“Masaya ako na nagustuhan niyo ang bahay…. Oo nga pala, nabili ko na ang Schywater University. Naisip ko lang kung gusto mo itong malaman,” sagot ni Gerald ngunit biglang nasindak si Raine. Seryoso? Binili niya ang university nang basta-basta?! Ito ay isang bagay na si Gerald lang ang nakakagawa... Ikaw pala ang pinakamalaking shareholder ng Schywater University ngayon... Hindi nakakagulat kung bakit hindi ka natatakot sa Famous Four ng Schywater!" sigaw ni Raine habang kinokonekta niya ang mga pangyayari. Kalahati lang sa sinabi ni Raine ang totoo. Kahit na hindi nakuha ni Gerald ang Schywater University, hindi pa rin siya matatakot sa Famour Four na iyon. Para sa kanya, sila ay mga playboy lamang na nananakot sa ibang tao para makakuha ng kapangyarihan. Hangga't hindi niya pro-problemahin ang mga ito at hindi rin siya mag-aabala tungkol sa kanila. Gayunpaman, kung gagawa ng problema ang mga ito sa kanya, papatayin niya lang naman ang kanilang mga pamilya. Kung tutuusin, ala
Pagkatapos ng lahat, alam ng dalawa na sila lang ang pamilya ni Earla. Sino pa ba ang magtatrato ng maayos kay Earla kung hindi sila? Medyo gabi na nang tuluyang humiwalay si Gerald sa dalawang babae at dumiretso ang dalawang babae sa kwarto ni Natallie. Gaya ng ipinangako, natulog si Earla kasama si Natallie, at niyakap siya ng mahigpit nito habang komportable silang natutulog… Binuksan naman ni Gerald ang bote ng alak pagkarating niya sa balcony ng kwarto niya. Nakasandal siya sa kanyang upuan sa damuhan habang umiinom ng alak, nakatitig siya sa magandang kalangitan sa gabi... Gaya ng sinabi nila, ang gabi nga ang pinakamagandang oras para pag-isipan ng mga tao ang kanilang buhay… Nang humigop siya ng alak, naramdaman ni Gerald na immune na siya sa kalasingan. Gayunpaman, nag-enjoy pa rin siya sa kilig sa pag-inom ng alak, kaya ano namang pakialam ng iba? Pagkatapos ng ilang paghigop, biglang naisip ni Gerald ang kanyang ama... Naisip niya ang mukha ng kanyang ama habang
Pagkatapos nito ay lumingon siya kay Natallie at sinabing, "Um... Pwede ba tayong pumunta sa washroom, Miss Moon...?" “Oo sige! Tara!” sagot ni Natallie habang dinadala niya si Earla sa banyo... Nakasunod sa kanila si Gerald hanggang sa makakita siya ng isang bench—na may flower bed sa likod nito— na makikita ang labas ng banyo... Kahit mula sa malayo, nakita ng tatlo na may linya ng mga taong naghihintay na makagamit ng banyo at normal lang naman ito. Madalas talaga na may pumipila sa banyo. Dahil dito ay pumila rin sila Earla at Natallie, halos fifteen minutes bago makapasok ang dalawa sa banyo. Papasok palang sila nang biglang may sumingit na isang babae sa linya at tumayo sa harapan nila! Nang makita iyon, biglang hinawakan ni Natallie ang pulso ng babae bago siya pumasok at sinabing, “Hoy! Teka lang!" Tiningnan sila ng masama ng babae bago siya sumigaw, “Hah! Sa tingin mo ba ay kailangan kong makinig sayo?" Bumuntong-hininga ang babae bago niya hinila ang braso niy
Umiling si Earla bago niya sinabi, “Hindi naman, Mr. Crawford! Napakagaling mo talaga…!” Kanina ay masakit ang pisngi ni Earla, ngunit nawala ang sakit nang hawakan ito ni Gerald. Talagang nakapagtataka ito…! Nakahinga ng maluwag si Gerald nang marinig niya iyon. Muling bumangon si Gerald pagkatapos niya itong pagalingin bago tinitigan ang babaeng kanina pa gumagapang pabalik sa kanyang paanan. Nakatitig sa kanya ang galit na galit na babae habang sumisigaw, "Ikaw...! Bakit mo ako sinaktan...?! Hindi mo ba alam kung sino ako?!" Nang marinig iyon, kinusot-kusot lang ni Gerald ang kanyang mga mata ang kanyang matatalim na tingin na kayang tumusok sa kaluluwa ng isang tao... Hindi niya hahayaan na gawin nito ang gusto niya ngayon...! “Walang kwenta sa akin kung sino ka! Mula lamang sa mga tao ang mga ganyang titulo at malinaw na isa kang hayop para saktan ang isang batang babae sa ganitong paraan!" ganti ni Gerald. “…Oo, tama siya! Sobra ka na sa ginawa mo!" “Kaya nga! Gan
Nagulat si Zuri nang marinig niya iyon. Hindi niya inaasahan na hindi matatakot si Gerald sa pagbabanta niya, ngunit mukhang wala siyang pakialam sa kanyang mataas na posisyon! Hindi ba siya natatakot ng kahit kaunti sa Zacarias Group...? Si Gerald ay naghihintay lang kung tatawagan niya ba talaga ang kanyang asawa Kapag ginawa niya ito, hindi na siya magdadalawang isip na tapusin na ng tuluyan ang Zachariah Group. Sa puntong iyon, wala nang silbi kung magsisisi pa si Zuri sa ginawa niya. Hindi naman hahayaan ni Zuri na pagtawanan at asarin siya kaya sinabi niya, "...Sige ba! Dahil gusto mong hindi na makabalik sa city na ito, sarili mo lang ang dapat mong sisihin sa mangyayari sayo!" Kalmadong nakatingin sila Gerald, Natallie, at Earla habang sinisimulan niyang kunin ang kanyang cellphone. Sa oras na iyon ay napaisip si Gerald, ‘Talagang nanggugulo ka sa amin? Sisiguraduhin namin na matatanggap mo ang nararapat sayo!' Mga sampung segundo ang lumipas nang tuluyang nakonekta ang
"Makinig ka! Malapit nang dumating ang asawa ko kaya huwag kang tumakbo!" Ipinakita ni Gerald ang isang tusong ngiti habang sinasabi, “Huwag kang mag-alala! Hindi kami aalis dito hangga’t hindi siya nakakarating! Sana lang ay hindi ka magsisi sa ginawa mo!" Naisip ni Zuri na masyado lang itong nagmamayabang kaya hindi niya ito pinansin. Pagkatapos nito ay humarap si Gerald kay Natallie at sinabi, “Dalhin mo muna si Earla sa washroom.” Tumango naman si Natallie bago niya ginawa ang sinabi sa kanya. Si Gerald naman ay bumalik na lang sa bench na kanina niyang inuupuan at umupo doon para maghintay, malakas ang loob niyang walang mangyayaring masama sa kanila. Napaisip tuloy siya kung manghihingi ng tawad ang dalawa kapag nalaman nila kung sino siya. Kung gagawin nila ito, sasabihin lang niya sa kanila na magmakaawa sa kanyang harapan at doon niya palalayain ang dalawa. Walang magbabago kahit pa gawin nila iyon. Pagkatapos ng lahat, binigyan niya ng pagkakataon si Zuri pero sin
Nang marinig iyon, naintindihan agad ni Zachariah na sinusubukang sabihin ni Gerald na hindi niya pinangaralan ng maayos ang kanyang asawa. Dahil doon ay tinitigan niya ng masama si Zuri bago siya sumigaw, "Napaka-b*bo mo talaga...! Bilisan mo at humingi ng tawad kay Chairman Crawford!” Nang marinig iyon ay bumilis ang tibok ng puso ni Zuri. Kung tutuusin, hindi sumagi sa isip niya na ang nakaaway niya ay walang iba kundi ang chairman ng Yonjour Group...! Alam niyang malala ang kanyang ginawa ngayon, kaya nawala ang pagmamayabang ni Zuri habang bumubulong siya sa magalang na pamamaraan, "Pa-Pasensya na, Chairman Crawford...! Napaka-bulag ko para hindi ko makilala kung sino ka...! Patawarin mo ako…!" Hindi agad tatanggapin ni Gerald ang kanyang apology.Sa katunayan, hindi man lang siya tumingin dito at hindi niya pinansin ang ignorante na babae habang sinasabi niya, “Nagawa mo na ang pagkakamali mo kaya kailangan mong maparusahan para dito. Mukhang mas matino ka kaysa sa loko
Nang makita iyon ay mabilis na tumakbo si Zuri kay Zachariah. Totoo na si Zachariah ay hindi kasing yaman o makapangyarihan gaya ni Gerald, kahit papaano ay nabibigyan pa rin siya nito ng mayaman at komportableng buhay, at kontento na siya sa ganoong buhay. Lahat ng iyon ay mawawala kung hihiwalayan siya ng lalaking ito...! Hindi niya hahayaang mangyari iyon...! Napailing na lamang si Gerald nang makita niyang tumatakbo si Zuri papunta kay Zachariah. Nakakaawa talaga ang taong ito... Kahit pa mayaman o prestigious ang isang tao, mamaliitin sila hangga’t wala silang maayos na ugali... Sinisiguro ni Gerald na parati niyang gagawin ang mga sinasabi niya. Kapag kausap niya ang ibang tao, kailangan niyang manatiling kalmado at umiwas sa masasamang pakana, kahit pa laban sa mga gumagawa ng tapat na trabaho. Sa katunayan, maraming humanga at tumaas ang tingin sa kanya dahil sa pag-manage niya sa Yonjour Group. Para kay Gerald, ito ang dahilan kung bakit mas matagumpay ang ilang tao