Bumalik si Gerald sa kanyang upuan habang sinisimulang i-set muli ng matandang mag-asawa ang kanilang stall. Nang umupo si Gerald, hindi napigilan ni Raine sa purihin siya, “Ang galing-galing mo kanina, senior!” Pakiramdam ni Raine na kayang bugbugin ni Gerald ang napakaraming tao sa loob lamang ng maikling panahon. Natawa si Gerald saka mapagpakumbabang sumagot, “Wala iyon, mahina lang talaga ang mga loko na iyon!" Alam ni Raine na sinusubukan lang maging mapagpakumbaba ni Gerald dahil nakita niya mismo na hindi mahihina ang mga lalaking iyon. Gayunpaman, hindi man lang nila maingat ang daliri nila para labanan si Gerald! Pero hindi ito nakakagulat. Kung tutuusin, kahit ang isang expert sa Taekwondo na si Yash, ay hindi nakayanan si Gerald! Mga sampung minuto ang lumipas nang maghain ang matandang babae ng isang malaking plato ng pagkain sa harap nila Gerald at Raine… Ngumiti ang matanda habang nakatingin siya sa dalawa at sinabi niya, “Order up! Freshly roasted ang mga it
"Anong sinasabi mo, mama...?" nahihiyang bumulong si Yusra. Hindi maniniwala ang kanyang nanay sa kasinungalingan niya! Umiling ang babae bago tumingin ang babae sa kanyang anak at sinabing, “Hindi ko na kailangang ipaalala sayo na ang pangunahing pinagtutuunan mo ng pansin ngayon ay ang iyong pag-aaral... Kahit na ganoon, wala akong problema sa pakikipagrelasyon mo sa iba basta mabait sayo ang partner mo…” Tumango lang si Yusra nang marinig iyon. Alam niya sa kanyang sarili na crush na niya si Gerald. Kung tutuusin, naiiba siya sa lahat ng iba pang lalaking nakilala niya dati, dahil si Gerald binibigyan siya ng pakiramdam ng seguridad na nagpapagaan sa kanyang puso... Kung magkakaroon man siya ng pagkakataon, umaasa si Yusra na makilala niya muli si Gerald. Magiging masaya siya na makausap siya ng isa-isa... ‘Darating kaya ang pagkakataon na iyon…’ naisip ni Yusra sa kanyang sarili... Kasalukuyan naman kay Gerald, umalis na siya pagkatapos niyang ihatid si Raine sa kanyang v
Pilit na ngumiti si Gerald bago niya sinabi, "Mag-usap tayo sa itaas..." Mabilis na sumunod sila Zachariah at Natallie nang makita nilang naglalakad ito palayo... Pagkatapos umakyat sa itaas, ang tatlo ay nakarating na sa opisina ni Gerald... Pagpasok nila, sinenyasan ni Gerald si Zachariah na maupo habang sinasabi, “Umupo ka muna, Chairman Kershaw. Natallie, pakihain ang tsaa sa kanila!" "Masusunod, Chairman Crawford!" sagot ni Natallie sabay tango bago siya lumabas ng kwarto... Ngayong dalawa na lang sila, tumahimik ng saglit si Gerald bago niya sinabing, “Hindi mo na kailangang manghingi ng tawad, Chairman Kershaw. Wala namang kinalaman sayo ang pangyayari kahapon." Nabigla si Zachariah nang marinig iyon. Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok kay Gerald para sabihin iyon. Nagsimula siyang mag-panic nang sabihin niya, "Ch-Chairman Crawford... Anong ibig sabihin-" Hindi napigilan ni Gerald na tumawa nang makita niyang nagpa-panic si Zachariah at doon naantala ang mga
Dahil magka-collaborate na sila, ang pinakamalaking project ang habol talaga ni Gerald. Ano pang silbi ng collaboration na ito kung hindi iyon ang kanyang habol? Sumagot si Zachariah nang marinig niya iyon, “Swerte ka, Chairman Crawford. Meron akong napakagandang development at construction project sa paligid ng sea area ng Schywater City." Naging interested si Gerald sa sinabi ni Zachariah, kaya nagtanong pa siya, "Ang pinag-uusapan mo ba ay ang tungkol sa development sa commercial place sa paligid ng dagat ng city?" Tumango si Zachariah saka siya ngumiti bago sumagot, “Iyon nga. Nakita kong narinig mo na ang tungkol sa project na ito, Chairman Crawford!" “Hindi ko itatanggi na matagal ko nang binabantayan ang lugar na iyon. Hmm... Bakit hindi na lang ganito ang gawin natin, Chairman Kershaw? Para sa lugar na iyon, pinaplano kong makipag-collaborate ang grupo ko sa pamamagitan ng pag-occupy ng malaking bahagi at pagsasagawa ng construction kasama ng iyong grupo. Sa palagay ko
“Salamat, Natallie,” sagot ni Gerald na may pasasalamat sa kanyang pananalita habang nakangiting pabalik kay Natallie bago siya umalis. Sinuri ni Gerald ang kontrata na ibinigay sa kanya... at nang matapos na siya, ibinigay niya ito kay Zachariah. "Tingnan mo ang kontrata, Chairman Kershaw, at sabihin mo sa akin kung mayroong anumang bagay na hindi ka satisfied sa nilalaman nito. Bukas din ako sa mga karagdagang kondisyon o kahilingan, kung mayroon ka man nito. Magbe-benefit ang ating mga kumpanya sa project na ito,” kalmadong sinabi ni Gerald. Una sa lahat, alam ni Gerald na kailangan niyang ipakita ang kanyang sincerity at paggalang kay Zachariah, para gumana ng maayos ang collaboration, sa halip na ipakita ang kanyang agresibong harapan. Pagkatapos ng lahat, hindi naman isang maliit o ordinaryong tao si Zachariah. Siya ay isang chairman din at iyon ay nagbibigay sa kanya ng karapatang igalang siya ni Gerald. Pagkatapos niyang maingat na basahin ang kontrata, tumango si Zacha
Maya-maya pa, lumabas ng opisina si Natallie at naiwan si Gerald ng mag-isa doon... Tumingala siya at biglang napangiti si Gerald habang iniisip kung gaano kabilis ang pag-develop ng kanyang mga ari-arian ngayon. Hindi magtatagal ay magiging sa kanya na ang lahat... Kapag nangyari iyon, magtatatag siya ng bagong business empire para sa Crawford Family at iyon ang pangunahing layunin niya ngayon... Mula nang bumagsak ang kanyang pamilya, lahat ng dating pag-aari ng kanyang pamilya ay tuluyan nang nawala. Dahil doon, gusto ni Gerald na bawiin ang lahat ng dating pagmamay-ari ng kanyang pamilya... Pagsapit ng gabi, makikita si Gerald na pumasok sa kanyang study room sa kanyang villa… Kinuha niya ang isang kahon na natatakpan ng alikabok mula sa isang mataas na shelf at tinitigan ito ni Gerald ng sandali. Ibinalik niya ang kahon mula sa lumang bahay ng kanyang pamilya at nanatili itong hindi nakabukas hanggang sa araw na ito. Gusto niya itong panatilihin kaya niya ito dinala dito
Maingat niyang ipinagpatuloy ang pagbabasa sa notebook, hindi nagtagal ay napagtanto ni Gerald kung para saan ito. Ginamit ng kanyang lolo ang notebook para i-record ang lahat ng nangyari mula nang maitatag ang pamilyang Crawford. Kasama pa dito ang pagtatatag ng ibang pamilyang Crawford! Habang patuloy siyang nagbabasa, bigla siyang napanganga nang maalala niya ang kanyang pamilya ay naging mga puppet lamang, mga pain na dapat manipulahin ng kanyang lolo… Sa huli, hindi na nabubuhay ang mga dating pamilyang Crawford... Pagmamay-ari na ni Gerald ang lahat ngayon. Napailing si Gerald nang maisip niya ito, pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang pagbuklat ng notebook... at hindi nagtagal ay nanlaki ang kanyang mga mata habang bumubulong, "...Ang... Crawford Inheritance Power...! Ito iyon…!” Lalo siyang naging interesado sa kanyang mga binabasa kaya ipinagpatuloy lang itong basahin ni Gerald. Ang Crawford Inheritance Power ay isang sikreto na itinago ng kanyang pamilya sa loob
Umiling si Gerald, pagkatapos niyang isipin iyon, bago siya nagpatuloy sa pagbabasa; naisip niya kung may paraan ba para makapasok sa Autremonde Realm… Sa kabutihang palad, ang eksaktong paraan ng pagpunta sa lugar na iyon ay nakasulat sa ilang linya sa ibaba. Ang tanging paraan upang makarating doon ay sa pamamagitan ng paghahanap ng isang nakatagong stone monument sa tuktok ng Mount Kenloux. Kahit na nahanap na ito, mabubuksan lamang ang portal sa Autremonde Realm kapag binigkas ang ilang mga spell... Ito ay isang rare spell at limang tao lang ang natuto nito... Natural, isa sa kanila ang 'lolo' ni Gerald. Habang patuloy siyang nagbabasa, nalaman ni Gerald na tatlo sa kanila—hindi kasama ang kanyang ‘lolo’—ay namatay na seventy years ago, na nangangahulugang isa na lang ang nananatiling buhay hanggang ngayon… Ang pangalan ng taong iyon ay Christos Hamilton, ngunit nabasa ni Gerald na iniwan siya sa Dragonott at lumipat sa Rico sa loob ng matagal na panahon... Gayunpaman,