Ang takot na takot na si Johnie ay nakatitig lamang habang si Gerald at sa kalaunan ay dahan-dahan itomh lumapit sa kanya... bago siya lumuhod sa harapan niya at iniunat ang kanyang kanang kamay. Nakatingin kay Johnie sa kanyang mga mata bago sinabi ni Gerald, "Nangako ka, ibigay mo na ngayon ang one hundred million dollars!" Nang marinig iyon, nakahinga ng maluwag si Johnie dahil hindi nangyari ang inasahan niya na papatayin siya ng taong ito... Lumalabas na sinusubukan lang ni Gerald na turuan siya ng leksyon... Naintindihan niya na siya ang talunan ngayon, kaya't ibinigay na lamang niya ang one hundred million dollars kay Gerald. Ang pera ay palaging darating at nawawala, kaya ang halagang iyon ay hindi masyadong malaki kay Johnie. Gayunpaman, kahit na wala siyang pakialam sa pera, pinangalagaan niya ang pagkawala ng kanyang pride. Ang kanyang dignidad bilang young master ng pamilyang Lager ay nasira at hindi ito nakayanan Johnie... Pagkatapos niyang makuha ang pera, umali
“Nagtatanong ka tungkol sa God Lord, tama ba? Ang kanyang tunay na pangalan ay Apollo at siya ang pinakamataas na leader ng Jaellatra! Nakatira siya sa God Temple!” paliwanag ni Nori. Nang marinig iyon, napagtanto ngayon ni Gerald na ang kanyang mga aksyon ay nakakuha na ng atensyon ng pinakamataas na leader ng Jaellatra... “Bakit bigla kang nagkaroon ng kainteres sa kanya, Gerald? Para sa iyong kaalaman, ang God Lord ay hindi kasing simple ng iniisip mo. Ayon sa mga balita, sapat na ang training niya upang makamit ang Seventh-soul-rank sa Sage Realm! Siya ay isang nakakatakot na indibidwal!" dagdag ni Nori. Hindi alam ni Nori kung bakit nagtatanong si Gerald tungkol sa God Lord, ngunit gusto niyang balaan ito na huwag ipagpatuloy ang pakikipaglaban kay Apollo. Kinilabutan si Gerald nang malaman niya Gerald na posibleng nakapasok na si Apollo sa Seventh-soul-rank sa Sage Realm... Kung totoo iyon, si Apollo ay isang makapangyarihang nilalang… Malapit nang makaabot si Gerald sa
Habang papalapit sila sa Talisman hall, nakita ni Gerald na nababalutan ng ginto ang buong gusali. May lumilitaw din na isang malaking stone tablet na inukit sa hugis ng isang secret technique talisman sa harap ng gusali. Ito ay matatagpuan malapit sa pasukan, kaya masasabi na ang talisman na ito ay simbolo ng Talisman Hall... Kakaunting tao lamang ang pumunta sa Talisman Hall at ang mga pumunta ay karaniwang nakasuot ng mga marangyang damit. Gayunpaman, hindi iyon nakakagulat, dahil ang lugar na ito ay ang pinaka-marangyang lugar kaysa sa pinakamahal na mga lugar sa loob ng Jaellatra. Pagdating nila sa main entrance, sinalubong sina Gerald at Nori ng isang lalaking nakasuot ng court robe. Kailangan munang tuparin ng mga tao ang ilang mga kondisyon upang makapasok sa gusali at ang lalaki ay kumilos bilang doorkeeper ng Talisman Hall. Nakita ng doorkeeper na dinukot ni Nori ang isang charm mula sa kanyang bulsa at agad na nagningning ang mga mata ng doorkeeper habang siya ay n
“Bakit mo ako biglang tinatanong tungkol dito? Hindi kaya interesado ka kung paano gumawa ng secret technique talismans?" tanong ni Nori habang nakangiti sa kanya. Hindi na ito itinanggi ni Gerald habang dahan-dahan siyang tumango. “…Kung talagang interesado kang matuto, pwede kitang ipakilala sa isang taong kakilala ko. Isa siyang Second-rank Talisman Master sa loob ng Talisman Union at ang pangalan niya ay Chace Hunt. Siya ay isang matagal nang kaibigan ng aking tatay!" sabi ni Nori. “Pwede ba yun? Ibig kong sabihin, hindi ako lokal sa Jaellatra. Qualified ba akong matuto kung paano gumawa ng mga secret technique talismans…?” tanong ni Gerald, alam niya na ayaw ng maraming tao mula sa Jaellatra ang mga tao mula sa munding ibabaw. Meron lamang napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng mga tao mula sa dalawang lupain. “Huwag kang mag-alala, mabait na tao si Master Hunt, kaya sigurado akong hindi siya tututol! At saka, ang tatay ko ay hindi tipo ng tao na tinatakwil ang mga tao na n
“Meron! Sumunod po kayo sa akin!" sagot ng staff habang inaakay sina Gerald at Nori sa kabilang hall. Pagpasok nila, makikita ang napakaraming nakakasilaw na mga talisman sa mga dingding. Ang lahat ng ito ay may iba't ibang levels ng quality kaya nagsimula si Gerald na mag-browse upang makita kung saan sa mga ito ang kailangan niya. Sa kabutihang palad, ang mga tao na nasa loob ng hall na ito ay affordable dahil ang mga presyo ng mga ito ay umaabot ng ilang libo hanggang ilang milyong dolyar. Inabot siya ng halos isang oras, ngunit nang sa wakas ay tapos na si Gerald dahil nakabili na siya ng ilang daang middle at high-quality na talisman. Nakakuha din siya ng ilang dosenang mga rare quality. Sa kabuuan, ang halaga ng mga binili niya ay umabot ng one hundred thirty million dollars! Ginamit ni Gerald ang sarili niyang pera para mabayaran ang dagdag na gastos. Gayunpaman, alam na ngayon ni Gerald kung gaano kamahal ang mga talisman na ito! Gayunpaman, ang mga ito ay mga talisma
Ang itsura ni Jonas ay tila nagdilim nang husto habang siya ay napaungol sa galit. Sa katunayan, ang pamilyang Zahn at ang pamilyang Lager ay pantay na makapangyarihan sa Jaellatra. Alam ng dalawang pamilya ito kaya siniguro na hindi sila makakasakit sa isa't isa. Nasangkot si Gerald sa mga gawain ni Nori sa pagkakataong ito, kaya lumilitaw na sa wakas ay magkakaroon ng misunderstanding sa pagitan ng dalawang pamilya... “Huwag kang mag-alala, Johnie, tutulungan kita dito. Sinasabi ko kay papa ang tungkol dito! Malalaman natin ngayon kung ano talaga ang kayang gawin ng pamilyang Zahn!" sabi ni Jonas habang naniningkit ang kanyang mga mata bago niya inalalayan ang kapatid pabalik sa kanyang silid para makapagpahinga siya... Kinagabihan, ang Quantock family manor ay makikitang pinalilibutan ng maliwanag na mga ilaw at ang mga servant ng pamilyang iyon ay parang nagbabantay sa buong lugar. Si Zaki ay nakatayo sa lobby, nakatingin siya sa lahat ng nasa harapan niya na may pag-aala
Kinaumagahan, makikitang nakaparada ang ilang magagarang sasakyan sa harap ng manor ng pamilya Zahn. Kapansin-pansin na ang bawat plaka ng mga sasakyan ay nagsisimula sa salitang 'Lager', kaya malinaw kung sino ang bumibisita sa pamilyang Zahn. Pagkatapos makita ang kaawa-awang kalagayan ni Johnie kahapon, si Jonas ay nagsumbong sa kanyang ama na si Augustus Lager, ang family head ng pamilyang Lager. Nagalit siya nang marinig niyang may nanakit sa kanyang pangalawang anak. Kilala siya bilang isang napaka-protective na tao sa kanyang mga anak. Hindi niya makayanan ang katotohanan na ang kanyang pinakamamahal na anak ay sinaktan, kaya nandito siya ngayon upang ayusin ito sa pamilyang Zahn. “Master Zahn, kung hindi mo alam, binugbog ng boyfriend ng anak mo ang anak ko! Paano mo aayusin ito? Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako binibigyan ng katanggap-tanggap na sagot!" sigaw ni Augustus habang naka-dekwatro ang kanyang mga binti sa harap ng head ng pamilyang Zahn na si Yoshua Zah
Pagkatapos magsalita ni Jonas, biglang umalingawngaw ang boses ni Gerald! Kilala ni Nori ang boses na iyon kaya napasigaw siya, “Gerald!” Kasunod nito, kaswal na pumasok si Gerald na nakalagay ang kanyang mga kamay sa bulsa. Tumibok ng malakas ang puso ni Nori sa pagdating ni Gerald, habang ang mga mukha ni Jonas at Augustus ay agad na namula sa sobrang galit! "Ikaw ba ang nanakit sa anak ko?" singhal ni Augustus habang nakatitig kay Gerald. Lumingon si Gerald para tingnan siya at bumuntong-hininga siya bago siya sumimangot, “Tama! Ang mayabang mong anak ang humamon sa akin ng laban! Ano? Sinusubukan na ba niyang maghiganti sa iba pagkatapos niyang matalo? Sobrang nakakaawa ba talaga siya?” Nang marinig iyon, agad na kumulo ang dugo ni Augustus! Para sa isang brat, alam ni Gerald kung paano ilabas ang kanyang kahinaan! Gaya nga ng sinabi ni Gerald, magiging isang katatawanan si Johnie kapag nalaman ng mga tao na ang kanyang pamilya ang naghiganti para sa kanya pagkatapos