Bigla na lamang tumango at ngumiti si Gerald. Mabuting babae si Sia at nakaramdam ng mainit na pakiramdam si Gerald sa kanya. 'Madalang nang magkaroon ng mabuting babae sa ganitong panahon... Tinadhana kayang magkakilala kami dito...' Dahil doon, naramdaman ni Gerald na magagamit din niya ang pagkakataong ito para pagbigyan siya sa kanyang kagustuhan. Pagkatapos ng lahat, hindi problema sa kanya ang pera at ayaw niyang gumastos ng malaking halaga basta't makuha niya ang gusto niya o bigyan siya ng access sa isang technique na gusto niyang matutunan. Ito ang paraan niya para mabayaran ang kabutihan nito sa kanya. Naputol ang kanyang train of thought nang biglang nagsalita si Young Master Turnbull na nasa stage habang hawak ang mic, “Manahimik po tayo, ladies and gentlemen!" Nang marinig iyon, biglang tumahimik ang lahat. Sa sobrang tahimik nito, parang rehearsed ito sa isang play. Nang mapansin siya ng lahat, pinikit ni Baelfire ang kanyang mga mata bago niya sinabing, “Sigura
Ang kahoy na karton ay mahigpit na nakabalot. Gayunpaman, nakikita pa rin ng iba ang malabong outline ng isang babaeng may mahabang buhok sa loob na nakahiga na parang isang bola. “Wow! Grabe si Young Master Turnbull para mag-auction ng isang aktwal na babae!" galit na sinabi ni Sia. Hindi rin siya nag-iisa. Ang ilan sa kanila ay mas gusto ang pera at ang iba ay gusto ang kapangyarihan, pero marami sa mga kababaihan doon ay may mga limitasyon pa rin at ayaw nilang tanggapin ang katotohanan na ang isa sa kanila ay na-auction nang ganoon lang kadali! Makatwiran ang kanilang dahilan kung bakit sila naiinis. Kung tutuusin, ano pa ba ang dapat nilang maramdaman na makita ang isang tao na nasa parehong kasarian nila ang naka-display para ibenta ng ganoon na lang? Sa kabila ng karamihan sa mga babae ay nararapat na magalit, ang ilan sa kanila ay may iba't ibang opinyon. Kahit si Fia ay biglang nagsalita, “Ano bang alam mo? Para sa mga mayayamang batang tagapagmana, walang kwenta sa ka
‘…Hindi kaya… mali ang narinig ko…? Imposible ito, hindi ba...?’ naisip ni Giya habang dahan-dahan tumingin sa paligid niya at sinusubukan niyang hanapin ang pinagmulan ng sigaw na iyon. Gayunpaman, nakaramdam siya ng matinding pagkagulat na parang nagkatotoo ang kanyang panaginip! Marami siyang gustong sabihin, pero parang may bumara sa kanyang lalamunan na pumipigil sa kanyang magsalita... Si Sia ay tumingin kay Gerald na naglalakad na papunta sa stage bago siya sumigaw sa sobrang gulat, “Huh? Kilala mo ang babaeng iyon, Gerald?” “Hah! Sa tingin ko ang talunan ay sobrang naakit sa kanya na kusa siyang naglakad papunta sa stage! Mukhang hindi siya ang uri ng tao na may pera para bilhin siya sa pamamagitan ng auction!" Mapanuya na sinabi ni Beau. “Sino ba talaga siya? Napaka bastos! Kapag nasaktan niya si Young Master Turnbull, paniguradong mamamatay siya sa lalong madaling panahon! Kailangan natin siyang ilayo!" Sabi ni Yosef habang nakakunot ang kanyang noo. Gusto ni Sia
Makikita ang mapanlait na tingin sa mukha ng pitong lalaki nang bigla silang yumuko na parang mga mababangis na wolf na gustong sugurin si Gerald! Nakakatakot ang kanilang mga itsura kaya takot na takot ang lahat nang makita sila! "Jusko, mukhang pinupuwesto nila ang kanilang mga sarili para patayin ang walang kaalam-alam na lalaking ito!" “Humph! Kasalanan niya ito dahil hinayaan niyang mangyari ito! Pero iniisip ko kung hindi niya alam ang kapangyarihan ng pamilyang Turnbull sa Yanam. Ang lakas ng loob niyang saktan si Young Master Turnbull sa lahat ng tao! Pagkatapos siyang patayon, paniguradong susunod na ang mga miyembro ng pamilya niya!" Karamihan sa mga tao sa labas ng stage ay nangangasar kay Gerald, pero kasalukuyan namang hindi mapalagay si Sia. Lumingon siya sa gilid niya at nagmakaawa, “Young Master Jenks! Fia! Bilisan niyo at gumawa ng paraan para iligtas siya! Gamitin niyo ang kapangyarihan ng inyong pamilya o kung ano pa man! Gusto lang naman niyang iligtas ang
Pinakita ni Gerald ang kanyang mapahamak na ngiti at hiniwa niya ang hangin gamit ang kanyang blade of light sa kamay! Lumipad ito patungo kay Baelfire at sinubukan ni Lenox na pigilan ito. Gayunpaman, nanatili siya sa kanyang kinatatayuan niyang mapagtanto niya ang lakas ng blade na ito. Walang makakapigil sa pwersang ito!“Y-young master…!” takot na takot na sumigaw si Lenox habang pinagmamasdan niya si Baelfire na hiniwa ng walong piraso! Naging mahigpit ang pakiramdam sa paligid pagkatapos mapanood ng mga tao ang kanyang pagkamatay... Si Lenox naman ay napahinto dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari... Hindi siya masisisi sa naging reaksyon niya. Ngayon lang niya nasaksihan ang nakakakilabot na pagkamatay ng nag-iisang anak ng pinakamayamang tao sa Yanam! Kontrolado ng lalaking iyon ang kalahati ng ekonomiya doon! Pagkatapos mangyari ang lahat ng ito, nahihirapan na si Lenox na isipin kung ano ang mangyayari kaya nagpanting ang kanyang mga tainga. Ang maputlang muk
Ang iba naman ay nanlaki ang mga mata at hindi makapaniwala nang mapagtanto nila na ang tao na nasa stage ay walang iba kundi ang nag-iisang Mr. Crawford ng Sacrasolis Palace! Nang pansamantalang nabigla ang lahat, binasag ni Carlos ang katahimikan habang sinasabi, “Mr. Crawford, ano ang dapat nating gawin sa taong ito?” Maririnig na walang pakialam si Carlos sa mga kahihinatnan pagkatapos niyang sabihin ito at ganoon din para sa iba pang mga tauhan ni Gerald na nasa entablado. Nag-alangan lang si Yeshua dahil plano niyang payuhan si Gerald na huwag pakialaman ang pamilyang Turnbull. Pagkatapos ng lahat, sila ay isang nangungunang pamilya na nagmamay-ari ng higit sa kalahati ng kayamanan ng Yanam! Ang mga miyembro ng pamilyang Turnbull ay mga kamag-anak din ng Hari ng Yanam! Sa madaling salita, ang pamilyang iyon ay may malalim na roots sa kanilang posisyon... Naghihintay ang isang malaking kapahamakan para kay Gerald pagkatapos niyang patayin ang nag-iisang anak na lalaki ng p
Nagulat ang babae at sumigaw nang makita niyang hinawakan ni Gerald ang kanyang kamay, "Ikaw...! Bakit mo ako hinawakan…?!” Pagkatapos nito, makikita sa kanyang braso ang isang layer ng draconic scales na kumikinang ng scarlet red! Habang lumalakas ang liwanag, naramdaman ni Gerald lalong uminit ang kanyang palad at ito ang nag-udyok sa kanya na bitawan ang kanyang pagkakahawak bago siya umatras ng dalawang hakbang. Galit na galit na tumingin ang babae kay Gerald at ang kanyang kaakit-akit na mukha ngayon ay namumula sa galit habang siya ay nakasimangot, "Bakit napakamanyak mo?!" Tiningnan ng maigi ni Gerald ang kanyang mukha at huminga siya ng mabilis at makikita na mas emosyonal kaysa dati! 'Kaboses at kamukha mo rin siya! Masasabi ko na sa wakas ay natagpuan na kita, Mila...!' "Pakiusap, tingnan mo ako nang matagal, Mila! Nakalimutan mo na ba talaga kung sino ako? Ako si Gerald! Walang sawa kitang hinanap sa loob ng apat na taon mula nang mawala ka sa excursion na iyon!"
Naistorbo siya sa kanyang iniisip nang biglang may tumawag sa kanya, “Xoie? Xylina! Saan kayo pumunta?" Nang marinig iyon, mabilis namang sumagot si Xylina, “Ah! Mila! Pumunta kami sa-" Nakahinga ng maluwag si Xoie nang maalala ni Xylina ang kanilang naunang pangako nang pigilan niya ang kanyang bibig. Mabilis na siniko ni Xoie si Xyline kaya mabilis siyang natauhan habang nagpapatuloy siya, “…Pumunta kami dito para… tumingin sa paligid! Hindi ba ang ganda ng dagat ngayong gabi?" Ngumiti lang si Mila habang tumatango bago siya sumagot, "Mahirap makipag-negotiate sa King in the North, pero ang ating adoptive father ang nag-utos sa atin na gawin ito. Nakakainip talaga ang ginagawa natin ngayon, pero kailangan nating sundin si papa hangga’t maaari at huwag sana tayong gumala!" “Alam namin Mila... Dala ko na pala ang gamot na inutos ko sa ilang subordinates ko na kunin para sayo. Parang sobrang lala ng headache mo tuwing gabi kaya naisip kong kumuha ka ng isang bagay na makakatul