"Sa katunayan … pwede ko bang malaman kung bakit ka pumunta sa lugar na ito, master? Sinabi mo na si Miss Lockland ay kasalukuyang nasa mundong ibabaw,” tanong ng Jade Infused Blood sa magalang na pamamaraan sa harapan ni Gerald. "Tama ka. Pero siya ay nabubuhay bilang remnant ng kanyang kaluluwa sa mundong ibabaw. Nakakalungkot dahil hindi ako sapat na malakas sa oras na sinundan kami ng King of Judgment Portal. Dahil hindi ko pa maprotektahan ang aking sarili, nagsilbi si Zyla bilang isang distraction sa pamamagitan ng pag-akit sa King of Judgment Portal. Matapos ang pangyayaring iyon, hinanap ko siya sa mundo. Sa kasamaang palad, wala akong nakitang mga pahiwatig kung saan siya maaaring umalis! Sa pag-iisip nito, nagkaroon ako ng isang hunch na maaari niyang bumalik sa Jaellatra "Tungkol sa kung bakit ako naririto, masasabi mong ang pagbabalik ng Liemis kay Zyla ay isa sa aking mga kadahilanan. Ang iba pang kadahilanan na napunta ako rito ay dahil nakuha ng aking kapatid na baba
Kasunod nito, isang paputok ang maririnig! Nakatitig ang lahat habang ang mga nakapaligid na dahon ay nagsimulang magtipon sa harap ni Yusef, partikular sa harap ng kanyang dibdib... Ang mga dahon ay nagsimulang umikot at nang maging sapat na ang laki ng dahon, si Yusef ay umabante gamit ang kanyang dibdib para ihagis ang bola ng mga dahon! Sa sandaling iyon, isa pang pagsabog ang maririnig habang ang orb ng mga dahon ay lumipad nang napakabilis papunta kay Gerald! Inilagay ni Gerald ang kanyang mga daliri sa isang sword formation bago niya sinabi, 'Lumabas ka, Storm-Forged Blade!' Pagkatapos nito ay pinitik ni Gerald ang kanyang mga daliri sa direksyon ng globo at pumutok ang blade light bilang ganti! Sabay-sabay na pagsabog ang nangyari habang ang atake ay tumama sa isa't isa... Hanggang sa wakas, ang malaking bola ng mga dahon ay nahati sa dalawa at lumikha ito ng pinakamalakas na pagsabog! Lahat ng naroroon ay napaatras ng ilang hakbang sa kanilang pagkabigla, natulal
Pagkatapos siyang hulihin ng pamilyang Quartermain sa Jaellatra, matindi ang pagdudusa na naranasan ni Jessica habang lumilipas ang bawat araw. Sa kabila ng patuloy na pananakit, nanatiling matatag ang kanyang kalooban. Naniniwala siya na darating si Gerald balang araw para iligtas siya sa lugar na ito. Dahil doon, alam niyang kailangan niyang mabuhay nang matagal para magawa niya iyon. Hindi niya inasahan na darating ang araw na iyon nang mas maaga kaysa sa inaasahan niya. Kung tutuusin, nasa Jaellatra na si Gerald at ipinagpaliban pa niya ang laban nila ni Yusef dahil kailangan niyang unahin ang pagligtas sa kanyang kapatid. Dahil nakapasok na siya sa Ninth-rank ng Rune Realm, malapit na rin makapasok si Gerald sa Sage Realm. Dahil doon, alam niyang hindi na niya kailangang matakot kapag kinalaban niya ang pamilyang Quartermain. Maililigtas na niya ngayon ang kanyang kapatid na babae! Hindi nagtagal bago dumating si Gerald sa Bario City. Mag-isa siyang naglalakad habang suo
Naghiyawan ang lahat nang marinig nila iyon! Si Gerald naman ay tahimik na nanatiling low-profile sa isang madilim na sulok ng banquet hall. Para sa kanya, hindi ito ang araw para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Yesirn. Sa halip, nakikita niya ang araw na ito bilang memorial service ni Yesirn. Makikita ang lahat na patuloy na nalululong sa kasiyahan at pag-inom, kaya hindi man lang namalayan ni Yesirn na isang malaking panganib ang paparating sa kanya... May kasabihan na dati nang narinig ni Gerald na bagay sa kanyang gagawin. 'Ang pagtatapos ng party ay ang pinakamahusay na oras para matapos ang negosyo'. Habang iniisip niya iyon, sinigurado ni Gerald na nakababa ang kanyang hood bago siya tumalon sa ere! Makalipas ang isang segundo, nakita ng lahat ang naroroon ang isang matipunong tao na bumaba mula sa kisame ng banquet hall... bago siya lumapag sa isa sa mga dining table! Nabigla sa lahat nang makita nilang nahati sa kalahati ang dining table, ang mga nakapalibot na panau
Nang makita iyon, itinulak lang ni Gerald ang kanyang mga palad at agad na pinalipad ang dalawang guwardiya gamit ang kanyang malakas na essential qi! Nang lumapag ang dalawang bangkay, napagtanto ni Yesirn na patay na ang dalawa pagkatapos ng Isang atake! Iyon lang ang kinailangan ni Gerald para patayin ang kanyang pinakamalakas na guards...! Alam na niya ngayon na wala siyang laban kay Gerald kaya napailing si Yesirn at dahan-dahan siyang umatras ng ilang hakbang habang nagbabanta, “L-Lumayo ka…! Kung sasaktan mo ako, huwag ka nang umasa na mabubuhay pa ang iyong pamilya…!" Alam ni Yesirn na malapit na malapit na siyang mamatay, ngunit sinusubukan pa rin niyang gamitin ang pamilyang Quartermain para takutin si Gerald. Alam niyang mag-isang pumunta si Gerald para harapin ang kanyang pamilya. Hindi ba mahuhulog si Gerald sa kanyang bitag gamit ang pagbabanta dahil napaka-careless niya sa kanyang mga aksyon...? Ang pag-asa ni Yesirn para sa ganoong senaryo ay nagpatunay na siya
Kasunod nito, ang mga kamay ni Gerald ay nagkaroon rin ng matatalas na kuko! Bago pa man niya matanggap ang atake ni Miguel, madaling hinawakan ni Gerald sa leeg ang lalaki bago niya ito binuhat at inihagis sa gilid! Duguan ang kanyang leeg ngayon at dahan-dahang lumuhod ang nasugatan na si Miguel dahil sa sakit na nararamdaman niya bago siya bumulong, “...Ikaw... Hindi ko… inakala na… marunong kang... gumamit ng Thunderclap...!" Umagos ang dugo si bibig ni Miguel kaya hindi man lang nakumpleto ng naghihingalong lalaki ang kanyang pangungusap. Gayunpaman, alam niya na ginamit ni Gerald ang atakeng iyon kasama ang Thrusting Dragon... Hindi inasahan ni Miguel na gagamitin ni Gerald ang skill na ipinagmamalaki niyang expert siya para patayin siya... Alam na hindi na niya maliligtas ang kanyang sarili sa kahihiyan na ito, kaya sa wakas ay sumuko si Miguel at nahulog sa sarili niyang dugo hanggang sa mamatay siya… Nakita ni Yesirn ang lahat ng iyon at takot na takot siya sa sand
Pagkatapos magsalita ni Gerald, isang malutong na crack ang maririnig. Kasunod nito, napuno ng hangin ng mga masasakiy na hiyaw ni Yesirn! Pinisil ni Gerald ang isang braso ni Yesirn at makikita sa mukha niya ang matinding sakit na nararamdaman ng young master. Lalong nagalit si Henrick nang makita niya iyon at tinititigan niya si Gerald habang sumisigaw ng, “Ikaw…!” “Tingnan mo ito, tanda! Nasa kamay ko ang anak mo at kung gusto mong mabuhay siya sa pagtatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya. Alam mong makakabuti sayo kung ibigay mo ang kapatid ko! I'm sure alam mo kung ano ang mangyayari sa kanya kapag hindi ka sumunod!" sagot ni Gerald, ayaw na niyang mag-aksaya pa ng oras kay Henrick. Ito ay isang malinaw na panukala na hindi pwedeng tanggihan ni Henrick maliban na lang kung wala siyang pakialam sa kanyang anak. Gayunpaman, ipinagpatuloy lang ni Henrick ang pagturo kay Gerald habang sumisigaw ng, "Makinig ka sa akin, kung mamatay man ang anak ko, hindi mo maaabutan ng buha
"Ikaw…! Makinig ka! Hawak ko pa rin ang kapatid mo! Huwag mong subukan na gumawa ng trick, naririnig mo?!" sabi ni Henrick habang galit niyang hinawakan si Jessica sa leeg nito. “Tanda! Subukan mong magkamali sa kapatid ko at papatayin ko ang anak mo! Kung sa tingin mo nagbibiro lang ako, subukan mo ako!" sabi ni Gerald nang bigla niyang binuhat si Yesirn sa kanyang leeg. Nakita ni Henrick na umiikot na ang mga mata ng kanyang anak sa kanyang namumulang mukha, kaya alam ng master ng pamilyang Quartermain na ang kanyang mga banta ay walang kahulugan para kay Gerald. Hindi na nagdalawang isip si Henrick at agad niyang binitawan ang leeg ni Jessica bago siya sumagot, "...Okay! Makipagpalitan tayo ng mga hostage!" Nang marinig iyon, alam ni Gerald na kailangan niyang makipaglaro sa lalaking ito. Binitawan din niya ang leeg ni Yesirn at parehong dahan-dahang naglakad sina Gerald at Henrick patungo sa isa't isa. Mahigpit ang kanilang pagkakahawak sa likod ng kanilang mga hostage. N