Kinaumagahan, habang natutulog pa sina Gerald at Rey, bigla silang nagising dahil sa doorbell.Lumabas si Rey ng kwarto patungo sa pinto, kahit pa inaantok siya, at binuksan niya ito.Pagkabukas ng pinto, nakita niya ang ilang lalaking naka-uniporme na nakatayo sa labas. Tiningnan niya ang logo sa kanilang uniporme at alam niyang mula sila sa Grand Council."Excuse me, nandito ba sina Mr. Gerald Crawford at Mr. Ray Leighton?"Pumasok ang isa sa mga inspektor sa bahay at sinimulan siyang tanungin.Tumango si Ray at sumagot, “Ako si Ray. Bakit kayo nandito?”“Dalhin niyo siya!”Nang marinig niya ang mga salita ni Ray, inutusan ng inspektor ang kanyang mga tauhan at mabilis na sumugod ang dalawang inspektor para hawakan ang braso ni Rey, bago siya kinaladkad palabas.“Hoy, anong ginagawa mo?!”Sumigaw ng malakas si Ray.Ang kaguluhan ang gumising kina Gerald, Juno, at Nori.Mabilis silang lumabas ng kanilang mga kwarto nang marinig nila ito."Sino ka?"Paglabas ni Gerald, nag
Pinanood nila ang recording sa CCTV.Nang mangyari ang aksidente, walang tao at walang ibang sasakyan sa paligid. Makikita rin na si Old Flint lang ang nasa kotse niya.Ang ibig sabihin lamang nito ay masyadong kakaiba ang aksidente na kinaharap ni Old Flint.Makikita sa footage na ang kotse ni Old Flint ay nadulas at nawalan ng kontrol nang biglaan.Bandang hapon lang nakalabas sina Gerald at Ray.Sumakay sila ng taxi pabalik sa opisina nang makaalis na sila sa Grand Council.Tumingin si Ray kay Gerald na may pagtataka at bigla siyang nagtanong, “Gerald, ano kaya ang dahilan sa pagkamatay ni Old Flint? Paano kaya siya namatay?"Naging seryoso ang mukha ni Gerald. Hindi rin siya sigurado tungkol dito pero alam niya hindi kasing simple ng inaasahan nila ang buong pangyayari."Ang ibig bang sabihin nito ay hindi pa patay si Ember Lord?"Sa isang sandali, biglang pumasok sa isip ni Ray ang isang nakakatakot na hinala.Naramdaman ni Gerald na napakaliit ng posibilidad na maging t
Ang parcel ay isang maliit na square box.Inalog ng kaunti ni Gerald ang box pero walang anumang tunog na nanggagaling sa kahon."Tingnan natin kung sino ang nagpadala nito sayo!"Paalala naman ni Juno habang nakaupo siya sa gilid.Mabilis na tiningnan ni Gerald ang information ng sender. Bukod sa kanyang pangalan at address, walang impormasyon tungkol sa nagpadala.Nabahala si Gerald at ang iba sa kanilang nakikita. Sino kaya ang nagpadala kay Gerald ng kahon na ito? Ano ba talaga ang nasa loob ng parcel?Hindi nagmadali si Gerald na buksan ang parcel dahil pakiramdam niya ay may mali dito. Siguro ito ay isang scheme.“Umalis kayo dito!”Sabi ni Gerald sa mga kaibigan niya.Nang marinig ang sinabi ni Gerald, agad na tumayo si Ray at ang mga babae bago sila umatras ng ilang hakbang.Kinuha ni Gerald ang isang maliit na kutsilyo at nilaslas ang box ng maingat.Pagkatapos niya itong hiwain ay bumukas ang takip nito.Tiningnan ng mabuti ni Gerald ang kahon. Pagkataops niyang m
Napatingin si Gerald sa delivery boy at tinanong si Ray.“Oo, tama, Gerald. Siya ang nagpadala ng parcel."Mariin na tumango si Ray habang sinasabi niya ito.“Anong problema? May problema ba mga sir?"Nagtatakang tinanong ng delivery boy na nakatayo sa harap nila, hindi siya sigurado kung ano ang nangyayari."Tatanungin kita. Saan mo nakuha ang parcel na ipinadala mo sa amin?"Tinitigan ni Gerald ang delivery boy bago niya tinanong ito.Kinuha ng delivery boy kay Gerald ang box at tinignan niya ito ng maigi."Tama iyan. Ako ang naghatid ng parcel. Nagtaka din ako kung bakit pangalan at address lang ng receiver ang nakalagay dito at iba ang packaging. Halos isang araw ko itong tinanong, ngunit walang nag-abala na sumagot sa akin, kaya hinatid ko na lang ito sa iyong address!”Inamin ng delivery boy na siya ang naghatid ng parcel, ngunit hindi niya alam kung sino ang nagpadala.Nagpalitan ng tingin sina Gerald at Ray nang marinig niya ito.Nahinto muli ang imbestigasyon. Hindi
"Gerald, sino yun?" Tumingin si Ray kay Gerald bago siya nagtanong.“Hindi ko alam pero isa siyang lalaki. Siya ang nagpadala ng sulat at sinabi niya na gusto niyang makipaglaro sa akin. Isa siyang baliw!" Walang magawang sinabi ni Gerald.Ito ba ang tamang oras para makipaglaro siya kay Gerald?! Ayaw ni Gerald na mag-abala pa tungkol dito.Masyado silang natakot sa pangyayaring ito dahil inakala nila na si Ember Lord ay buhay pa.Hindi na interesado si Gerald na malaman pa ang pagkatao ng lalaking ito.Matapos marinig ang sinabi ni Gerald, hindi na nagtanong pa ang tatlo. Naramdaman na lamang nila na ito ay isang kalokohan.Gayunpaman, hindi ito kasing-simple ng inaakala niya.Noong araw na iyon, inilabas ni Gerald si Ray para bumili ng mga kailangan nila.Matagal na silang hindi nakakapagpahinga ng maayos, kaya nagpasya silang bumili ng masasarap na pagkain at magluto ng masaganang pagkain para magkakasama silang kumain.Pumunta sina Gerald at Ray sa supermarket. Paglabas ni
Galit na minura ni Gerald ang lalaki.“Hehe chill lang, Mr. Crawford, binibiro lang kita. Kung tutuusin, ikaw ang ayaw makipaglaro sa akin.”Tumawa ang lalaki at sumagot sa kanyang nakakatakot na boses.Biro lang ito!Napakalakas ng pagsabog kanina pero ito ay isang maliit na biro lang sa kanya? Nababaliw na talaga sa kanya si Gerald."Anong klase ng laro ito?"Pinakalma ni Gerald ang kanyang sarili at tinanong ang lalaki sa kabilang dulo.“Hehe! Mr. Crawford, alam ko ang iyong kakayahan at humahanga ako sa iyong kapangyarihan. Iyon ang dahilan kung bakit ikaw lang ang pwedeng makipaglaro sa akin. Naaalala mo pa ba ang purple letter? May pattern ng Star of David sa papel. Ang pattern ay kumakatawan sa iba't ibang lugar at may mangyayari sa bawat isa sa mga lugar na iyon. Pwede itong mangyari sa isang tao o isang bagay, at ang lahat ay nakasalalay sayo para matuklasan mo ito. Dahil isang laro ito, dapat may panalo at may talo. Kung manalo ka, ibibigay ko sayo ang address para ili
Napahinto ng sandali si Gerald nang makita niya ang text message. "Ang tubig na bumabagsak ng tatlong libong talampakan... hindi kaya pinapahiwatig nito ang isang uri ng talon...?" Pinag-isipan niya muna ito ng ilang sandali bago siya mabilis na lumabas sa kanyang opisina—siniguro niyang i-lock ng maayos ang pinto sa likuran niya—bago siya nagmaneho papunta sa pinakabagong talon sa Leicom Continent. Hindi coincidence ang lahat ng ito... Ang mga clues na ibinigay ng kakaibang lalaki ay malamang na may kinalaman sa mga insidente na nangyayari sa paligid ni Gerald at kung tama ang nasa isip niya, malamang na ang lumang tula ay nagpapahiwatig na may hostage sa lugar na iyon... Pagkatapos ng halos kalahating oras, dumating si Gerald sa Durduff Mountain kung saan matatagpuan ang pinakabagong talon. Ang lugar ang may pinakamalaking bulubundukin sa buong Leicom Continent at maraming mga turista ang bumibisita dito. Pagpasok niya sa bundok, sinubukan ni Gerald na magtago sa maraming m
Sinadya ni Gerald na umiwas sa tanong niya para hindi na siya masyadong magtanong. Naintindihan ng babae ang sinusubukan niyang ipahiwatid at tumango ang babae bago siya mabilis na umalis sa kweba. Nang mawala na sa kanyang paningin ang babae, mabilis na binuksan ni Gerald ang sulat at sinimulan itong basahin... 'Binabati kita sa paghahanap ng unang hostage, Mr. Crawford! Dalian mo at hanapin mo ang susunod na hostage! Walang tinatagong pera dito!' Biglang sumimangot si Gerald nang mabasa niya ang sulat. Isa pang ancient poem...? Mukhang mahilig sa ancient poem ang salarin, hindi ba? Medyo diretso sa punto ang clue na nabasa niya ngayon. Dahil kasama sa tula ang salitang 'pera', masasabi na ang susunod na hostage ay matatagpuan sa isang bangko. Gayunpaman... anong bangko? Napakaraming bangko sa Leicom Continent para hanapin ni Gerald ang tinutukoy niya sa loob ng maikling panahon. Na-realize ni Gerald na wala siyang mararating kung mananatili lang siya dito, kaya umalis a