sa kanyang labi. Hindi niya ipapaalam sa kanila ang kanyang pangalan lalo na’t ngayon lang siya nakarating sa lugar na ito! Nakaramdam ng kabiguan si Johny nang marinig niya iyon. Gayunpaman, alam niyang hindi makakalaban ang kanyang mga tauhan laban kay Gerald. Naniniwala si Johny sa pamilyar na kasabigan na, ‘Ang isang matalinong tao ay hindi kailanman makikipaglaban sa iba kapag ang mga posibilidad ay malinaw laban sa kanya.’ Sumigaw si Johnny nang marinig niya iyon, “Mga lalaki! Retreat!” Sumunod ang apat na lalaki nang marinig nila iyon at mabilis silang tumakas kasama si Johnny... Nang mawala na ang mga lalaking iyon, naglakad si Gerald papunta kay Zianne at tinulungan siyang tu
Sinabi ni Gerald ang problema tungkol sa kanyang damit kay Zianne at agad siya nitong binilhan ng mga bagong damit sa bayan... Mabuti na lang at nang suotin ni Gerald ang damit, tumingin siya sa labas at nakita niyang pareho ang kanyang itsura sa mga naninirahan sa Autremonde Realm. Sinamantala ni Gerald ang pagkakataong magtanong nang makasama niya si Zianne, “Anong mga suplies ang kailangan mong bilhin, Miss Landus?” "Oh, nandito ako para kumuha ng mga medicinal herbs para sa aking master!" nakangiting sinabi ni Zianne. Tumango si Gerald at tumahimik ng saglit si Zianne bago niya sinabi, “Bakit hindi mo ako samahan na tapusin ang errand na ito, Warrior Crawford? Kailangan ko pang magpasalamat ng maayos sa pagligtas sa buhay ko kanina! Sinong nakakaalam kung ano ang gagawin sa akin ng mga b*stard na iyon kung hindi ka sumugod para tulungan ako!" Alam ni Gerald na sinusubukan lamang niyang pahalagahan ang kanyang kagandahang loob, pero hindi niya maiwasang magtanong na may pa
Hindi man lang hinintay na sumagot si Ziane, mabilis na nagsalita ang isa pang disciple, “Nakalimutan mo na ba ang mga rules ng sect? Paulit-ulit na sinabi sa atin ni Master na hindi tayo pwedeng magdala ng mga otsuder sa abbey, lalo na ang mga lalaki! Isang paglabag sa rules ang kasalukuyan mong ginagawa, ate! Siguradong mapaparusahan ka kapag dinala mo siya!" Bilang head disciple ng Purplefog Abbey, medyo mataas ang reputasyon ni Zianne sa sect. Idol rin siya ng marami sa mga disciple ng sect. Dahil doon, ang dalawang babae ay lumapit dahil sa pag-aalala. Naintindihan naman ni Zianne na mabuti lang ang ibig nilang sabihin, kaya mahinahon siyang nagpaliwanag, “Hindi siya isang outsider... Siya ang nagligtas sa akin! Para sa kaalaman ninyong dalawa, paniguradong patay na ako kung hindi niya ako tinulungan!" Nang marinig iyon, ang dalawang babae ay nasa gitna ng isang problema... Nang makita iyon ay idinagdag ni Zianne, “Huwag kayong mag-alala! Ipapaliwanag ko ang lahat ng ito s
“Bullsh*t! Ang mga lalaki ay hindi mapagkakatiwalaan at silang lahat ay dapat lang mamatay! At saka, sa tingin mo ba pwede kang umalis at bumalik kahit kailan mo gusto?" sabi ni Yoona habang nakatitig sa kanya at inilalabas ang kanyang blade! Tumalon siya ng napakabilis at pagkatapos ay itinutok ni Yoona ang kanyang talim sa dibdib ni Gerald! Agad na itinulak ni Zianne si Gerald nang makita niya iyon habang sumisigaw ng, “Umiwas ka!” Madaling naiwasan ni Gerald ang atake ni Yoona dahil hindi naman siya kasing-lakas ni Gerald. Ang nakita niya na lamang ay ang paglabas ni Zianne ng sarili niyang espada at binangga ito sa espada ng kanyang junior! Kasunod nito ay nagsimula ang isang swordfight sa pagitan ng dalawang babae... Gayunpaman, nahulog sa lupa si Zianne nang sipain siya ni Yoona sa tiyan! Tinakpan ni Zianne ang kanyang tiyan sa sobrang sakit at dito sinamantala ni Yoona ang pagkakataong ngumisi, “Hah! Kailan ka naging mahina, ate? Siguro nawala ka na sa sarili ngayong m
Napahinto si Fayth sa kanyang narinig bago niya sinabing, “...Elaborate.” “Habang papunta siya sa Heavenstar Town para kumuha ng mga halamang gamot, siya ay sinugod ng ilang mga lalaki mula sa Whitehaar Abbey! Kung hindi ako sumugod para iligtas siya, matatanggap ng iyong sect ang balita tungkol sa inyong namatay sa head disciple!" paliwanag ni Gerald. Nanlaki ang mga mata ni Fayth nang lumingon siya para tingnan si Zianne bago nagtanong, "Nagsasabi ba siya ng totoo?" “Oo, totoo ang sinasabi niya! Ang mga salarin ay si Johnny at apat sa kanyang mga kaibigan sa Whitehaar Abbey! Kung kailangan mo ng ebidensya, tingnan mo lang ang mga sugat na ginawa nila sa akin! Ako ang nag-imbita kay Warrior Crawford na pumunta dito upang ipakita ang aking pagpapahalaga sa kanyang pagligtas sa akin! Alam kong mali ang ginawa ko, kaya parusahan mo ako kung kailangan mo!" sagot ni Zianne. Kumalma si Fayth nang marinig niya iyon bago siya lumapit kay Zianne at tinulungan itong tumayo... Tumaliko