Habang papunta sila doon, hindi naiwasang magtanong ni Ray, “Pwede mo bang sabihin sa akin kung anong plano natin, Mr. Crawford…?” Lumingon si Gerald kay Ray saka sumagot, “Natatandaan mo ba ang tawag kanina?” Tumango si Ray bago niya sinabi, "Oo, natatandaan ko. Sinabi ng taong iyon na gusto niyang makipaglaro sayo... Sinasabi mo ba na nagsimula na ito?" “Nagsimula na ito. Hinamon ako ng taong iyon na iligtas ang anim na hostage at nailigtas ko na ang isa kaninang umaga. Papunta tayo ngayon para iligtas ang pangalawa!" paliwanag ni Gerald. Nang marinig iyon, sandaling nawalan ng salita si Ray. Iyon pala ang dahilan kung bakit wala si Gerald kaninang umaga... May niligtas pala siya habang hindi pa sila gising! Nagpatuloy si Gerald kahit na tulala pa rin si Ray, “Ang phrase na sinabi ko kanina na imbestigahan mo, 'Walang nakatagong pera dito,' ay may koneksyon sa lokasyon ng pangalawang hostage, kaya ngayon ay pupunta tayo sa bangko na malapit sa tax building" Pagkatapos ng
Makalipas ang halos kalahating oras, ang mga taong ipinadala ng Grand Council ay sumugod sa lugar na iyon kasama ang ilan sa mga tauhan ng bangko at makikita na nababalisa silang lahat. Kung tutuusin, nakakabahalang malaman na may isang tao na naka-lock sa loob ng ATM machine. Matapos ang humigit-kumulang sampung minuto na pagsuri sa loob ng ATM, sa wakas ay nakita na nila kung ano ang nasa loob... Tulad ng hula nina Gerald at Ray, may babaeng nakakulong sa loob! Ang nakakagulat pa doon ay isa siya sa mga tauhan ng bangko! Pagkatapos ipadala sa ospital ang babae, ang mga ipinadala ng Grand Council ay sinimulan ang inspeksyon sa eksena... Base sa impormasyon na nakuha nila, ang takip sa likod ng ATM machine ay sadyang isinara ng salarin... Habang nagpatuloy silang nag-iimbestiga, kinuha ng isa sa mga supervisor ang isang purple letter mula sa loob ng makina habang nagtatanong siya, “…Hmm? Isang letter?" Mabilis itong kinuha ni Gerald nang makita niya ito. Hindi siya kinayang
Nagmadaling lumabas ng ospital sina Gerald at Ray dahil umaasa sila na maabutan pa nila ang babae. Habang nagmamadali silang lumabas, mabuti na lang tumigil ang dalawa para maiwasang masagasaan ng humaharurot na itim na kotse! “Hoy g*go! Saan ka natutong magmaneho?!” nakangusong sinabi ni Ray habang nakatitig habang nakaturo sa itim na sasakyan. Si Gerald naman ay higit na interesado sa lilang liham na pumapalpak sa labas ng sasakyan at ngayon ay nakahandusay na sa lupa. Mabilis na binuksan ito, binasa ni Gerald ang sulat... 'Nagsimula na ang pangalawang laro!' “T*ng-ina mo…!” ungol ni Gerald habang nilulukot ang sulat, alam niya na nahuli siya ng ilang hakbang. Malamang ang kotse na iyon ang susi dahil nanggaling doon ang purple letter! Gayunpaman, hindi ngayon ang oras para maawa sa kanyang sarili. Dahil dito ay nagsimulang tumakbo si Gerald papunta sa kanilang sasakyan habang sumisigaw ng, “Bilisan mo, Ray! Kailangan natin silang sundan!" Nang nasa loob na silang dal
Hindi nagtagal, dumating ang dalawa sa isang suspended platform. Tumingala si Gerald bago sumigaw ng, "Doon!" Lumingon si Ray at nagulat siya nang makita ang buhok ng isang babae na nakasabit sa gilid ng platform! Doon nila napagtanto na ang babaeng nakahiga doon ay walang iba kundi ang bank staff member na kinuha nila mula sa ATM machine! Kinidnap muli siya pagkatapos niyang makalabas sa ospital... Kawawa naman ang babaeng ito... Sa sandaling iyon, napansin nilang dalawa na may isang tao na nakatitig sa kanila mula sa ilang malapit na rockery formations. Mabilis na nag-utos si Gerald nang makita niya iyon, “…Iligtas mo ang babaeng iyon, Ray. Hahabulin ko ang taong iyon!" Agad namang sinugod ni Gerald ang taong iyon dahil naniniwala siya na ang taong iyon ang may kasalanan sa likod ng lahat ng ito! Masyadong magulo ang isip niya sa oras na ito kaya hindi niya napigilang sumigaw, "Hoy! Tumigil ka sa pagtakbo!" Nagulat si Gerald dahil ginawa niya ang sinabi nito. Humint
“…Oh? Sa tingin mo ba kaya mo akong patayin?" sabi ni Gerald habang nakatingin ng masama kay Yorrek. Imposible na kaya siyang saktan ng isang multo na tulad ni Yorrek! "Hindi kita kayang patayon, pero kaya kong patayin ang iba!" sabi ni Yorrek bago siya sumugod kay Gerald! Mabilis na inilabas ni Gerald ang Astrabyss Sword at naghanda siyang umatake kay Yorrek kapag nakalapit siya! Gayunpaman, sa susunod na segundo, si Yorrek ay naglaho sa hangin! Kahit pa nakahanda na ang espada ni Gerald, mukhang matagumpay na nakatakas pa rin si Yorrek... Nakakadismaya ito pero sigurado si Gerald na hindi pa tapos ang laro nila ni Yorrek. Sa katunayan, ang ibig sabihin lamang ng pagtatagpo na ito ay kasisimula palang ng kanilang tunggalian! Makalipas ang ilang oras, kasalukuyang naguguluhan si Ray habang puno siya ng pagmamangha na tumingin kay Gerald bago niya sinabi, “Alam mo…ang galing mo, Mr. Crawford?” “Ako?” mahinhin na sinabi ni Gerald. Kailangan nating bumalik sa oras na nagsa
Pagkatapos ihinto ni Gerald ang kotse, kinuha ni Ray ang isang wooden box mula sa kanyang backpack. Ang box ay may painting na kahawig ng isang spider sa takip nito... Pagkatapos nito, dahan-dahang binuksan ni Ray ang wooden box... at sa loob nito ay isang itim na butil. "Ang bagay na hinanap nila... ay ang butil na ito!" sabi ni Ray sabay abot ng box kay Gerald. Kinuha ni Gerald ang box at tinitigan niya ng mabuti ang itim na butil... at makalipas ang ilang segundo, ang butil ay biglang umilaw ng kulay pula! Nang makita iyon, pareho silang nagtinginan sa isa't isa. Mukhang pareho ang nasaksihan nilang dalawa. “…Saan mo ito nakuha?” tanong ni Gerald makalipas ang ilang sandali. “Natandaan mo noong bumiyahe tayo sa probinsya? Natagpuan ko ito sa tabi ng isang maliit na ilog at napilitan lang akong kunin ito... Pagkatapos nito ay nalaman ni Tyson at ng iba pa na nasa akin ang box at pinilit nila akong ibigay ko ito sa kanila kahit na tumanggi ako…” sagot ni Ray. "Okay... Ma
“Copy!” sagot ng dalawa. Makikipagsapalaran sila ng bulag kaya wala silang idea kung anong panganib na aasahan nila. Ang tanging magagawa lamang nila ay maghanda ng iba't ibang tactic at kagamitan sa pag-asang ito ay magbibigay-daan sa kanila na maging handa upang harapin ang mga sitwasyon na kailangan nilang kaharapin. Pero dahil kasama nila si Gerald, walang alinlangan na magiging mas panatag ang loob nina Juno at Ray. Alam ng dalawa na hindi hahayaan ni Gerald na may mangyari sa kanila. Silang tatlo ay maagang nagpahinga nang gabing iyon. Sila ay magsisimula ng isang bagong pakikipagsapalaran sa susunod na araw, kaya kailangan nilang maging maayos at handa. Pagsapit ng eight o’clock ng umaga, muling tiningnan ng tatlo ang mapa ni Gerald, na ibinigay sa kanila ng Old Flint, bago sila sumakay sa kanilang sasakyan at nagmaneho papuntang Sunset Village... Aabutin sila ng humigit-kumulang dalawang araw bago sila makarating doon. Malamang ay kailangan nilang gumugol ng dalawang
“...Hindi madaling makuha ang token na iyon... Kung tutuusin, sinabi rin sa libro na marami pang iba ang nagtangkang makuha ang token ng Demonic Blood. Hindi lang sila nabigo, ngunit silang lahat ay nagbayad ng napakalaking presyo…” sagot ni Juno. "Alam ko. Naniniwala ako na sa huli ay makukuha natin ang token!" confident na sinabi ni Gerald. Nabigo ang iba na makuha ang token, ngunit hindi ibig sabihin nito ay mabibigo rin si Gerald. Sigurado si Gerald na sa pagbabago ng panahon, ang mga kakayahan ng kanyang henerasyon lalong mahihirapan na harapin ng Demonic Blood Clan. Base sa kanyang kasalukuyang kakayahan, talagang naniniwala siyang may karapatan siyang makuha ang token ng Demonic Blood... Pagkatapos ng dalawang araw na pagmamaneho, sa wakas ay dumating ang tatlo sa Sunset Village… Pagdating nila doon, sinabihan ni Gerald si Juno na maghanap ng hotel na pwede nilang matuluyan. Ipagpapatuloy nila ang pangalawang stage ng kanilang paglalakbay sa susunod na araw... Mabilis