"Makinig ka! Malapit nang dumating ang asawa ko kaya huwag kang tumakbo!" Ipinakita ni Gerald ang isang tusong ngiti habang sinasabi, “Huwag kang mag-alala! Hindi kami aalis dito hangga’t hindi siya nakakarating! Sana lang ay hindi ka magsisi sa ginawa mo!" Naisip ni Zuri na masyado lang itong nagmamayabang kaya hindi niya ito pinansin. Pagkatapos nito ay humarap si Gerald kay Natallie at sinabi, “Dalhin mo muna si Earla sa washroom.” Tumango naman si Natallie bago niya ginawa ang sinabi sa kanya. Si Gerald naman ay bumalik na lang sa bench na kanina niyang inuupuan at umupo doon para maghintay, malakas ang loob niyang walang mangyayaring masama sa kanila. Napaisip tuloy siya kung manghihingi ng tawad ang dalawa kapag nalaman nila kung sino siya. Kung gagawin nila ito, sasabihin lang niya sa kanila na magmakaawa sa kanyang harapan at doon niya palalayain ang dalawa. Walang magbabago kahit pa gawin nila iyon. Pagkatapos ng lahat, binigyan niya ng pagkakataon si Zuri pero sin
Nang marinig iyon, naintindihan agad ni Zachariah na sinusubukang sabihin ni Gerald na hindi niya pinangaralan ng maayos ang kanyang asawa. Dahil doon ay tinitigan niya ng masama si Zuri bago siya sumigaw, "Napaka-b*bo mo talaga...! Bilisan mo at humingi ng tawad kay Chairman Crawford!” Nang marinig iyon ay bumilis ang tibok ng puso ni Zuri. Kung tutuusin, hindi sumagi sa isip niya na ang nakaaway niya ay walang iba kundi ang chairman ng Yonjour Group...! Alam niyang malala ang kanyang ginawa ngayon, kaya nawala ang pagmamayabang ni Zuri habang bumubulong siya sa magalang na pamamaraan, "Pa-Pasensya na, Chairman Crawford...! Napaka-bulag ko para hindi ko makilala kung sino ka...! Patawarin mo ako…!" Hindi agad tatanggapin ni Gerald ang kanyang apology.Sa katunayan, hindi man lang siya tumingin dito at hindi niya pinansin ang ignorante na babae habang sinasabi niya, “Nagawa mo na ang pagkakamali mo kaya kailangan mong maparusahan para dito. Mukhang mas matino ka kaysa sa loko
Nang makita iyon ay mabilis na tumakbo si Zuri kay Zachariah. Totoo na si Zachariah ay hindi kasing yaman o makapangyarihan gaya ni Gerald, kahit papaano ay nabibigyan pa rin siya nito ng mayaman at komportableng buhay, at kontento na siya sa ganoong buhay. Lahat ng iyon ay mawawala kung hihiwalayan siya ng lalaking ito...! Hindi niya hahayaang mangyari iyon...! Napailing na lamang si Gerald nang makita niyang tumatakbo si Zuri papunta kay Zachariah. Nakakaawa talaga ang taong ito... Kahit pa mayaman o prestigious ang isang tao, mamaliitin sila hangga’t wala silang maayos na ugali... Sinisiguro ni Gerald na parati niyang gagawin ang mga sinasabi niya. Kapag kausap niya ang ibang tao, kailangan niyang manatiling kalmado at umiwas sa masasamang pakana, kahit pa laban sa mga gumagawa ng tapat na trabaho. Sa katunayan, maraming humanga at tumaas ang tingin sa kanya dahil sa pag-manage niya sa Yonjour Group. Para kay Gerald, ito ang dahilan kung bakit mas matagumpay ang ilang tao
Tumango si Gerald saka siya pumasok sa villa kasama si Raine… Biglang sumigaw si Raine nang makapasok sila, “Ma? Pa? Nandito si Gerald!" Nang marinig iyon, biglang sumigaw si Dexter habang kasama niya si Yollande sa sopa, “Oh? Nakakagulat na pumunta ka dito, Gerald!” “Oo nga!” dagdag ni Yollande habang nakaharap kay Gerald na may malawak na ngiti sa kanyang labi. Natutuwa si Gerald nang makita niyang ganado sila, kaya ngumiti siya bago sumagot, “Naisipan ko lang na pumunta ako dito para kumustahin kayo. So... nasasanay na ba kayong tumira dito?" “Oo naman! Imposibleng hindi kami magiging komportable ngayong binigyan mo kami ng napakagandang villa! Naalala mo pa kami kaya pumunta ka dito para lang kumustahin kami!" sabi ni Yollande na puno ng papuri kay Gerald. Kung tutuusin, ibinigay ni Gerald ang kailangan nila sa pinakamababang punto ng kanilang buhay. Ito ang tanging paraan na alam nila kung paano magpasalamat sa kanya... "Natutuwa ako na marinig iyan! Kumusta ang reco
Natuwa si Gerald nang marinig niya iyon at doon siya nagpaliwanag, “Huwag kang mag-alala dahil hindi ito isang nakakapagod na trabaho, sir! Ang trabaho mo lang ay i-manage ang ilang bagay. Ang sweldo mo ay one thousand five hundred dollars kada buwan. Ano sa tingin mo?” “One thousand five-hundred dollars?! Napakataas ng sweldo na iyon! Se-seryoso ka ba diyan, Gerald...?” sigaw ni Yollande bago pa man makapagsalita si Dexter. Kung tutuusin, saan pa sila makakahanap ng mataas na trabaho na may mga qualification ni Dexter? “Oo naman! Naghahanap ka ng trabaho at naghahanap rin ako ng tao, kaya bakit hindi ka na lang magtrabaho sa akin?" sabi ni Gerald. Sa totoo lang, hindi naman talaga kailangan ni Gerald ng taong papasok sa posisyong iyon. Ginawa lang niya ito para lang makatulong kay Dexter. “Ah… kung sa tingin mo ay sapat ang aking kakayahan, wala akong problema dito! Please, ipasok mo ako!” sagot ni Dexter, ayaw niya talagang palampasin ang pagkakataon na kumita ng monthly sa
Ang stall na pinili nina Gerald at Raine na kainan ay itinatag ng isang matandang mag-asawa. Nag-order agad si Gerald nang makaupo sila, “Boss!” Isang matandang babae ang mabilis na lumapit sa kanilang mesa nang marinig iyon at inabutan sila ng mga menu habang sinasabi, "Hello! Tingnan niyo kung ano ang gusto niyong kainin!" Sinimulang suriin ng dalawa ang kanilang mga menu nang marinig iyon... Ito ang unang beses na kumain si Raine sa night market. Dahil doon ay nabigla siya sa napakaraming mga opsyon sa menu. Si Gerald naman ay regular na sa pag-order ng mga pagkain sa night market. Kaya hindi nagtagal bago siya nagtaas ng kamay at sinabing, “Boss! Gusto kong magkaroon ng twenty mutton kebab, isang plato ng fried noodles, isang inihaw na isda, isang plate ng chicken wings…” Nang matapos ang order list ni Gerald, nakatitig lang sa kanya si Raine dahil nagulat ito sa kanya. Napakaraming pagkain...! Humarap si Gerald sa kanya at sinabi, “Anong order mo, Raine? Huwag kang m
Nang tumingin sila sa pinanggalingan ng ingay, sinalubong agad sina Gerald at Raine ng dalawang grupo ng tao na may hawak na iba’t ibang klase ng armas habang sila ay naglalakad patungo sa isa’t isa, puno ng paninindak ang kanilang mga itsura. Maliwanag na magsisimula na ang away ng dalawang grupo...! Nakita ng mga may-ari ng stall at mga customer na ito ay isang malalang sitwasyon, kaya sinimulan agad nilang mag-impake at tumakas para hindi sila madawit sa kanilang away. Maging ang matandang mag-asawa at ang kanilang anak na babae ay nataranta, at nasa kalagitnaan na sila ng pag-iimpake ng kanilang stall nang tumingin sa kanila sila Gerald at Raine. Nakataas ang isang kilay ni Gerald nang maudyukan siyang magtanong, "Sino ang mga taong iyon, boss?" Mabilis na sumagot ang matandang babae nang marinig iyon, “Mga gangster sila sa lugar na ito at wala silang pakialam sa buhay ng iba kapag nagsimula ang kanilang away! Para sa iyong kaalaman, may mga taong nadawit sa gulo nila noong
Hindi lang ang mga gangster ang nagulat. Nalaglag rin ang mga panga ng lahat ng mga manonood! Gusto ba talagang mamatay ni Gerald? Bakit siya nakikialam sa away nila ng walang magandang dahilan?! Nagulat si Raine kaya nanatili siyang tahimik, naramdaman niya na siya ay isang mabuting tao talaga. Kung tutuusin, walang pakialam ang ibang tao sa nangyari at wala ni isa sa kanila ang nangahas na lumapit para pigilan ang mga hooligan na iyon... Pero hindi naman sila masisisi. Kung tutuusin, ang kalbong iyon at ang iba pang mga gangster ay masyadong mapanganib at nakakatakot. Kahit sino ay hindi maghahangad na makipaglaban sa kanila... Si Gerald naman ay hindi takot sa kanila. Kung tutuusin, sila ay walang iba kundi mga langgam sa kanya. At saka, mahilig si Gerald na tumulong sa kapwa, kaya sino pa ba ang papalit sa kanya bilang white knight sa ganoong sitwasyon? Gusto rin niyang gamitin ang pagkakataong ito para matulungan ang mabuting pamilyang iyon na hindi na siya pinabayad