Matapos ang halos dalawang oras na paghahanda ay fully equipped na si Gerald.Muli siyang bumalik sa Zahn residence at nakita niya sina Yoshua at Patrick, na kakaalis lang papunta sa army camp na matatagpuan malapit sa holy mountain.Nagulat si Yoshua nang makitang bumalik na si Gerald.Inakala niya noon na ayaw mangialam ni Gerald sa bagay na ito. Ngunit ngayon, napagtanto niya na naghanda lang pala ito base sa mga armas na dala niya."Master Zahn, sana mailigtas ko rin si Nori!"Seryosong sinabi ni Gerald sa harapan ni Yoshua.Walang kahit anong romantic relationship si Gerald at Nori, ngunit tinuring ni Gerald na bestfriend si Nori.Ngayong nasa napakadelikadong sitwasyon si Nori, hindi pwedeng umupo lamang si Gerald. Kailangan niyang pumunta at iligtas siya.“Gerald.”“Master Zahn, si Nori ang bestfriend ko. Hindi ko siya pwedeng iwan ng basta-basta!"May gustong sabihin si Yoshua, pero agad siyang pinutol ni Gerald.Nang marinig ang mga salita ni Gerald, naramdaman ni Y
Ang holy mountain ay ilang libong metro sa ibabaw ng antas ng dagat. Kung mas mataas ang bundok, mas mababa ang temperatura at atmosphere pressure. Bukod pa dito, napakahirap ng kalagayan sa bundok. Malakas ang hangin, at mabigat ang niyebe at talagang napaka-delikado.Kaya naman, masasabing napaka-delikado o mapanganib ang rescue mission sa holy mountain sa pagkakataong ito.“Magkakaroon ng Force 6 wind at pati na rin ng snowstorm ngayong gabi, kaya ang napag-pasyahang oras ng pag-alis natin ay bukas ng seven o’clock ng umaga. Sana makapagpahinga kayo ng mabuti para magkaroon tayo ng sapat na lakas!”Hindi nagtagal, dumating si Patrick para paalalahanan si Gerald at ang iba pa.Ang gabing ito ay magiging isang gabing walang sinuman ang makakatulog.Habang lumalalim ang gabi, mag-isang sumandal si Gerald sa kanyang backpack at ipinikit ang kanyang mga mata para magkaroon ng maikling pahinga.Maya-maya lang, may narinig siya.Agad na minulat ni Gerald ang kanyang mga mata at tumi
“Captain Wang… Tayong lahat ay mga ordinaryong tao lamang! Ta-takot din kaming mamatay, alam mo ba iyon...?!" nauutal na sinabi ni Kaleb habang nakayuko siya, wala siyang lakas ng loob na tumingin sa mga mata ni Patrick. "Ikaw…!" sabi ni Quest, lalo siyang nagalit sa mga ito. “Teka lang, gusto ko lang itong iklaro. Sinubukan niyong makatakas dahil lang takot kayong mamatay?" sabi ni Gerald habang nagdadagdag ng panggatong sa apoy. Kung tutuusin, wala talaga siyang magandang impression sa dalawang ito. Sa kabila nito, lalo namang ibinaba ni Malcolm at Kaleb ang kanilang mga ulo dahil sa kahihiyan sa sinabi ni Gerald. Galit na galit si Quest nang sabihin niya, "Ang mga taong tulad ng dalawang ito... Dapat silang mahuli, Captain Wang!" Napahinto ng sandali si Patrick nang marinig niya iyon. Paglingon niya kay Quest, bigla niyang sinabi, "...Kalimutan mo na... Hindi krimen ang matakot sa kamatayan!" Hindi sila kailangang hulihin para dito. Wala namang ginawa ang dalawa na labag
“Pasensya na sa masama kong ugali kanina. Umaasa ako na sana ay makapagtulungan tayo sa rescue mission na ito!” sabi ni Quest. Walang pakialamanan si Gerald sa mga maliliit na bagay at dito naramdaman ni Quest na siya ay isang mabait na tao. Importanteng malaman na si Quest ay isang professional adventurer na malakas ang loob at meron siyang adventurous spirit. Dahil dito, napangiti si Gerald nang kusang nilapit ni Quest ang kanyang kamay para makipagkamayan, “Likewise. Hayaan mo akong magpakilala sayo. Ako si Gerald Crawford!" “Quest Leane!” sabi ni Quest habang nakangiti. Kasunod nito, patuloy silang nag-usap hanggang sa tuluyan silang nakatulog bandang alas tres ng umaga... Pagsapit ng seven o’clock ng umaga, ang fifteen member ng rescue team ay nagtipun-tipon na at naghanda nang umalis patungo sa holy mountain. Bilang pioneer ng grupo, si Quest ang nauna sa linya, na sinundan ni Gerald, Patrick at ng iba pang miyembro ng team. Sa kabutihang palad, medyo maganda ang pa
Walang problema rin para kay Gerald na makalampas sa bangin na ito. Pagkaraan ng ilang hakbang paatras, sumugod si Gerald bago siya tumalon ng mataas! Makalipas ang ilang segundo, lumapag ang lalaki sa tabi mismo ng Quest! Nang makita iyon, napanganga si Quest at ang iba pa. Napakahusay niya para tumalon ng napakataas! Siya talaga ay isang tao na nagsasanay upang makamit ang spiritual enlightening! Nang makabawi sila sa kanilang pagkagulat, ang iba naman ay mabilis na nagsimulang umakyat din sa lubid... Karamihan sa kanila ay nakaakyat na sa bangin nang biglang may narinig na dagundong ng kulog! Ang panahon ay nagsimulang magbago nang napakabilis at maya-maya lang, natakpan ng maitim na ulap ang bawat pulgada ng kalangitan... Dahil sa biglaang pagbabago ng panahon, si Patrick ay mabilis na sumigaw sa lahat, determinado siya na hindi siya ang huling makakaalis sa lubid, “Bilisan niyong lahat” Nang makaakyat na ang lahat, mabilis ding umakyat si Patrick sa lubid... Ang pr
Nag-squat ng sandali si Patrick para suriin ang naiwang campfire na puno ng abo, “... Bago pa ito. Ang mga nagsindi ng apoy ay dapat na nanatili rito mga dalawang araw na ang nakalipas!" Nang marinig iyon, nagkatinginan sina Gerald at Quest. Magandang balita ito! Kung tutuusin, kahit papaano ay napatunayan nito na buhay pa ang adventure team two days ago! “…Sige, sumilong muna tayo dito ng sandali. Itutuloy natin ang ating paglalakbay kapag natapos na ang snowstorm!" sabi ni Quest habang nilalapag ang kanyang backpack bago siya umupo para hindi niya masayang ang kanyang energy. Ganoon din ang ginawa ng iba, ngunit pinili ni Gerald na ipagpatuloy ang pag-inspeksyon sa paligid ng bangin. Maya-maya pa, tinawag ni Gerald sina Quest at Patrick. "Mr. Leane at Captain Wang, nag-scout ako sa paligid ng kaunti at nalaman kong wala na tayong ibang madadaanan. Ang paraan para umakyat sa bundok mula sa puntong ito ay sa pamamagitan ng pag-akyat. Tumingin kayo doon. Kung titingnan mo ito ng
Pagkatapos nila magpaalam kay Patrick at sa iba pa, sina Gerald at Quest ay nagsimulang umakyat sa natitirang bahagi ng holy mountain. Madalas na malakas pa rin ang bugso ng snow, na may paminsan-minsang nagyeyelong bugso ng hangin, pero papaano ay nakahanap pa rin ng paraan sina Gerald at Quest na makapunta sa ibaba ng bangin. Sa madaling salita, mayroon silang kaunting kontak lamang sa snowstorm. Habang naglalakad sila, bigla naman napatanong si Quest, "Ano sa tingin mo ang tsansa na na mabuhay ang adventure team, Gerald?" "Hindi ako sigurado kung kakayanin nila ito, pero sa palagay ko ay buhay pa rin sila. Sa tingin ko na-trap sila sa isang lugar sa bundok na ito!" may pag-asa na sinabi ni Gerald. Umaasa si Gerald na buhay pa sila. Hindi niya kayang isipin na mamamatay si Nori sa snowstorm na ito. Napailing lamang siya sa kanyang iniisip at pagkatapos nito ay nagtanong siya, "Kamusta na ang progress natin, Mr. Leane?" "Base sa estimation ko, sa tingin ay nasa seven thous
Nang marinig iyon, ipinikit na lang ni Gerald ang kanyang mga mata ng tahimik. Ipinakalat niya ang kanyang divine sense upang suriin ang natitirang bahagi ng tuktok ng bundok... Nakakalungkot dahil ang range ng kanyang holy sense ay limitado, kaya't siya ay nakapag-scan lamang ng hanggang ilang daang talampakan. Kahit papaano ay malawak iyon, pero hindi pa rin mahanap ni Gerald ang anumang bakas ng adventure team pagkatapos ng mahabang panahon. Sa kalaunan, nagtanong sa kanya si Quest, "...Sa palagay mo ba ay wala na ang adventure team dahil... umakyat sila sa mas mataas na bahagi ng bundok...?" Lumingon si Gerald kay Quest nang marinig niya iyon. Ang mga sinabi niya ay parang kalokohan, ngunit malaki ang posibilidad na totoo ito. Walang bakas ng nawawalang adventure team dito, kaya ang tanging paraan na mahanap sila — nang hindi nakasalubong ang rescue team sa kanilang pag-akyat — ay ang magpatuloy pataas ng bundok... “…Baka nga. Nandito naman na tayo, kaya umakyat pa tayo ng