Imposible na maging coincidence iyon. Ang ibig sabihin lang nito na ang Ember Lord ay nagtatago doon. Dahil ang Ember Lord ay nag-iwan ng pahiwatig na iyon para sa kanila, malaki ang posibilidad na iniwan iyon ng kanyang biktima para mahanap nila ito. Matapos mag-isip ng saglit, pinaandar ni Old Flint ang kanyang sasakyan at mabilis itong pinaandar! Kailangan nilang pumunta sa tahanan ni Yamilet Fae ngayon din! “Sigurado ka ba talaga na doon nagtatago ang Ember Lord, Gerald…?” tanong ni Ray habang papunta sila doon. Umiling si Gerald bago siya seryosong sumagot, “Hindi ako sigurado sa totoo lang. Isang metikulosong tao ang Ember Lord at hindi siya sumusunod sa mga patakaran. Malakas ang kutob ko na dadalhin tayo ng mga number na ito sa kanyang susunod na biktima at papunta rin sa kanyang kasalukuyang lokasyon!" Tumango si Rey nang marinig niya iyon... Matapos ang halos forty minutes na pagmamaneho, sa wakas ay nakarating na ang tatlo sa bahay ng lola ng Ember Lord. Nakati
“Hehe, Ray, huwag mong kalimutan na si Ember Lord ay hindi isang tao. Mas nakakatakot siya kaysa sa isang multo. Sa tingin mo ba ay matatakot siyang magtago sa lugar na ito?"Tumawa ng malakas si Gerald bago niya pinaalalahanan si Ray.Napagtanto ni Ray na kahit papaano ay may katuturan ang kanyang sinabi."Pwede niyo na itong tingnan at kailangan ko nang umalis!"Sabi ng matanda sa tatlo.“Okay, maraming salamat sa iyong tulong!"Mabilis na nagpasalamat si Old Flint sa matanda.“Wag mo nang banggitin!”Sagot ng matanda bago niya iwinagayway ang kanyang kamay.Pagkaalis ng matanda, nakatayo si Gerald at ang dalawa pa sa harap ng cottage na gawa sa kahoy habang nakatingin sila sa kawalan.Hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin. Hindi sila makapasok sa cottage at hindi rin nila alam kung paano papasok dito.“Gerald, Old Flint, ano nang gagawin natin ngayon? Sisipain ba natin pabukas ang pintuan?"Tumingin si Ray at nagtanong kina Gerald at Old Flint.“Hindi pwede. Hin
“Eh, masyado nang malalim ang gabi! Sigurado akong hindi darating ang taong hinihintay mo. Tara na at pumunta tayo sa bahay ko para makapag-pahinga kayo!"Bumuntong-hininga ang matanda bago siya nag-suggest sa tatlo.Lumingon si Old Flint at tumingin kay Gerald nang marinig niya iyon na para bang hinihingi niya ang kanyang opinyon.Nakita ni Gerald ang reaksyon niya at tumango siya.Dahil wala na silang ibang pagpipilian, sa ngayon ay magpapahinga na muna sila sa bahay ng matanda.Bukod pa dito, masyado nang madilim ang langit at hindi ligtas na manatili sa labas. Sinong nakakaalam kung hanggang anong oras sila maghihintay doon?Pagkatapos nilang mag-usap, sumunod si Gerald at ang iba pa sa matanda bago sila umalis sa wooden cottageDinala ng matanda si Gerald at ang iba pa sa bahay nito. Hindi ito masyadong luma tingnan pero mukhang pinaayos ito kamakailan lang."Tanda, ikaw na lang ba ang natitira sa village na ito?"Nagtanong si Old Flint nang makarating sila sa bahay ng ma
Ang tatlo ay mabilis na tumingin sa labas at nakita nila na ang matanda ay umalis nang mag-isa sa bahay na may dalang basket habang siya ay patungo sa wooden cottage ni Yamilet Faes.Nagtinginan ang tatlo nang makita nila ito.Naramdaman nila na masyadong kakaiba na ang matanda ay biglang lumabas sa kalagitnaan ng gabi at may dala pa silang basket. Malamang ay may mga nakatagong bagay na hindi alam ng ibang tao.Maya-maya pa ay lumabas na ng bahay si Gerald at ang dalawa at tahimik na sinundan ang matanda.Sinundan nila ang matanda hanggang sa wooden cottage. Pagkatapos nito ay nakita nilang naglabas siya ng susi sa kanyang bulsa para buksan ang pinto.Nang mabuksan na ang pinto, pinagmasdan ng mabuti ng matanda ang kanyang paligid. Matapos masiguradong walang tao, saka lang niya itinulak ang pinto at pumasok.Naglakad rin si Gerald at ang dalawa pa papunta sa wooden cottage at tumayo sa harapan nito.“Gerald, mukhang may itinatago sa atin ang matanda. Nasa kanya talaga ang susi
Pagkatapos nito, ang black miasma ni Ember Lord ay bumalot sa matanda.Hindi nagtagal, hinigop ng black miasma ang kaluluwa at energy ng matanda hanggang sa naging tuyong bangkay ang matanda.Sobra itong ikinagulat ni Ember Lord. Hindi niya inaasahan na ganito ang kalalabasan. Hindi rin niya inaasahan na haharangin talaga ng matanda ang mga atake ni Gerald para sa kanya."Ember Lord, nakapatay ka na naman ng isang inosenteng tao!"Galit na sumigaw si Gerald kay Ember Lord.Dahil dito ay nagpasya si Gerald na gamitin ang kanyang ipinagbabawal na pamamaraan para tuluyang sirain si Ember Lord.Tuluyan nang nawalan ng malay si Ember Lord nang gawin niya ang atakeng ito. Nakatayo siya roon nang hindi gumagalaw ag parang nawala na ang kanyang kaluluwa."Thousand Sect Destruction Technique!"Sigaw ni Gerald at diretsong ibinato ang Astrabyss Sword sa kamay niya papunta kay Ember Lord.Nang tumagos ang espada sa katawan ni Ember Lord, agad itong nagbuga ng maliwanag na ilaw at tuluyan
Kinaumagahan, habang natutulog pa sina Gerald at Rey, bigla silang nagising dahil sa doorbell.Lumabas si Rey ng kwarto patungo sa pinto, kahit pa inaantok siya, at binuksan niya ito.Pagkabukas ng pinto, nakita niya ang ilang lalaking naka-uniporme na nakatayo sa labas. Tiningnan niya ang logo sa kanilang uniporme at alam niyang mula sila sa Grand Council."Excuse me, nandito ba sina Mr. Gerald Crawford at Mr. Ray Leighton?"Pumasok ang isa sa mga inspektor sa bahay at sinimulan siyang tanungin.Tumango si Ray at sumagot, “Ako si Ray. Bakit kayo nandito?”“Dalhin niyo siya!”Nang marinig niya ang mga salita ni Ray, inutusan ng inspektor ang kanyang mga tauhan at mabilis na sumugod ang dalawang inspektor para hawakan ang braso ni Rey, bago siya kinaladkad palabas.“Hoy, anong ginagawa mo?!”Sumigaw ng malakas si Ray.Ang kaguluhan ang gumising kina Gerald, Juno, at Nori.Mabilis silang lumabas ng kanilang mga kwarto nang marinig nila ito."Sino ka?"Paglabas ni Gerald, nag
Pinanood nila ang recording sa CCTV.Nang mangyari ang aksidente, walang tao at walang ibang sasakyan sa paligid. Makikita rin na si Old Flint lang ang nasa kotse niya.Ang ibig sabihin lamang nito ay masyadong kakaiba ang aksidente na kinaharap ni Old Flint.Makikita sa footage na ang kotse ni Old Flint ay nadulas at nawalan ng kontrol nang biglaan.Bandang hapon lang nakalabas sina Gerald at Ray.Sumakay sila ng taxi pabalik sa opisina nang makaalis na sila sa Grand Council.Tumingin si Ray kay Gerald na may pagtataka at bigla siyang nagtanong, “Gerald, ano kaya ang dahilan sa pagkamatay ni Old Flint? Paano kaya siya namatay?"Naging seryoso ang mukha ni Gerald. Hindi rin siya sigurado tungkol dito pero alam niya hindi kasing simple ng inaasahan nila ang buong pangyayari."Ang ibig bang sabihin nito ay hindi pa patay si Ember Lord?"Sa isang sandali, biglang pumasok sa isip ni Ray ang isang nakakatakot na hinala.Naramdaman ni Gerald na napakaliit ng posibilidad na maging t
Ang parcel ay isang maliit na square box.Inalog ng kaunti ni Gerald ang box pero walang anumang tunog na nanggagaling sa kahon."Tingnan natin kung sino ang nagpadala nito sayo!"Paalala naman ni Juno habang nakaupo siya sa gilid.Mabilis na tiningnan ni Gerald ang information ng sender. Bukod sa kanyang pangalan at address, walang impormasyon tungkol sa nagpadala.Nabahala si Gerald at ang iba sa kanilang nakikita. Sino kaya ang nagpadala kay Gerald ng kahon na ito? Ano ba talaga ang nasa loob ng parcel?Hindi nagmadali si Gerald na buksan ang parcel dahil pakiramdam niya ay may mali dito. Siguro ito ay isang scheme.“Umalis kayo dito!”Sabi ni Gerald sa mga kaibigan niya.Nang marinig ang sinabi ni Gerald, agad na tumayo si Ray at ang mga babae bago sila umatras ng ilang hakbang.Kinuha ni Gerald ang isang maliit na kutsilyo at nilaslas ang box ng maingat.Pagkatapos niya itong hiwain ay bumukas ang takip nito.Tiningnan ng mabuti ni Gerald ang kahon. Pagkataops niyang m