Kasunod nito, ang mga kamay ni Gerald ay nagkaroon rin ng matatalas na kuko! Bago pa man niya matanggap ang atake ni Miguel, madaling hinawakan ni Gerald sa leeg ang lalaki bago niya ito binuhat at inihagis sa gilid! Duguan ang kanyang leeg ngayon at dahan-dahang lumuhod ang nasugatan na si Miguel dahil sa sakit na nararamdaman niya bago siya bumulong, “...Ikaw... Hindi ko… inakala na… marunong kang... gumamit ng Thunderclap...!" Umagos ang dugo si bibig ni Miguel kaya hindi man lang nakumpleto ng naghihingalong lalaki ang kanyang pangungusap. Gayunpaman, alam niya na ginamit ni Gerald ang atakeng iyon kasama ang Thrusting Dragon... Hindi inasahan ni Miguel na gagamitin ni Gerald ang skill na ipinagmamalaki niyang expert siya para patayin siya... Alam na hindi na niya maliligtas ang kanyang sarili sa kahihiyan na ito, kaya sa wakas ay sumuko si Miguel at nahulog sa sarili niyang dugo hanggang sa mamatay siya… Nakita ni Yesirn ang lahat ng iyon at takot na takot siya sa sand
Pagkatapos magsalita ni Gerald, isang malutong na crack ang maririnig. Kasunod nito, napuno ng hangin ng mga masasakiy na hiyaw ni Yesirn! Pinisil ni Gerald ang isang braso ni Yesirn at makikita sa mukha niya ang matinding sakit na nararamdaman ng young master. Lalong nagalit si Henrick nang makita niya iyon at tinititigan niya si Gerald habang sumisigaw ng, “Ikaw…!” “Tingnan mo ito, tanda! Nasa kamay ko ang anak mo at kung gusto mong mabuhay siya sa pagtatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya. Alam mong makakabuti sayo kung ibigay mo ang kapatid ko! I'm sure alam mo kung ano ang mangyayari sa kanya kapag hindi ka sumunod!" sagot ni Gerald, ayaw na niyang mag-aksaya pa ng oras kay Henrick. Ito ay isang malinaw na panukala na hindi pwedeng tanggihan ni Henrick maliban na lang kung wala siyang pakialam sa kanyang anak. Gayunpaman, ipinagpatuloy lang ni Henrick ang pagturo kay Gerald habang sumisigaw ng, "Makinig ka sa akin, kung mamatay man ang anak ko, hindi mo maaabutan ng buha
"Ikaw…! Makinig ka! Hawak ko pa rin ang kapatid mo! Huwag mong subukan na gumawa ng trick, naririnig mo?!" sabi ni Henrick habang galit niyang hinawakan si Jessica sa leeg nito. “Tanda! Subukan mong magkamali sa kapatid ko at papatayin ko ang anak mo! Kung sa tingin mo nagbibiro lang ako, subukan mo ako!" sabi ni Gerald nang bigla niyang binuhat si Yesirn sa kanyang leeg. Nakita ni Henrick na umiikot na ang mga mata ng kanyang anak sa kanyang namumulang mukha, kaya alam ng master ng pamilyang Quartermain na ang kanyang mga banta ay walang kahulugan para kay Gerald. Hindi na nagdalawang isip si Henrick at agad niyang binitawan ang leeg ni Jessica bago siya sumagot, "...Okay! Makipagpalitan tayo ng mga hostage!" Nang marinig iyon, alam ni Gerald na kailangan niyang makipaglaro sa lalaking ito. Binitawan din niya ang leeg ni Yesirn at parehong dahan-dahang naglakad sina Gerald at Henrick patungo sa isa't isa. Mahigpit ang kanilang pagkakahawak sa likod ng kanilang mga hostage. N
“Mag-ingat ka, Gerald, okay…?” sabi ni Jessica bago humiwalay ang kapatid. Alam niya kung gaano karaming problema ang pinasok ni Gerald para lamang iligtas siya. Dahil dito, nag-aatubili siyang makita ang kanyang kapatid na sumugod muli sa kaguluhan pagkatapos nilang makabalik ng ligtas. Kung may nangyaring masama kay Gerald dahil sa kanya, buong buhay siyang mapupuno ng pagsisisi... Pagkatapos nito ay ngumiti lamang si Gerald bago niya sinabing, “Hindi mo kailangang mag-alala sa akin, ate!” Pagkatapos nito ay tumalikod si Gerald at agad na umalis... Sa hindi kalayuan, pinangungunahan ni Henrick ang ilan sa kanyang mga tauhan para habulin si Gerald. Nakapasok na si Henrick sa Sage Realm kaya kasing bilis niya ang kidlat. Sa wakas ay nakita na ni Henrick si Gerald na tahimik na nakatayo sa kanyang kinalalagyan habang naghihintay ito sa kanyang pagdating, kaya hindi niya napigilan na sumigaw, "Mamamatay ka ngayon kung ito ang huling bagay na gagawin ko, Gerald...!" Kasunod n
“Mukhang nakayanan mo ang unang atake ko! Magaling! Tingnan natin kung kaya mo itong labanan pa!" sabi ni Henrick habang umaatras ng dalawang hakbang. Kasunod nito, iwinagayway ni Henrick ang kanyang mga kamay bago siya sumigaw, "Holy Flaring Fist!" Pagkatapos nito, ang kanyang kanang kamao ay biglang nasunog! Hindi nag-aksaya ng oras ang master ng Quartermain at nagsimula siyang umatake kay Gerald! Nang makita iyon, mabilis na sumigaw si Gerald, "Herculean Armor!" Ngumisi si Henrick sa sheild na inilabas ni Gerald bago niya mapangasar na sinabi, “Sumuko ka na lang! Hindi mo mapipigilan ang atake na ito!" Makalipas ang ilang segundo, isang malakas na tunog ang umalingawngaw habang ang naglalagablab na apoy ay bumangga sa sheild ni Gerald! Nalampasan ng apoy ang Herculean Armor ni Gerald, kaya naramdaman ni Gerald ang sakit ng apoy sa kanyang balat! Hindi niya inaasahan na ganito kalakas ang atake ni Henrick! Kung hindi sapat ang essential qi sa katawan ni Gerald, alam ni Ge
“Master... Master, pakiusap, gumising ka na…!” sigaw ni Jade Infused Blade. Nauna siyang lumabas sa katawan ni Gerald at umupo siya sa tabi ng binata. Pagkatapos nito ay nagpasya si Jade Infused Blade na subukang gisingin man lang si Gerald. Napabuntong-hininga na lamang si Jade Infused Blade nang makita niyang ang mga malalang sugat sa walang malay na lalaki. Kahit pa sira na ang barrier ng essential qi ni Gerald, sa totoo lang ay isang himala na buhay pa si Gerald. Kung hindi dahil sa Herculean Primordial Spirit sa kanyang katawan, patay na siya siguro ngayon... Sa sandaling iyon, kumibot ang mga tainga ni Jade Infused Blade. Kasunod nito, mabilis siyang muling pumasok sa katawan ni Gerald dahil naramdaman niyang may tao dito! Makalipas ang ilang segundo, ilang sanga ng puno ang nagsimulang maglakad patungo kay Gerald... Binalot siya ng mga ito at maingat siyang hinila ng mga sanga sa isang butas ng puno... Makalipas ang halos isang araw, sa wakas ay muling nagmulat na an
“Oh? Bakit?” curious na tinanong ni Gerald "Hindi pa tapos si Henrick sa kanyang training ng Five Blazing Dragons! One level short pa siya! Ang tanging dahilan kung bakit ka nasaktan ng ganito ay dahil nakapasok na siya sa Sage Realm! Nakikita ko na malapit ka na sa dulo ng Rune Realm, pero sa tingin ko ay hindi ko na kailangang ipaalala sayo na ang kapangyarihan ng isang Ninth-rank Chakra King at isang Sage ay magkaiba pa rin!" ipinaliwanag ng tree spirit. “...Hindi ang atakeng iyon ang nagpabagsak sa akin? Nakuha ko lang ang lahat ng mga pinsalang ito dahil sa pagkakaiba ng lakas namin?" agad namang tinanong ni Gerald. "Tama iyan! Kung kailangan mo ng patunay, ang taong makakatanggap ng expert attack ng Five Blazing Dragon ay magiging mga alikabok! Marami kang masasabi dahil buhay at humihinga ka pa sa harap ko ngayon!" sagot ng tree spirit. "…Mukhang alam mo ang tungkol sa atakeng iyon at gayundin si Henrick... Sino ka ba talaga, kung walang problema sayo na malaman ko...?"
Sa tulong ni Roman, inabot lamang ng kalahating araw para tuluyang gumaling ang mga sugat ni Gerald. Kasunod nito, sinimulan ni Roman na ibigay ang training sa Five Blazing Dragons kay Gerald at tinuruan rin ng tree spirit kay Gerald ang maraming iba pang martial arts na natutunan niya sa buong buhay niya. Dahil doon ay pumayag si Gerald sa terms ni Roman. Ang kondisyon ni Roman ay ang makuha ang isang bagay na noon pa man ay pinaplano nang gawin ni Gerald. Sa madaling salita, gusto ni Roman na tapusin ni Gerald ang buhay ni Henrick. Hindi nagtagal, nakabisado ni Gerald ang Five Blazing Dragons attack. Dahil ang kaalaman ay ibinahagi kay Gerald, hindi na kinailangang sumailalim pa ni Gerald sa anumang pagsasanay upang makabisado ang training. Magagamit na niya ngayon ang lahat ng training natutunan noon ni Roman! Pagkatapos maibigay ni Roman ang lahat ng kailangang malaman ni Gerald, ang boses ni Roman ay umalingawngaw sa huling pagkakataon sa butas ng puno habang sinasabi niya