Gabing-gabi na sa loob ng isang secret manor sa Yanam, makikitang masayang kumakain si Gerald at ang kanyang pamilya habang nakikipag-usap sila sa bawat isa. Kahit si Yoel ay masaya, habang inaalalayan siya ng ina ni Gerald, dahil sa nagaganap na reunion. Matagal na noong huli silang nagsama ng ganito... Gayunpaman, hindi maramdaman ni Gerald ang tunay na saya sa lahat ng mga nangyayari. Hindi niya kayang makita ang kawawang itsura ni Yoel na tinanggalan ng mga mata at ang kanyang dila! Ang kanyang mga magulang ay hindi na rin makalakad at para sa kanyang kapatid na babae... hindi niya maisip ang lahat ng paghihirap na dinanas nito habang naghihintay sa kanya... Para kay Gerald, nangyari lang ang lahat ng ito dahil sa hindi niya ginawa ang lahat para maprotektahan ang kanyang pamilya. Dahil dito ay sinisi niya ang kanyang sarili sa lahat ng kanilang pagdurusa, ang lahat ng pagkakasala na iyon ay humadlang sa kanya na maging masaya sa sandaling ito... Kung gumawa lang siya ng ka
Napakabilis ng shadow na ito, ngunit nakikita pa rin ito ni Gerald sa gilid ng kanyang mga mata... Napagtanto niya na hindi sila nag-iisa, kaya naramdaman niya na ang bagay o mga tao na ito ay may pinaplanong masama. Ayaw niyang malaman ni Jessica o ng kanyang mga magulang ang tungkol dito dahil posibleng mag-alala o matakot sila, kaya mabilis na sinabi ni Gerald, “Medyo gabi na ngayon. Magpahinga ka muna, ate!" "Oo nga... Huwag kang magpuyat, Gerald!" sagot ni Jessica habang nakangiti ng matamis bago siya bumalik sa mansyon. Pagkatapos niyang masiguro na nakapasok na ang kanyang ate, agad na tumalon si Gerald palabas ng manor at pumunta sa lugar kung saan huling naramdaman niya ang presensya ng anino. Pagdating niya sa lugar na iyon, huminto siya ng sandali bago niya i-activate ang kanyang holy sense para suriin ang lugar... Pagkatapos ng ilang sandali ng tahimik na nakatayo doon, tumingala si Gerald sa mga punong nakapalibot sa kanya bago siya sumigaw, “Lumabas ka na! Alam ko
Samantala, ang tunog ng isang tasang nabasag ang maririnig sa loob ng isang manor sa malayong lungsod ng Sunniva… Ang may kagagawan nito ay ang galit na galit na si Zaki Quantock, ang leader ng pamilyang Quantock... Maraming mga miyembro ng pamilyang Quantock ang nakakita nito at sila ay yumuko lamang, hindi sila naglakas-loob na magsalita o tumingin sa mga mata ni Zaki dahil sa takot na ilabas niya ang kanyang galit sa kanila... “T*ng-ina mo ka…! Dudurugin kita, Gerald Crawford…!” sigaw ng galit na galit na si Zaki habang makikita sa kanyang mga mata ang matinding galit. Ang pagkamatay sa pamilyang Quartermain sa Jaellatra ay nagdulot ng matinding kaguluhan sa kanyang pamilya. Talagang naging matapang si Gerald para gawin ang ganoong bagay! “…Ano… ang dapat nating gawin ngayon…?” tanong ni Shawn Quantock, isang middle-aged na lalaking panganay na anak ni Zaki, habang naglalakad siya palapit kay Zaki. “Ano ulit? Anong ibig mong sabihin ano ang dapat nating gawin? Pagbabaya
Ngumisi si Yamazon sa sinabi ni Gerald bago siya sumagot, “Hindi ka pinatugis ng pamilyang Quantocks pagkatapos mong patayin ang pamilyang Quartermain, pero naiiba kami sa kanila! Nandito kami ngayon para patayin ka bilang paghihiganti sa pagpatay mo sa pamilyang Quartermain!" Malamig ang boses ni Yamazon nang sabihin niya ito at mararamdaman ang galit na galit na aura mula sa kanya. "…Ano? Nandito kayong lahat para patayin ako?" naiinis na tinanong ni Gerald habang tumitingin siya sa tatlo. "Hindi ka makakalaban sa amin, bata! Kaming tatlo ay higit pa sa sapat para tapusin ka!" Nakangiting sinabi ni Yamazon bago siya kumilos na parang handa na siyang pumatay! Ilang segundo lamang nang biglang lumitaw si Yamazon sa harap mismo ni Gerald! Ganito kalakas ang isang tao mula sa Sage Realm! Gayunpaman, nakapasok na rin si Gerald sa Sage Realm, kaya hindi siya madaling makakalaban ni Yamazon. Ngunit alam niyang kailangan muna niyang ilayo ang tatlo sa manor para hindi masaktan ang
Pagkatapos niyang pabagsakin ang dalawa pa, nagsimulang mag-isip si Gerald ng susunod niyang hakbang. Dahil sa pangyayaring ito, alam ni Gerald na kailangan niyang pumunta sa Sunniva City sa lalong madaling panahon para patayin ang pamilyang Quantock... Pagkatapos niya itong pag-isipan, kinuha ni Gerald ang kanyang cellphone at idinial ang number ni Hubert Younger mula sa Dragon Squad... Anuman ang kanyang susunod na hakbang, kailangan pa rin niya ng isang tao para ayusin ang mga bangkay na ito. Hindi tumutol si Hubert sa kahilingan ni Gerald at makalipas ang halos kalahating oras, dumating ang mga tauhan ni Hubert upang kunin ang mga bangkay... Pagkatapos nito, hindi maiwasan ni Gerald na mapabuntong hininga. Kung tutuusin, medyo maganda ang umaga niya bago dumating si Yamazon at ang kanyang mga alipores... Gayunpaman, nanatiling ligtas ang kanyang pamilya kaya kahit papaano ay maayos pa rin ang kanilang kalagayan. Pagkatapos ayusin ang problema, nagmadali namang bumalik si
Ang unang dahilan kung bakit siya bumalik doon ay para malaman ang higit pa tungkol sa God Lord binanggit noon ng lalaking nakaitim... Pangalawa, gusto niyang bumili ng ilang secret talismans. Karaniwan sa Jaellatra ang mga secret technique talismans at ang mga ito ay may kamahalan. Ngunit hindi nakatulong na ang mga gusto ni Gerald ay ang mga mas namumukod tanging variant... Naisip ni Gerald ang isang study kung paano gumawa ng anting-anting. Kapag natutunan niya ito, hindi na siya gagastos ng masyadong maraming pera. Gayunpaman, alam niya na ang paggawa ng talisman ay isang napaka-challenging na technique na kailangan niyang makabisado. Wala na siyang masyadong oras o lakas na natitira para doon, kaya isinantabi na lang ni Gerald ang idea na iyon sa ngayon. Lumipad siya ng ilang oras hanggang sa nakarating siya sa Jaellatra nang walang aberya. Medyo pamilyar na siya sa lugar dahil ito ang pangalawang beses na niya dito. Madali siyang nakarating sa mga lugar na kailangan niy
Dahil doon, mabilis na nilayo ni Gerald ang dalaga sa kanya. Gulat si Nori nang sabihin niya, “Bakit ka bumalik, Gerald? At bakit hindi mo sinabi sa akin na babalik ka ng maaga?" “Kanina pa kita hinahanap pero sinabi sa akin ng mga guwardiya mo umalis ka raw! Dahil doon, pumunta ako rito para tingnan kung swertehin ako sa paghahanap sayo!" paliwanag ni Gerald. Natuwa si Nori nang marinig niya iyon. Sabagay, miss na miss na niya si Gerald simula nang maghiwalay sila. Masyado siyang bored pagkatapos ng kanilang pagkikita. Nakita ng lalaking naka-suit na masyadong malapit si Nori kay Gerald, kaya galit na galit siyang naglakad papunta sa kanila bago siya nagtanong, "Sino siya, Nori?" Nanlilisik ang mga mata ni Nori habang nakatingin sa lalaking nakaputi, bago niya malamig na sinabi, “Siya ang boyfriend ko, Johnie Lager! Kaya itigil mo na ang panggugulo sa akin o tuturuan ka niya ng leksyon kung hindi ka titigil!" Napakunot-noo na lang si Gerald nang marinig niya ang sinabi ni
Wala nang pakialam si Johnie sa mga masasakit na salita ni Nori dahil si Gerald na nag kanyang target. Noong una ay walang intensyon si Gerald na patulan ang lalaking ito, ngunit pagkatapos marinig ang mga pagbabanta ni Johnie, alam niya na ito ang magandang pagkakataon para turuan ang mga kabataan ng leksyon. 'Mukhang walang takot ang binata na ito hangga't hindi niya nakikita ang kanyang sariling kabaong! Malamang hindi siya aatras hangga't hindi niya nakakamit ang kanyang layunin...' "Sigurado ka bang gusto mo akong labanan ng mag-isa?" malamig na tinanong ni Gerald habang nakatitig kay Johnie. “Tigilan mo na ang pagsasalita diyan at simulan na natin ang laban! Kapag nanalo ako, kailangan mong gumapang hanggang makaalis ka sa Earth Capital!" galit na sinabi ni Johnie habang nakatitig kay Gerald. "Okay lang sa akin, pero paano kung matalo ka?" tanong ni Gerald habang nakangiti. “Humph! Hindi mo matatalo ang isang taong tulad mo!" malakas ang loob ni Johnie nang sabihin ni