Nagulat ang lahat sa sumunod na nangyari.Hindi namangha si Gerald sa sipa ni Yash Lambo.Sa halip, madali niyang naiwasan ang binti ni Yash kaya tuluyang tumama lamang ito sa lapag.Nabigla si Yash sa nangyari. Hindi niya inaasahan na maiiwasan talaga ni Gerald ang kanyang binti.Napaatras ng isang hakbang si Gerald at nanatiling nakatitig kay Yash.Napakunot ang noo ni Yash at tumingin kay Gerald habang siya ay nakasimangot.Pakiramdam niya ay kinukutya at minamaliit siya ni Gerald.Hindi niya kinalaban si Gerald.Gayunpaman, hindi sumuko si Yash dahil dito. Muli siyang naglunsad ng counter-attack kay Gerald.Sa pagkakataong ito, mas mabangis ang kanyang atake sa pangalawang pagkakataon. Sumugod siya kay Gerald na parang tigre na kakababa lang ng bundok.Inatake ni Yash si Gerald gamit ang napakabilis na moves.Iniwasan lang ni Gerald ang mga attack move ni Yash.Hindi na nanam natamaan ni Yash ang katawan ni Gerald.Hindi man lang niya nadampi ang damit ni Gerald.Nang
Nahihirapang tumayo si Yash sa tulong ni Haydn at ng iba pa dahil nakaramdam siya ng matinding kirot sa kanyang dibdib.“Isang aral ito para sayo. Huwag mong isipin na napakalakas mo. Para sa akin, isang bata ka lang."Tinuro ni Gerald si Yash at binalaan ito.Pagkatapos nito ay pinangunahan ni Gerald si Raine at lumabas ng studio.Hindi naglakas loob si Yash at ang iba pa na pigilan si Gerald. Ayaw nilang matulad sa nangyari kay Yash.Kahit ang mga mula sa taekwondo club ay hindi makalaban kay Gerald, kaya paano pa ang mga normal na tao. Mamamatay lamang sila kung sumugod sila.Pagtingin sa likuran ni Gerald, nakaramdam ng matinding lungkot at galit si Yash.Gayunpaman, hindi niya maipahayag ang kanyang sama ng loob o mailabas ang kanyang galit.Hindi niya hahayaang mangyari ito at hindi niya ito kayang tiisin. Sisiguraduhin niyang si Gerald ay magbabayad sa ginawa niya. Gayunpaman, ang kanyang kilos ay magtutulak sa kanya sa kamatayan.Pagkaalis ni Gerald sa studio kasama si
“Yolande, may idea ako. Hindi na masyadong bata si Raine, at malapit na siyang magtapos. Kung gusto siya ng kanyang senior, pakiramdam ko ay magandang choice naman siya. Sa ganoong paraan, magkakaroon din tayo ng magandang buhay habang nabubuhay pa tayo ngayon.”Ipinagpatuloy ni Dexter ang pagbabahagi ng nararamdaman niya kay Yollande.Naiintindihan naman ni Yollande ang nasa isip niya.“Hmm. Tama ka, Dexter. Pero depende pa rin ito kay Raine. Dapat nating igalang ang kanyang choice."Seryosong ipinaalala ni Yollande kay Dexter.Parating ginagalang ng mag-asawa ang opinyon ng kanilang anak. Ayaw nilang pilitin siya sa kahit anong bagay. Hangga't maaari siyang mamuhay ng mabuti at maligaya, masaya na rin sila.Tumango si Dexter nang marinig iyon.Creak!Sa sandaling iyon, may nagtulak ng pinto at sabay na pumasok sina Gerald at Raine."Papa, gising na po ba si Mama?"Tanong agad ni Raine kay Dexter nang makapasok siya.“Raine!”Agad na sumigaw si Yollande nang makita niya an
“Gerald, marami ang utang ko sayo nitong mga nakaraang araw. Ingatan mo si Raine sa future."Sabi ni Yollande kay Gerald.Nagulat si Gerald sa narinig niya. Pagkatapos nito ay ngumiti siya at sinabing, “Oo naman. Huwag kang mag-alala, Tita. Kung ano man ang mangyari kay Raine, tutulungan ko siya.”Naintindihan ni Gerald ang gustong sabihin ni Yollande. Tinatrato niya si Gerald bilang boyfriend ni Raine.Nakipaghalubilo si Gerald sa pamilya ni Raine bago siya umalis.Nag-aatubili pa noong si Raine na paalisin si Gerald, pero alam niya na may mga bagay siyang dapat harapin. Masaya na siya basta’t makasama niya lang ito.Matapos makita si Gerald, bumalik namn si Raine sa ward.“Raine, gusto mo ba si Gerald?”Sa sandaling bumalik si Raine at umupo, tiningnan siya ni Yollande at nagtanong.Namula ang mukha ni Raine nang marinig niya ang katanungan na iyon.Nang makita ang mga pagbabago sa mukha ng kanyang anak, unti-unting nakita ang mapagmahal na ngiti sa mukha ni Dexter.“Raine
Ang tatlong kabataang nakaupo sa harap niya ay sina Yong Haas, Jacque Lennox, at Ferdo Bach, at sila ay mga young masters ng prestihiyosong pamilyang Haas, Lennox, at Bach ng Schwater City. Ang tatlo na ito ay kilala bilang ‘Famous Four of Schywater,’ kaya maliwanag na sila ay may mga komplikadong background. Sila ay mga shareholder pa ng Schywater University, at ang tanging shareholder na makakalaban nila ay ang Yonjour Group. Ang apat na grupo ay wala kumpara sa grupong iyon... Si Yong—na nakaupo sa sopa—ay mapaglarong nagtanong sa kanyang mga kaibigan, “May narinig akong tsismis na binugbog ka ng ordinaryong tao, Yash! Totoo ba ang mga tsismis na iyon?" Nang marinig iyon, tumingin si Yash kay Yong at nanatiling tahimik. Nangyari ang kanyang kinatatakutan, ang tsismis tungkol sa pagbugbog sa kanya ay kumalat na parang apoy sa buong university... Masyado itong nakakahiya... "Talaga pinabagsak ng bastos na iyon si Yash... Sa tingin mo saan siya nanggaling?" curious na tinanon
Pagkasabi niya nito ay tumayo si Gerald at umalis siya na may hawak na mga dokumento... Hind ito masyadong pinag-isipan ni Natallie ito dahil alam niya na may sariling paraan si Gerald sa pagharap ng mga bagay. Dahil dito ay ginawa lang niya ang sinabi sa kanya... Hindi rin nagtagal bago dumating si Gerald sa ospital. Nandoon siya para makipagkita kay Raine sa pamilya nito. Napangiti ang pamilya ni Raine sa sandaling makita niya si Gerald. Bigla namang nagtanong si Dexter, “Gerald? Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba busy... Sigurado ka bang hindi namin inaaksaya ang oras mo...?" Nakangiti lang si Gerald saka siya sumagot, “Okay lang, tito. Pumunta ako dito dahil may kailangan tayon pag-usapan." Makikita ang pagtataka sa mukha nila at doon naisipang idagdag ni Gerald, “Nabalitaan ko kay Raine na ang tinitirhan niyo ngayon ay made-demolish na. Sinabihan niya rin ako na hindi pa kayo nakakahanap ng matutuluyan, tama ba?" Nang marinig iyon, napabuntong-hininga lamang si Dext
Makalipas ang ilang araw nang tuluyang nakalabas sa ospital ang ina ni Raine. Ito rin ang araw na lilipat ang kanilang pamilya sa villa. Dahil doon, sinigurado ni Gerald na paalalahanan sina Raine at Dexter na iimpake ang lahat ng kanilang mga damit at personal na gamit bago sunduin ni Raine ang kanyang ina sa ospital. Sa ganoong paraan, maihahatid agad silang lahat ni Gerald sa villa kapag na-discharge na ang nanay ni Raine. Wala sila masyadong na-impake dahil sinabi na ni Gerald na kumpleto na sa mga gamit at electrical appliances ang villa. Nang makapaosk ang tatlo sa villa, bigla naman silang natulala. Medyo matagal bago naka-recover si Dexter sa kanyang pagkamangha nang hindi niya napigilang lumapit at sumigaw ng, "M-my god... Napaka… extravagant...!" Kahit sila Yollande at Raine ay natulala at walang masabi, hindi makapaniwala na dito na sila titira mula ngayon. Humarap si Dexter kay Gerald at hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayari ang lahat ng iro, “S-sigurado
“Masaya ako na nagustuhan niyo ang bahay…. Oo nga pala, nabili ko na ang Schywater University. Naisip ko lang kung gusto mo itong malaman,” sagot ni Gerald ngunit biglang nasindak si Raine. Seryoso? Binili niya ang university nang basta-basta?! Ito ay isang bagay na si Gerald lang ang nakakagawa... Ikaw pala ang pinakamalaking shareholder ng Schywater University ngayon... Hindi nakakagulat kung bakit hindi ka natatakot sa Famous Four ng Schywater!" sigaw ni Raine habang kinokonekta niya ang mga pangyayari. Kalahati lang sa sinabi ni Raine ang totoo. Kahit na hindi nakuha ni Gerald ang Schywater University, hindi pa rin siya matatakot sa Famour Four na iyon. Para sa kanya, sila ay mga playboy lamang na nananakot sa ibang tao para makakuha ng kapangyarihan. Hangga't hindi niya pro-problemahin ang mga ito at hindi rin siya mag-aabala tungkol sa kanila. Gayunpaman, kung gagawa ng problema ang mga ito sa kanya, papatayin niya lang naman ang kanilang mga pamilya. Kung tutuusin, ala