Pagkatapos magsalita ni Jonas, biglang umalingawngaw ang boses ni Gerald! Kilala ni Nori ang boses na iyon kaya napasigaw siya, “Gerald!” Kasunod nito, kaswal na pumasok si Gerald na nakalagay ang kanyang mga kamay sa bulsa. Tumibok ng malakas ang puso ni Nori sa pagdating ni Gerald, habang ang mga mukha ni Jonas at Augustus ay agad na namula sa sobrang galit! "Ikaw ba ang nanakit sa anak ko?" singhal ni Augustus habang nakatitig kay Gerald. Lumingon si Gerald para tingnan siya at bumuntong-hininga siya bago siya sumimangot, “Tama! Ang mayabang mong anak ang humamon sa akin ng laban! Ano? Sinusubukan na ba niyang maghiganti sa iba pagkatapos niyang matalo? Sobrang nakakaawa ba talaga siya?” Nang marinig iyon, agad na kumulo ang dugo ni Augustus! Para sa isang brat, alam ni Gerald kung paano ilabas ang kanyang kahinaan! Gaya nga ng sinabi ni Gerald, magiging isang katatawanan si Johnie kapag nalaman ng mga tao na ang kanyang pamilya ang naghiganti para sa kanya pagkatapos
Itinutok niya ang kanyang kamao sa ulo ni Gerald, sigurado si Jonas na mawawarak ang skull ni Gerald sa kanyang atake! Gayunpaman, isa lamang siyang hangal kung iisipin niyang ibibigay ni Gerald ang pagkakataong iyon sa kanya. Madaling pumunta sa gilid si Gerald para umiwas sa atake! Habang dumadaan ang kamao ni Jonas sa mukha ni Gerald, naramdaman ni Gerald ang napakalaking ng suntok na ito... Bilang isang taong nakapasok sa First-soul-rank ng Sage Realm, walang alinlangan na isang malakas na nilalang si Jonas... Kawawa naman siya dahil si Gerald ang kalaban niya. Napagtanto ni Jonas na talagang sumablay ang kanyang atake kaya nagulat siya. Napakabilis pala talaga ni Gerald! Mabilis siyang nakapag-isip ng susunod na hakbanga at agad siyang tumalikod upang ilunsad ang isang nakamamatay na sipa kay Gerald! Gayunpaman, naiwasan muli ni Gerald ang atake nang walang anumang problema. Mula doon, ang pagkakaiba ng lakas ng dalawa ay kasing tingkad ng araw. Sa mundo ng martial a
Pagkatapos nito ay nagmadaling pumunta si Augustus sa kanyang sasakyan at mabilis siyang umalis. Tuwang-tuwa si Nori nang makita niyang umalis ang pamilyang Lager, “Natalo mo siya Gerald! Napakalakas mo na kahit si Jonas ay hindi makalaban sayo!" Habang patuloy na pinupuri ni Nori si Gerald, si Yoshua ang iba pang miyembro ng pamilyang Zahn ay nakatitig lamang kay Gerald, nagulat sila sa kinalabasan ng laban na iyon. Napansin ni Nori na tahimik ang kanyang pamilya, kaya kinuha niya ang pagkakataon na ipakilala si Gerald sa kanyang ama. “Pa, siya ay tinutukoy ko kanina! Ang pangalan niya ay Gerald Crawford!” Nang marinig iyon, tumango lang si Yoshua bago niya sinenyasan silang bumalik sa hall sa ngayon... Kusa silang binati ni Gerald nang makita niya sila, "Ikinagagalak kitang makilala, Master Zahn!" "Masaya kaming makilala ka, Gerald. Alam mo, kanina pa sinasabi sa akin ni Nori kung gaano ka kalakas... Pagkatapos kong makita ang nangyari kanina, sumasang-ayon na ako sa mg
Hindi nagtagal bago pumasok sa manor ng pamilyang Zahn ang isang matandang nakasuot ng mahabang damit. May gold badge na naka-pin malapit sa kanyang dibdib at ang taong ito ay walang iba kundi si Master Chace Hunt mismo, isang Second-rank Talisman Master sa Talisman Union... "Oh, andito ka pala, Chace!" sabi ni Yoshua habang mabilis siyang naglakad para batiin ang matanda nang makita niya ito. "Bakit gusto mo akong makita, Yoshua?" tanong ni Chace nang diretso.. Base sa kaswal na pag-uusap ng dalawa, masasabi na ang dalawang ito ay malapit at matagal nang magkaibigan. "Gusto kong ipakilala sayo ang isang taong may interes sa pag-aaral kung paano gumawa ng mga secret techinque talismans. Naisip ko na mas maganda kung pag-uusapan ito ng personal, kaya inimbitahan kita dito!" nakangiting sinabi ni Yoshua. Medyo nagulat si Chace nang marinig niya iyon, "Huwag mong sabihin sa akin na sinusubukan mong gawing disciple ko ang iyong pinakamamahal na anak!" Tumawa si Yoshua at sina
Pagkalipas ng ilang segundo, ibinaba ni Chace ang kanyang brush bago niya itinapon ang talisman sa langit... Sa oras na iyon, ang talisman ay naging isang golden phoenix na lumipad palayo. "Ang talisman na ito ay tinatawag na Soaring Golden Phoenix!" paliwanag ni Chace habang sumesenyas na magsimula na si Gerald. Nakita ni Gerald ang kanyang senyas at ipinikit niya ang kanyang mga mata bago niya maingat na inalala ang bawat movement ni Chace. Nakita ni Chace na hindi nagsusulat ng kahit ano si Gerald kaya sinabi niya, "Alam mo, sumuko ka na lang hangga't kaya mo!" ‘Sumuko...?’ naisip ni Gerald nang makaramdam siya ng sama ng loob. Kailan pa siya umamin ng pagkatalo? Wala sa kanyang diksyonaryo ang pagsuko! Makalipas ang ilang segundo, biglang idinilat ni Gerald ang kanyang mga mata bago niya kinuha ang brush at nagsimulang gumuhit ng talisman na katulad ng kay Chace. Parang tubig ang kanyang galaw na parang tinutulak ni Gerald ang tubig sa ilog habang gumuhit siya. Napaka-f
Nang makarating sila sa Talisman Union, dinala ni Chace si Gerald sa main hall.Sumalubong sa kanila ang isang lalaking nakasuot ng damit na tulad ni Chace, at meron siyang kasamang binata."Master Hunt, mukhang nakakuha ka na ng disciple!"Sinalubong ng lalaki si Chace na may abot tengang ngiti."Master Griffin, saan ka pupunta?"Ang kanyang pangalan ay Llyod Griffin. Tulad ni Chace, isa rin siyang Two-rank Talisman Master sa Talisman Union. Masasabi na sila ay magkapatid.Gayunpaman, si Lloyd ay nakakuha na ng mga disciples kumpara kay Chace."Haha, Master Griffin, saan ka pupunta?"Ngumiti si Chace at sumagot siya kay Lloyd.“Master Griffin, ang disciple ay nakagawa ng isang middle-quality talisman. Dadalhin ko siya para makilala ang Great Master paea hilingin sa kanya na ipagkaloob sa kanya ang titulo ng One Rank Talisman Scribe!"Medyo proud na sinabi ni Llyod kay Chase.Ang hierarchical na structure ng Talisman Union ay nahahati sa apat na structures na, mula sa ibaba
Napanganga si Gerald nang makita niya ang makintab na badge.Sa wakas, naging miyembro na siya ng Talisman Union at siya rin ang disciple ni Master Chace Hunt. Ngayon, matututo na siya kung paano gumawa ng mga secret technique talisman.“Gerald, mananatili ka dito sa akin sa loob ng ilang araw. Ituturo ko sayo ang ilang basic knowledge tungkol sa mga secret technique talismans at ang mga paraan kung paano gumuhit ng mga strokes. Napakatalino mo pero may mga bagay na kailangan mo pa ring matutunan ang mga skills. Inborn advantage ang talent ngunit kailangan mo pa ring matuto ng maraming bagay. Wag kang masyadong magmalaki, naiintindihan mo?"Tumingin si Master Hunt kay Gerald habang taimtim niya itong pinayuhan."Opo, Master Hunt. Naiintindihan ko. Gagawin ko ang sinabi mo at magsisikap sa pag-aaral kung paano gawin ang secret technique talismans. Hindi kita ipapahiya!”Desidido na tumingin si Gerald kay Chace at tumango.Napakataas ng expectations ni Master Hunt sa kanya, kaya ma
Sa kanyang ikatlong pagsubok, binago ni Gerald ang paraan ng kanyang mga stroke.Hindi pangkaraniwan ang pattern ng gintong dragon na ito. Ang pagsisimula ng mga stroke sa iba't ibang mga lugar ay magdadala ng iba't ibang mga resulta. Kapag natagpuan niya ang tamang lugar upang simulan ang mga stroke, makakagawa siya ng perfect quality talisman.Makalipas ang ilang minuto, natapos na ni Gerald ang pagguhit sa ikatlong pagkakataon.Sa pagkakataong ito, marami na siyang improvement sa kanyang skill.Kahit pa hindi siya nakagawa ng perfect quality talisman, matagumpay siyang nakagawa ng rare quality talisman.Isang makintab na silver dragon na napapalibutan ng gintong liwanag ang lumabas mula sa talisman at umikot ito kay Gerald."Gerald, kamusta ang practice mo?"Maya-maya lang ay bumalik na si Chace mula sa trabaho at naglakad siya papunta sa garden habang tinanong niya si Gerald.Sa sumunod na segundo, idinilat ni Chace ang kanyang mga mata at ang kanyang mukha ay nagkaroon ng