Hindi lang ang mga gangster ang nagulat. Nalaglag rin ang mga panga ng lahat ng mga manonood! Gusto ba talagang mamatay ni Gerald? Bakit siya nakikialam sa away nila ng walang magandang dahilan?! Nagulat si Raine kaya nanatili siyang tahimik, naramdaman niya na siya ay isang mabuting tao talaga. Kung tutuusin, walang pakialam ang ibang tao sa nangyari at wala ni isa sa kanila ang nangahas na lumapit para pigilan ang mga hooligan na iyon... Pero hindi naman sila masisisi. Kung tutuusin, ang kalbong iyon at ang iba pang mga gangster ay masyadong mapanganib at nakakatakot. Kahit sino ay hindi maghahangad na makipaglaban sa kanila... Si Gerald naman ay hindi takot sa kanila. Kung tutuusin, sila ay walang iba kundi mga langgam sa kanya. At saka, mahilig si Gerald na tumulong sa kapwa, kaya sino pa ba ang papalit sa kanya bilang white knight sa ganoong sitwasyon? Gusto rin niyang gamitin ang pagkakataong ito para matulungan ang mabuting pamilyang iyon na hindi na siya pinabayad
Ang kalbong lalaki ay natulala nang makita niya ang nakakatakot na kalagayan ng lahat ng kanyang mga tauhan pagkatapos niyang tumingin sa mga mata ni Gerald. Hindi na niya kayang ipagpatuloy ang laban... Si Gerald ay nagsimulang maglakad palapit sa kalbong lalaki na nanginginig ang kanyang mga paa sa takot. Para sa kanya, hindi niya kailangang maawa sa mga ganitong klaseng tao. Napalunok ang kalbong lalaki habang pinapanood niyang papalapit sa kanya ang diyos ng kamatayan, kaya nagsimula siyang maglakad pabalik habang siya ay nauutal, "A-anong balak mong gawin sa akin?!" Mapanuksong ngumiti lang si Gerald habang galit niyang sinabi, “Mahalaga ba ito? Gusto mo bang umatras? Anong nangyari sa lahat ng katapangan mo kanina?" Matapos masaksihan ang nakakakilabot na martial arts ni Gerald, hindi maglalakas loob ang kalbong lalaki na lumaban sa kanya! Walang paraan na manalo siya sa laban kay Gerald! Gayunpaman, alam niyang huli na ang lahat para umatras siya! Habang nag-iisip ang
Bumalik si Gerald sa kanyang upuan habang sinisimulang i-set muli ng matandang mag-asawa ang kanilang stall. Nang umupo si Gerald, hindi napigilan ni Raine sa purihin siya, “Ang galing-galing mo kanina, senior!” Pakiramdam ni Raine na kayang bugbugin ni Gerald ang napakaraming tao sa loob lamang ng maikling panahon. Natawa si Gerald saka mapagpakumbabang sumagot, “Wala iyon, mahina lang talaga ang mga loko na iyon!" Alam ni Raine na sinusubukan lang maging mapagpakumbaba ni Gerald dahil nakita niya mismo na hindi mahihina ang mga lalaking iyon. Gayunpaman, hindi man lang nila maingat ang daliri nila para labanan si Gerald! Pero hindi ito nakakagulat. Kung tutuusin, kahit ang isang expert sa Taekwondo na si Yash, ay hindi nakayanan si Gerald! Mga sampung minuto ang lumipas nang maghain ang matandang babae ng isang malaking plato ng pagkain sa harap nila Gerald at Raine… Ngumiti ang matanda habang nakatingin siya sa dalawa at sinabi niya, “Order up! Freshly roasted ang mga it
"Anong sinasabi mo, mama...?" nahihiyang bumulong si Yusra. Hindi maniniwala ang kanyang nanay sa kasinungalingan niya! Umiling ang babae bago tumingin ang babae sa kanyang anak at sinabing, “Hindi ko na kailangang ipaalala sayo na ang pangunahing pinagtutuunan mo ng pansin ngayon ay ang iyong pag-aaral... Kahit na ganoon, wala akong problema sa pakikipagrelasyon mo sa iba basta mabait sayo ang partner mo…” Tumango lang si Yusra nang marinig iyon. Alam niya sa kanyang sarili na crush na niya si Gerald. Kung tutuusin, naiiba siya sa lahat ng iba pang lalaking nakilala niya dati, dahil si Gerald binibigyan siya ng pakiramdam ng seguridad na nagpapagaan sa kanyang puso... Kung magkakaroon man siya ng pagkakataon, umaasa si Yusra na makilala niya muli si Gerald. Magiging masaya siya na makausap siya ng isa-isa... ‘Darating kaya ang pagkakataon na iyon…’ naisip ni Yusra sa kanyang sarili... Kasalukuyan naman kay Gerald, umalis na siya pagkatapos niyang ihatid si Raine sa kanyang v
Pilit na ngumiti si Gerald bago niya sinabi, "Mag-usap tayo sa itaas..." Mabilis na sumunod sila Zachariah at Natallie nang makita nilang naglalakad ito palayo... Pagkatapos umakyat sa itaas, ang tatlo ay nakarating na sa opisina ni Gerald... Pagpasok nila, sinenyasan ni Gerald si Zachariah na maupo habang sinasabi, “Umupo ka muna, Chairman Kershaw. Natallie, pakihain ang tsaa sa kanila!" "Masusunod, Chairman Crawford!" sagot ni Natallie sabay tango bago siya lumabas ng kwarto... Ngayong dalawa na lang sila, tumahimik ng saglit si Gerald bago niya sinabing, “Hindi mo na kailangang manghingi ng tawad, Chairman Kershaw. Wala namang kinalaman sayo ang pangyayari kahapon." Nabigla si Zachariah nang marinig iyon. Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok kay Gerald para sabihin iyon. Nagsimula siyang mag-panic nang sabihin niya, "Ch-Chairman Crawford... Anong ibig sabihin-" Hindi napigilan ni Gerald na tumawa nang makita niyang nagpa-panic si Zachariah at doon naantala ang mga
Dahil magka-collaborate na sila, ang pinakamalaking project ang habol talaga ni Gerald. Ano pang silbi ng collaboration na ito kung hindi iyon ang kanyang habol? Sumagot si Zachariah nang marinig niya iyon, “Swerte ka, Chairman Crawford. Meron akong napakagandang development at construction project sa paligid ng sea area ng Schywater City." Naging interested si Gerald sa sinabi ni Zachariah, kaya nagtanong pa siya, "Ang pinag-uusapan mo ba ay ang tungkol sa development sa commercial place sa paligid ng dagat ng city?" Tumango si Zachariah saka siya ngumiti bago sumagot, “Iyon nga. Nakita kong narinig mo na ang tungkol sa project na ito, Chairman Crawford!" “Hindi ko itatanggi na matagal ko nang binabantayan ang lugar na iyon. Hmm... Bakit hindi na lang ganito ang gawin natin, Chairman Kershaw? Para sa lugar na iyon, pinaplano kong makipag-collaborate ang grupo ko sa pamamagitan ng pag-occupy ng malaking bahagi at pagsasagawa ng construction kasama ng iyong grupo. Sa palagay ko
“Salamat, Natallie,” sagot ni Gerald na may pasasalamat sa kanyang pananalita habang nakangiting pabalik kay Natallie bago siya umalis. Sinuri ni Gerald ang kontrata na ibinigay sa kanya... at nang matapos na siya, ibinigay niya ito kay Zachariah. "Tingnan mo ang kontrata, Chairman Kershaw, at sabihin mo sa akin kung mayroong anumang bagay na hindi ka satisfied sa nilalaman nito. Bukas din ako sa mga karagdagang kondisyon o kahilingan, kung mayroon ka man nito. Magbe-benefit ang ating mga kumpanya sa project na ito,” kalmadong sinabi ni Gerald. Una sa lahat, alam ni Gerald na kailangan niyang ipakita ang kanyang sincerity at paggalang kay Zachariah, para gumana ng maayos ang collaboration, sa halip na ipakita ang kanyang agresibong harapan. Pagkatapos ng lahat, hindi naman isang maliit o ordinaryong tao si Zachariah. Siya ay isang chairman din at iyon ay nagbibigay sa kanya ng karapatang igalang siya ni Gerald. Pagkatapos niyang maingat na basahin ang kontrata, tumango si Zacha
Maya-maya pa, lumabas ng opisina si Natallie at naiwan si Gerald ng mag-isa doon... Tumingala siya at biglang napangiti si Gerald habang iniisip kung gaano kabilis ang pag-develop ng kanyang mga ari-arian ngayon. Hindi magtatagal ay magiging sa kanya na ang lahat... Kapag nangyari iyon, magtatatag siya ng bagong business empire para sa Crawford Family at iyon ang pangunahing layunin niya ngayon... Mula nang bumagsak ang kanyang pamilya, lahat ng dating pag-aari ng kanyang pamilya ay tuluyan nang nawala. Dahil doon, gusto ni Gerald na bawiin ang lahat ng dating pagmamay-ari ng kanyang pamilya... Pagsapit ng gabi, makikita si Gerald na pumasok sa kanyang study room sa kanyang villa… Kinuha niya ang isang kahon na natatakpan ng alikabok mula sa isang mataas na shelf at tinitigan ito ni Gerald ng sandali. Ibinalik niya ang kahon mula sa lumang bahay ng kanyang pamilya at nanatili itong hindi nakabukas hanggang sa araw na ito. Gusto niya itong panatilihin kaya niya ito dinala dito