Ilang bampira ang nakatitig ng mabuti kay Gerald at Juno, patuloy silang gumagawa ng mga ingay habang nangyayari ito. Silang dalawa ay mabilis na tinutugis ng mga bampira. Pagkatapos nito ay sunud-sunod silang inatake ng ilang mga bampira. Sinugod nila ang dalawa sa pamamagitan ng paglabas ng kanilang mga pangil at ipinapakita nila ang kanilang mga kuko. Desididong inilabas ni Gerald ang kanyang Astrabyss Sword at mabilis niyang hiniwa ang mga ito. Hindi nagtagal, ang isang bampirang naunang sumugod sa kanila at siya ang nahiwa ng Astrabyss word hanggang sa tumalsik sa buong lugar ang mga dugo. Nasaksihan ng tatlo pang bampira ang pangyayari at sunod-sunod silang umatras, hindi na sila nangahas na lumapit pa. Habang nilaslas sa kalahati ang kanilang kasama, doon nila napagtanto ang kapangyarihan ng Astrabyss Sword na nasa kamay ni Gerald. “Lumapit kayo! Lumapit kayo sa akin kung hindi kayo takot na mamatay!" Tinitigan ni Gerald ang tatlong bampirang nasa harapan niya ba
Kinaumagahan, isinama ni Gerald si Ray para pumunta sa isang lugar. “Saan tayo pupunta ngayong madaling araw, Gerald?” nagtatakang tinanong ni Ray. Hindi siya nakakatulog ng mahimbing nitong mga nakaraang araw at sa oras na nakatulog siya ng maayos, maaga namang dumating si Gerald para kaladkarin siya palabas! Naramdaman niya tuloy ngayon na parang wala siyang magawa. "Pupunta tayo sa Dark Sect ng Ghost City!" sagot ni Gerald. Habang nag-uusap sila, nakarating sila sa tore ng Dark Sect ng Ghost City... Patuloy pa rin ang paghahanap nila sa Ember Lord, kaya ang pagsisimula ng contrusction ng Dark Sect ay itinigil at ang buong tore ay naka-seal na ngayon. Dahil dito ay maraming tao ang nawalan ng trabaho. Gaya nga ng kasabihan, 'Babalik ang karma para kagatin ka sa likod'. Nang makaharap nila ang entrance ng tore, nakita nilang dalawa na ang pinto ay nakakandado gamit ang mga chains. May nakadikit pa ngang strip seal dito! "Paano kaya tayo makakapasok dito, Brother Gerald
Nakahinga ng maluwag sina Gerald at Rey nang malaman nila na si Old Flint iyon. Bigla namang itinaas ni Old Flint ang kanyang kilay nang makita sila at naguguluhan na nagtanong, “...Kayong dalawa? Anong ginagawa niyo dito? At paano ka nakapasok?" Inutusan na siya ng chief inspector na huwag nang makipag-ugnayan kay Gerald at sinabihan din siya na hindi na nila pwedeng payagan si Gerald na tulungan sila sa imbestigasyon. Dahil doon ay kailangang sundin ni Old Flint ang kanyang superior. "Nandito kami dahil naghahanap kami ng clues!" sagot ni Gerald. “Pasensya na pero bawal na kayong makisali sa kasong ito, kaya umalis na kayo! Kung babalik ka dito, wala kaming magagawa kung hindi isama kayo sa amin!" babala ni Old Flint. Tumango lang si Gerald nang marinig niya iyon. Ayaw na niyang pahirapan ang matanda kaya sinabi niya, “Copy!” Nang malapit na siyang umalis kasama si Ray, bigla niyang narinig na sumigaw si Old Flint, “Sandali! May nakita ka bang clue habang nandito ka? Ku
"Hello? Ano iyon, Gerald?" tanong ni Old Flint mula sa kabilang linya. “Old Flint, alam kong hindi mo kami papayagang sumali sa imbestigasyon, pero sana matulungan mo pa rin kami. Kung gusto mong lutasin ang kaso at makuha ang Ember Lord, makinig kang mabuti at maniwala ka sa akin kapag sinabi ko na ang lahat ng sasabihin ko sayo ay mahalaga!" seryosong sinabi ni Gerald. Huminto ng saglit si Old Flint nang marinig niya iyon. Kahit papaano ay alam niyang mapagkakatiwalaan niya si Gerald, kaya handa siyang ipagsapalaran ito. Nagbabahagi sila ng isang layunin at ito ang malutas ang kaso at mahuli ang Ember Lord. “…Sige, sabihin mo sa akin kung paano ako makakatulong!” “Pumunta na kayo sa Census Bureau. Pupunta ako doon ngayon at sasabihin ko sayo ang higit pa tungkol dito kapag nagkita tayo!" sagot ni Gerald bago niya ibinaba ang tawag. Makalipas ang kalahating oras, nakipagkita sina Rey at Gerald kay Old Flint sa kanilang meeting place. "Bakit tayo nandito, Gerald...?" nalili
Imposible na maging coincidence iyon. Ang ibig sabihin lang nito na ang Ember Lord ay nagtatago doon. Dahil ang Ember Lord ay nag-iwan ng pahiwatig na iyon para sa kanila, malaki ang posibilidad na iniwan iyon ng kanyang biktima para mahanap nila ito. Matapos mag-isip ng saglit, pinaandar ni Old Flint ang kanyang sasakyan at mabilis itong pinaandar! Kailangan nilang pumunta sa tahanan ni Yamilet Fae ngayon din! “Sigurado ka ba talaga na doon nagtatago ang Ember Lord, Gerald…?” tanong ni Ray habang papunta sila doon. Umiling si Gerald bago siya seryosong sumagot, “Hindi ako sigurado sa totoo lang. Isang metikulosong tao ang Ember Lord at hindi siya sumusunod sa mga patakaran. Malakas ang kutob ko na dadalhin tayo ng mga number na ito sa kanyang susunod na biktima at papunta rin sa kanyang kasalukuyang lokasyon!" Tumango si Rey nang marinig niya iyon... Matapos ang halos forty minutes na pagmamaneho, sa wakas ay nakarating na ang tatlo sa bahay ng lola ng Ember Lord. Nakati
“Hehe, Ray, huwag mong kalimutan na si Ember Lord ay hindi isang tao. Mas nakakatakot siya kaysa sa isang multo. Sa tingin mo ba ay matatakot siyang magtago sa lugar na ito?"Tumawa ng malakas si Gerald bago niya pinaalalahanan si Ray.Napagtanto ni Ray na kahit papaano ay may katuturan ang kanyang sinabi."Pwede niyo na itong tingnan at kailangan ko nang umalis!"Sabi ng matanda sa tatlo.“Okay, maraming salamat sa iyong tulong!"Mabilis na nagpasalamat si Old Flint sa matanda.“Wag mo nang banggitin!”Sagot ng matanda bago niya iwinagayway ang kanyang kamay.Pagkaalis ng matanda, nakatayo si Gerald at ang dalawa pa sa harap ng cottage na gawa sa kahoy habang nakatingin sila sa kawalan.Hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin. Hindi sila makapasok sa cottage at hindi rin nila alam kung paano papasok dito.“Gerald, Old Flint, ano nang gagawin natin ngayon? Sisipain ba natin pabukas ang pintuan?"Tumingin si Ray at nagtanong kina Gerald at Old Flint.“Hindi pwede. Hin
“Eh, masyado nang malalim ang gabi! Sigurado akong hindi darating ang taong hinihintay mo. Tara na at pumunta tayo sa bahay ko para makapag-pahinga kayo!"Bumuntong-hininga ang matanda bago siya nag-suggest sa tatlo.Lumingon si Old Flint at tumingin kay Gerald nang marinig niya iyon na para bang hinihingi niya ang kanyang opinyon.Nakita ni Gerald ang reaksyon niya at tumango siya.Dahil wala na silang ibang pagpipilian, sa ngayon ay magpapahinga na muna sila sa bahay ng matanda.Bukod pa dito, masyado nang madilim ang langit at hindi ligtas na manatili sa labas. Sinong nakakaalam kung hanggang anong oras sila maghihintay doon?Pagkatapos nilang mag-usap, sumunod si Gerald at ang iba pa sa matanda bago sila umalis sa wooden cottageDinala ng matanda si Gerald at ang iba pa sa bahay nito. Hindi ito masyadong luma tingnan pero mukhang pinaayos ito kamakailan lang."Tanda, ikaw na lang ba ang natitira sa village na ito?"Nagtanong si Old Flint nang makarating sila sa bahay ng ma
Ang tatlo ay mabilis na tumingin sa labas at nakita nila na ang matanda ay umalis nang mag-isa sa bahay na may dalang basket habang siya ay patungo sa wooden cottage ni Yamilet Faes.Nagtinginan ang tatlo nang makita nila ito.Naramdaman nila na masyadong kakaiba na ang matanda ay biglang lumabas sa kalagitnaan ng gabi at may dala pa silang basket. Malamang ay may mga nakatagong bagay na hindi alam ng ibang tao.Maya-maya pa ay lumabas na ng bahay si Gerald at ang dalawa at tahimik na sinundan ang matanda.Sinundan nila ang matanda hanggang sa wooden cottage. Pagkatapos nito ay nakita nilang naglabas siya ng susi sa kanyang bulsa para buksan ang pinto.Nang mabuksan na ang pinto, pinagmasdan ng mabuti ng matanda ang kanyang paligid. Matapos masiguradong walang tao, saka lang niya itinulak ang pinto at pumasok.Naglakad rin si Gerald at ang dalawa pa papunta sa wooden cottage at tumayo sa harapan nito.“Gerald, mukhang may itinatago sa atin ang matanda. Nasa kanya talaga ang susi