Umiling si Gerald, pagkatapos niyang isipin iyon, bago siya nagpatuloy sa pagbabasa; naisip niya kung may paraan ba para makapasok sa Autremonde Realm… Sa kabutihang palad, ang eksaktong paraan ng pagpunta sa lugar na iyon ay nakasulat sa ilang linya sa ibaba. Ang tanging paraan upang makarating doon ay sa pamamagitan ng paghahanap ng isang nakatagong stone monument sa tuktok ng Mount Kenloux. Kahit na nahanap na ito, mabubuksan lamang ang portal sa Autremonde Realm kapag binigkas ang ilang mga spell... Ito ay isang rare spell at limang tao lang ang natuto nito... Natural, isa sa kanila ang 'lolo' ni Gerald. Habang patuloy siyang nagbabasa, nalaman ni Gerald na tatlo sa kanila—hindi kasama ang kanyang ‘lolo’—ay namatay na seventy years ago, na nangangahulugang isa na lang ang nananatiling buhay hanggang ngayon… Ang pangalan ng taong iyon ay Christos Hamilton, ngunit nabasa ni Gerald na iniwan siya sa Dragonott at lumipat sa Rico sa loob ng matagal na panahon... Gayunpaman,
Habang sinusundan niya ang address sa notebook, nakarating agad si Gerald sa isang grocery store... Sa kanyang pagtataka, ang tindahan ay mukhang wala na sa negosyo sa loob ng maraming taon. Maging ang pinto ng tindahan ay mahigpit na nakasara! Hindi siya sigurado kung ano ang magiging reaksyon niya dito, kaya nagsimulang kumatok si Gerald sa pintuan ng tindahan... ngunit kahit ilang beses na siyang kumatok, wala silang narinig na tunog mula sa loob... Hindi na siya umaasa na may tao sa loob... Aalis na sana ng malungkot si Gerald nang bigla niyang narinig ang kalampag ng bumukas na pinto...! Paglingon ni Gerald, agad niyang nakita na walang nakatayo sa pintuan! Natigilan siya ng sandali, ngunit hindi nag-aksaya ng oras si Gerald at mabilis siyang pumasok sa grocery store... Napakadilim sa loob at maamoy niya ang malakas na amoy na nagmumula sa bawat sulok ng tindahan... Kailangan talaga ng lugar na ito ng maayos na paglilinis... Nauna nang magsalita si Gerald nang hind
Sa totoo lang, hindi makapaniwala si Gerald na ang taong nasa harapan niya ay ang totoong Christos Hamilton... Ayon sa notebook, si Christos ay dating isa sa mga nangungunang figure sa cultivation world. Sa katunayan, malamang ay mas malakas pa siya kaysa sa kanyang 'lolo'! Paano napunta ang isang makapangyarihang pigura sa ganoong kalagayan...? Tumahimik si Gerald sa harapan niya bago maingat na nagtanong, "...Ikaw ba si… Senior Christos...?" Nang marinig iyon, dahan-dahang itinaas ni Christos ang kanyang ulo para tingnan si Gerald... Hindi niya masyadong maaninag ng malinaw ang mukha ng matanda dahil natatakpan ng kanyang magulong buhok ang kalahati ng kanyang mukha... “…Sinabi mo ba na ikaw ay isang descendant ng pamilyang Crawford? Sino si Daryl Bodach sa iyo?” kalmadong tinanong ni Christos. “Daryl... Bodach?” naguguluhang tinanong ni Gerald, ngunit mabilis niyang napagtanto na malamang ang tinutukoy ni Christos ay ang kanyang 'lolo'. Nakakatawang isipin na iyon ang
“…Namatay na ang lolo ko, at wala na ang pamilyang Crawford… Dahil doon ay nandito lang ako sa ngalan ko at hindi sa ngalan ng pamilya ko. May gusto akong tanungin sayo kaya ako nandito... Talaga bang alam mo na kung paano ma-access ang Autremonde Realm...?" tanong ni Gerald. Natahimik si Christos nang marinig niya iyon. Tinitigan niya ng maingat si Gerald bago siya malamig na nagtanong, “… Ano naman sayo kung alam ko?” "Kung okay lang sayo, gusto ko malaman ang tungkol sa lugar na iyon. Nalaman ko ang tungkol sa Autremonde Realm pagkatapos kong basahin ito sa isang lumang notebook ng pamilya namin. Nakasaad din sa notebook na nakapunta ka na doon!" sagot ni Gerald. “...Bata, pasensya na pero wala akong masabi sayo tungkol sa lugar na iyon! Kung wala nang iba, umalis ka na!" sigaw ni Christos, desidido siyang tumanggi sa kanyang kahilingan. Parang nawalan ng lakas si Gerald nang marinig niya iyon. Gayunpaman, doon niya napansin na may nangyaring masama kay Christos sa lugar na
Tinitigan ni Christos si Gerald nang matagal at napabuntong-hininga siya bago niya kinuha ang beer can na iniabot sa kanya ni Gerald. Humigop ng kaunti si Christos bago niya sinabi, “...Ibang-iba ka kay Daryl, alam mo iyon? Hindi mo talaga siya kamukha at hindi ko naramdaman na apo ka niya! Noon pa man ay isa na siyang calculative na tao, pero kahit na iyon ay hindi makakatulong sa kanya na makatakas sa kamatayan!" Napansin ni Gerald na bias si Christos sa kanyang 'lolo', kaya nagpasya siya baguhin ang paksa sa pamamagitan ng pagtatanong, "Senior Christos, pwede... mo bang sa akin kung ano ang alam mo tungkol sa Autremonde Realm...? Anong klaseng lugar ito...?" Naramdaman na ni Christos na babalik ang katanungan na iyon, kaya napabuntong-hininga na lang si Christos habang sumasagot, “Bata, sabihin mo sa akin kung bakit curious ka sa Autremonde Realm... Intensyon mo ba talagang pumunta doon... ?” “Opo, senior Christos! Gusto kong makuha ang Crawford Inheritance Power!" sabi ni G
Bumuntong-hininga si Christos pagkatapos niyang sabihin iyon, bago niya inilipat ang kanyang buhok sa gilid at ipinakita ang kanyang sunog na mukha… Maliban sa makikitid na hiwa ng kanyang mga mata at ang kanyang misshapen na ilong at bibig, ang ibang natira sa kanyang mukha ay tuluyan nang nasunog. Natural lamang na mabigla si Gerald nang makita niya ito. Pagkatapos ng lahat, kahit ang isang makapangyarihang taong tulad ni Christos ay nakarating na sa Autremonde Realm... at doon pa lamang ay masasabi mo nang mapanganib ang lugar na iyon. Pagkatapos nito ay nagpatuloy si Christos sa seryosong tono, "Pinapayuhan kita na huwag kang kumuha ng anumang karagdagang impormasyon tungkol sa Autremonde Realm. Kalimutan mo na lang ang inheritance power at mamuhay nang maayos... Kung hindi, mangyayari sayo ang nangyari sa akin!" Alam ni Gerald na mabuti ang ibig sabihin ni Christos sa kanyang mga sinasabi, ngunit hindi niya gagawin ang sinabi ng matanda. Pagkatapos nito ay lumuhod si Ger
Ilang segundo lang ang lumipas nang maging seryoso ang itsura nina Gerald at Christos. Naramdaman nila na may naghahangad na pumatay sa kanila na lumalapit sa kanila sa bawat segundo mula sa labas! “…Mukhang nasundan ka, bata! Marami ka bang kaaway?" reklamo ni Christos. Ilang dekada nang nakatira dito si Christos kaya imposible na masundan siya ng mga kaaway. Doon pa lang ay alam na ni Gerald na sinundan siya ng kanyang mga kaaway... Hindi niya inasahan na ang balita tungkol sa pagdating niya sa Rico ay kakalat nang napakabilis... Hindi niya inakala na susundan siya ng napakaaga! Minamanmanan ba siya ng kanyang mga kaaway mula pa kanina...? Napayuko na lamang si Gerald sa sobrang hiiya habang sinasabing, “Pasensya na sa abala, senior Christos...! Hayaan mo muna akong harapin sila!" Pagkatapos nito ay lumabas siya ng grocery store at tumayo sa may pintuan... Gabi at medyo madilim na sa labas sa oras na iyon. Walang alinlangan na nakakatakot ang pakiramdam sa paligid dahil
May kalakasan ang mga kalalakihang ito, pero para kay Gerald, hindi nila kayang kalabanin ang taong tulad niya. Bago pa sila makagalaw, isang malabong figure ang biglang lumabas sa grocery! Huminto ito sa harap mismo ni Gerald at ang figure na ito ay nagpakawala ng shockwave mula sa kanyang palad, na nagpalipad sa lahat ng mga lalaking nakaitim! Patay na silang lahat nang tumama ito sa kanila! Ang malabong figure na tinutukoy ay si Christos at ang kanyang kapangyarihan ay ikinagulat ni Gerald. Ngunit mas nagulat si Gerald sa katotohanan na tinulungan siya ni Christos na patayin ang mga lalaking iyon. Pagkatapos nito ay galit na tiningnan ni Christos si Gerald bago niya sinabi, “Hoy, bakit ka nag-aaksaya ng oras sa mga walang utak na iyon? Hindi ba sinabi mo na kailangan mo ng tulong ko para pumunta sa Autremonde Realm? Umalis na tayo!" Tama lang na mapahiya si Gerald nang mapagtanto niya iyon. Kung tutuusin, kaya niyang patumbahin agad ang mga lalaking iyon, pero hindi niya